Chapter 3: Pangitain

1507 Words
Mabilis na napahawak si Rani sa kaniyang bahagyang naninikip na dibdib. Mabilis na kumalabog iyon nang aksidente niyang mabitawan ang basong pinag-inuman niya ng tubig. Buhat na niya ito habang nasa harapan ng lababo at inuubos na lang ang laman. Hindi niya alam kung paano nito ito nagawang mabitawan. Kaagad na sumikdo sa kaniyang sikmura ang pangamba na lumulukob na sa kanya. Hindi niya iyon maipaliwanag at parang nanghihina na ang kanyang tuhod. Tila maingay at malakas na sigaw na umalingawngaw sa kaniyang isipan ang kasabihan ng mga matatanda na kamag-anak nila sa Pilipinas na kapag nakabasag ka ng baso nang hindi mo naman sinasadya ay may masamang pangitain iyong dala, o kung hindi naman ay ito ay naganap na. Kaagad na pumasok sa kanyang isipan ang kanyang ina sa Pilipinas at ang kakambal niyang nasa engagement. Shit! Muntik pang mabagsakan ang aking paa kung hindi ako umatras para umiwas. Maingay na iyong bumagsak sa kaniyang paahan at nagkapira-piraso. Binasag nito ang katahimikan ng kaniyang tahanan sa umagang iyon. Bago pa lang gumisiging ang kaniyang mga kapitbahay. Alas-kwatro pa lang iyon ng madaling araw sa Dallas Texas USA at alas-sais naman ng hapon sa Pilipinas kung saan ay kasalukuyang ginaganap ang engagement party ng kakambal niyang si Dani. Naisin niya mang umuwi ng bansa upang dumalo ay hindi niya nagawa ng dahil sa dami rin ng trabahong kaniyang inaasikaso sa mga coffee shops. Shops na tanging pamana sa kaniya ng ama kung kaya pinagyayabong niya pa ito at hindi hinahayaang bumagsak at tuluyang malugi at maglaho na parang bula. Ito lang ang alaala rin na naiwan nito sa kanya. “What’s wrong with your hands, Rani? Bakit nabitawan mo ang baso at nabasag? Hindi naman ito basa?!” may nginig ang tinig at kunot na ang noong tanong nito sa kaniyang sarili na tiningnan pa ang kaniyang palad upang hanapin ang dahilan kung bakit iyon dumulas sa kaniyang mahigpit na hawak. Nagawa na nitong gisingin ang kaniyang diwang natutulog pa ng sandaling iyon. Marahas niyang ginulo ang buhok niyang hanggang balikat. Bagong putol na naman iyon na hindi niya hinahayaang lumagpas ito dito. Kabaligtaran ng mahabang buhok ni Dani, iyon lang ang pagkakaiba nilang dalawa ngunit pareho pa rin ang features ng mga mukha nila kahit na nagka-edad na. Pilit niyang iwinawaglit ang negative thoughts na kaniyang naiisip ngayon, dahil lalo pa nitong pinapakabog ang kanyang dibdib. “Wala naman sigurong masamang nangyari sa Pilipinas, kumalma ka nga at huwag mag-isip ng kung anu-anong masama.” sambit niya pang bahagyang pinalo-palo na ang kanyang kinakabahang dibdib. Matapos na buksan ang ilaw sa kusina at dakutin ng dustpan ang mga basag na piraso ng bubog ng baso ay tinungo na niya ang tahimik nilang sala. Doon niya ipinagpatuloy ang pag-alo sa kaniyang sarili na ayos lang ang lahat. Ilang beses pa siyang nagpalakad-lakad dito. Pabalik-balik. “Madilim lang siguro at saka inaantok pa ako kung kaya nabitawan ko ang baso.” patuloy na kumbinsi niya sa kaniyang sarili na pasalampak nang naupo sa mahabang sofa. Inilinga niya ang kaniyang mga mata at hinanap kung saan niya naipatong ang cellphone. Naiiling na siya dito nang mayroong napagtanto sa mga sinabi niya. “Nasa kwarto ko nga pala naiwan.” bulong niyang ang tinutukoy ay ang cellphone. Matapos ang ilang buntong-hininga ay tumayo na siya doon at kinuha na ang cellphone na naalala niyang nasa kaniyang kama. Ilang minuto niyang hinanap iyon sa bedside table dala na rin ng pagkataranta. Bumangon lang siya dahil nakaramdam siya ng uhaw, bago pa lang din siyang naiidlip nang dahil na rin sa pangungulit ni Dani sa kaniya sa videochat na paulit-ulit sinasabi na sana ay umuwi siya ngayon para dumalo. Ipinagyabang nito ang susuoting gown. Aminin man o hindi ni Rani, masaya siya para sa kapatid pero may kahalo na itong inggit. At dahil minsan lang naman iyong mangyari kung kaya sinakyan niya na rin ito. Hinayaan niyang mapuyat ang kaniyang sarili habang nakikinig sa tinig ng kapatid. “Hindi ka ba talaga uuwi ngayon dito, Rani?” muli pa nitong tanong matapos na ipangalandakan sa kaniya ang gown na isusuot niya sa kaniyang engagement. Mababakas ang ngiti nito sa kaniyang labi ngunit malungkot naman ang mga mata. Halatang sabik na sabik sa presensiya ng kaniyang kapatid mula sa sinapupunan. “Pasensiya na Dani, ang dami kong problemang kinakaharap sa shops. Alam mo naman na ayokong mabalewala lang ang mga iniwang pamana ni Dad sa akin.” tugon niyang gustuhin ‘mang umuwi ay hindi niya rin kakayaning umabot pa dahil sa haba ng biyaheng kaniyang gugugulin makauwi lang ng Pilipinas. Dapat talaga ang pag-uwi dito ay naka-plano malayo pa lang iyon. “Don’t worry bago sumapit ang araw ng kasal mo ay uuwi ako diyan isang linggo bago pa ito.” “Talaga? Maipapangako mo ba iyon? Baka naman puro ka lang salita ulit, Ranielle?” Malakas nang ikinatawa iyon ni Rani, na kapag nagtatampo ang kakambal niya ay ang buong pangalan niya ang kaniyang sinasabi. Mabilis na siyang tumango, desidido at buong-buo na ang loob niya. “Oo nga, pangako ko iyon. Pakakatandaan ko kaya dapat na sabihin mo sa akin agad kung kailan niyo planong magpakasal ni Figuro.” “Sige, tiyak matutuwa nito si Mommy kapag nalaman niyang uuwi ka ng Pinas, Rani.” Maliit nang napangiti doon si Rani, miss na rin niya ang mga ito na huling kita niya pa ay noong namayapa ang kaniyang ama at pumunta sila ng Dallas upang damayan siya. Si Dani naman ay noong nakaraang apat na buwan pa lang nang dahil sa fashion show nito na kaniyang nilahukan sa bansa kung nasaan si Rani. Nagkasama sila ng ilang gabi, pero hindi iyon sapat sa kanila nito. “Alam kong hindi pa ngayon tapos ang engagement party nila, ngunit hindi na ako makahintay na makibalita kung maayos ba iyong natapos. Baka wala ‘ring sumagot sa akin oras na tawagan ko sila ngayon. Pero why not? Bakit hindi ko subukang tawagan si Mom? Baka sakaling sagutin niya naman. O iyong number ni Dani, baka nasa kay Mom.” aniya pang tinawagan na ang numero ng kapatid matapos na hindi makontak ang ina. Kagaya ng kaniyang inaasahan ay walang sumasagot noon, hindi rin naman siya umaasang sasagutin nito ang tawag dahil alam niyang busy nga sila ng mga sandaling iyon. Ganundin ang numero ng kaniyang ina na alam niyang ng mga oras na iyon ay nagsasaya na. Gumuhit ang inggit sa kanyang mga mata, kung nakauwi lang siya malamang ay nakikisaya na rin siya kasama nila. Iyon nga lang ay mas pinili niya ang manatili hindi dahil sa pansariling kapakanan. Iniisip lang naman niya ang kakahinatnan ng papalubog nilang shops. “Mamaya ko na nga lang sila tatawagan, alam ko namang hindi ako makakasingit ngayon nang dahil sa engrandeng okasyon.” tayo ng muli ni Rani na humakbang na pabalik ng kaniyang silid, maliit na gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi nang lumapat na muli ang kaniyang likod sa malambot niyang kama. “One day, ikakasal din naman ako kay Mister Right at sisiguraduhin kong dadalo silang dalawa dito ni Mommy sa Dallas.” Lumaki siyang liberated sa bansang iyon na ibang-iba sa kinagisnang mundo ng kakambal niyang si Dani. Makikita iyon sa paraan ng kaniyang pananamit na unti-unti niyang binago noong mamayapa ang kaniyang amang tanging kasama sa bansa. Nagsimula siyang pumasok sa office na iniwan ng kaniyang ama, nakisama sa mga employee na ni pangalan niya ay hindi kilala. Sa pagiging liberated niya at spoiled sa ama ay wala siyang panahong bisitahin ang mga coffee shops nila, kahit pa ang natapos niya na kurso ay konektado na dito. Ang tanging katwiran niya noon sa ama ay nandiyan pa naman ito, malakas at siya pa rin naman ang nagpapatakbo. Kung kaya naman nang biglang mawala ito ay napilay siya, para siyang nawalan ng lupang inaapakan. Pasalamat na lang siya nang dahil sa tulong ng mga empleyado ng amang hindi siya iniwan ay unti-unting natuto siya. Ang limang branch ng mga coffee shops na naipundar ng kaniyang ama ay naging doble-doble pa ang naging bilang nang dahil sa maayos na pamamalakad niya sa paraang pinag-aralan. “Pero masaya sana kung nasa Pilipinas ako ngayon at pinapanood si Dani kung paano umiyak habang nagpapasalamat sa mga taong dumalo sa kanyang one time engagement party. Iyon nga lang ay hindi ako nakapunta, babawi na lang ako sa magiging kasal niya. Pangako ko iyon dito.” Inayos na ni Rani ang kaniyang higa, maging ang comforter ay ibinalot na niya sa kaniyang katawan. Kung noon ay puro boyfriend at gala ang kaniyang inaatupag. Ngayon ay nagbago na rin iyon, trabaho, bahay, dalaw sa puntod ng ama at tawag sa kakambal niya at sa ina ang madalas na pinagkakaabalahan niya. Kung minsan ay lumalabas sila ng mga staff niya upang magsaya o minsan ay kumain ng dinner. “Miss ko na kayo, Dani, Mommy.” anito pang pinagmasdan ang larawan ng mga ito sa screen ng kaniyang cellphone bago niya tuluyang isara ang talukap ng mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD