IV

1964 Words
    Tinulak ko siya kaya't sumama ang tingin niya sa akin. Pinulot ko iyong hose at tinapat sa kanya.      "Subukan mong lumapit babarilin kita ng tubig!" Sigaw ko.         Umiling naman siya sa akin sabay hinubad iyong basang tshirt niya. Napanganga na naman ako. Shet! Pwede bang magsabi naman siya kung maghuhubad siya? Napapanganga na lang ako dahil sa abs niya eh!     "Uncle Von, what are you doing? Tch. I wanna eat baked mac. I'm starving." Kunot noong singit ni Kel sa may backdoor.     Nagkamot ng ulo si Von.     "Kel, I don't know how to cook baked mac. I'll make you a lasagna." Suhestiyon ni Von na mabilis inilingan ni Kel.     Ang arte naman ng batang 'to! Ang daming bata nga ang di makakain ng simpleng pagkain, tapos siya lasagna na inaayawan pa!     "I want baked mac! I want my Mom's baked mac!" Sigaw ni Kel habang nagtatadyak ng paa.     Namamangha akong tumitig sa bata habang nagwawala. Wow, spoiled na spoiled ang batang to! Ngumiwi ako. Buti pa ang mga bata sa probinsya namin, di maarte. Simpleng tinapay, masaya na.     "Kel, I told you alright? I don't know how to cook."      Nahihirapang sabi ni Von sa kanyang pamangkin ngunit di ata makaintindi si Kel at nagwawala pa rin. Lumapit ako at hinawakan ang braso ni Von. Wow! Ang tigas. Napailing ako. Shet! Malumot na ang pag-iisip ko.     "Von, ako na." Ngumiwi ako at hinarap si Kel. Masamang tingin ang binigay sa akin ni Kel. Ano ba 'tong pinasok ko? Nakakatakot siya.     "Hoy! Di mo ba gets ang sinabi ni Von? Diba sabi ‘di siya marunong magluto? Lasagna na lang kasi kainin mo! Ba’t ang arte mo? Maraming bata ang ‘di makakain ng tatlong beses sa isang araw tas ikaw mamimili ka pa? Kainin mo kung anong meron! Naiintindihan mo?" Pinanlakihan ko ng mata si Kel para matakot.     Ang mga bata ngayon, puro laki sa layaw! Dapat may magmulat sa mga ito eh. Masyadong binebaby ng magulang. Napatigil sa pagwawala si Kel. Nanatili siyang nakatingin sa akin habang ako ay nanlalaki ang mga mata sa kanya. Lumapit siya kay Von at hinigit ang shorts ni Von. Tumingin naman sa kanya ang lechugas at tinaasan siya ng kilay.     "Uncle Von, okay.. You cook lasagna. And you.." Tinuro naman ako ni Kel habang pinapagpagan ko iyong tuhod ko.     "Still, I don't like you." Nagbelat pa siya sa akin habang hinihigit si Von papasok sa kanilang bahay. Napanganga ako sa ginawa niya.     Ang magtiyuhin na ito ay totoo namang nakakabilib! Grrrr. Sumunod ako sa  loob at hinayaan si Von na magluto sa kusina habang ako naman ay humiga sa couch.     Shet. Ang sarap sa likod. Nakakapagod labhan iyong bedsheet ng king sized bed niya. Pinikit ko ang aking mata at hinayaan akong dalhin ng antok. Nagising ako ng may maramdaman akong malamig sa aking mukha. Pinilit kong imulat ang aking mukha at nakita ko doon si Kel na may hawak na watergun at pinupuntirya ng tubig ang mukha ko.     Dali-dali akong bumangon at tinakpan ang aking mukha na binobomba pa niya ng tubig.     "Anak ng!" Sigaw ko ng nakapikit.     Pati damit ko ay nababasa na rin. Pagkamulat ko ay naaninag ko ang nakangiting si Von sa may hagdanan.     "Von! s**t!" Sigaw ko at tinuro pa siya kahit na nakapikit ako dahil binobomba pa rin ako ni Kel ng tubig.     Talaga namang kokonyatan ko na ang demonyitong ito!     "Von! Patigilin mo nga itong si Kel! Shit." Mura ko.     Humalakhak si Von at nilapitan si Kel. Nakipag-apir siya kay Kel na tumatawa na rin ngayon.     "That's enough. Good job Kel! Nagising mo ang tulog mantikang iyan." Nag-apir pa ulit silang dalawa.     Kinuha ko iyong mga unan at binato sila. Tumakbo silang dalawa habang patuloy na nang-aasar! Bwisit!     "Mga ulol! Bumalik kayo dito!" Sigaw ko. Nagpunta sila sa kusina kaya sinundan ko sila.     Naabutan ko sila na nakaupo habang hinahati iyong lasagna. Wag niyong sabihin na iyan ang dinner nila? Mabubusog ba sila niyan? Lumapit ako sa kanila. Nanatili na namang masama ang mukha ni Kel habang nakatitig sa akin. Si Von naman ay tinuro iyong silya pa.     "Sit. Let's eat." Seryosong sabi ni Von.     Umupo ako ngunit di pa rin kumukuha ng lasagna.     "Ano? Ayaw mo? You told me, wag mapili ah? Bakit ang arte mo rin?" Singit ni Kel at sumubo.     Pinandilatan ko ulit siya kaso wala ng epekto. Siguro ay nasanay na siya sa akin.     "Ito lang kakainin niyo? Mabubusog ba kayo niyan?" Nguso ko.     Napatigil sa pagsubo si Von. Nagkibit balikat siya.     “I don't know. Maybe. I don't know how to cook. Kel doesn't eat fried foods." Sabi niya.     Umiling ako at pumunta sa refrigerator. Nagtingin ako ng pagkain doon. May nakita akong chicken. Kinuha ko iyon para idefrost. Nakakunot namang nanonood si Von sa akin.     "What? You gonna cook for us?" Prente niyang sabi.     Ngumuso ako at inirapan siya.     "Ano pa nga ba? Nakakaawa naman yang bata. Lasagna lang ang ididinner." Inihanda ko lahat ng ingredients.     Hinayaan ko silang kumain doon. Matapos kumain ay lumapit si Von sa sink para hugasan iyong pinagkainan nila. Maaga pa naman. Medyo nag-aagaw ang dilim at liwanag. Pwede pa akong magluto bago ako umuwi sa apartment ko.     Inumpisahan ko na ang pagluluto. Mukhang nakuha noon ang atensyon ni Von at umupo siya doon sa may breakfast nook at pinanood ako.     "You can cook." Pakumpirma niya.     Tinaasan ko siya ng kilay. Hello? Anong tingin niya ang ginagawa ko? Baliw ata to!     "Anong tingin mo ang ginagawa ko? Naglalaba? Tsk. Malamang marunong ako!" Bara ko sa kanya.     Sumimangot lang siya at di sumagot. Siguro ay naisip niyang walang kwenta ang sasabihin ko sa kanya.     Matapos iyon ay kumuha ako ng kaonting sabaw para tikman. Ayos na sa akin. Naramdaman ko ang pagtayo niya at ang pagpunta niya sa aking likuran para silipin iyon. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Lechugas! Bakit ba ang gwapo niya? Di ko tuloy mapigilang mamangha!     Kumuha ulit ako at tinapat sa bibig niya. Nagtaas siya ng kilay sa ginawa ko. Ngumuso ako at tiningnan siya. Ngunit nanatili siyang nakatitig sa mga mata ko. Seryoso ang kanyang mukha.     "Ano? Di mo titikman? Magtititigan na lang tayo dito?" Tanong ko.     Para namang bumalik siya sa huwisyo. Tumungo siya para maabot ko siya at maisubo iyong kutsara. Tinikman niya iyon. Kinagat niya ang kanyang labi sabay tango.     "Woah, it tastes good."     Nagbigay pa siya ng thumbs up sa akin. Napangiti ako. May maganda rin pala siyang masasabi. Kung ganito siya palagi, magkakasundo kami.     "Syempre ako pa!" Mayabang kong sabi.     Ngumiwi naman siya sa akin at ‘di makapaniwalang umiling.     "Whatever."     Hinayaan ko na lang siyan mag-walkout. Kunwari pa, sarap na sarap naman! Tsk. Lelang niya! Nagsaing ako na sapat para sa aming tatlo. Oo, dito ako kakain. Ako anman ang nagluto kaya okay lang.     Naghanda na ako ng plato ng mapadpad na naman si Kel sa kusina. Ano? Lagi na lang bang eeksena itong bubwit na 'to? Masama na naman ang kanyang tingin. Dumiretso siya sa refrigerator ngunit dahil maliit siya ay di niya mabuksan ang handle. Napailing aat lumapit doon para buksan ang refrigerator.     "Tsk! I can open it. I don't need you." Masungit na sabi niya.     Nagmake face na lang ako. Ang taas ng pride ng batang to. Ang gwapo gwapo tas ang sama naman ng ugali.     "Wag ka nga palaging beastmode.  Hala ka, walang magkakagusto sayo niyan!" Asar ko.     Tumaas ang kilay niya kasabay ng pag-awang ng bibig niya.     "What do you mean? I'm gwapo and that made me sure that girls will like me." Turo pa niya sa sarili niya.     Nagmana to kay Von! Ang hangin. Gwapong gwapo sa sarili.     "Di lahat ng babae gusto ng gwapo lang! Hello, dapat mabait rin. Tsk!" Sabi ko.     Inirapan niya lang ako at ininom iyong tubig.     "Tch. You're annoying. I don't know why he likes you!" Iritado niyang sabi.     Ayan na naman siya sa 'he likes you' na drama niya! Di ko naman siya gets.     "Kel!" Sigaw ni Von.     Tumingin kami pareho. Para siyang nagmamadali at hinigit palayo si Kel sa akin.     "Hey, let's eat." Baling niya sa akin. Tumango naman ako at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga kubyertos.     Naglagay ako ng adobo sa lamesa at kanin. Nilagyan ni Von si Kel ng pagkain sa plato. Nakatingin lang ako sa wirdong mukha ni Kel ng lagyan siya ni Von ng adobo sa plato.     "What's this?" Tinusok niya ng tinidor iyong manok.     "Chicken Adobo ang tawag diyan." Iling ko at kumain na.     Sumubo si Kel at mukha namang nagustuhan niya. Nakatitig lang ako sa kanya. Hanggang sa naging sunod sunod ang subo niya. Napangiti ako. Ang arte pa, gusto rin naman pala. Pareho talaga sila ng tiyuhin niya. Mga spoiled!     Nagpatuloy kami sa pagkain. Walang umiimik. Parang galit kami sa isa't-isa. Matapos kumain ay naghugas na ako ng pinggan.     "Uuwi ka ba? You can use the guestroom if you want." Suhestiyon ni Von na nanonood ng tv.     Umiling ako. Maaga ang trabaho ko bukas at wala akong gamit na dala. Atsaka, kailangan ko ring umuwi para makausap si Jojo na kasama ko sa apartment.     "Hindi na. Marami pa akong gagawin. Tutal, nakapagdinner na kayo ni Kel. Kaya niyo na yan!" Tumayo na ako at handa nang umalis ng patayin niya ang tv.     "I'll drive you. As a token of appreciation." Kinuha niya ang kanyang car keys.     "Wag na. Walang kasama si Kel." Nguso ko kay Kel na busy sa hawak na libro. Umiling si Von.     "He will go with us." Sinenyasan niya si Kel na lumapit.      Lumabas na sila pareho at naiwanan akong nakatayo sa porch.     "What? You gonna come or not?" Tanong naman niya sa akin.     Huminga ako ng malalim at tumango. Wala ng arte arte! Libre na to. Nasa back seat si Kel at naglalaro na ngayon sa kanyang tablet. Wala siyang pakialam sa mundo. Umupo na ako sa passenger seat at naglagay ng seatbelt.     Tinuro ko ang daan papunta sa aking apartment. Panigurado ay nag-aalala na si Jojo sa akin. Lowbat na rin kasi ako kaya di ko na matext na nasa paligid lang ako.     "Dito na lang." Sabi ko kay Von.     Pinatay niya ang makina ng sasakyan at tumingin sa akin.     "Okay. Thank you, Veronica. You saved us tonight." Ngumiti siya.     Iyong totoo. Walang halong pang-aasar. Nakakalaglag panty nga eh! Ayan na naman! Tumitigil na naman ang mundo ko. Ang lakas na naman ng tambol sa dibdib ko.      Ngumiti rin ako kahit na nanlalamig ako. Ano ba naman Ven! Si Von lang yan. Iyong lechugas na kumuha sa virginity mo!     “Naku wala yon! Saka Ven na lang. Salamat rin sa paghatid! Ingat kayo.”     Kinalas ko ang seatbelt at lumabas na. Nagulat ako ng lumabas si Von. Oh? Wag mong sabihing pupunta pa siya sa apartment ko? Ang kalat pa naman dun.     Nilahad niya ang kanyang cellphone. Para naman akong shunga na nakatingin lang sa kanya na nagtataka.     "Your number." Nginuso niya ang kanyang cellphone.     Hindi ko alam kung anong hipnotismo ang tumama at nilagay ko roon ang number ko.     "Okay. I'll text you, Ven." Seryosong sabi niya.     Nanlaki ang mata ko. Shet! Kumalma ka! Tinawag ka lang niyang Ven. Kalma! Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng backseat. Nilingon ko iyon at niluwa noon si Kel na nakasimangot.     "Thank you for the adobo. I like it but it doesn't mean I like you." Mataray niyang sabi.     Napangiti ako. Marunong naman pala magpasalamat ito. Binabawi ko na yung masama ang ugali niya. Minsan na lang! Lumapit siya. Akala ko ay yayakapin niya ako pero nagkamali ako. Tinulak niya ako. Napatama ako kay Von na kaharap ko.     Mas bumilis ang t***k ng puso ko. Kasing bilis ng kapag nakasakay ka ng roller coaster.     Tangina, sakto lang naman ang labi ko sa labi ni Von...     Tangina, nahalikan ko lang naman si Von.                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD