Dalawang araw ako na walang buhay. Kahit na sobrang ganda noong resort na pinagdadausan ng seminar ay di ako mamangha. Para bang wala akong pakialam kung saan man ako pumunta. "Oh? Kumain ka na?" Tapik ni Mercer sa aking likuran. Ngumiti ako at tumango. Di na siya sumagot. Siguro ay napapansin niya na wala ako sa mood. Tumingin ako kina Architect na nagsusurf. Kaya gusto kong maging arkitekto, hawak mo ang oras mo. Well, siguro pag estudyante hindi. Sabi nga nila, hirap muna bago sarap. Pero once na makapagtrabaho ka, hawak mo na ang oras mo. Malaya kang makakaalis lalo na kapag ikaw mismo ang boss sa firm. "Ayaw mo magsurf? Sasali ako maya-maya." Nagsuot ng shades si Mercer. Ito na kasi ang huling araw namin. Mamayang gabi, babalik na kami sa Manila. Umiling