Pagkarating ko sa apartment ay tahimik ito. Ni walang bakas ni Jojo. Siguro ay ginabi na naman iyon dahil nagbar sila ng kapederasyon. Mahilig kasi sa night-out iyong baklang iyon. Humiga na ako sa kama. Suot ko ang napakaikling shorts at isang spaghetti strap. Mainit kasi ngayon at wala na rin akong panahon para magbihis pa. Nakatingin lang ako sa kisame ng aking kwarto. Tulala ako sa mga maaaring maganap kapag sumapit ang bukas. Hays. Nakakaloka na naman ito. Naramdaman ko na lang na may humiga sa tabihan ko. Unti-unti kong minulat ang aking mata at tumambad doon si Jojo na nakapilit at amoy alak. Tinapik ko ang kanyang pisngi ngunit di man lang siya nag-atubiling tumingin sa akin. Dumapa siya at niyakap ako gamit ang isang kamay. Lasing na naman si Bakla? "Jojo.