Di na siya lumabas sa kwarto niya sa buonh show na nanonood ako ng Chowder. "Can you please give me the milk. Can't reach it." Sabi ni Kel mula sa kusina. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nilapag ko iyon malapit sa kanya at ngumiti ng sobra. Sumimangot naman siya. "Gusto mo ipagtimpla kita?" Tanong ko pa. Ewan ko ba, ang sarap kasi asarin ni Kel. "I said just give it to me. I didn't ask you to get me a glass of milk. I can manage. Stop being so annoying." Masungit na sabi niya. Di ako umalis sa harapan niya nanatili akong nakatingin sa kanya. Grabe! Paano natiis ng magulang niya ang makasama ang bansot na ito? Wala atang segundo na di siya beastmode. "Hey, why are you smiling? You're creeping me out." Bulalas niya. Tumaas ang kilay niya at hinal