Chapter 8: Masakit na pagluluksa

1542 Words
Pilit na ngumiti si Rani sa inang matamang nakatingin sa kanyang mukha. Alam niya na nababasa na nito ang pag-aalinlangang bumabalot sa mga mata niya. Lumapit pa siya dito at saka marahang tumango upang kumbinsihin itong nauunawaan niya lahat. Kilala niya ang ina. Ilang beses pa man siyang tumanggi, hindi iyong uubra sa ina na nais makamit ang hustisya. At para wala ng gulo ay naisip niyang pagbigyan na lang ito. “Huwag kayong mag-alala Mom,” akbay niya pa sa ina kahit labag iyon sa loob niya, “Gagawin ko ang lahat makuha lang ni Danielle ang hustisyang nararapat.” Tumango na ang Ginang, naniniwalang makukuha nila ang hustisyang inaasam. “Maraming salamat anak, Rani. Mula ngayon ay sisimulan na rin kitang tawaging Dani.” Weird man at bago sa pandinig ni Rani kahit na ang huling salita noon ay magkatunog, alam niya na hindi pa rin niya ito pangalan. Kinakabahan na siya. Paano na lang kapag ang fiancee na nito o pamilya ni Figuro ang kaharap niya? Magawa niya kaya ng ayos? “Pansamantala lang naman ito anak, huwag ka sanang magtatanim sa akin ng galit kung pinipilit kitang gawin ang siyang nais ko.” Napalunok ng sariling laway si Rani sa tono ng boses ng ina. Batid niyang dama nito ang pagtutol ng kalooban niya kahit pumayag na. “Hindi naman ito habang panahon. Hihiramin mo lang ang pangalan ng kapatid mo, anak.” Upang itago pa ang lungkot sa ina ay pinili na lang ni Rani ang yakapin ito. Wala mang kasiguraduhan na magtatagumpay sila, dahil naisip niya na what if bigla siyang mahuli? Nakahanda pa rin siyang subukan ang lahat. “Kapag naging maayos na ang lahat, ikaw na muli si Ranielle anak. Naiintindihan mo ako?” “Naiintindihan ko lahat, Mom.” Kumikislap sa tama ng liwanag ng ilaw ang mamahaling singsing na suot ni Rani sa daliri. Nakailang sipat na siya doon. Hindi naman siya materialistic na uri ng babae dahil may kaya naman ang kanyang pamilya. Nagagawa nilang bilhin ang mga bagay na gustuhin nila. Iyon nga lang ay hindi niya pa rin mapigilan na patuloy na humanga sa taglay noong kagandahan na parang ipinasadya mismo sa daliri niya. Doon niya pa napagtanto kung gaano kamahal ni Figuro ang kanyang kakambal. Muli na namang sumagi sa isipan niya ang kutob ng ina. Sa palagay niya ay wala itong kinalaman. At para matigil ang ina kaya sinakyan niya. “Dani, alam kong kung buhay ka ay sasabihin mo sa akin na hayaan ko na lang ang lahat at tanggapin pero iba ang gustong mangyari ni Mom. Huwag ka sanang magagalit kung may mali rin akong magagawa kay Figuro.” Nasa loob siya ng silid ni Dani. Nakahiga sa malambot nitong kama. Naroon pa ang amoy ng paborito nitong pabango. Kung may isang bagay na magkasundo sila, iyon ay ang amoy ng pabango nilang magkapatid. Iisa lang iyon kung kaya hindi mahihirapan si Rani na mag-adjust sa amoy ng pabango. Pakiramdam niya ay naroon pa rin si Dani, kasama niya. Malalim na ang gabi ay hindi pa siya dalawin ng antok. Ilang beses na rin niyang pinilit na umidlip pero wala iyong epekto kahit pagod ang katawan at isip niya. Marahil ay dahil iyon sa nasanay siya sa magkaibang oras ng bansang tirahan niya. “Ang ganda mo naman, bagay na bagay ka sa mga daliri ni Dani. Pasensiya na kung kinuha ka namin at hindi isinama sa kanya.” mahinang bulong niya na suminghot pa. Kung buhay ang kapatid niya at umuwi siya, sigurado na nakaladkad na naman niya itong lumabas. Mag-bar hopping kung saan-saan. “Huwag kang mag-alala, iingatan kita. Oras na matapos na ang pagpapanggap ko ay ibabalik kita at isasama sa abo ni Dani.” Nabanggit sa kanya ni Dani na milyon ang halaga ng singsing na iyon na ipinagawa pa ni Figuro sa Spain, subalit para sa kanya ay wala naman siyang pakialam. Isa pa ay deserve naman ni Dani ng singsing na ganun ang halaga. Batid niya rin na sobra rin siyang mahal ni Figuro, kung kaya ang lahat ng bagay ay nakahanda nitong ibigay. Sa parteng iyon ay bahagyang nakadama ng inggit si Rani. Ilang beses na rin kasi siyang nagkaroon ng kasintahan pero halos ang lahat sa kanila ay hindi rin naman seryoso. “Siguradong babatukan mo ako kung buhay ka at sasabihin ko sa'yong parang nais ko na lang tumandang dalaga. Pero syempre ‘di ba nais din nating magkaroon ng sariling anak? Bahala na. Kung papalarin pa ako, Danielle.” Hinidi niya pa rin inalis ang mga mata sa singsing na inikot-ikot niya pa sa kanyang palasingsingan. Hindi na siya nagtaka kung bakit nagkasya rin ito sa kanya dahil pihado na ka-size lang din siya ni Danielle ng daliri na kagaya ng sukat ng kanilang mga paa. Napagkasunduan nila ng ina na kinabukasan noon ay tutulak na sila ng hospital upang gawin ang unang hakbang ng kanilang plano. At para maging makatotohanan ang pagpapanggap ni Ranielle ay kailangan niyang magkaroon ng pilat sa kanyang dibdib upang magsilbing bakas ng mga balang tumama sa kanyang dibdib. Agad siyang mahuhuli na nagpapanggap kung wala siya noon. Ika nga, evidence rin ito. Ang doctor nilang kausap ang bahala na dito. Alam nilang iyon ang isa sa magiging batayan kung sino talaga siya kaya naman ito ay kailangan nilang sang-ayunan at ayusin ang pagkakagawa. Matapos ang operasyon ay papayagan na ng doctor na makita ng media si Ranielle, hahayaan niyang kunan ito ng larawan dahil alam naman niyang kilalang personalidad talaga ang babaeng modelong hindi na pinalad. “Ilang araw ka naming patutulugin upang hindi mo gaanong maramdaman ang sakit. Paggising mo ay may kirot pa rin ang sugat pero hindi magtatagal ay maghihilom na rin dahil sa labas lang naman siya susugatan. Ang kailangan lang na mangyari ay ang magkaroon ng visible na mga stitch na patunay na nag-undergo ka ng surgery.” matamang paliwanag pa ng doctor sa kanila. Mataman lang silang nakinig sa iba pang mga sinabi nito, sumang-ayon kapagdaka. “Panigurado na maging ang fiancee niya ay hindi magkakaroon ng kahit na katiting na kutob at hinala kapag nakita niya rin iyon.” “Sige po, Doc. Salamat.” sang-ayon ng Ginang habang nakikinig lang si Rani sa kanilang usapan nang mataman, kabado man ay hindi niya ito ipinahalata sa kanila. “Gawin niyo ang lahat ng kaya niyo para magmukha siyang tunay na si Danielle.” Ilang beses na sumulyap sa mukha ni Rani ang Doctor. Batid niya na napipilitan lang ito, pero hindi naman siya pwede magkomento. Nagbayad sila, kung kaya wala siyang paki. “Masusunod po ang nais niyo, Misis.” Likas na matapang pagdating sa mga ganitong bagay ang kambal. Hindi rin sila parehong takot sa dugo at kapag masugatan kaya naman ipinagpapasalamat din iyon ng Ginang para hindi mahirapan si Ranielle. Ginawan din nila ng paraan ang buhok ni Rani na nilagyan ng hair extension dahil sa maikli nga ang tabas nito. Nagkasundo silang tatanggalin nila iyon kapag lumabas siya ng hospital at palalabasin nilang nagpagupit ang modelo kahit pa alam ng marami na mahal na mahal nito ang buhok. “Huwag kang mag-alala, iingatan kitang huwag mawala dahil mula ngayon ay ako na muna ang siyang nagmamay-ari sa’yo. Sa oras na makamit na natin ang hustisya para sa kapatid kong pinatay nila ay isasauli kita sa tunay na nagmamay-ari sa’yo. Hindi ako titigil hangga't hindi ko iyon nakukuha. Hindi ako hihinto, pangako Danielle Simmons.” Matapos palisin ang ilang butil ng luhang pumatak mula sa kanyang mga mata ay umayos na ng higa si Rani. Ipinikit niya ang mga mata kahit na alam niyang gawin niya man iyon ay hindi pa rin siya makakatulog. Paniguradong kapag sikat na ang araw saka pa lang din siya makakaramdam ng antok. Ibinalot niya ang katawan sa kumot na huling ginamit ng kakambal. Nanunuot pa sa ilong niya ang buhay na amoy ng balat nito. “Alam kong tanggap ko na, pero ang hirap pa rin isipin na wala ka na talaga dito, Danielle.” Nauwi na naman ang gabing iyon sa lihim na pag-iyak ni Rani. Kapag kaharap ang ina ay ipinapakita niyang malakas siya, pero oras na siya na lang mag-isa doon bubuhos muli ang mga luha niya. Umiiyak siya hanggang sa medyo gumaan na ang pakiramdam niya. “Kung maibabalik ko lang ang oras, tinupad ko sana ang hiling mo na umuwi ako dito.” Napuno ng mapait na panaghoy ni Rani ang silid na iyon. Patuloy siyang umiyak yakap ang unan ng kanyang kapatid. Sa likod ng dahon ng pintuan ng silid ay naroon ang ina. Naririnig ang masakit na pagluluksa ng iyak at tahimik na pag-agos ng mga luha ni Rani. Tutop ang bibig na humakbang siya palayo. Bilang ina, naisin niya mang manahimik na lang at hayaang batas ang tumugis sa mga salarin pero batid niyang magiging malabo ang lahat kung kaya naman wala siyang choice kung hindi ang ipain ang isa pa niyang anak. Maaaring ikapahamak niya ito, pero hindi naman siya papayag na matulog na lang ang hustisya at makalimutan ng lahat ang tungkol kay Dani paglipas ng araw. “Patawarin mo ako, Rani. Sana mapatawad mo ako sa pagpipilit ko sa'yo na gawin ito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD