XVIII

1475 Words

    Two days na ang nakalipas pero wala pa rin akong natatanggap na tawag kay Von. Nagshoshoot kasi sila sa Japan. White Christmas daw kasi ang tema ng pictorial nila. Tulala na naman akong pumasok sa trabaho. Nararamdaman ko ang tahimik na titig ni Mercer.     "Ano bang pinagdadaanan mo? Parang laging undas ang mukha mo?"     Akala ko tahimik. Mukhang nagkamali ako.     Sinimangutan ko siya habang inaayos ang mga libro sa desk ni Architect. Wala kasi akong project na eedit ngayon. Inutusan lang niya ako na ayusin ang desk niya.     "Wala." Pagmamaang-maangan ko.     Napatitig ako kay Mercer. Lalaki siya diba? Kaya kaya niya akong intindihin?     "Matatakot na ba ako sa titig na 'yan?"     Mukha namang naiilang siya sa pagtitig ko. Ngumiti ako ng malapad.     "Lalaki ka diba?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD