6

1979 Words
Chapter 6 Lhauren woke up late. Kaagad na hinanap ng mga mata niya si Jace, na kagabi ay natutulog sa sofa. Wala na ito ngayon doon kaya bumangon siya, saka naglakad papunta da balkonahe. Sumilip siya roon dahil may naririnig siyang tawanan sa may labas ng bahay. Hindi na siya tumuloy sa paglabas dahil natanaw na niya ang binata at kausap ang ate niyang may kasamang mga modelong babae. Mukhang may pictorial sa may poolside dahil nakaayos ang lugar at may mga ilaw roon. Nakabihis na din si Jace, at salamat naman dahil may saluwal ito. Kung wala ay kita na naman ang bukol nito sa harapan. To think na maraming babae itong kaharap, pihadong pagpipyestahan ito roon. Bukod pa dun, mayaman ito sa sense of humor. She slowy walked to reach the railing ang held there. Nakamasid siya sa dalawa nina Jace at Leica, na parang perfectly match dahil kahit sa tangkad ay halos hindi magpanghuli ang mga ito. Inalalayan pa nito ang ate niya nang bumaba iyon sa tiled na hagdan papunta sa pagkalaki-laking swimming pool. Nagngitian pa ang dalawa at kitang-kita sa ate niya na may gusto rin iyon kay Jace. Bigla tuloy syang nakaramdam ng lungkot. Bakit sa lahat ng tao na pwedeng magka-crush sa crush niya ay ate pa talaga niya? Hindi ba pwedeng iba na lang? Ayun. May mga naka-two piece na babaeng lumapit kay Jace at nakipag-usap. Ganito ba talaga ito? Humahakot ito ng mga kababaihan na parang isang suyod sa ulo? O magnet yata ito na humihila ng mga babae, isang ngiti pa lang. Maya-maya ay parang naramdaman yata nito na may nakatingin kaya lumingon sa may kinatatayuan niya. Ang damuho naka shades pala. Bakit ganun? Para yata maitago nito ang mga mata na baka kung saan-saang parte ng katawan ng babae nakatingin. Hindi siya nakagalaw nang bigyan siya nito ng ubod ng papoging ngiti. Pero nang makita niya na papalapit ito ulit sa ate niya ay pumihit siya papasok ng kwarto at dumiretso sa banyo. He's such a playboy. Paasa sa feelings ng babae ang Jace na yun. You should not like him anymore, Lhauren. Utos niya sa sarili. Dapat ngayon ay ibaling niya sa iba ang atensyon niya at pilitin ang kanyang sarili na huwag makaramdam ng kung ano tuwing bumubuladas ito ng kung anu-anong namumulaklak na salita. Paglabas niya ng banyo ay nasa loob na ito ng kwarto, at prenteng may dinudutodot na naman na kung ano sa phone niya. Lumingon ito sa kanya at tiningnan siya saka kumagat sa labi. "Ang ganda-ganda na naman ng baby ko. Tsk!" he said with a very wide grin. Inirapan lang niya ito, "It's too early to make bola-bola. Don't count me as one of the girls you can flirt with," inis na sabi niya habang kinukuha niya ang blower sa drawer ng vanity. She looked in their reflections. Kita niyang naitago nito ang mga labi habang nakatingin sa kanya. "Selos ka naman kaagad. Wag na. Kinausap lang ako nung mga chicks. Bihira raw silang makakita ng pogi." anito pa na parang proud na proud sa sarili. "Whatever, Mr. Bola-bola," she rolled her eyes. Kinindatan lang siya nito. At sa gesture na iyon ni Jace ay parang may naalala siyang tao na nakasayaw niya noong eighteenth birthday niya. It was a masquerade party kaya hindi niya kilala ang mga naging bisita niya. Ang with Jace's eyes, bigla niyang naalala ang lalaki na yun na unang nagsayaw sa kanya. Mag-iisang taon na ang nakalilipas kasi magna-nineteen na siya ngayon. Hindi niya kaagad nabawi ang paningin dahil sa naalalang iyon. She's not sure about that guy's built because he was wearing a tux, could it be him? Ang lalaking walang imik hanggang sa matapos ang kanta at waring inaral lang siya. "Why are you gazing at me baby?" tanong nito pero hindi naman sa kanya nakatingin. "Answer me seriously, Jace." pauna na niya rito. He immediately looked into their reflections, "Oo, mahal kita." sabay ngisi nito ng malaki kaya nabwisit siya. Alam niya kasing niloloko na naman siya nito. "Pwede ba, Jace?" iritadong sabi niya rito sabay hagod niya ng hairbrush sa buhok niya nang may karahasan. Nagsalubong ang mga kilay niya at hindi na maipinta ang maganda niyang mukha. "Pwede nga. Mahal nga kasi. Why wouldn't you believe it?" ngingisi - ngisi pa ito. "It's because you're making fun of me. I just wanted to ask you if you were there at my birthday party. I mean, if Daddy invited you," padabog na tanong niya habang walang tigil sa pag-blower ng buhok. This time, Jace puts down her phone on the bedside table. Sumandal ito roon at pinag-krus ang mga braso sa dibdib. " Now you remembered Brandon Jace the pogi, young girl," anito saka yumuko ng kaunti at tiningnan siya na hindi iginagalaw ang mga mata nito. Natigilan siya sa pagsusuklay ng buhok at napatingin ang binata sa salamin. "Y-You were that guy really who danced with me?" parang di pa siya makapaniwala talaga na nagkita na pala sila bukod pa sa una nilang pagkkikita sa club. Tumango si Jace, "Since then, pinalalaki na kita at mag-iisang taon na yun baby," there's his wide grin again. Hindi siya nakaimik. Tiningnan lang niya ito. Parang may nagbago sa pagpintig ng puso niya dahil sa sinabi nito. Para kasing may katotohanan pero parang ang hirap din maniwala kasi parang puro kalokohan naman ang alam nito at lahat ng lumalabas sa bibig. Pinalalaki? How come? Wala naman sa tipo nito ang mag-asawa kasi kung hindi siya nagkakamali, sabi ng kanyang Daddy, ang kinabibiliban nun na special agent ng interpol ay dedicated sa trabaho at gustong doon na tumanda. Alam niyang ito ang tinutukoy ng Daddy niya. "One year na nga rin akong walang babae eh. Simula noon. Ayoko kasing mag-cheat kaya hindi ko na pinansin ang mga hilera ng babae na nagkakandarapa sa akin," umiling-iling pa ito kaya Lumiko ang labi niya. "Ang hangin mo talaga." halos itirik niya ang mga mata habang sige pa rin sa pag-blower ng buhok. "Of course. Sabi mo bola ako eh di mahangin. habagat ako hangin din yun." pilosopong sagot nito kaya mabilis niya itong binato ng suklay na kaagad naman nitong sinalo. Tatawa-tawa pa itong lumapit sa kanya. "Taray. Crush lang naman ako kaya ganyan," anito na tumayo mismo sa may likod niya. Her heart thumped so fast. Kapag ganito ito kalapit sa kanya at iba ang titig ng mga mata ay sobrang kinakabahan siya pero ayaw niyang magpahalata. Lhaured bowed her head instead. Mahahalata siya nito sigurado na totoong may crush siya rito. Pero laking gulat niya nang bigla na naman siya nitong nakawan ng halik sa pisngi. But what's more surprising was because she didn't say anything or even said no to it. She just glanced at him Even if it was so clear that he took advantage of her. Napakamot ito sa ulo at hindi niya alam kung bakit, sabay alis nito sa may likuran niya matapos na ilapag ang suklay sa patungan. "Tsk! Why so young Lhauren? Bakit naman kasi ang aga akong ginawa ni Daddy? Ang tanda ko tuloy na sobra sa iyo." pakamot-kamot na sabi nito at umiiling pa. Napangiti tuloy siya kasi parang sising-sisi ito na twelve years ang age gap nila. "Si Daddy naman kasi. Ang pangit tuloy gumawa ng Habagat moves dahil sobrang bata mo. Mamaya sabihin mo manyak ako." palatak pa nito habang naglalakad na papalabas ng kwarto niya, pero bago pa man lang ito tuluyang makalabas ay bumukas na ang pinto at ang ate Betchay niya ang pumasok. May dala iyong maliit na kahon na parang regalo dahil may balot at may ribbon pa. " Ano 'yan, sexing yaya?" tanong kaagad ni Jace sa babae, nakatitig ito sa regalo at parang nawala ang magandang ngiti. Siya man ay umalis sa harap ng salamin at humakbang ng ilan para tingnan ang dalawang nasa may pintuan. "Galing sa courier. Para kay Lhauren daw." anang babae. Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ni Jace at walang babalang dinampot ang kahon at saka mabilis na itinakbo papalabas ng kwarto niya iyon. My gosh! Nanikip na naman ang paghinga niya nang biglang bundulin siya ng sobra - sobrang kaba. Baka galing yun sa prank caller na nagbibigay sa kanya ng mga threatening calls. "Ate B-Bet–" she held her chest, at napakapit siya sa gilid ng pader. "Lhauren, r-relax lang." parang nataranta ang babae na lumapit sa kanya at hinimas-himas ang dibdib niya saka siya marahang iniupo sa kama at pinasandal sa headboard. Nanlupaypay ang kamay niya. "Diyos ko naman, Lhauren! Wag kang himatayin!" napapatalon na sabi nito at di malaman kung saan tatakbo. May ulirat naman siya pero wala siyang lakas. She's shaking. Baka bomba ang laman ng kahon na iyon at lahat ng tao sa bahay ay madadamay pa kapag nagkataon dahil sa taong gumagawa sa kanya ng mga pananakot na ito. She's breathing heavily. Ramdam niya ang panlalamig ng mga kamay niya at ang mga pawis na buo-buong lumalabas sa noo niya ay malalamig din. Walang humpay ang pahid ng ate Betchay niya ng apron nito sa pawis niya at walang tigil ng tapikin ang pisngi niya. "Bebe gerl..." untag pa nito sa kanya pero hindi siya sumagot. Maya-maya ay pumasok na rin si Jace at mabilis na lumapit sa kanya nang tila magulat sa itsura niya. "Lhauren," itinikal sya nito sa headboard at inalalayan ng isang braso ang likod niya, saka siya nito inalog. "Kumuha ka ng tubig. Bilis." utos nito sa yaya niya. Bigla siyang napasigok. Punung-puno ng luha ang mga mata niya pero di niya magawang umiyak. "Tang ina! Iiyak mo na. Cry now. I'm here." his voice was louder this time as he shook her. Maya-maya pa ay niyakap siya nito kahit parang lantang gulay na siya. "Don't be afraid." bulong nito sa may ulo niya. That was the time she cried, "I don't want to die," iyak niya sa wakas, "I still want to meet my family and make happy moments with them. Please don't let me die, Jace," she shook her head as she grabbed his shirt. "Good girls don't die, only mean ones do. Hush now, baby." hinagod nito ang ulo niya ng paulit ulit at naroon din na silipin ang mukha niya. "Eto na ang tubig," anang ate Betchay niya. Jace handed it, saka siya nito pinainom nang dahan-dahan. Iniupo siya nito nang maayos at kinuha ang mga kamay niyang nanlalamig, at sinimulang pisil-pisilin ang mga iyon. "Kapag ganyan, iiyak mo kaagad ha. Stop forbidding yourself to sob," anito sa kanya saka pinahid ang mga luha niya sa mukha. May history kasi ang pag-iyak niya kung bakit ganoon siya. Hindi niya alam kung nasa memorya niya talaga at totoong nangyari iyon, na noong bata pa siya ay may pumapalo sa kanya nang malalakas kapag umiiyak siya nang may tunog. Since then ay pinipigil na niya ang mapaiyak kasi natatakot siya na mapalo na naman ng kung sino. Hindi niya yun maalala o baka nga hindi naman iyon totoong nangyari. Baka guni-guni lang niya iyon na minsan ay ikinulong siya sa closet dahil sa lakas ng iyak niya, at doon siya parang sinimulang himatayin kapag natatakot siya nang sobra. Hindi niya alam kung isa sa mga naging yaya niya ang gumawa noon sa kanya o kung sino. Baka masamang panaginip lang iyon pero sa aktwal na buhay niya ngayon ay totoong nangyayari. Hilam ang mga luha na tumingin siya sa binata at tumango rito kahit paano. Mabilis itong ngumiti at agad siyang niyakap. Wala siyang lakas ng loob na magtanong kung anong nasa loob ng kahon. The fact that Jace didn't hand it to her, it was something awful perhaps. And thank God, he's here. Hindi pa man lang nag-uumpisa ang araw niya ay nasira na kaagad ng kung sinong pilato. Hindi nga naman yun tumawag, nagpadala naman ng masamang regalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD