"Von.." Sumimangot ako noong makita ko ang pagguhit ng ngisi sa kanyang mukha. "Yeah? Missed you too!" Medyo may pagkapresko niyang bigkas. Napairap naman agad ako. "Whatever." Humilig siya sa unan niya habang nakangiting nakatingin sa akin. Napuno ng katahimikan ang paligid. Nanatili akong nakatingin sa kanya. He looks so perfect! Kung hindi lang siguro puro asar at kapilyuhan ang lumalabas sa bibig niya ay baka crush na crush ko siya. "Tumaba ka." Puna niya. Pinasadahan ko ng tingin ang aking katawan na wala namang pagbabago. Is he teasing me? Pinaikot ko na naman ang aking mata bago nagdirty finger sa harapan niya. Tumawa naman siya sa ginawa ko. "You should stop doing that, Veronica!" Saway niya habanh umiiling. Tinaasan ko siya ng