Di na ako makagalaw ng maayos simula ng matapos iyong tawag. Nakapasok na ako at lahat lahat sa firm pero feeling ko naiwan iyong kaluluwa ko sa labas ng building na ito.
Special raw ako? Anong klaseng special? Special lomi? Special bulalo? O special ocassion?
Dahil sa dire-diretso akong naglalakad papunta sa kung saan di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng men's cr. Nakatingin sa akin na nawiwirduhan si Architect Contreras.
"Huy! Ms. Virtucio? You alright?" Tanong niya at nilipat ang tingin sa men's cr kung saan siya galing at sa akin.
Shet! Baka akalain ni Architect na sisilipan ko siya! Oh noes! Mabilis akong tumungo at humingi ng sorry.
"Sorry po! Medyo masama po kasi pakiramdam ko." Pagsisinungaling ko para ‘di mapahiya.
Leche naman kasing Von yan! Dahil sa kanya mapapagkamalan tuloy akong manyak sa firm!
"You okay? Umuwi ka na lang muna? Just call this a day. Rest. May conference pa kayo ni Mercer na pupuntahan bukas diba?" Medyo nag-aalala niyang sabi.
Tumango ako.
"Okay lang po ba talaga? Magsstay na lang po kaya ako sa office?" Tanong ko.
Hindi naman masama ang pakiramdam ko pero pakiramdam ko kapag ‘di pa ako umalis dito, masisiraan ako ng bait sa pagtulala sa opisina.
"No, it's alright. Baka mamaya kausapin mo na ang dingding. Go home and take a rest. Kay Mercer ko na muna ipapasa ang gawain mo since wala namang ipapagawa masyado sa kanya si Architect Gozon."
Medyo nakunsensya ako sa sinabi ni Architect Contreras. Ipapasa niya ang gawain ko kay Mercer. Pero mas nakakakunsensya kung pumalpak ako rito dahil sa hindi ko kayang magfocus. Baka mamaya hindi ko pa matapos ang work ko dahil bigla na lang akong ifire dito kahit intern lang ako.
Tumango ako kay Architect. Sige, babawi na lang ako kay Mercer. Ibibili ko siya ng gundam sa pasko as a gift. Mahilig kasi sa anime yun. Ano nga tawag niya sa sarili niya? Utak? Itak? Basta ganun yung tunog eh! Basta may "tak". Pumikit ako at umiling hahayaan ko na nga. Itatanong ko na lang sa kanya ulit.
Naglakad ako papunta sa table ko at niligpit ang gamit. Nakita ko si Mercer na nakatitig sa phone niya habang nagscroll sa sss niya.
"Oh? Saan ka?" Tanong niya sabay inom sa kanyang kape.
Umiling ako.
"Pinapauwi ako ni Architect. Masama pakiramdam ko."
Tumayo naman siya at sinipat iyong noo ko.
"Di naman mainit pero umuwi ka na nga, baka mamaya bigla ka na lang nga atakihin dito. Mahirap na." Sabi niya bago umupo ulit sa harapan ng kanyang table at tumingin sa phone niya.
Umalis na ako at nagdiretso sa sakayan ng jeep ng bigla akong mapangisi ng maalala iyong salita!
Otaku! Iyon yung tawag ni Mercer sa sarili niya. Otaku raw siya! Atleast, malapit sa Itak at Utak! Pwede na. Sumakay ako ng jeep at nahihibang na ata ako. Dahil byahe papunta kina Von ang sinakyan ko. Lechugas! Siya nga ang dahilan bat di makapagfocus tas pupuntahan ko pa siya? Nababaliw ka na ba?
Pero dahil nakikipagtal ako sa utak ko nanalo pa rin ang side na pumunta ako. Di naman ako pupunta dahil sa kanya! Pupunta ako para sa adobo ni Kel! Tama! Tama!
"Manong para na!" Sigaw ko ng nasa tapat na kami ng Hyacinth Estates. Pinapasok na ako nung guard dahil kilala na niya ako nagawa pa nga akong batiin eh.
Pumasok ako ng diretso sa bahay nina Von. Nginitian ako ng mga katulong na para bang inaasahan talaga nila ang pagpunta ko. Kababa lang sa hagdanan ng nakasimangot na si Kel. Hawak hawak niya iyong iPad niya.
"Oh? I thought after work?" Tanong niya.
Napangiwi ako! Sana nga matuwa siya kasi maaga niyang makakain ang chicken adobo! Bakit parang ayaw niyang nandito ako?
"Ayaw mo?" Tinaas ko pa ang kilay ko.
Nagkibit balikat siya sabay tingin sa akin.
"I didn't say anything right? Tss. By the way, Uncle Von is not around. He's reporting to his modelling agency. Shoot and stuff." Umupo pa siya sa sofa at nagpipindot na ulit sa iPad niya.
Minsan para talaga siyang matanda kung umasta, pero para namang bata kung magtantrums. Hays! Batang matanda talaga 'to.
"Wala akong pake sa Von na 'yan. Ano magluluto na ba ako o hindi pa?" Umupo ako sa tabi niya.
Sumama na naman ang tingin niya sa akin. Well, kailan ba gumanda ang tingin niya? Tss.
"Move." Utos niya.
Lumayo ako kasi baka mamaya sakalin na lang niya ako bigla. Nakakatakot na.
"God! She's so annoying! I don't know why he likes her! I can't stand being around her." Bulong niya sa tabihan ko.
Ayan na naman siya like like na yan! May nakikita ba itong multo sa paligid? Lumayo ako lalo sa kanya. Lingon siya sa akin at umiling.
"Oh! And she's weird! But he likes her a lot."
Sumama ang tingin niya at tumayo na para umakyat sa second floor.
"Cook when uncle's here. He wanted to see you. You know the house. Help yourself! Don't be an idiot." Umirap siya at nagmamadaling tumakbo pataas.
Naiwan akong nakanganga sa batang iyon. Ano raw? Don't be an idiot? Lechugas! Mukha ba akong tanga! Pero nakalimutan kong itanong kung anong oras dadating si Von. Umupo ako sa sofa at binuksan ang television at nanood ng kahit ano sa cartoon network.
Natapos na ang episode ng chowder, ben 10 at johnny bravo pero wala pa rin si Von! Hayst? Nasaan na kaya yung lechugas na 'yon? Teka, naeexcite ba akong makita siya? Hindi, gusto ko na talagang magluto.
"Oh, Veronica.. Meryenda ka muna." Nakangiting sabi ni Manang at umupo sa tabihan ko.
Nginitian ko si Manang at nagpasalamat.
"Mukhang nagkakalapit na kayo ni Von, ah?" Tukso ni Manang.
"Mabuti naman, medyo malungkot na kasi 'yang si Von sa loob ng limang taon."
"Po?"
Si Von, malungkot ng limang taon? Anong nangyari?
"Si Von kasi, may babaeng mahal na mahal kaso hindi na sila nagkabalikan muli eh. Kaya ayon, umalis sa kompanya, bumalik sa pagmomodelo. Para na rin siguro makakilala ng iba pang babae. Medyo nagkulong iyan ng malamang buntis na iyong babaeng mahal niya."
Uminom ako ng juice at nakinig kay Manang.
"At natutuwa ako na nandito ka na. Mukhang napapangiti mo siya kaya madalas siyang namamalagi sa bahay. Dati kasi ayaw niyan na naiiwang mag-isa."
"Teka lang po, Manang. Nakamove-on na ba yang si Von?" Tanong ko sabay subo doon sa macaroons na dala ni Manang.
Tumingin sa akin si Manang at ngumisi na para bang niloloko ako.
"Naku! Manang alam ko yang tingin na yan ah! Di po ganun. Nacurious lang ako. Mukha naman kasing wala siyang pinagdaanang ganun kung umasta sa akin eh!" Pagdepensa ko sa maaaring naiisip ni Manang.
Humalakhak si Manang.
"Di ko alam. Pero sa tingin ko, oo naman. Wala rin kasing dinedate yan sa loob ng limang taon. Malay mo bago magpasko meron na diba?" Ngiti ni manang.
Tumango ako. Sana nga. Kawawa rin naman pala yung lechugas na may saltik na yun. Kaya siguro ganun epekto ng break-up. Pero kung ako din naman, kung sakaling makabuntis ang boyfriend ko ng iba.. Baka mabaliw ako. Kaya ngayon, naiintindihan ko na ang trip sa buhay ni Von.
"Manang, wag ka pong mag-alala. Aalagaan ko si Von hanggang sa mahanap na niya yung babaeng para sa kanya." Pangako ko.
Kailangan ni Von ng pang-unawa. Tutulungan ko siyang magmove-on ng sa ganun ay mahanap na niya ang nakatakda sa kanya. Kahit lagi kaming may away nun, kaibigan ko na rin siya. Tumango si Manang sa akin pero bakas ang ngiti. Medyo creepy rin si Manang eh! Parang si joker laging nakangiti.
"Ikaw ang bahala. Pero para sa akin, nakita na ni Von. Di pa lang niya napapansin. Sige alis na ako. Uutusan ko pa si Letty na maglaba. Hintayin mo si Von." Umalis na si Manang at naiwan na naman akong nakatulala sa phone ko.
Text ko kaya? O tawagan? Napailing ako. Bakit ko naman tatawagan? Anong sense? Baka sabihan lang niya ako ng chismosa sa kabilang linya kapag sinabi ko. Alam ko pa naman ugali nito. So instead, napagpasyahan kong text ko na lang siya. Atleast dito di niya ako masisigawan.
To: Lechugas
Kung mabigat na talaga, tutulungan kitang dalahin. Text mo lang ako kapag may problema ka :) Chill ka lang!
Sabay sinend ko. Nanood na ulit ako ng tv. Atleast di ako wala akong kwentang kaibigan. Baka isipin niya freeloader ako no! Medyo lang.
Nagvibrate ang cellphone ko sa text niya. Kinagat ko iyong hawak na macaroon bago tiningnan iyon.
From: Lechugas
I don't get you. Weirdo. Tss.
Napailing ako sa reply niya. Wala na akong load para iexplain pa sa kanya. Kung ‘di niya gets, problema niya na yun. Binaba ko iyon, pero nagvibrate ulit iyon.
From: Lechugas
Hey weird. Wait for me okay? We're packing up.
Binaba ko ulit ang cellphone bago isubsob ang mukha ko sa unan. Ang weird na ng nararamdaman ko. Kailan ba ito titigil? Lechugas talaga!