7

2475 Words
Chapter 7 NAKATULALA si Brandon Jace sa may gulong ng kotse habang nag-iisip. Sa tuwing wala si Lhauren sa kanyang tabi ay nahuhulog siya sa malalim na pag-iisip tungkol sa nangyayari rito. Iniisa-isa niya ang mga taong nakapalibot dito na paghinalaan. That happens. Lahat ng tao ay may dahilan para gumawa ng masama sa kapwa, lalo na kapag tinamaan ng inggit o ano pa man, at hinayaan na lamunin ang buong sistema. Hindi pa siya makapag-pinpoint dahil ilang araw pa lang siya na nagtatrabaho bilang bodyguard, pero wala rin nakakaalam sa special skills niya bilang isang agent. At may isang bagay ngayon na mas nakakagulo sa kanyang isip, na pilit niyang kinalimutan ng isang taon na. During Lhauren's eighteenth birthday, he was there and was personally invited by Charles. Gandang-ganda siya sa batang ito noon pero mas pinili niyang huwag lumapit at piliin ang kanyang career. Hindi niya inasahan na sa pag-iwas niya ay para siyang sinusubok ng tadhana at nalalagay ito ngayon sa panganib. Ang hindi niya gusto, nabubuhay ang kanyang damdamin na pilit niyang kinalimutan. Hindi niya mapigik ngayon na bumuka ang bibig at daanin sa biro ang seryoso niyang nararamdaman. Nadidiskaril siya, nararamdaman niya. Para siyang nawawala sa plano, pero kahit na ganun, hindi nawawala sa isip niya ang iisang bagay, ang protektahan ito at siguruhin ang kaligtasan nito, una sa lahat. “Jace.” Agad na napalingon ang binata sa boses na iyon ni Leica. Naka-two piece suot ang babae at basa ang katawan. He smiled, “Ma'am goddess,” aniya sa babae na agad na napangiti at napailing. “Sinong hinihintay mo?” “Si baby, Ma'am Leica. Mamamasyal daw.” “Mamamasyal o maghahanap ng nanay?” anito kaagad kaya hindi siya nakasagot. “Alam ko na ang mga linyang ganyan ng kapatid ko, Jace. That’s the reason why she’s here. She was looking for her mother. Naawa ako kaya inilakad ko kay Daddy, total bakasyon naman. I know what’s happening. Alam ko na si Dad ang unang nakatanggap ng threats para sa kapatid ko. And he just hired you. Does he know you personally?” “Hindi, Ma'am. Ito talaga ang trabaho ko kaya lang medyo mga espesyal na tao talaga ang naghha-hire sa akin. Rekomendado ako ng padrino niya.” “I see. I guess my sister is really safe with you. Take care,” anito na may kakaibang ngiti sa kanya, ngiti na may paghanga. Diyos ko. Hindi niha alam kung bakit hindi na niya maibaling ang interes sa iba. Onyx Stefan na ba ang labas niya, na natanga sa isang Brandy? Matagal niyang pangarap ang mapabilang sa Interpol. Siya na ang nagtuloy ng pangarap ng ama niya dahil mas pinili nun ang tawag ng damdamin. Kung ang batang si Lhauren ang magiging dahilan ng pagbabaliktad niya, ano na lang ang mangyayari sa pangarap niya mula pagkabata, at ang pangarap nito sa pagtanda? She’s so very young. Daig pa niya ang abuser sa lagay niya. Labing dalawang taon ang agwat nila ni Lhauren sa isa't isa, pero mula nang makilala niya ito ay hindi na nawalaa isip niya. This is just merely a coincidence that she’s in need of a protector, and he’s free to give his service. Wala itong bayad. Tinanggihan niya ang bayad ni President Charles, na daang milyon ang halaga. Mayaman na siya. Gago! Aniya sa sarili. Pakiramdam niya ay malaking kasalanan kung tatanggap siya ng bayad, lalo pa at may gusto naman talaga siya sa bunso ng President. “Bata pa si Lhauren, Jace. I’m reminding you.” Napahalakhak siya sa sinabi ni Leica pero ito ay nailing saka tumalikod. Nahabol niya ng tingin ang babae pero papalabas na si Lhauren kaya dito napako ang mga mata niya. Nakakatuwa itong tingnan na napaka-simple sa kabila ng pagiging anak ng UN's President. Ito ang isa sa mga napansin niya noong makiya niya ito sa debut. Hindi ito papansin at napakalambing sa ama, napakagalang at napakabait na anak. … Lhauren is sitting at the backseat of her car. Papunta sila sa Tondo ngayon para maghanap na naman sa mga magulang niya. Ito ang unang beses na kasama si Jace sa paghahanap kasi kailan lang naman ito dumating. Kinalma lang siya nito kaninang umaga at nakatulugan na lang niya ang pag-iyak. Ngayon ay ang layo ng takbo ng isip niya habang nakahalukipkip siya at nasa tabi ang binata. Walang kaalam-alam ang ate niya sa nangyari kanina dahil busy iyon kasama ang mga modelo. And now that she is already feeling fine, she gladly appreciates Jace's effort of protecting her. Itinakbo niyo papalayo ang kahon para sa kaligtasan niya pero ang sarili nito ay hindi nito inisip kung ito ba ay mapapahamak. That’s so unbelievable. Iba ito sa isang ordinaryong bodyguard. Napasulyap siya rito. Prente ang pagkakasandal nito sa upuan, at nakapatong pa ang isang braso sa sandalan sa likuran niya. Sa maikling salita ay parang gusto na siya nitong akbayan. Maluwag pa naman sa backseat dahil nasa may gilid naman siya ng pinto. Dalawa lang sila pero bakit naman dikit na dikit sa kanya ang binata at bukang buka pa ang mga hita sa pagkakaupo? Halos dumikit na tuloy ang mga tuhod nito sa hita niya at iniipit na siya. Wala sa loob na napasulyap siya sa tuhod nitong nakalabas sa suot na walking shorts. Ang daming buhok ni Jace sa hita, at kahit na ang tuhod ay ang kinis kinis pa. Parang hindi ito sumasabak sa bakbakan kung susumahin. "In love ka na naman sa tuhod ko," biro nito na kaagad niyang ikinatingin sa mukha nito. "I'm just looking at it, in love agad? You're occupying the whole seat." aniya naman dito. Tumawa lang ito sa sinabi niya. "Lalaki kasi ako kaya ganito ang upo ko." Jace said and bit his bottom lip. Nang hindi yata ito makatiis ay inakbayan na siya at kunwaring inipit sa may leeg, para halikan lang siya sa tuktok ng ulo niya. She blinked. Ayaw naman sana niyang pahalik pero hindi naman niya ito mapigil. Hindi niya ito masaway kahit na ito pa lang ang lalaking gumagawa sa kanya ng ganun. Bakit niya ito pinapayagan? Dahil ba sa sitwasyon niya o dahil attacted siya rito? God, no. Huwag naman sana siyang madala sa kagwapuhan ni Jace at mga sinasabi. "Are you still afraid, my baby?" tanong nito na hindi na siya pinakawalan pa. She wondered. May permiso kaya ito mula sa Daddy niya na halik-halikan siya at akbay-akbayan? Masyado itong mapang-tyansing o baka masyado lang itong sweet talaga kahit na kanino? Nainis siya sa kaisipan na ganun ito sa mga babae pero iwinaksi niya iyon sa isip. "What's inside the box nga pala?" she twisted her head to look at him. Tumingin din ito sa kanya saka itinago ang mga labi, "Hmn? Nothing,” he followed with a shrug. "I don't believe you, Jace." salubong ang mga kilay niya, "I have the right to know." giit niya rito. "For what? For you to get afraid? Sekreto ko na yun. Baka mamaya hihika-hika ka na naman, i-mouth to mouth na kita,” giit din naman ni Jace kaya napahalukipkip siya. "Wag na kasing mag-isip nun. Matatakot ka lang," dugtong pa nito pero ayaw niyang makinig. Nagpumilit siyang makawala mula sa pagkakaakbay nito saka siya tumingin sa labas ng bintana. Sa lahat ng ayaw niya ay yung may iniisip siya at alam niyang hindi niya malalaman kung ano ang lihim ng isang bagay. Alam niyang prinoprotektahan lang siya nito pero kahit takot siya ay gusto pa rin niyang malaman. "Tampo?" sabay hawak nito sa baywang niya kaya pumiksi siya, "Sige na. Sasabihin ko na,"anito sa kanya kaya pumihit siya. Jace stared at her for a while. Humugot pa muna ito ng hangin bago nagsalita sa kanya. "Those were edited photos." simpleng sabi nito sa kanya. "Of what?" itinaas niya ang mga balikat at clueless na umangat ang mga kilay niya. Jace pursed his lips. Isinandal nito ulo sa sandalan at tumingin sa kanya. This time his face got so serious. Parang ang lalong pogi pala nito kapag seryoso ang tabas ng mukha at ang mga mata ay ganoon din. Hindi ito mukhang mapaglaro na akala niya ay parati na lang magpapa-fall ng babae. "Photos of you. Edited na ang mga iyon. Like… your neck was slashed," imporma nito sa kanya. She wasn't able to speak for a while. Parang natuyo ang lalamunan niya sa narinig na sinabi nito. Edited photos of her? Dead? Napasulyap siya sa kuya Anton niya na nagmamaneho ng sasakyan. Nakatingin din ito sa kanya sa salamin. "Takot na naman yan, boss pogi. Nawalan ng imik," aniyon kay Jace. Lhauren looked at Jace again when he held her hand. Ipinatong nito ang kamay niya sa hita nito. "If you're afraid, cry. And you need not to feel afraid. I'm telling you that I'll die first before you die." pinisil pa nito ng marahan ang kamay niya pagkasabi nun. Hindi pa rin siya nakaimik, ni nakangiti man lang. Her weary eyes didn't even make a move. Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa lalaking kaharap at wala siyang ibang nakikita sa mga mata nito kundi senseridad. Totoo ba? Hindi siya nito pababayaan kapag dumating na ang oras na iyon na may kukuha sa kanya o anuman? Maya-maya ay kinabig siya nito para yakapin pero may ibinulong ito sa kanya. "Lhauren, umpisa pa lang ito. Kailangan mong maging handa kasi alam ko na tinatakot ka lang nito sa una. This maybe misleading you but he's near. If this is a plain kidnap for ransom case, hindi ka na tatakutin. But why does he have to threaten you? Nag-eenjoy siya na nakikitang takot ka. Trust me always. I'll make this end asap and you'll live a normal life again," anito sa may tainga niya. She made her mind open for all his words and concluded that he may be right. Gusto siyang pasakitan ng tao na gumagawa nito sa kanya, mabuhay sa takot at huwag maging masaya. She rested her chin on his shoulder. He may still be a stranger but she trusts him. Hindi man niya alam ang dahilan pero sa nangyari sa club noong gabi na una silang magkita ay sapat na sigurong dahilan para maniwala siya na hindi siya nito pababayaan. Inuna siya nito sa lahat ng tao roon. Ang rason man nun ay anak siya ni President Madison, labas naman siya sa trabaho nito at tungkulin nang sandaling iyon, peeo siya ang binitbit nito para siguruhin ang seguridad niya. "Mahal mo na ako niyan kasi tiwala ka na sa akin?" biro pa nito sa kanya kaya ngumiti na lang siya kahit hindi nito nakikita. I like you. Pero Natatakot syang sumubok dito. She's so young, samantalang ito ay may edad na di hamak sa kanya at batikan na sa mga bagay-bagay. Isa pa ay paano kung babaero nga ito? Eh di kawawa naman siya. Ilang segundo pa riyang naging komportable sa pagkakayakap nito pero maya-maya ay kusa siyang lumayo. She just smiled at him but he didn't smile back. Nakatingin lang ito sa kanya tapos ay parang nag-iba ang tabas ng mukha at nahulog sa pag-iisip ng kung ano. Hindi na lang siya umimik hanggang sa marating nila ang Tondo. Pumasok na muna siya sa simbahan kung saan siya nakuha ng Yaya Delia niya noong baby pa siya. Kapag pumupunta sila roon ng mga bodyguards niya ay sa simbahan talaga siya unang tumitigil. Nagbabakasakali siya na isang araw ay may makakapag-turo sa kanya ng babae o lalaki man na nag-iwan ng sanggol doon. "Kung magpapakasal ka isang araw, gusto mo ba sa America o dito sa Pilipinas?" biglang tanong sa kanya ni Jace na nasa likuran na pala niya nakaupo. Hindi na siya lumingon. "Dito. There may be an annulment but no divorce. If I am going to get marry, dito rin sa church na ito, where I became human and I became Lhauren Dhenisse, with my family of course, I mean my biological parents and Daddy of course." seryosong pahayag niya. "Kapag nahanap ko ang totoo mong pamilya, pakakasal ka ba sa akin agad?" tanong pa nito kaya napalingon siya. Seriously? Umawang ang bibig niya at pinakamaadan ito. "Jace, I'm not in the mood for your tricks." nabubugnot na sabi niya rito pero nagkibit balikat lang ang binata at bahagyang lumabi. "It's a decent proposal. I'll find them, marry me," ulit pa nito kaya nagsalubong ang mga kilay niya. "I'm so young Jace, ano ka ba? I don't know you. Saka we don't love each other." and you're so playful. Sinarili niya ang pag-irap. "Ikaw di mo ako mahal. Pero ako—" tumayo ito mula sa kinauupuan at umalis sa may likod niya. Hinabol niya ito ng tingin at naghintay sa susunod nitong sasabihin pero wala itong sinabi. Kita! Kung mahal sya nito tulad ng sinasabi nito na isang taon na siyang pinalalaki, sasabihin na sana nito kung yun ang totoong nararamdaman para sa kanya. Tumingin na lang siya sa altar at doon ipinag-focus ang atensyon. Jace always speaks as if it's for finality. Yun ang napapansin niya sa ugali nito simula gabi na una silang magkita. Yun ang pagkakaiba nila because she doesn't speak not unless she's hundred percent decided. Hindi kasi puro biro sa kanya ang mga bagay-bagay, samantalang kay Jace ay parang laro lang ang lahat. He may have known her for a year by now but she doesn't know him. Nakakabigla ang biglang pagdating nito na may kasama na kaagad na proposals at mga salita na tungkol sa pagmamahal. She rested for a while, nang biglang may tumabi sa kanyang isang matandang babae na matapos na lumuhod at magdasal ay umiiyak iyon. She looked at the mid aged woman with a puzzled and weary face. Tumingin din iyon sa kanya at ngumiti ng alanganin, "Ang ganda mong bata. May naaalala ako sa mukha mong iyan," aniyon sa kanya at pinakatitigan pa siya nang husto. Tumango siya saka ngumiti rin. "Anak niyo po?" magalang na tanong niya. Tumango iyon, "Pero ang naalala ko sa mukha mo ay ang tatay ng anak kong namatay na, kahit ang anak namin ay wala na,” aniyon na may bahid ng kalungkutan ang mga mata. "Sorry po. Wala na po pala sila." yumukod siya ng kaunti. "Ang ama ng anak ko patay na pero ang bata ay hindi ko alam kung nasaan. Iniwan ko kasi rito sa simbahan at di ko alam kung sino ang nakapulot. Mga labing walong taon na ang nakalilipas," aniyon na nakatulala sa harapan ng altar. Kaagad na umangat ang mukha niya at tiningnan ang babae. Her heart started pounding so fast. May lampin po ba na ang nakaburda ay Lhauren C? Gustung-gusto niyang itanong pero parang tinakasan siya ng boses at lakas... Nakatanga lamang siya rito at inaaral ang itsura nito. Coincidence ba na parehas sila ng stiwasyon ng babae?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD