Part Four
Miggy simply removes his eyes away from the girl. She’s seventeen, turning eighteen. Makakasuhan pa siya kapag napamali siya ng kilos. Maganda ang bata at hindi niya pwedeng itanggi iyon. Sa apat na magkakaibigan ay ito ang pinakamaliit, pero ito ang pinakamaganda. She’s fair, has cute bangs and black hair that barely reaches her shoulders. Magaganda ang dark brown na mga mata na mas lalong nabuhay sa mascara na nakalagay sa mga pilik-mata nito. He knows nothing when it comes to make-ups and foundations or whatever freak those are, but counting all the women who rattled around the the tip of his fingertips, he managed to learn the things that were being put on a woman’s face. And Casey has nothing but mascara.
For all he knows, Empress is 5'7 in height and the other two are likely the same. Naiwan si Casey Daniella na maliit at palagay niya ay 5’4 lang ang bata o baka nga mas maliit pa, pero mahahaba ang binti at hita, katamtaman ang laki ng katawan at ang pinakamaganda sa lahat ay ang mukha nito na maamo. And her charm is undeniably noticeable, eye-catching and bewitching. She’s simple but her saddened and frightened face adds more innocence to her juvenile beauty. Iyon ang aalisin niya, ang takot na nakikita niya sa mga mata ni Casey, na kahit pa itanggi ay sumisilip at nakapirmi sa mga mata nito. There's nothing to be frightened of.
He’ll read about her parents’ case and he must stay in focus. Hindi niya in-expect na tatamaan siya sa physical characteristics nito but he must keep his stance and must keep on gathering his self-control. He’s a fuckboy but the girl is off to his limits. Kaibigan ng pamangkin niya ang dalagita at hindi niya dapat isali sa mga babaeng pinararausan niya kahit na gaano pa ito kaganda. He must be professional enough and for demon's sake, he’s too old to taste the girl. Kanina nang sunduin niya ang dalawang kaibigan ni Empress ay ang tinatawag na Queen ang napansin niya at pasimple niyang sinusulyap-sulyapan hanggang sa makarating sila PNP. Queen has a beauty made only for beauty queens; but when he saw Casey through the exit glass door of the building while he was talking with Attorney Lagoste, he was bedazed. Totoong iba-iba talaga ang ganda ng mga babae at hindi lahat ng mga babaeng magaganda na parang beauty queen ay mahahatak lahat ng lalaki. He was more interested on Casey, simple but really fascinating. She has that weak personality but tries to remain strong despite the negative charges on her face.
Malamang kung bente singko na ang bata ay siguradong nasa iisang kama sila matutulog mamaya. Hindi naman kasi siya mahilig sa mga virgin at mga menor. Ayaw niya sa walang alam at hindi kayang masuklian ang lahat ng kaya niyang gawin pagdating sa s*x. He’s like a caveman hungry for thrill and vast exploration. He wants passionate women and not crybabies; so, Casey is not for his satisfaction. Purong trabaho lang ang magagawa niya talaga at hindi na hihigit pa roon kahit na gandang-ganda pa siya rito.
He shifts his position while standing beside his blue Lamborghini Veneno and glances at his wristwatch. Kaagad na nalukot ang mukha niya na parang papel nang ma-realize niya na halos kwarenta y singko minutos na pala siyang naghihintay sa mga dalagitang iyon.
“The f**k!”” Naibuga niya ang usok ng hinihithit na sigarilyo. “What’s taking those women so long?”” Nagbungguan ang mga kilay na tanong niya sa abogado na nakatayo rin naman sa may tabi ng sasakyan nito.
Ronnie chuckles in reply. “When those naughty women stick together, I always get late meeting my other clients. When those girls say 7:00 AM, usually it’s 8:00 AM.” Nakangiti pang paliwanag ng lalaki na sinundan ng pag-iling.
He furrows. “And you always let them eat your suppose to be time frame? Hindi pwede sa akin ‘yon, Atty. Lagoste.” Umiiling na sagot niya. Mahigpit siya sa oras at kapag sinabi niya na alas siyete, dapat menos singko para alas syete ay nakahanda na ang taong kakausapin niya.
“Well, they’re childish, Lt Gen. Alonde. And as long as my hearings aren’t affected, wala naman problema.”” Kibit-balikat noon na hindi niya nakuha.
Alam niya na hindi lang basta kliyente ang tingin ng lalaki kay Casey. Lalaki siya at alam niya kung paano umatake ang kapwa niya lalaki. Binabantayan ng abogado ang dalagang bata para sa pansariling interes. Though he can see that the lawyer is a professional one, he can’t still fully trust his intentions. Malaki ang nagagawang epekto ng pagnanasa at pagkagusto ng isang lalaki sa isang babae. Kadalasan ay nauuwi iyon sa hindi maganda at kapag desperado na ang lalaki lalo pa kung hindi naman gusto ng babae. Most cases ended up in rape and murders. Kung ang selos ay nakakamatay, paano pa kaya ang pagkahumaling sa isang tao na para lang gumagamit ng droga? It’s hard to quell some worldly cravings which are so uncontrollable, too especially to some men who were mentally ill.
“Sa akin may problema, Atty. Lagoste. I must be frank with you; I don’t like childish women and those who exhaust up a lot of my time. My time is precious and there’s no way I’ll tolerate this. Pardon me.” He tossed the cigarette and left Ronnie. Baka naman kasi naghihintay pa ng pasko ang mga magbabarkada na iyon kaya kailangan ng sunduin.
Walang lingon-lingon na naglakad siya papasok sa main building kung saan naka-detain ang mga state witnesses sa iba't ibang kaso na nasa ilalim ng custody ng mga pulis. Dumiretso siya sa may pasilyo at malayo pa siya ay rinig na niya ang hagikhikan ng mga kabataang babae sa may gawing dulo. Mag-aaway sila malamang ni Miss Imperial kapag palagi na lang iyong makupad at parang wala sa sarili ang mga ikinikilos. He understands that it’s normal for a girl to act so impulsive and undecided, but not all the time. Kailangan niyang turuan iyon kung paano maging mature na totoo at hindi iyong acting mature lang.
Nang marating niya ang dulo ng pasilyo ay huling-huli niya na naghaharutan pa ang apat at kulang na lang ay maghabulan na parang mga bata. His brows automatically tied in a knot as he grabbed the bag which Casey was handling. Hindi pa siya nakuntento ay pinukol pa niya ang dalaga nang masamang tingin.
“I am not a teacher and I don’t have much patience in waiting, Miss Imperial. Kung gusto mo na magkasundo tayo, bibilisan niyo ang mga kilos niyo.” Aniya sabay talikod at saka walang paalam na naglakad papalayo habang bitbit ang bag ng dalaga.
Forty-five minutes is f*****g quite a long time. Kahit na isang minuto ay mahalaga sa kanya at iyon ang hindi alam ng mga taong nakapaligid sa kanya. If a bomber will have to drop a missile, he must not waste any second for a single second can lead to death.
Wala siyang narinig na kung anuman kaya nagtuloy-tuloy na siya sa paglalakad at ni hindi man lang tinapunan ng tingin ang mga dalaga sa kanyang likuran.
Casey blinks.
Ano raw?
Pare-parehas silang natigilan at parang naengkanto dahil sa inasal ng tiyuhin ni Empress. Nakanganga sila at walang maapuhap na salita. Sa inakto ng Lt Gen. ay kumpirmado na talaga niya na napakasungit nito. Agawin ba naman nang walang paalam ang bag niya at pagsalitaan pa siya sa harap ng mga kaibigan niya? Ganoon lang? Aba, at pahiyang-pahiya siya pero dapat ay kontrolin niya ang sarili. Hindi pwedeng patulan niya ang matandang militar dahil iyon na lang ang kaisa-isang pag-asa niya para hindi siya maburo sa building na kinatatayuan niya sa mga oras na iyon.
“I’m so sorry girls. I failed to inform you that Tito Miggy is some kind of a… let’s say, strict.” Napapangiwing sabi ni Empress saka ito nagkibit balikat.
Kaagad na naarkuhan niya ng kilay ang kaibigan. “Some kind of strict? Hello, sabihin mo istrikto talaga at napakasungit pa.” salo naman kaagad niya na ikinakamot ng ulo ni Empress.
“Pagsasabihan ko na lang.”” Nanulis ang labi na sabi ng dalaga.
“Ilang taon na ba si Tito Miggy at para namang matandang binata na siya kung umasta?”” Curious na tanong ni Dana saka noon hinabol ng tingin ang binatang papalayo.
Napahabol din ng tingin si Casey. She looks him up and down. The man is walking with great confidence and quick movements, colossal steps. He's quite huge but she notices that he’s attentive and quite speedy. Pinitik lang ang kamay niya kanina ay hawak na kaagad noon ang kanyang maliit na traveling bag. Bawing-bawi naman sa talas ng bibig ang taglay na kagwapuhan at kamachohan. He’s too arrogant to be true. She never met such cocky guy. Kung si Atty. Lagoste ay ubod ng lambing magsalita at napakabait, ang security guard naman niya ay napakatalas ng dila na parang double bladed sword, at napakatigas magsalita. Baka naman mas lalo siyang masiraan ng ulo kung iyon palagi ang ugaling ipapakita sa kanya ng tiyuhin ni Empress. Tatlong taon na siyang namuhay na mag-isa at kinaya ang lahat. Hindi yata siya papayag na may lalaking magmamando sa kanya kung paano ang dapat na maging kilos niya. Yes, his professional fee may be for free but that doesn’t mean he can talk to her so maddeningly rude. Hindi naman siya utusan at isang trainee sa military para manduhan na para siyang private soldier na sasabak sa gyera ng mga ulikba. Baka kapag hindi siya makatiis ay papatulan niya ang matanda.
“Thirty- four na si Tito, three months na lang thirty-five na siya. Pasensyahan niyo na pero talagang istrikto ‘yon. Kahit nga si Mommy Lola hindi 'yon kaya eh.”” Narinig niyang paliwanag ni Empress.
“Tara na, baka mamaya ay gumamit pa ‘yon ng megaphone kapag hindi tayo sumunod kaagad.” Aniya sabay hila sa mga kaibigan.
Nilakihan nila ang mga paghakbang para maabutan ang binata pero talagang mabilis iyong maglakad at nasa may kotse na nang abutan nila.
Napanganga pa siya nang mapansin niya na kumikinang ang asul na kotse nito sa sinag ng araw. She has never seen such car before and it also shows how braggy he is. Walang kasing angas ang kotse nito na pakiramdam niya ay lilipad kapag pinatakbo nang matulin.
“K-Kotse ng Tito mo?” Pasimpleng siko niya at bulong kay Empress nang matigilan sila sa may pinaka main entrance ng building.
“Yes, his Lamborghini Veneno. He bought it last month. Uuwi pala siya kaya bumili siya ng bagong kotse. Mas mahal pa yan sa buhay ko. 4.6 million ang bili niya sabi ni Mi-lola, in dollars pa.” bulong din sa kanya ni Empress.
Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata nila nina Dana at Queen.
“Aside from being a member of the Philippine Air force, he became a Royal Navy, too. I think five years din siya sa Britain. Bata pa ako noon kaya hindi ko matandaan. Umuwi lang siya para Pilipinas na naman daw ang makinabang sa kanya. And aside from being a Navy, too, may negosyo siya. Imagine kung paano niya napagsasabay lahat ng iyon and consistent and profit ng kumpanya na pamana sa kanya ni Di-lolo. Masungit lang siya kasi feeling ko hindi siya napatawad ni Di-lolo noong talikuran niya ang negosyo para ipagpalit sa pagiging isang sundalo. You know, bitter people usually carry it all throughout the way. Not unless may dumating na isang makakapagpasaya sa kanya.” Mahabang kwento ni Empress sa kanila.
Casey is just staring at Miggy. Aburido na ang mukha ng binata at patingin-tingin sa kanila matapos na isalya ang bag niya sa compartment ng sasakyan.
“Stop talking about me. I'm warning you Empress. Hindi ako artista na pwede niyong pag-usapan ang buhay.” Masungit na sabi ng binata na kaagad na nagpakilos sa kanila.
Ano ba iyon? Marunong din bumasa ng isip? Nang buksan nito ang pinto sa backseat at sa passenger’s seat ay napahiwalay kaagad siya ng daan sa tatlo.
“Dito ako sasakay kay Atty. Ronnie.” She suggested but Miggy glared at her. The muscles in her throat involuntarily moved making her swallow. Para naman siyang papatayin sa titig ng Lt Gen. Baka naman mas dapat pa siyang matakot dito sa halip na mas matakot siya sa dalawang sanggano na nakalaya mula sa kulungan. Aba sa laking tao ni Lt Gen. Alonde, parang kaya siyang pitikin nito papuntang Madagascar at isama sa mga tabachingching na hippopotamus.
Miggy purses his lips and looks at her through his thick dark lashes. “Nasaan ang babantayan ko? Isa ba sa mga babaeng ito?” Masungit na tanong nito sa kanya na sinalo naman kaagad ni Atty. Lagoste.
“It’s okay, Lt Gen. Alonde. She’ll be fine here. Kapahon ako rin naman ang nagdala sa kanya rito mag-isa. Let’s just head her home.”” Nakangiti pang sabi ng abogado sa tiyuhin ng kaibigan niya.
Wala itong sagot kung hindi isang tango kina Empress at kina Dana na ang ibig sabihin ay sumakay na ang mga iyon sa kotse. Mukhang malalagot siya kapag sila na lang dalawa ang naiwan sa bahay. Alam niyang si Mr. Alonde ang tipo ng lalaki na hindi pinapalampas ang kahit na maliliit na bagay. He mentioned earlier that he’s going to lay all his rules and she has to figure out if she can take those. Wag lang naman masyadong nakakasakal ay kaya naman niyang sumunod at huwag lang naman siyang pagsungitan nang madalas.
“Let’s go, Casey.”” Anyaya sa kanya ni Ronnie saka siya hinawakan sa siko.
She nods but still glances at Lt Gen. Alonde. He's wearing the cockiest and the hardest face. Hindi ba itinuro rito kung paano ang ngumiti? Wala namang bayad at libre naman iyon sa mundo pero bakit parang mamahalin na sobra ang ngiti ng lalaki?
“I’ll follow your car, Atty. Lagoste.” Iyon lang ang sinabi ni Miggy sa binatang abogado at nag-iwan ng isang saludo.
Ronnie beams beautifully and salutes in return. Then, he attempts opening the car's door for her, but she refuses. “Thank you, Attorney but I can manage.” Aniya roon na tumango naman pero halatang pilit.
“I’m sorry for keeping you waiting too long.””
“No harm, Casey. Wala naman akong hearing ngayon.” Ngumiti ulit iyon sa kanya at saka inilahad ang kamay para pumasok na siya sa sasakyan.
Walang imik na sumakay siya habang bitbit pa rin ang pusa. Her eyes search for the arrogant military officer. Pasipol-sipol ito na naglakad papunta sa driver’s side ng kotse at nakuha pang hilahin ang isang sulok ng labi para ngitian ang isang babaeng pulis na nakapalda. The policewoman grins, too, showing her teeth.
Napaarko ang mga kilay niya. Ngumingiti naman pala ang lalaki kapag nakakakita ng babaeng maganda, iyong mga katulad nito na malapit nang bigyan ng senior citizen’s I.D at pension.