Pagkagising ko, tulog na tulog si Jojo sa kanyang kwarto. Siguro ay bumalik siya noong tulog na ako. Ano kayang nangyari dito? May phobia ba to sa legs ng babae?
Sabagay, bakla 'to. Baka nainis kasi mas makinis ako sa kanya.
Napatawa ako sa naisip ko at sinaraduhan ang pintuan. Maaga ang pasok ko. Kumuha ako ng damit at pumasok na sa banyo. Kumanta kanta pa ako habang naliligo. Hay, salamat! Medyo nawala ang kahalayan ko nang makatulog ako. Siguro epekto lang nung mga araw na lumipas. Palagi kasi akong puyat at pagod.
Nagtuyo ako ng sarili pero nakasuot na ang bra ko at sando ng marealized na wala akong dalang short. Iyong cycling ko na kasing ikli lang ng panty ang dala ko. Napakamot ako sa ulo? Paano na yan! Tulog pa naman si Jojo at nakakatakot siyang gisingin.
Tutal, tulog nga naman si Jojo. Malaya akong makakalabas ng nakacycling. Atsaka, kahit naman makita niya akong nakaganito.. Hinding hindi magnanasa sa akin iyon! Binuksan ko na ang pinto at dahan dahang sumilip ng pinto. Nakita ko na sarado pa ang pintuan ng kwartoni Jojo na katapat lang ng kwarto ko.
Mabuti na lang at tulog pa siya. Kahit kasi magbestfriend kami ni bakla, di pa niya ako nakikita na nakapanty lang. Nirerespeto pa rin niya ako. Hays! Ang sabihin niya, maiinggit lang siya kasi meron ako ng wala siya! Saktong nasa may tapat na ako ng pintuan ng kwarto ko ng bumukas ang pintuan ng kwarto ni Jojo. Nagkusot siya ng mata ng makita ako. Para bang namamalik-mata siya.
Naestatwa ako. Hala. Hinead to foot niya ako at unti-unting lumaki ang mata niya sabay sara ulit ng pintuan niya.
"Shet naman, Veronica! Magbihis ka nga!" Sigaw niya mula sa loob.
Binuksan ko ang pintuan at tumango kahit na ‘di niya iyon kita.
"Sorry na! Di ko akalain na gising ka na eh! Nakalimutan ko magdala ng shorts. Safe ka ng lumabas!" Paliwanag ko habang nasa kwarto ako.
Narinig ko ang paglabas niya sa kabilang room. Di siya sumagot kaya nagpatuloy na ako sa pag-aayos ng sarili ko. Kuha ako ng semi-formal na dress at naglagay ng light make-up pagkatapos kong tuyuin ang buhok ko. Kinuha ko iyong canister ko at lumabas na para makapagluto ng agahan dahil maaga akong pupunta sa office para naman mabilis kong matapos ang internship ko at makakuha ako ng board exam.
Kailangan kong maging arkitekto!
Sumalubong agad pagkasara ko ng pintuan ang likuran ni Jojo na nakaputing tshirt at medyo maikling jersey short. Lakas ng loob magshort ng maikli eh puro muscles ang binti. Sa ganito dapat na legs siya nahihimatay. Nakakasuka compare sa makinis kong legs.
"Anong niluluto mo?"
Pumunta ako sa likuran niya at sinilip iyong niluluto niya habang nakasandal ako sa likuran niya. Naramdaman ko ang pagtayo niya ng tuwid sabay tulak sa akin.
"Wag ka ngang dumikit! Ang aga aga iniimbyerna mo ako! Dun ka nga!"
Tinuro niya iyong 4-seater na dining table namin. Sumimangot ako. Bakit ba ang taray taray nito? Dati naman okay lang na magyakapan kami at kagatan. Ang arte porket 26 na siya!
"Ang arte mo! Naligo ako. Wala akong nakakahawang germs kung iyon ang kinatatakot mo!"
Umiling siya at pilit na tinuro iyong silya.
"Di iyon ang kinatatakot ko! Shet naman, Veronica. Upo ka na dun!"
Tinulak tulak pa niya ako. Padabog akong pumunta sa upuan at nangalumbaba.
"Eh ano ba kasing kinatatakot mo at ayaw mong madikit ako sa'yo?" Pangungulit ko.
Di kaya may nakakahawa siyang sakit kaya ayaw niyang lumapit ako? Baka mamatay na lang siya bigla!
"Nevermind. Let's eat."
Nilagay niya iyong bacon sa plato at nilagyan ako ng plato at kubyertos sa aking harapan. Nilabas din niya ang timplang juice mula sa ref. Kumain na ako dahil nakita ko na malapit na ang oras ng trabaho. Hindi na ako nangulit pa, dahil paniguradong magtatagal ako. Tahimik din naman si Jojo at di ako tinapunan ng kahit anong tingin.
"Alis na ako. Late na ako sa firm. Bye, baks!"
Nginitian ko siya at nagthumbs up ako. Tumango lang siya.
Habang naglalakad ako pababa ng hagdan sa apartment tumunog iyong cellphone ko. Dali-dali ko iyong kinuha sa pag-aakala na si Architect Contreras iyon ngunit bumungad sa akin ang isang unregistered number.
"Hello po?" Sagot ko habang pumapara ako ng jeep.
Sumakay ako ng ‘di tinatagtag ang cellphone sa aking tenga. Buti na lang at dadalawa kaming sakay.
"Ven," Boses ng lalaki iyon at base sa boses ay kilala ko na kung sino.
Mukhang bagong gising siya at sa background niya ay ang umiiyak na boses ni Kel. Ano na namang pinag-awayan nilang magtiyuhin?
"Von? Anong nangyari? Umiiyak si Kel? "
Nilagay ko ang isa kong kamay sa aking tenga para marinig pa siya.
"Anong sa tingin mo? Syempre si Kel ang umiiyak dito." Namimilosopo niyang sabi.
Napairap ako. Wow! Lakas mang-asar. Kung p*****n ko kaya ito ng tawag? Nakakimbyerna ah!
"Gusto mong patayin ko 'to? Nice talking ka eh!" Naiinis kong sabi.
Narinig ko na mas lumakas ang iyak sa kabilang linya at huminga siya ng malalim.
"Tss. Kel wants to see you. He wants your chicken adobo." Sabi niya.
Huh? Ano raw? Chicken adobo? Tiningnan ko ang relo ko. Hindi pwede. Late na ako.
"I have work. I can't." Sabi ko.
Narinig ko na inulit niya iyon kay Kel pero nagwala pa ang iyak lalo ni Kel. Napailing ako. Spoiled brat!
"Von, pakibigay nga kay Kel yung phone." Utos ko.
Narinig ko ang maingay na yabag niya. At ang ingay na galing sa galaw niya. Maya-maya pa ay nakakarinig na ako ng singhot sa speaker. Malamang nasa batang spoiled na ang phone.
"Hoy! Akala ko ba kaya mo na sarili mo? Bat umiiyak ka ngayon ah? May pa I don't need you ka pa dyan. Tss."
Di nagsalita si Kel sa sinabi ko.
"I don't need you! I need your adobo!" Paglilinaw niya.
Napairap ako. Indirectly na rinni yang sinabi na kailangan niya ako. Sinong magluluto ng adodo kung wala ako?
"Indirectly speaking that you need me. Tss. By the way, I have work. I can't cook for you. Ganito na lang.. just do me a favor, okay?" Suminghot na naman siya sa kabilang linya.
"Oh-kay. What kind of favor?" Medyo ngongo niyang sabi.
Siguro gawa ng iyak niya. Napangiti ako. Cute na siya kung di siya palaging beastmode at harsh! Kuhang kuha niya ugali ng tito niya eh Grrr.
"Stop crying. Be a good boy to Tito Von and I'll go there after work to cook your chicken adobo. Deal?" Tanong ko.
Huminga siya na parang nag-iisip. Really? Kailangang pag-isipan ang pagiging good boy? Malala na talaga to!
"Yeah. Whatever." At nakarinig ako ng ingay. Maya-maya boses na naman ni Von ang narinig ko.
"What did you say? He looks fine again. Tsk."
Ngumisi ako sa naguguluhan niyang boses. Palibhasa isa pang spoiled kaya di marunong magpaamo ng bata.
Sometimes, kailangan mo lang ng magaling na dila para mapaamo sila. Kawawa naman magiging anak nito, walang kaalam alam sa parenting eh! And mas lalong kawawa magiging asawa niya. Sino kaya magiging asawa nito ng mabalaan naman?
"Abilities, Von. Special Abilities!" Pagyayabang ko.
Sakto namang nasa tapat na ako ng firm kaya bumaba na ako pero di ko pa rin pinuputol ang tawag.
"Well, I can't argue anymore with that special ability of yours. Mukha ka namang special child eh!" Medyo tumawa pa siya sa kabilang linya.
Gumawa ako ng naasar na mukha kahit na ‘di niya ako nakikita. Nag-uumpisa na naman siya. Tss! He and his freaking tongue.
"Whatever. Not even funny!" Medyo naasar kong sabi.
Di ba pwedeng magthank you na lang? Kailangang mang-bwisit pa? Medyo masama ang gising ko dahil nakakairita na si Jojo sa apartment tas pati siya nakakairita din! Ano bang meron ngayon? National nakakairita day ba? Tss.
Siguro ay nasense niya na medyo seryoso ako. Tumigil siya sa pagtawa. Walang nagsasalita sa amin. Nanatili akong nakatayo sa harapan ng firm at nakikinig sa paghinga niya. Di ko maintindihan kung bakit kahit walang nagsasalita sa aming dalawa, walang nagdedesisyon na itigil ang tawag.
Aksaya sa load! Sana tumawag siya sa may asthma kung gusto lang niya makarinig ng pagbuntong hininga. Lakas din ng trip nito.
Handa na akong patayin ang tawag ng bigla siyang magsalita.
"I'm sorry, I don't mean it. But you are really a special person, Veronica. Okay, I'll hang up. See you. Bye."
Napatitig ako sa cellphone ko pagkaend ng tawag na para bang anytime ay maaari siyang tumawag ulit para sabihin na "joke" o kaya "yari ka!" pero wala. Nakalimang minuto na pero wala pa rin. Ni hindi niya binawi ang sinabi niya.
Seryoso talaga siya.