"Manang!" Rinig na rinig ko ang sigaw ni Von na kararating lang siguro. Kasalukuyan kasi akong nakaharap sa refrigerator at kumukuha ng gagamitin. Sumilip siya sa pintuan ng kitchen na para bang may hinahanap siya at ‘di mapakali. Ano na naman bang trip nito. Napatigil siya ng makita niya ako at nagpunta siya sa akin. "Tss. You're here." Kumunot ang noo ko at tiningnan ang dinedefrost kong manok. "Sabi mo hintayin ka diba?" Tumango siya at umalis. Siguro magpapalit ng damit ng bigla na namang sumulpot sa kung saan ang kabute niyang pamangkin. "List the procedures and ingredients for chicken adobo here." Binigyan niya ako ng papel at lapis. "Ha? Para saan?" Umakyat siya sa stool sa tabi ng kitchen counter. Tiningnan ko naman siya at naguguluhan