Part Three
Bumaluktot ang mga labi ni Casey nang lumabas siya mula sa kwarto kung saan siya dinala kahapon pa. Hindi naman siya nakatulog dahil namamahay siya at kung hindi niya katabi si Cutie, malamang ay hindi siya matatahimik. She’s waiting for Empress' text message or call. Maya’t maya ang sulyap niya sa aparato dahil baka hindi niya narinig ang tunog ng message alert. Nabanggit kasi sa kanya noon kahapon na susubukang humingi ng tulong sa tiyuhin na umuwi raw para sa magbakasyon nang saglit. Siyempre ipinaalam niya sa mga kaibigan ang tungkol sa sitwasyon niya at eksakto naman na may naisip na solusyon ang isa sa mga iyon sa kanyang problema. Umaasa siya na magiging positive ang resulta ng paghingi niya ng tulong sa tiyuhin ni Empress. Hindi siya makakatagal sa protection custody ng PNP, para siyang tanga na nakakulong. Isang gabi at kalahating araw pa lang siya roon ay para na siyang mas lalong nabuburo. Dinaig pa niya ang isang baliw na nasa mental asylum. She was occupying a single bedroom and it was requested by her lawyer so that she could have her own privacy, but it only made the situation worse. She couldn’t sleep last night because she’s so afraid. Puno ng takot ang dibdib niya. She felt that someone would just come and grab her out of nowhere. She’s acting so paranoid and she couldn’t help it.
Casey lazily sat on the wooden bench and placed Cutie on her lap. She starts to fondle the Persian cat's head and stares blankly at the blooming roses. Walang ibang laman ang isip niya kung hindi ang nangyari sa kanyang mga magulang. Simula pa lang kagabi ay okupado na noon ang kabuuan ng memorya niya. Nakalimutan na niya iyon kahit paano pero biglang bumalik at binagabag ang buong sistema niya. She couldn’t eat, she couldn’t even move normally. She thought she already gave her best to achieve the justice for her parents, but now everything suddenly warped. Iba talaga ang nagagawa ng pera dahil kahit batas ay kayang baliktutin na parang pinalambot na bakal.
Ngayon ay napapaisip pa tuloy siya kung makukuha ba niya ulit ang hustisya sa pangalawang pagkakataon.
She can’t let it happen again. Hindi niya makakaya kung mangyayari rin sa kanya ang nangyari sa Mommy niya.
Gabi noon nang biglang sumugod ang dalawang lalaki na iyon sa kanilang bahay. One pretended like he was in need of help and knocked on their door. Daddy niya ang nagbukas at gulat na gulat sila ng Mommy niya nang bigla na lang iyong tutukan ng baril ng isa at ang isa naman ay kutsilyo. Dinala sila sa iisang kwarto at doon na binaril ang Daddy niya at pagkatapos ay sapilitan namang hinubaran ang Mommy niya at pinadapa sa sahig. Natulala siya at nanginig ang buong katawan sa takot pero mas pinili niyang paganahin ang kanyang isip. She was so lucky to grab the wooden cross on the table which she used to hit the man who was holding her firmly but that was after her Mom was already raped and murdered. Hindi niya alam ang totoong dahilan kung bakit ginawa iyon sa mga magulang niya, pero sa kalagitnaan ng paglilitis ay lumabas ang mga salitang miyembro ng iligal na pasugalan ang Daddy niya at may kinuhang milyong halaga ng pera. Kaya marami raw ang pwedeng pumatay sa mga iyon, hindi lang ang dalawang lalaking itinuturo niya na may mga tattoo sa katawan at hindi ang isa sa nagmamay-ari ng hikaw na napilas niya sa tainga ng impaktong iyon. Hanggang sa huli ay tumanggi ang dalawa at nagawa pa siyang pagbantaan nang palihim. Hindi pa rin sapat ang lahat ng pagtestigo niya kaya umabot sa ganito ngayon. Ano pa kaya ang dapat niyang pagdaanan para mapaniwala ang batas na siya ang nagsasabi ng totoo at hindi ang dalawang hunyango na iyon?
Nanalo pa rin siya pero ngayon ay aakyat na sa mataas na hukuman ang kaso. Akala niya hindi na mag-aapila ang mga bwisit na iyon pero heto nga at nakalaya pa. Ang masama noon ay kung magtago na ang dalawang iyon sa batas at balikan siya katulad ng pananakot sa kanya. Mga adik yata ang mga lalaking iyon, sa palagay niya.
“Bulaga!”
“Ay!” napaitlag siya at kamuntik pa niyang maitapon si Cutie sa sobrang pagkagulat nang gulatin siya ng mga kaibigan.
Casey tilted her head and met Empress'eyes. Kasama nito sina Queen at Dana kaya napangiti siya. Ito na lang ang tumatayong pamilya niya ngayon kaya malaki ang katuwaan na nararamdaman niya kapag nakikita niyang hindi siya pinababayaan ng mga ito.
“Surprise!” sabay-sabay na sabi ng mga ito saka siya niyakap nang buo.
She beams brightly and leaves the bench. “May security na ako? Em, pumayag ba ang Tito mo?” Agaran niyang tanong sa kaibigan na mas lalong lumaki ang ngisi sa kanya.
“Ako pa ba?” buong kayabangan na sagot ni Empress aa kanya kaya mabilis niyang inilibot ang mga mata para hanapin sa paligid ang bago niyang security. Sa wakas, nabawasan ang problema niya. Kung siya kasi ang masusunod ay hindi naman siya sasama sa lugar na iyon na pinagdalhan sa kanya ni Atty. Ronnie. Pero iyon ang kailangan at para sa kaligtasan niya ay iyon ang ginawa niya.
“Where is he?” nawala ang ngiti niya nang wala naman siyang makitang lalaki sa paligid. Sila lang ang tao sa garden.
“Yeee, excited!” Empress nudges her. Kamuntik pa siyang matumba dahil na out of balance siya.
“He’s so yummy, beshy…” kinikilig naman na sabi ni Dana saka ikinulong ang sariling mukha sa mga palad.
“Sorority goal number one, no boyfriend.” She reminded her friends. Dana is their leader and now looks like her friend is breaking their own rules. Hindi naman sila talagang miyembro ng sorority. Iyon lang ang tawag nila sa grupo nila at may goal sila na dapat ma-achieve at mga rules na dapat sundin para maging matagumpay sa buhay. Isa sa mga rules na iyon ay studies first before flirting. Pero heto ang kaibigan niya na parang mauubusan ng hangin sa sobrang kilig. She studied Queen's facial expression and she can say that her friend isn’t good in giving her best poker face. Nanginginang ang mga mata noon at kulang na lang ay tubuan at mamunga ng puso para literal na malaman niyang kinikilig din iyon sa loob-loob. Bigla tuloy siyang kinabahan. Mukhang gwapong totoo ang kanyang security guard.
“I am breaking the rule for you Casey beshy.” Dana shakes her by arms. “Pwede ka nang mag-bf basta si Tito Miggy ang ibi-bf mo.”
Tito Miggy? Matanda na!
“Tito Miggy? Mahiya naman kayo sa balat niyo. Tito na nga, ibi-bf pa? Matanda na iyon at dapat na irespeto. Hindi ‘yong pagnanasaan niyo pa.” nairolyo niya ang mga mata pero sabay-sabay siyang inalog ng tatlo.
“Araaaay!” Tili niya.
“Huwag mo ng irespeto, beshy C. Bastusin mo na, bastusin mo.” Pangisi-ngising turo sa kanya ni Empress. “I would love to have you as my Tita.” Pinakurap pa nito ang mga mata na may kapungayan.
“Loka! Wala akong balak mag-bf ng lolo na at wala akong balak na maging Tita mo. Asa'n na ba?” She simply fixes her hair and her tank top, and then she looks around again. Wala pa rin naman siyang nakikita na tao sa paligid.
“Halika na. Kausap siya ni Attorney Lagoste.” Yaya sa kanya ni Empress.
Parang lumukso ang puso niya sa tuwa. So it’s true. Her friends aren’t playing games with her. It’s true that she’s going to have her own personal protector. She no longer has to stay in that place and rot there while aiming for justice.
Napangiti siya at na-excite na makapasok sa loob kaya siya na mismo ang humila sa mga kaibigan niya.
“Nandito si Attorney Lagoste?” tanong niya sa mga ito na sabay-sabay naman na tumango.
Nagmadali lalo siyang makapasok at naglakad sa pasilyo papunta sa main building. Napatigil siya sa paghakbang nang makita niya ang isang lalaking nakatalikod. Kausap noon ang kanyang abogado. Sobrang tangkad ng lalaki at tuwid na tuwid ang likod. He’s wearing a royal blue, tight pull over shirt, a denim pants and an expensive sneakers shoes. His hair is dark brown and sure that it’s so natural. He’s standing with his arms crossed over his chest.
Kaya naman pala halos maihi na ang mga kaibigan niya sa kilig ay totoong may sinasabi naman pala ang Tito ni Empress. Likod pa lang ulam na. Baka kapag humarap ang lalaki ay panghimagas pa.
“See? Napatulala ka.” Humahagikhik na sabi ni Dana sa kanya. Makailang ulit siyang napakurap bago tumingin sa kaibigan.
She can’t find the right words to say. May dahilan naman pala para maloka ang mga kaibigan niya sa lalaki. Iyon lang ay napakatanda na naman yata noon para magustuhan pa ng mga kaibigan niya.
When she looks at the man again, her lawyer is already looking at him. Ronnie smiles a bit and gently waves his hand to catch her attention. Kaagad na lumingon ang tiyuhin ni Empress at hindi lang mukha ang ipinihit noon kung hindi pati na ang katawan.
Oh mi gosh!
She forced herself not to hang her mouth open and drool.
Totoong gwapo nga ang lalaki at lalaking-lalaki ang dating, magmula sa pananamit hanggang sa tindig. She stares at him but his eyes look at each one of them. Hindi pumirmi ang mga mata nito sa iisa lang sa kanilang apat na magkakaibigan. Tapos ay ngumiti ito nang kaunti nang kay Empress na tumingin.
“She’s my client, Mr. Alonde.” Casey heard Atty. Lagoste said. The lawyer even motioned his hand and pointed at her.
Isang marahang tango naman ang isinagot ng lalaki bago sila tuluyan na tumayo sa may harapan ng dalawa.
She looks up at him. Para siyang nanuno sa punso sa pagkakatulala sa lalaki. Siguro kahit sino naman ay katulad sa kanya ang magiging reaksyon. Ngayon lang siya nakakita ng ganoon kagwapong nilalang na parang kung gwapo na si Ronnie ay triple pa ang tiyuhin ni Empress. Parang pinaghalong tan at rosy ang kulay ng lalaki - bronze to be exact. Parang Pilipino, pero ang mga mata ay Emerald green, ang buhok ay mukhang itim pero dark brown, sobrang tangos ng ilong at ang nipis ng mga labi na kulay pula, thick brows and hard face. He has trimmed beard and trimmed mustache, and they suit him well.
He never smiles at her. He just carefully gazes at her. Alam niyang pinag-aaralan lang siya nito pero hindi niya kayang tagalan ang mga titig ng lalaki. Parang mga bolang apoy iyon na nakakasunog.
“Casey,” Ronnie calls her that makes her avert her eyes.
Tumingin naman si Ronnie kay Miggy. “Mr. Alonde, she’s Casey Daniella Imperial. Casey, he’s Lieutenant General Miguel Arthur Alonde II, you’re security.” Pakilala ng abogado sa kanilang dalawa.
Her jaws drop in an instant. Lieutenant General? Ganoon kataas ang ranggo ng magiging security niya? Aba isang pitik na lang at Heneral na ang lalaki tapos magiging personal alalay lang niya? Diyos ko naman. Nakakahiya naman pala sa balat niya. Napatingin siya kay Empress at pinanaliman ng mga mata ang kaibigan. Alam niyang nakuha kaagad noon ang ibig niyang sabihin dahil humagikhik lang iyon at nagkibit-balikat.
Isa lang at mapo-pompiyang niya ang kaibigan. Hindi naman noon binanggit sa kanya na mataas pala ang ranggo ng tiyuhin. Nasaan naman ang hiya niya na gagawin niyang tagabantay ang lalaki na tinitingala ng mga kasamahan nito sa trabaho?
“It is rude but, how old are you?” tanong ni Miggy sa kanya.
Napakurap pa siya dahil parang pati boses nito ay katulad ng mukha nitong hindi ngumingiti. Maganda nga naman at buong-buo kaya lang parang napakayabang. Parang ito ang tipo ng tao na papatay kaagad kahit isang beses lang na magkamali ang kalaban.
“I’m seventeen, turning eighteen this coming March 28.” She replied. Hindi mapalagay ang mga mata niya kaya binawi niya rin kaagad ang tingin. Daig pa niya ang tulya na matutusta sa talim ng titig nito.
Tumango lang ito sa kanya at saka inilagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon at iniliyad pa ang malalapad na dibdib. Lalo itong tumangkad at naging maangas sa paningin niya at aaminin niya na lalong gumuwapo pa. Miggy is so intimidating. He looks so influential and looks like a dictator. Parang ito iyong lalaki na hindi pwedeng sumuway ang girlfriend kapag may iniutos.
“Okay then; I guess we are done here, ladies. You can pack your things, Miss Imperial, so we can leave. I still have to lay my grounds.” He said casually.
Nagkatinginan silang magkakaibigan at nalukot ang noo niya. Mukhang magkakaproblema silang dalawa ng tiyuhin ni Empress. Mukhang arogante ito at siya naman ay hindi submissive lalo kapag pinipilit.
“Tito naman, don’t be so sungit. Hindi naman militar si Casey para bigyan mo ng rules of grounds to remember and to follow.” Ani Empress at humawak pa sa braso ni Miggy pero nanatiling tuod lang ang binata.
“You’re out of this Empress. This is my job and I exactly know what I will do about it.” He answered cockily.
Naitikom niya ang mga labi nang hindi sinasadya. The man is so dominant and he really shows it. She must be thankful but if he will act like a brooding soldier, malamang hindi sila magkasundo. Pero wala naman siyang choice. Siya pa ba ang magiging choosy?
Tiis ganda, Casey para sa ekonomiya at sa kaligtasan.