Chapter 7: Paghahanap ng hustisya

2043 Words
Alam ni Rani na mahirap din namang sisihin ang kakambal sa mga nangyari. Inisip na lang niya na ang lahat ng mga nangyari dito ay sadyang kapalaran na nito. Subalit may bahagi ng kanyang isipan ang bumubulong na ang lahat ng iyon ay may kahati siya. Kung hindi siya naging malapit sa lalakeng iyon ay paniguradong hindi magiging sila ng kanyang kakambal. Kung alam niya lang na ganito ang mangyayari sa hinaharap, noon pa lang sana ay kanya na itong ini-snob. At saka hindi rin sana siya pumayag sa agad na desisyon ni Dani na magpa-engage sa nobyo. Hindi niya sana sinapit ang ganitong kapalaran. Kaya may kasalanan din siya dito. “Kasalanan ito ng lalakeng iyon! Kasalanan niya ito, Rani. Hindi niya man lang nagawang iligtas si Dani. Hindi siya nagpasigurado ng mga guards upang bantayan at siguraduhing magiging maayos ang lahat sa engagement. Wala siyang silbi at kwenta! Dapat talaga ay hindi ako pumayag sa relasyon nila ni Dani!” Tunay naman ang sinabi ng Ginang. Naging kampante rin ang kampo nila Figuro na walang mangyayaring kahit na ano sa kanila sa araw na iyon kung kaya naman ay kaunti lang ang bilang ng mga nagbabantay. Hindi na niya pinadagdagan pa kahit na mayroon na siyang kutob. At isa pa ay naroon din naman ang mga magulang ng mga Abarca. Walang mag-iisip ng shoot out sa party. At ang isa pang palaisipan sa lahat ay si Dani ang pinuntirya sa naganap na shoot out at hindi naman ang bagong CEO na si Figuro. Natamaan lang ang lalake nang yakapin niya ang fiancee upang protektahan. Isa sa mga tinitingnang anggulo sa insidente ay ang pagiging modelo ni Danielle at bilang isang sikat na personalidad. Ngunit hindi pa rin naman iyon sapat na maging dahilan noon. “Kaya tutulungan mo ako Rani. Tulungan mo akong makuha ang hustisya ni Danielle sa pagkawala niya nang biglaan.” turan ng ina na alam niyang hindi papayagan ni Ranielle. “Tanging ikaw lang ang makakagawa noon.” Nangunot ang noo ni Rani ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng kanyang ina. At bago pa man siya makapagtanong dito ay nagawa na siyang mahila nito sa loob ng opisina ng doctor na kasabwat na ng ina bago pa siya dumating. “What do you mean Mom? Magpapanggap ako bilang si Danielle? Ang ibig mo bang sabihin ay mabubuhay ako bilang siya?” hindi makapaniwalang ahon ni Rani sa upuan ng ipaliwanag ang gustong mangyari. Mahigpit ang mga siguridad sa magkatabing private ICU ng hospital kung nasaan si Figuro at kasalukuyang wala pa ‘ring malay. Kailangan niya ng masusing pagbabantay ng mga doctor nang dahil sa balang tumama sa kanyang ulo. Sucessful ang surgery ngunit nang mga sandaling iyon ay natutulog pa rin ito. Ang ICU na katabi nito ay ginawan ng paraan ng doctor na matinding pinakiusapan ng ina ni Dani at kulang na lang ay luhuran upang maisakatuparan ang naisip na plano. Hindi pa man nakakarating ng bansa ay buo na ang desisyon ng Ginang. Nais niyang magpanggap si Ranielle bilang si Danielle hanggang sa malaman nila kung sino ang salarin sa pagkamatay nito. Kinailangan pang magbayad ng milyon ng Ginang upang pumayag ang doctor doon, bagay na hindi na rin naman pinanghinayangan ng Ginang dahil ang perang iyon ay pinaghirapan din ng kanyang namayapang anak na si Danielle. Kumbaga, ginagamit niya lang ito upang makuha nito ang nararapat na hustisya. “Basta po Ginang, oras na magkahulihan ay wala po akong kinalaman dito. Huwag niyo po akong idadawit.” wika ng doctor na kung hindi lang dinapuan ng awa ay nungkang gagawin at papayagan ang pakiusap nito. “Makakaasa kayo doctor, kami na ang bahala sa lahat ng kalalabasan nito. Hindi ka namin isasama sa masisisi. Kami ang nagplano.” Nasa morgue na ang tunay na katawan ni Danielle at ang doctor ay gumamit na lang ng ibang pasyente upang magmukha itong si Dani. At dahil ideneklara ng doctor na maselan ang kalagayan nito, hanggang sa dungaw lang ang nagagawa ng mga reporter na patuloy pa rin ang coverage sa nangyari. Ni hindi nila makunan ang mukha ni Dani. Tanging ang suot lang nitong gown ang may pahintulot. Idagdag pang kilalang tao si Dani at ang nobyo nitong palagi ‘ring laman ng mga balita sa TV kaya agaw atensyon sila. “Mom? What are you talking about? Bakit kailangan kong magpanggap sa kanila? Hindi. Hindi ko gagawin ang gusto mo!” “Rani, pakiusap pumayag ka na dito. Alam mo naman na ang hirap hanapin ng hustisya sa bansang ito kung wala kang ebidensya. Hindi mo alam kung kailan uusad ang kaso o makakamit ba natin ang totoong hustisya.” “Bakit hindi iyon gawin ng kanyang fiancee? Hindi ba at may pera sila? Mayaman sila? Marami ‘ring naipundar at naipon si Dani, bakit hindi natin iyon gamitin doon?” Mariin ang naging pag-iling ng Ginang. Muling bumalong ang mga luha niya. Una pa pa lang ay alam niyang mahihirapan siyang kumbinsihin si Rani pagdating sa bagay na iyon. Ngunit kailangan niyang ipaintindi dito ang kanyang tunay na layunin sa desisyon, ang kanyang mithiing makamit ang hustisya. “Ayokong umasa sa kanila, Rani. Hanggang ngayon ay wala pa 'ring malay si Figuro. At saka isa pa ay sa kadahilanang naniniwala akong may kinalaman din siya dito at ang pamilya niya. Sila lang din ang may gawa.” “Ano? Parang ang imposible naman niyang mga paratang mo sa kanya, Mom. Bakit naman niya gagawin iyon? E 'di sana hindi niya inayang magpakasal si Dani kung may masama pala siyang hangarin sa kanya. At saka kitang-kita naman natin kung paano niya mahalin si Dani, kung paano niya itrato.” Nagkibit-balikat lang ang Ginang. “Mas kapani-paniwala kung ang pamilya niya ang gagawa noon kay Dani, pero imposible rin dahil saksi tayo sa bukas-palad nilang pagtanggap sa kanya. Baka kalaban pa ng pamilya nila at si Dani ang pinuntirya nila?” “Kahit na anak, hindi pa rin ako kumbinsido na wala silang kinalaman sa mga nangyari." Isang linggo ang lumipas magmula nang makauwi si Rani ng Pilipinas. Patuloy siyang kinumbinsi ng ina. Noong una ay tutol pa siya ngunit nang makita niya kung paano mahirapan ang ina sa araw-araw na lumipas ay napilitan na lang siyang pumayag. At sa loob ng isang linggong iyon ay nagawang isaayos nilang mag-ina ang mga kailangan nilang gawin. Ipina-cremate nila ang labi ni Danielle at nagawa na rin iyong ilagak ng libingan ng walang nakakatunog at nakakaalam maliban sa kanilang mag-ina, sa doctor at ang ilang mga nurses na nag-assist sa doctor. Sa isang liblib na bayan na hometown ng ina nila iyon dinala sa Bulacan nang sa ganun ay hindi iyon mag-cause ng anumang kaguluhan. “Mom, kailangan ko ba talagang gawin ito? Bakit hindi na lang natin idaan sa legal na—” “Ranielle, unfair ang batas sa bansang ito. Hindi sila patas. Kung sa batas natin i-aasa ang lahat at pagkamit ng hustisya, huwag na tayong umasa na makakamit natin iyon.” Itinikom na lang ni Rani ang bibig. Labag man iyon sa kanyang isipan, ngunit mas nanaig ang pagmamahal niya sa kapatid na walang awang pinaslang. Ang matinding galit ang nagtulak sa kanyang pumayag sa kagustuhan ng kanyang ina, bonus na doon ang awang patuloy na nararamdaman niya. “Mom, gagawin ko ito hindi dahil gusto ko. Gagawin ko ito dahil para sa kakambal ko.” turan pa ni Rani sa inang unti-unting marahang tumango sa kanya. “Oras na makamit na natin ang hustisyang ating hinahangad ay babalik na ako ng Dallas.” “Maraming salamat sa pagpayag mo, Rani. Tiyak na matutuwa ang kapatid mo ng dahil sa pagpayag mong gawin ito. Oo naman, oras na makuha natin ang hustisya ay muli kang magiging malayang maging si Rani.” naluluhang turan ng kaniyang ina na niyakap pa siya nang mahigpit, muli na naman itong nahihikbi sa labis na galak. Wala pa man ay pakiramdam niya ay nakuha na ang hustisya. Kahit pa parang nananalamin lamang siya sa mukha ng kaharap na anak, alam niya sa puso niyang magkaiba ang kambal na anak. Bagay na alam ni Rani, marahil dahil napakabait ng kanyang kakambal, kung kaya kahit may nagkamali sa kanya ay hindi ito nagtatanim ng sama ng loob kahit siya ang agrabyado. “Hahayaan kitang gawin ang gusto mo, Ranielle.” Kapwa mahal ng Ginang ang kambal na anak, iyon nga lang ay si Dani ang higit na mas matimbang dahil na rin marahil ito ang nanatili sa kanyang tabi bata pa lang. Ganunpaman ay mahalaga rin naman sa kanya si Rani, si Rani na mas pinili noon na sumama sa kanyang ama nang papiliin silang dalawa kung saan gustong sumama. Hindi siya dito nagtanim ng sama ng loob, pamilya pa rin sila kahit na nagkalayo sila. “Kunin natin ang hustisyang nararapat kay Dani, panagutin mo ang mga may sala, Rani.” “Ipinapangako ko, Mommy.” Matapos ng ilang araw pa pagkalipas ng linggong iyon ay handang-handa na si Rani na magpanggap bilang kanyang kakambal sa harapan ng lahat. Sinimulan niyang aralin ang mga kilos ni Dani sa pamamagitan ng mga footage nito na nakakalat kung saan-saang social media account. Kung paano ito maglakad at magsalita kahit na iisa lang naman ang tunog ng kanilang boses ay malaki pa rin ang pagkakaiba ng diction nila sa paraan ng pagsasalita. Marahil ay dahil lumaki si Rani sa dayuhang bansa at hindi sa Pilipinas kahit pa magaling din naman siyang gumamit ng lenguwahe. “Dani loves to used po at opo sa mga nakakatanda sa kanya, Rani.” paulit-ulit na bilin sa kanya ng ina habang kumakain sila ng hapunang dalawa. “Tandaan mo, Rani.” Noon pa lang sila nagkaroon ng lakas ng loob at pagkakataon na kumain dahil ng mga nakaraang araw ay halos hindi pa nila iyon magawang malunok. Hindi rin naman sila makaramdam ng gutom na mag-ina. “And she loves kids. Kada linggo ay may mga foundation at orphanage silang pinupuntahan kasama ang nobyo upang bumisita at magbigay ng tulong.” Isa ito sa pinagkaiba nila. Hindi sanay si Rani sa mga pangbayaning gawaing iyon ng kanyang kakambal. Dahil ang madalas na kanyang gawin noon ay ang gumimik hanggang umabot ng madaling araw. Sa puntong iyon ay alam ni Rani na hindi magiging madali para sa kanya ang lahat. “Mom, sa tingin mo makakaya kong maging si Dani pansamantala? Kilala mo ako. Ayoko sa ugali niyang iyon. Hindi rin ako mahilig sa bata. Mabilis akong mairita at saka magalit.” “Kaya mo iyon, Rani. Gumawa ka na lang ng mga alibi. Hindi ba at doon ka magaling?” Alam ng Ginang na ni minsan ay hindi pa iyon naranasan ni Rani. Nagkahiwalay man sila ng asawang amerikano ay updated pa rin naman siya sa naging buhay ng anak. “Don’t worry too much Rani, you can say na hindi ka na muna sasamang bumisita doon. Gamitin mo na ang nangyaring insidente oras na hindi ka na dito makatanggi pa.” Marahang tumango si Rani. Wala naman siyang choice, lalo pa ngayong pumayag na siyang gawin ang bagay na iyon. Ang kailangan na lang niyang gawin ay ang mabilis na hanapin ang may sala ng pagpaslang sa kapatid. Kapag nangyari iyon ay saka pa lang siya malayang makakabalik sa totoong katauhan niya bilang Ranielle. “Okay, Mom,” tipid niyang tugon kahit pa kinakabahan na siya sa gagawin. Maaaring walang maghinala na hindi siya ibang tao dahil sa pareho sila ng mukha kaya lang may mga bagay talagang magkaibang-magkaiba sila ng kakambal. “Sana ay makahanap ako agad ng mga ebidensiya ng sa ganun ay matapos agad.” Isa sa kanilang malaking pagkakaiba ni Dani ay ang paraan ng pananamit. Oo, modelo ito at magkasukat lang din ang bulas ng kanilang katawan ngunit para kay Rani ay hindi niya gusto ang paraan ng pagsusuot nito ng damit. Kagaya ng napag-usapan nila ng ina, gagawin niya ang lahat upang makamit lang ang hustisyang hinahanap. Kung si Dani ay simple at sopistikada si Rani naman ay sobra-sobrang liberated sa lahat. “Alam kong kaya mo iyan anak, palagi mong iisipin na ang lahat ng ito ay para kay Dani.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD