Part Five

3211 Words
Part Five     Tahimik na binubuksan ni Casey ang pintuan ng bahay habang nasa likod niya sina Empress at naghihintay. Attorney Lagoste is talking to Lt Gen. Alonde, but the latter seems to be not being so attentive. Pasimple itong lumilinga sa paligid at gwapong-gwapo sa sarili sa suot na kumikinang na blue sunglass. Gwapo naman talaga. Napatanga na tuloy siya at hindi maipasok ang susi sa doorknob, paano ay wala naman doon ang atensyon niya kung hindi nasa matandang militar. Alam niyang nagmu-multitasking iyon. Nabubwisit siya sa sarili niya kasi hindi naman niya gustong mapatitig pero parang hindi na nga matanggal ang mga mata niya sa pagkaka-plaster sa kabuuan ng matandang binata. Matandang binata na ito para sa kanya kasi ay trenta y singko na at wala pang asawa. But it’s so impossible for him not to find his best woman. Sigurado naman na marami itong choices, baka choosy lang. Halata naman na mitikoloso ang dating. Iyon bang tipo ng lalaki na kapag nalukot ang damit ay ipaplantsa ulit. Baka nga ang maging misis nito kapag natutungan ng sinaing ay isasabit sa pako nang patiwarik. She sees a man of perfection in him or rather, perhaps a perfectionist. “Ipasok mo na.” Siko sa kanya ni Dana kaya napakurap siya. Napapaano na ba siya? Parang naka-glue na ang mga mata niya sa lalaki. Hindi iyon pwede. Paano naman kasi ay sobrang gwapo talaga. Mahihiya ang mga diyos-diyosan sa hitsura nito. Kahit saang anggulo tingnan ay walang pangit. Hmph! Ugali lang. “Oo na, sandali.” Pasimpleng sagot niya. Ayaw niya lang ipahalata na napatulala na naman siya. “Mamaya masosolo mo rin ’yan.”” Empress simply giggles near her ear. Napailag siya dahil parang kinilabutan siya sa bulong ng kaibigan. Para namang mga sira-ulong konsensya ang mga kaibigan niya na bubulong-bulong sa kanya. “Oo nga. May permiso ka ng bastusin si Tito Miggy, beshy C.”” sang-ayon naman ni Queen at pasimpleng tumingin din sa likuran. “Ano ba kayo? Wala akong balak na bastusin ‘yan. Ang bata-bata ko pa kumpara d'yan.” She fumes as she inserts the key into the keyhole. Itinulak niya ang pinto nang malaki at saka minuwestrahan ang mga iyon na pumasok na. Pangiti-ngiti pa ang mga ito at mukhang pinagkakaisahan talaga siya. “I’m desperate to find Tito Miggy his match, the opposite of what he is and let’s see how mad he can get if it happens to be you.” Sabay turo sa kanya ni Empress kaya napanganga siya. Naupo ang mga iyon sa sofa at siya naman ay sumandal sa kanto ng pader. Ako talaga? “Bakit ako? Wala akong balak na mag-alaga ng lolo pag-edad ko ng thirty. Matanda na ang Tito Miggy mo at dapat sa kanya ‘yong mga katulad niyang kasabay niyang lilipad papuntang langit at haharap kay St. Peter, sakay ng golden ataol.” Sabi niya sabay hagikhik pero napatigil siya dahil nang lumingon siya ay nasa may pintuan na pala ang lalaking tinutukoy niya. He may be wearing his sunglass but she knows how fierce his gazes are. Bitbit nito ang kanyang bag at nakaharang sa pintuan. Halos matabunan na nga nito ang abogado dahil sa sobrang laking tao. Kita rin ni Casey kung paanong nagpigil ng tawa si Attorney Ronnie kaya parang lalong umigting ang mga panga ni Miggy. She nibbles her inner lower lip and hides her giggles. Kung ano-ano na tuloy ang lumalabas sa bibig niya. May nalalaman pa siyang golden ataol. “Ahm, Casey,” Ronnie called her and so she immediately tilted her head. “Mauna na rin ako. May tatapusin pa ako sa opisina. If you need me, call me. I’ll come back if I hear any progress about our appeal.” Tumango siya sa lalaki at kiming ngumiti. Somehow she’s happy finding a man like Attorney Lagoste. He’s young but he knows how to be legally decent about his chosen job. He’s a man of honor and never cares for money. He can just ignore her but there’s the man, supporting her and protecting her all the way. Mas mahalaga pa rin para sa lalaki ang kaligtasan niya kaysa sa bayad na pwede niyang maibigay. Sana na lang ay hindi magbago ang abogado dahil wala naman siyang maisusukli sa kabutihan noon kung hindi kabutihan lang din. “Thank you, Attorney. I’ll pay you when I already find a job.” She sincerely said; lowering her head a bit but the lawyer shakes his head gently. “Don’t mind it. I’m willing to help, just like Lt Gen. Alonde who’s willing to help without any kind in return.”” Sumulyap iyon sa binatang nakatayo pa rin sa may pinto at patingin-tingin sa kabuaan ng bahay. “Yes but only to those who want to follow my rules.” Prangkang sagot ni Miggy na nagpasimangot sa kanya. “Tito Miggy naman, ang sungit mo. Mabait naman si Casey. Joke, joke, joke lang ‘yong golden ataol.” Salo naman ni Empress na nagpahagikhik sa kanilang apat. “I never mentioned any name, Em-Em.” Maikling tugon nito na hindi naman niya pinansin. “Bye, Casey! Ladies!” Paalam ni Ronnie sa kanila kaya napilitan siyang lumapit sa lalaki para maihatid iyon papaalis. “Mauna na ako Lt Gen. Alonde.” Tapik noon kay Miggy na tumango naman nang buong angas. Pinilit niyang huwag tapunan ng tingin ang masungit ng binata dahil sigurado siyang parang mga bolang apoy ang mga eye balls nito sa ilalim ng suot na sunglass. Maybe it’s his way of hiding his intimidating gaze. “Bye, Attorney Ronnie!” Sabay-sabay na paalam ng mga kaibigan niya sa lalaki. Ronnie left a small wave of his hand before he walked out of the house. Sumunod naman siya hanggang sa may sasakyan ng lalaki na nakaparada sa makipot na kalsada ng village. Kung hindi lang sila malamang naubusan ng pera ay hindi siya mapipilitan ng kumuha ng security na pwede niyang bayaran at hindi libre. Nagkataon kasi na naibenta niya ang mansion sa isang subdivision na may sariling gwardya at sobrang higpit ng security. Ang tinitirhan niya ngayon ay pangalawang bahay na lang niya at nasa medyo remote area pa. Iilan ang kapitbahay niya kasi hindi pa naman ganoon ka-develop ang lugar. She can say that the place where she lives is a rural one, mura ang lupa at mura ang bahay. She bought a smaller one and a cheaper one. Hindi nga niya alam kung bakit wala na rin ang pera ng ama niya sa bank account noon, that day she decided to investigate. Alam niya ay nakasecure iyon para sa future niya pero bago mamatay ay may withdrawal ang Daddy niya na nasa limang milyon. Iyon lang naman ang pera nila kaya limas talaga. Kaya sa sobrang kagipitan ay ipinagbili niya ang unang bahay, ginamit panggastos sa mga naiwan niyang utang sa pagpapalibing sa mga magulang niya at pambayad sa abogado para maipanalo ang kaso. Wala na nga halos natira, nasa three hundred thousand na lang, at kung kukuha na naman siya ng isang private lawyer, isang kasa ay malamang kalahati ang malalagas kaagad sa pera niya sa bangko. Initial p*****t for a lawyer is eighty to one hundred thousand, paano kung umapila ang kabila, another expense for her? Masuwerte na nga siya talaga at nakakuha siya ng katulad ni Atty. Lagoste sa Public Attorney's Office na kahit walang bayad ay ginagawa pa rin ang lahat para makuha niya ulit ang hustisya at mapanatag ang loob niya. “I don’t know how to thank you, Attorney.” Umpisa niya nang makita niyang binubuksan na nito ang pinto ng kotse. “You can thank me if you will remain strong, Casey.” Ngumiti iyon sa kanya nang sulyapan siya. “I am strong.” She replied, crossing her arms over her chest. She’s strong but she’s tired pretending that she is. “Then, that’s my girl.” Ronnie winks at her. Parang biglang uminit ang mga pisngi niya lalo na nang tumawa ang abogado. Hindi tuloy siya nakapagsalita at natilihan na lang sa kanyang kinatatayuan hanggang sa sumakay na iyon sa sasakyan. Nang tuluyan iyong makaalis ay saka niya inayos ang sariling sistema at pumihit, pero dibdib ang sumalubong sa mukha niya, malalapad na dibdib na balot ng asul na tela, si Miggy. “Ano ba naman, Tito Miggy? Nakakagulat ka.” Bulalas niya sabay hawak sa sariling dibdib. Isang maling hakbang lang ay hahalik siya sa dibdib ng lalaki. Napakabansot pa naman niya at hindi man lang siya umabot sa balikat nito. There she realized how really tall he is and she regrets it that she got her genes from her mother. Kaya nga yata madaling na-rape ang Mommy niya dahil sa liit noong babae pero ubod naman ng cute ang mukha. Siya naman kasi ay height lang ang nakuha sa ina at ang mukha niya ay kamukha na ng Daddy niya. She notices that he’s soaking his hands inside his pants’ pockets, so she tilts up her head to look at him. “Why not walk me around the entire place, Casey Daniella?” He spoke like a king. Konti lang na bumuka ang bibig nito pero parang sinalo na niya lahat ng hininga na tumama sa mukha niya. And his breath smells good, too, just like how good he looks. Mula sa pagkakayuko nang kaunti ay lumingon ulit ito sa buong paligid at siya naman ay humakbang nang kaunti papaatras. She tried to ignore the accelerating speed of her heart. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa gulat o dahil sa napakalapit na presence nito sa kanya. Totoong iba ang dating nito at alam niyang normal na kabahan sa harap ni Lt Gen. Miggy. Isa pa ay mas lalo siyang kinakabahan dahil sa biruan ng mga kaibigan niya at tuksuan. As much as possible, she wants to act so casual. “Well, as you can see, this is a remote area not yet fully developed.” We don’t have fences here and my next neighborhood is two hundred meters away.” Pinigil niya ang pilyang hagikhik.” She starts to walk, heading to the left corner of the house. Hindi naman talagang 200 meters ang layo ng sunod niyang kapitbahay, exagge lang ang pagkakasabi niya. Malapit-lapit naman pero hindi ganoon kalapit at mahirap na marinig kahit na ang tili niya. Maganda naman sana ang lugar niya kung maisasaayos lang. Napabayaan na rin kasi ng may-ari at isa pa wala naman yatang gaanong gustong bumili ng mga bakanteng lupa dahil may kalayuan. Hindi nga niya alam kung paano siya nabuhay ng tatlong taon sa lugar na malayo sa grocery store, malayo sa palengke at malayo sa eskwelahan. Dahil din siguro sa tiyaga niya at kahit paano ay marunong naman siyang mag-drive kaya tipid na rin sa pamasahe. “Hindi naman ito ang totoong bahay namin. Napilitan lang akong ipagbili iyong mansyon ni Daddy kasi wala na akong pera. The last thing I sold was my Montero Sport. Ayoko kasi na magalaw ‘yong pera ko sa bangko.” Kwento niya habang naglalakad sila papunta sa dirty kitchen. Pasunod-sunod sa kanya ang binata na nakapamulsa. Naipagbili niya ang sasakyan dahil sa kakapusan na rin sa pera at binarat na nga siya ng buyer dahil halata yata na ganoon na lang kalaki ang pangangailangan niya. She used the money for her daily needs and she never regretted anyway. “And what will you sell next, yourself?” Mapang-uyam nitong tanong sa kanya. Kaagad na lumipad ang nagbabaga niyang mga tingin kay Miggy. Aba at bwisit na ito. Wala naman itong pakialam at pamasid-masid lang. Hindi niya nakikita ang mga mata nito pero parang trumpo ang ulo na iikot-ikot. Tinatanaw pa ang likuran ng bahay niya na puno ng matataas na damo. “Excuse me naman po, Tito Miggy. Hindi pa ako desperada para ipagbili ang sarili ko. Pinukpok ko nga ng kahoy na krus ni Juan dela Cruz iyong mga rapist, tapos ipagbibili ko lang ang sarili ko? Nasaan ang common sense doon?” Irap niya. “Walang common sense. At mas lalong walang common sense ang batang bumili ng house and lot sa ganitong klase ng lugar. Mas mabuti pa na tumira ka na lang sa ilalim ng tulay pagkatapos mamatay ng parents mo. Kapag may nagtangka sa iyo, makakapagpatianod ka. Here what do you even expect to have here, Casey Daniella? Kahit maputol ang leeg mo sa pagsigaw dito, wala sa iyong sasaklolo.” Sermon nito sa kanya. Amen! Ang talim talaga ng dila. Napaismid na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Miggy checked all the sliding windows of the house. Kinakalampag din nito ang mga lumang grills na nakakabit sa mga iyon. “Wala na kasi akong pera kaya ito na lang ang choice kong bilihin. And besides, I never expected that those goons would even have their freedom back.”” “Maraming namamatay sa maling akala.” Maikling sagot nito sa kanya kaya nairolyo niya ulit ang mga mata. “At maraming namamatay sa pag-rolyo ng mga mata.” Dugtong pa ng binata kaya napanganga siya. “I’ll study your parents' case. I just hope that you won’t be my headache. Kapag sinabi ko alas seis, dapat alas seis. Kapag sinabi ko na hindi, dapat hindi. When I say run, you run. And when I tell you command that you must follow, you should follow without questioning. You got that?” Nameywang ito sa may tagiliran niya kaya lalo nang nalaglag ang kanyang mga panga. Her mouth is hanging open while she’s standing beside him. They’re looking at each other side to side, but she looks so funny while the man is not. Para silang dwende at higante. “Depende ‘yon sa command, Tito Miggy.” Salungat niya sa binata na kaagad na tumaas ang mga makakapal na kilay. He rudely grazed his tongue on his lower lip and bit it. “And you think I’ll give you commands that are truly out of the circumstances? Lahat ng sasabihin ko ay para sa kaligtasan mo. Oras na makulong ang mga lalaking iyon, you’ll be back to your normal life. No more Tito Miggy's rules.” He shrugs. Bumuntong hininga si Casey. Baka naman kasi bulukin siya ng lalaki sa loob ng bahay niya, hindi naman tama iyon. Laskwatsera pa naman silang magbabarkada at ngayon na bakasyon na ay dapat naman na hindi siya magpadala sa takot. Kailangan lang ng doble ingat at kung nasa tabi naman niya and ganito kalaking security, siguradong hindi na lalapit ang mga mamatay taong iyon sa kanya. “Anong rules ba? Pwede naman lumabas with friends ‘di ba? Sina Em-Em lang naman ang sasamahan ko. Alangan naman na araw at gabi akong makipagtitigan sa iyo.” Iirap-irap na pahayag niya. She even glances at him sideways. “That’s a bad thought.” Buong-buo na sabi nito na malamang ang tinutukoy ay ang pakikipagtitigan niya. “You can still go out if that’s what you want, with my permission and of course with me. But I’m telling you, I’ll only spend two months with you, Casey Daniella. After that, be prepared to go back to the PNP's custody or pray, hilingin mo na lang na sumugod na ang mga lalaking iyon bago ako bumalik sa trabaho para mapatay ko na sila.” Miggy smirks. Makailang beses siyang napalunok at nahimas ang leeg. Ngumingisi ito kapag pinag-uusapan ang p*****n? Siya nga na naghahanap ng hustisya ay parang di niya maisip na mamamatay ang mga iyon sa mismong harapan niya. Makulong na lang sana at ‘wag na niyang makitang naghihingalo sa harap mismo ng kanyang mga mata. Wala sa loob na napatingin siya sa baywang nito at nandoon nakasukbit ang baril, nanginginang pa at nagyayabang na katulad ng may-ari. “I hope – I hope that they’ll be put back in jail within a month or two.” Kinakabahan na sagot niya pero tumawa lang si Miggy. “Don’t be such a fool, young lady. Walang mako-convict na kriminal sa loob ng dalawang buwan. Trial by court consumes too much time. You show me their faces. I’ll shoot their f*****g heads and play it as self-defense.” His red lips curled in a smug smile, smug but fascinating. Lalo siyang natakot. Sa halip na makampante siya ay parang mas lalo pa tuloy siyang kinakabahan dahil sa mga pinagsasasabi nito kaya napaiwas siya ng tingin. She starts to walk, going to the other side of her backyard. “I… s-still pray. Ayoko na makakita pa ng taong pinapatay sa harap ko. It’s so… tragic, T-Tito Miggy.” “It’s a matter of choice, it’s either you or them.” Sagot nito sa kanya. Hindi na siya sumagot pa. Kokontrahin nito ang lahat ng sasabihin niya. May point naman ito kung tutuusin, pero ayaw na niyang mangyari pa na sasailalim na naman siya sa isang duktor sa pag-iisip para lang malagpasan ang trauma na inabot niya. Hindi naman siya baliw, kaya lang madali para sa iba ang magsalita na mabilis lang matakasan ang ganoong klase ng bangungot, pero hindi sa katulad niya na sobra pa sa isang kinakatay na baboy ang sinapit ng mga magulang sa mismong inosente niyang mga mata. Pero tama rin si Lt Gen. na napakaimposible na maipakulong niya ulit ang mga iyon sa loob lang ng dalawang buwan. Halos ilang taon ang ginugol niya para lang makuha ang hustisya at umapila pa pala ang mga demonyo. Taliwas naman sa unang hatol ng mababang hukuman na guilty, kaya nakalaya tuloy ang mga kriminal. Ngayon siya na naman ang nanganganib at sana kumampi pa rin sa kanya ang batas ng Diyos sa pagkakataon na ito. “You must be brave enough, Casey Daniella. That’s one of my rules. If it happens that I’m not beside you, who will going to pull the trigger for you?” Iyon ang narinig niyang tanong galing sa bibig ni Miggy nang nasa may harapan na ulit sila ng bahay. “Ikaw pa rin Tito Miggy, at sisiguruhin ko na hihilahin kita kahit saan ako pumunta. I am brave but I don’t know how to pull the pistol's trigger. I can’t kill. If I could, sana sinaksak ko na lang ng krus ng ‘yong goons. Saka ayokong humawak ng baril mo, m-malaki saka m-mabigat.” Sumulyap siya sa baywang nito saka siya tumalikod para pumasok sa loob ng bahay. Naiwan ang binata na nakahabol ng tingin sa kanya habang nakapameywang. If by chance, baka sakali na kayanin niyang makapatay, pero kung kaya pa naman niyang tumakas, tatakas na lang siya at hihintayin na lang ang batas, batas ni Lt Gen. MacArthur Alonde II – este Miguel Arthur pala.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD