V

1228 Words
    "Ah, una na ako!" Ngumisi ako at mabilis na kumaway bago pumasok sa apartment. Iniwan ko silang dalawa ni Kel. Hindi ko na sila inalok na pumasok sa loob dahil sa pagkataratanta ko.     Shet! Mahihimatay ata ako. Nahalikan ko siya. Sumandal ako sa pintuan ng apartment ng biglang bumukas iyon. Nagulat ako ng bumagsak ako sa sahig.     "Ay, ano ba yan bakla!?" Natatarantang sigaw ni Jojo na nagbukas ng pintuan.     Hinihimas ko ang aking likod. Paika-ika akong naglakad papasok. Mataas ang kilay ni Jojo na pinanood ako.     "Bakit ‘di ka umuwi dito kagabi? Di ka man lang pumunta sa birthday ko?" Medyo mataas ang boses ni Jojo.     Umupo ako sa sofa. Hinubad ko ang aking medyas at hinayaan siyang panoorin ako habang nakasandal sa pintuan.     "Jojo, sorry na. May ginawa lang talaga ako." Pinagdaop ko ang aking palad.     Kailangang humingi na ako ng patawad sa baklang ito. Grabe pa naman magtampo ito. Yung tipong kahit na siguro lumuha ka ng dugo, di ka niya papansinin hanggang wala siyang kailangan sa'yo. Masamang ugali nito!     "Baks, sorry na." Nagpeace pa ako sa kanya.     Umiling naman siya at umismid pero di naman nagwalk-out. Ayos! Mukhang mild na galit lang meron siya.     "Tsss." Sabi ni Jojo at umiling.     Pag ganitong mga sitwasyon, nagmumukhang lalaki si Jojo. May hitsura naman siya. Di siya kaputian pero moreno. May biceps rin siya na nagfeflex everytime na gumagalaw ang kanyang mga braso. Nag-aaksaya kasi siya ng oras sa gym dahil ayaw raw niyang magkaroon ng carbs.     "Hoy,  Joshua Jorel Severio! Pasensya na kasi."     Lumuhod na ako sa harapan niya. Tinitigan niya lang ako at wala siyang ginawa kundi tingnan lang ako.     "Tss. Tumigil ka Veronica Jane Virtucio. Naiimbyerna ako sa'yo." Irap niya.     Napangiti naman ako. Ganitong ganito kasi kami kapag okay na kami. Buong pangalan. Tumayo ako. Niyakap ko siya. Tinutulak niya ang mukha ko palayo sa kanya. Napangiwi ako pero di ko siya pinagalitan. Baka mamaya magalit na naman siya.     "Jojo, paano kapag nagkaroon kayo ng physical contact ng isang tao tas bigla kang natulala? Yung tipong nakakabingi ang t***k ng puso mo?" Tanong ko.     Tumaas ang kilay niya sa akin at kinagat ang kanyang labi. Napataas ang kilay ko sa kanyang reaksyon. Para bang natigilan siya na may napagtanto.     "Anong klaseng contact? Intimate o yung casual lang?" Tanong niya.     Pareho naman. Nagkaroon kami ng intimate at casual. Meron pa ngang s****l eh! Kinagat ko ang aking labi. Nabeberde na naman ang utak ko!     "Uh? Intimate?" Naguguluhan kong sagot.     Tumuwid siya ng upo sa narinig sa akin. Para bang gulat na gulat siya.     "Intimate?!" Sumigaw siya sa tapat ng tenga ko.     Napapikit naman ako sa boses niya. Medyo malaki kasi iyon.     "Hindi naman intimate! Accidentally lang." Sagot ko.         Mukhang di siya nakuntento at naningkit pa ang kanyang mga mata. Pigil ang hinga ko, nakakatakot si Jojo.     "Jojo naman eh! Seryoso kasi. Alam kong malapit na ang november pero please lang stop that look!"     Umiling namam siya at bumuntong hininga.     "Tsk. Gusto mo ng seryoso? Sasagutin kita, disturbed ka sa presence niya."     Ako naman ang naningkit. Disturbed? Ano yon? Parang sa multo?     "Ha?" Nagawa ko pang magtanga-tangahan kahit na may clue naman ako.     "Disturbed. Yung parang ‘di ka mapakali. Yun ang meaning ko sa vocabs ko ah! Bakla ako kaya ‘di ko alam yan. Basta conscious ka ganun! Or baka sexually interested ka kaya ganun."     Sexually interested? Yun ba yun? Nalilibugan ba ako? Hala! Ang bad naman ng katawan ko. Promise ‘di ko iniisip yon pero gumagalaw na lang ng kanya ang utak ko. s**t!     "Oh? Natulala ka ano? Sino ba kasi yan? Fishy fishy yan, ah!" Kinurot pa niya ang tagiliran ko.     Hinampas ko naman ang kamay niya dahil may kakaiba akong naramdaman. Simula na lang ng may nangyari sa amin, pag nagkakaroon ng contact ang opposite s*x parang nakukuryente ako.     Pero ‘di pwede! Bakla si Jojo. Gosh! Magparehab kaya ako or retreat para naman mabawasan ang kahalayan ko?      "Si ano... Feeling ko kilala mo siya eh!"     Kinamot ko ang ulo ko habang hindi ko masabi. Si Jojo kasi ay may matalas na memorya sa mga models na nakakatrabaho niya. At sabi nga ni Manang, sikat na modelo iyang si Von.     At maliit ang mundo...     "Tss. Yun naman pala eh! So no need to be shy! Just tell me. Sabunutan kita eh!"     Sinabunutan nga niya ako kaya napatili ako. Grabe manakit tong baklang to!     "Si Von Garcia!" Sigaw ko ng sabunutan niya ulit ako.     Halos matagtag ang anit ko, ang sakit! Sasamain talaga sa akin ang baklang to pag nagkaroon ako ng pagkakataon.     "Hala teh! Kilala ko nga." Gulat na gulat na sabi niya. "Crush mo si Von?" Tanong niya.     Nakatitig lang ako sa kanya. Anong crush! Leche! Nakakabwisit nga kausap yun. Ni hindi tumatagal ng sampung sentences usapan namin!     "Hindi no!"     Nakanganga pa rin si Jojo at tinitigan ako.     "Then, nagkaroon kayo ng physical contact? Intimate pa kamo? Gosh." Tanong niya na para bang isang malaking joke ang lapitan ako ni Von.     Tumango ako.     Minamaliit ata ako ng bakla. Kahit mahirap pa ako. Makinis naman at pang anak mayaman ang kutis ko.     "Wait! What! Paano?" Tanong niya at inalog alog pa ang dalawang balikat ko.     Kinuwento ko naman lahat sa kanya except sa part na medyo SPG kami ni Von. Feeling ko kasi sasabunutan na naman niya ako eh kapag di ako tumigil. Mahirap na baka pagtawanan ako ni Mercer kapag wala na akong buhok na pumasok bukas sa firm.     "So, siya yung important matter mo nung birthday ko? Wow! Kaya pala nawala siya sa dagat ng bisita ko!" Irap niya.     Crush niya kasi si Von. Pero not to the extent na kakalbuhin niya iyong aagaw. Tanggap naman ni Jojo na di siya papatulan kasi pareho sila ng thing. Kumbaga namamamngha lang siya. Scout kasi siya ng mga modelling chuchu kaya ‘di imposible na kilala niya si Von at naging bisita pa niya sa party.     "Ni hindi nga nagsasalita si Von. He's so timid pero pag nasa camera akala mo kung sinong bad ass!" Namamanghang sabi ni Jojo.     Si Von? Di nagsasalita? Baka mahimatay siya sa gulat kapag nakita na niya kaming magbangayan ni Von.     "Oh for the love of Olympus! Tas nagkaroon kayo ng intimate chuchu! Sana man lang teh, nagpatulong kang iuwi si Von ng sa ganun naman ay maging close rin kami. Edi sana sa katulad kong dyosa siya nagkaroon ng contact di sa katulad mong.."      Hinead to foot pa niya ako. Leche siya! Ano na naman? Tss.     "Kapal mo Jojo! Ang kinis ko kaya, daming kumukuha sa aking model ano? Tingnan mo nga itong legs ko." Tumayo ako at tinaas ang dress ko hanggang sa bikini area ko.     "See? Ang kinis kinis ko!"     Hindi sumagot si Jojo. Nanatili lang siyang nakatingin sa legs ko. Ngumisi ako at proud na proud na hinimas iyon. Kahit hawakan pa niya, maniniwala siya dahil alaga ko yan simula bata pa lang!     Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya at unti-unti siyang lumunok. Hindi siya gumalaw at nanatili pa ring nakatingin sa aking legs na akala mo ay naestatwa. Makalipas ang ilang minuto, dali dali siyang tumayo at lumabas sa apartment ng walang sinasabing kahit na ano.     "Tss. Para talagang alien si Jojo!" Sigaw ko bago padabog na umupo sa sofa.     Bakit ba ang malas malas ko? Lahat ba ng tao sa paligid ko alienated? Lechugas naman oh!   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD