Parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan ni Rani. Kung ganun, ibig sabihin ay wala talagang kinalaman si Figuro sa shoot out. Malinaw na biktima lang din siya rito. At ang isipin iyon ay mas lalo pang naguluhan si Rani kahit na bahagyang nasisiyahan. Ibig sabihin, kapag nagising si Figuro ay pwede niya itong maging kakampi. Pwede niya rin itong sulsulan ng mga dapat niyang gawin. Depende na rin siguro sa kakahinatnan nila. “Kumalma po kayo, Mama. Ang mahalaga po ay walang masamang nangyari kay Figuro. Kaya sana magising na siya para maging malinaw na ang lahat. Kailangan niyang gumising para mas mabilis ang resulta.” Walang humpay na hinagod ni Rani ang likod nito. Tuluyan nang naiyak doon ang Ginang. Pasalamat na lang din siya na naroon ang future daughter in law niya. Nagagawa