Binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong silid matapos na lumabas ng doctor. Kung saan-saan na bumaling ang tingin ni Rani upang huwag lang komonekta ito sa mga mata ni Figuro na nakatitig sa kanya. Pakiramdam ng dalaga kapag hindi niya ito ginawa ay mababasa na nitong hindi siya ang babaeng itinitibok ng puso ng binata. “Babe, siguro ka bang ayos ka na?” “Oo, pero may mga gamot pa akong iniinom.” tugon ni Rani na hindi pa rin tumitingin dito. Hangga't maaari ay ayaw niya munang maglapat ang kanilang mga mata at baka may mga tanong na naman itong mahirap sagutin. Pinag-aralan naman ng dalaga iyon, subalit ngayon ay blangkong-blangko siya. “Mukhang hindi ka pa maayos. Dapat sa mga panahong ito ay nagpapahinga ka pa. Bakit ikaw ang nagbabantay sa akin, Dani?” “Dahil gusto ko...”