Kinuha ko sa guard ang damit na dinala ni Jojo. Talagang nagtatampo pa siya. Hay! Ano ba naman 'yan! Pumasok ako at nilapag ang canister sa lamesa nang may sumundot sa tagiliran ko.
"Anak ng!" Sigaw ko at humalakhak si Mercer, iyong isa pang intern na kasama ko.
"Oh! Bakit nakasimangot ka na naman?" Tanong niya at inabot iyong tumbler ko na may lamang hot coffee. Ganito siya kada-umaga, laging may dalang coffee sa akin.
Ngumiti ako at kinuha iyon.
"Thank you sa coffee ah? Medyo napagod lang ako sa byahe. Saka medyo inaantok pa kasi ako. Kamusta na yung ipepresent mo kay Architect Contreras?" Tanong ko.
Pareho kasing may pinapagawa sa amin si Architect. Medyo ‘di naman ako kinakabahan dahil mabait naman si Architect. Pinapaliwanag niya sa amin ang aming mga kamalian, kung mayroon man. Nagfist bump naman siya sa akin.
"Okay lang! Nagpuyat ako para aralin para naman ‘di ako mapahiya sa kanya pag pinresent ko! Ikaw? Nagpuyat ka ba rin?"
Gusto kong tumango sa sinabi niya. Napuyat nga ako pero ‘di sa pagpeprepare. Napuyat ako dahil sa kung ano. Nagising naman ako at umiling.
"Hindi. Nakatulog ako eh!" Pagsisinungaling ko.
Umupo na ako at ‘di ko na siya pinansin. Kulang sa oras ang ginawa kong pag-aaral sa aking ginawang plano. Namomroblema pa ako sa maduming perspective na inihian ng gagong Von na 'yon. Mabuti na lang at nagawan ko pa ng paraan na maalis iyong dumi.
Tumayo ako at nagpresent kay Architect Contreras. Medyo naimpress siya sa gawa ko ngunit pinayuhang sa susunod ay ayusin ko raw ang presentasyon. Di raw iyon magugustuhan ng kliyente kapag medyo madumi.
Eh, ihian ba naman ng kung sino! Paanong di dudumi iyong papel? Sinakal ko sa utak ko si Von. Lechugas na lalaking 'yan! Pasalamat siya at okay ang kinalabasan kung hindi ay malilintikan siya.
Nag-out na ako sa opisina ng 3:00. Maaga kasikaming pinauwi ni Mercer. Wala rin naman daw ipapagawa dahil aalis ang mga architects para sa seminar. Hindi ko maitext si Von dahil nakalimutan kong kunin ang number niya. Napakamot ako sa ulo at pinaalalahanan na sa susunod ay kukunin ko na ang numero ng lechugas.
Hindi ko gusto yun dahil crush ko siya! Gagawin ko ito dahil kailangan ko lang talaga.
Sumakay na ako ng taxi papunta sa bahay nila. Dahil siguro namumukhaan ako ng guard ay mabilis niyang pinapasok ang taxi ko. Nagpatigil akonsa harapan ng malaking gate nila. Dahil siguro katanda tanda ang maganda kong mukha ay pinagbuksan na agad ako ni Manong guard. Nginitian ko naman siya.
Naglakad lakad ako sa loob ng garden papunta sa malaking bahay. Oo! Sila na nga mayaman ng may batang humablot sa bag ko. Paano nagkaroon ng magnanakaw dito?
"Hoy bata!" Sigaw ko at hinabol iyong bata.
Pumasok siya sa bahay kaya sinundan ko. Pasalamat siya at may konting heels ako kaya inaalalayan ko ang aking takbo paakyat sa hagdan. Maabutan ko lang yang batang yan kokonyatan ko 'yon!
Pumasok siya sa kwarto ni Von kaya sinundan ko siya. Mabilis akong nakahabol dahil ‘di niya sinasara ang pintuan ng biglang bumulagta sa akin ang nakaboxer lang na si Von habang bagong ligo.
Napatingin ako pababa sa kanyang medyo basang katawan. Oh my!
Hindi ko namalayan ang sobrang pagkamangha. Defined na defined ang kanyang abs. Freaking super wow!
"Nag-eenjoy ka ba sa view? Tsk."
Nakakunot ang noo niyang tanong sa akin.
Mabilis kong sinara ang bibig ko at nagkuwaring ‘di napansin iyong kanyang abs. Kalma lang, Ven! Abs pa lang 'yan. Nahawakan mo na 'yan! Feeling ko ay namula ang aking pisngi sa aking naisip! Shet! Paano ko ba naisip yun? Namamanyak na ba ako?
Lumunok ako at umiling. Hindi!
"Panget naman ng katawan mo? Gandang ganda sa sariling katawan?"
Kunwari ay may disgusto kong sabi kahit na abot abot langit ang paghanga ko sa kanyang katawan.
"Hindi ako magiging model kung pangit ang katawan ko." Iling ni Von.
Napatango ako sa sinabi niya. Oo nga naman! Sabi ko nga. Siya na anh model. Nakita ko naman iyong bata sa gilid niya. Tinuro ko iyon.
"Anong trip ng batang 'yan? Aba! Kinuha ang bag ko."
Bumaling si Von sa bata. Kinagat niya ang kanyang labi at lumuhod para maging kalebel niya ang batang lalaki.
"Kel, give the bag to Ate Veronica."
Umiling ang bata sa sinabi ni Von. Tinaas ko ang kilay ko sa bata para matakot siya kaso lalo lang siyang sumimangot.
"Don't wanna." Sigaw nung Kel daw.
Kahit cute 'to sigurado kukurutin ko to.
"Kel," May kaonting banta sa tinig ni Von. Para namang takot na takot ang bata na binigay sa akin ang bag.
Natitigan ko si Kel. Nasa pitong taong gulang na siguro siya. Maputi at may kilay na kagaya ng kay Von. Wait, may hawig din pala siya kay Von. Teka! May anak na tong may saltik na ito?
"Anak mo?" Nginuso ko pa si Kel na mukhang papatayin ako sa titig na binibigay niya sa akin.
Umiling si Von at kumuha ng tshirt sa kanyang cabinet.
"Pamangkin. Anak ng Kuya ko. Iniwan dito kasi may important meeting siya kasama yung wife niya." Paliwanag niya.
Tinuyo niya ang buhok niya. Iniwasan ko ang pagtingin kay Kel. Kahit na maliit siya ay mukha naman talagang nakakatakot. Mas mukhang harmless si Von kesa kay Kel. Nginuso ni Von iyong banyo niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano namang trip nito? Hindi ko iyon pinansin ngunit nginuso niya ulit iyong banyo.
"Ano ba kasing meron sa banyo mong iyan? Hello! Wag kang nguso ng nguso dyan.. sabihin mo kaya!" Iritang sabi ko.
Mukhang nairita siya sa sigaw ko kaya siya na mismo ang pumunta sa cr. Binato niya sa akin iyong bedsheet pagkabalik niya.
"Don't waste my time. Go and start." Masungit naman niyang sabi.
Tumayo ako at nilapag iyong bag ko bago lumabas at nagpunta sa layndry. Nagset-up ako ng gagamitin doon. Nagtataka ako kung bakit wala doon sina Manang kaso napagtanto ko na baka day-off at walang trabaho kapag ganitong araw. Tinaas ko ang longsleeves at nag-umpisa ng labhan iyong makapal na bedsheet. Tinali ko na rin ang buhok ko.
Nagawa ko pang kumanta kanta ng biglang sumulpot sa may pintuan si Kel.
"Tch. I can't believe he likes you." Diretsang sabi noong bata.
Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit walang epekto! Wala bang kinatatakutan to?
"Huh? Who likes me?" Tanong ko ng makuha ko ang sinabi niya.
Bigla namang dumating si Von na may dalang oversized shirt at basketball shorts at iniabot iyon. Wag mong sabihing papalabahan niya ito sa akin?
"Teka! Sabi ko bedsheet lang diba?" Paglilinaw ko ngunit mas dumilim ang kanyang titig.
"Yeah. Change your clothes. You're getting wet. Just wear this while you do the laundry." Hinablot ko iyon sa kamay niya.
"Thanks." Tumango lang siya at hinigit na palayo si Kel doon.
Natahimik ako sa paglalaba. Matapos akong magbanlaw ay bumalik siya para sabihing gumamit ako ng dryer para mas mabilis matuyo. Tumango ako at hinayaan siya na ang mag-operate ng dryer.
"Okay na? Wala ka nang request?" Tanong niya ng maisampay ko iyong bedsheet sa backyard ng bahay nila.
"Yup." Mabilis kong sagot.
"Tch. I told Manang and the others to go on a day-off. Who will cook my food today? I can't let Kel eat take-outs." Parinig niya.
Napatingin naman ako sa kanya. Pinagday-off niya ang mga katulong nila? Para saan? Kaya pala wala sila kahit workdays!
"Bakit mo kasi piangday-off lahat? Para saan ba?" Tanong ko.
Sumimangot siya na parang ang tanga tanga ko.
"You told me you don't want them to know that you stained on my bedsheet? I gave them free day so they won't see you." Iling niya.
Napanganga ako. Pinagday-off niya lahat ng katulong niya para sa paglalaba ko? Wow! Ano? National Holiday ang peg ng paglalaba ko?
"Why don't you cook for us?" Tanong niya.
Napatingin naman ako. Wow! Ang kapal niya! Anong tingin niya? Katulong niya ako? Hello!
"Katulong mo ba ako?"
Di siya sumagot pero bigla rin namang sumagot.
"Mukha ka namang katulong."
Sa sobrang inis ko sa kanya ay dumampot ako ng bula sa batya at inihagis sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko. Para siyang nairita ngunit lumapit din siya sa batya at ginantihan ako. Walang gustong magpatalo sa aming dalawa. Binuksan ko iyong hose at tinapat iyon sa kanya. Humalakhak ako dahil mukha siyang basang sisiw.
Natigil ang halakhak ko ng tumakbo siya papalapit sa akin at yakapin ako. Nabitiwan ko ang hose kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko. Ano 'tong nararamdaman ko? Napabalik lang ako sa aking huwisyo nang bumulong siya na lalo pang nagpalakas ng t***k ng aking puso.
"Please."