2

1906 Words
A sharp pain spread in my head like a wildfire when i woke up from a nightmare. At first, it was unbearable pero pagkaraan ng ilang sandali ay nabawasan ang kirot. "Laura.." Dinig kong bulong ni Mama sa pangalan ko. "Are you awake Iha?" Kahit kababalik ko palang sa ulirat ay naramdaman ko agad ang takot at labis na pagaalala sa boses nya. "Mmm." Ungol ko habang dahan dahang binuksan ang aking mata, kumurap kurap ako para tanggalin ang panlalabo ng aking paningin hanggang sa bumungad sakin ang nagaalalang mukha ni Mama. "M-mom." "Oh thank you lord." Very priceless ang reaction nya ng makita akong gumising. At parang talon na bumagsak ang kanyang luha sabay yakap sakin ng mahigpit. It took awhile for her to stop crying because i knew how scared she was. "How are you feeling?" Tanong ni Mama habang buong pagmamahal na hinahaplos ang pisngi ko. "I'm.. thirsty." Garalgal ang boses ko. My lips, mouth and throat were dried and it's hurts to swallow. Walang salita na tumayo si Mama para kuhain ang baso na may lamang tubig at tinulungan akong uminom. "Thank you." "May iba pa bang sumasakit sayo? I will call the doctor para mapagtignan agad natin." Umupo sya sa kama. "How is your head?" Bigla akong napahawak sa ulo ko at nakapa ang benda. "Ooohh. It's hurting." Napansin ko rin ang mga gasgas at sugat sa braso, kamay ko dahil sa mga nabasag na salamin ng aking kotse. "But the pain is tolerateable, maybe i just need some pain killer." "Okay. I will talk to your doctor about that." Hinawi ni Mama ang aking buhok samantalang pinagmasdan ko syang maigi. Namumugto ang kanyang mata dahil sa pagiyak at marahil ay wala ring tulog dahil sa sobrang pagaalala sakin. "Do you still remember what happened last night?" At parang eksena sa mga pelikula na bumalik sa alaala ko kung ano ang nangyari sakin kagabi. Kung paano ako hinarang ng puting van at bumaba ang dalawang lalaki na may baril. Tumakas ako at nakaiwas pero hindi sa disgrasya dahil nabangga ako sa poste matapos iwasan ang makakasalubong ko na sasakyan. "They chased and tried to kill me." Nangilabot ako habang inaalala ang lahat. "Akala ko talaga katapusan ko na." May luhang kumuwala mula sa mga mata ko. "I was scared." Pinunasan ni Mama ang pisngi ko. "But thanks God, I'm still alive."  "We are too." Nakangiting sang ayon ni Mama. "Sobra kaming nag alala sayo, mabuti nalang at malapit sa Police station yung pinangyarihan kaya hindi na nakalapit yung nagtangka sayong pumatay." "Where is Dad?" Taka kong tanong ng mapansin na kaming dalawa lang ni Mama ang nasa kwarto dito sa hospital. "Is he okay?" "Nasa Police station sya para kausapin ang imbestigador at mapadali ang paghuli sa mga suspect." Sagot ni Mama at huminga ng malalim. I knew she is stress and worried about me and the security of the family. "But for now, just rest and i will call your doctor." Tumayo si Mama at lumabas ng kwarto. Inabot ko ang remote control ng Tv para manuod ng balita baka sakaling may makatulong or magbigay sakin ng lead about what happened to me. Lipat ng lipat ng chanel hanggang sa napunta ako sa balita. "Kitang kita sa CCTV ang pag ambush sa isang kilalang abugada na himalang nakaligtas ng bumangga ang kanyang kotse sa poste malapit sa Police station." Balita ng reporter at ipinakita sa TV ang kotse ko na wasak ang hood, basag ang mga salamin at may tama ng bala. "Agad na rumesponde ang mga pulisya, kaya hindi na nagawang makalapit pa ng mga suspect." Parang pinipilit ang sikmura ko habang nanunuod dahil kung iisipin hindi na ako mabubuhay sa nangyari but God is really good. He knew i still have a purpose, a good purpose for many people. This will be my second life at hindi dahil sa muntik na akong mamatay ay panghihinaan na ako ng loob bagkus ay lalo ako magiging pursigido. I will make sure na magiging kapaki pakinabang ako para sa tama, hustisya at nakakarami. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at humahangos na pumasok ang nagaalala kong best friend na si Ashley. "Why no one informed me of what happened to you!" Yan ang unang lumabas sa bibig nya. Pinatay ko ang TV. "It was so sudden Ash-" Hindi pa ako natatapos ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit at umiyak na parang bata. "Oh gosh, you are going to kill me!" I tried to push her away because she was hugging me so tight. "Don't push me." Iyak ni Ash. "Sobrang nagalala ako sayo. Akala ko hindi na kita makikita ulit at mawawalan na ako ng best friend." This time napangiti nalang ako at tinapik tapik ang likuran ng best friend ko. "Thank you sa pagaalala at pagsadya sa akin dito kahit na alam ko na sobrang busy ka sa mga court trials." Dahan dahan akong binitawan ni Ashley at naupo sa upuan. "You are more important than my trials, pwedeng ireset yun pero yung buhay mo isang beses lang. Walang rewind." Hinaplos ni Ashley ang braso ko. "Kamusta ka? Ano bang nangyari?" I recited what happened to me last night, at  bilang abugada ay nirecord ni Ashley ang  sinasalaysay ko. Wala akong iniwan o kinalimutan na detalye because i knew it will help me in the future. "Mukhang naguumpisa ng gumalaw ang mga taong nakabangga mo." Nagaalalang sabi ni Ahsley. She is right at sa dami ng nakabangga ko ay hindi kk na alam kung sino sa kanila ang papatay sakin. "You have to be careful Laura. They will do everything to stop you." Pinagmasdan kong maigi ang kisame, nagbabakasaling may sagot sa napakaraming tanong sa isip ko. "Kapag nagpatalo ako sa pananakot nila sakin para ko naring tinanggap yung pagkatalo ko." "I understand."  Tumango si Ashley. "Doblehin mo nalang ang pagiingat, maging vigilante ka at wag kang magtiwala basta basta." Ilang araw akong nanatili sa hospital para makasigurado na wala akong injury, internal damage or bleeding. Samantalang naging mahigpit ang pagbabantay sakin ng mga police para makasigurado na walang makakalusot na masasamang tao. We don't accept visitors na hindi namin kilala but only family and friends.  "Mommy, kelan ka uuwi?" Malungkot na tanong ni Ishi sakin habang naguusap kami sa skype. "Miss na po kita." Si ishi ang anak ng nakakatanda kong kapatid na si Calie, na namatay sa car accident kasama ang kanyang asawa kaya sa amin na naiwanan si Ishi at kami narin ang nagpapalaki sa kanya. Ishi was so young and he thought I'm his mother which is i would not mind because j love him completely. "Aw. I miss you too lovely one." Hinawakan ko ang screen ng laptop na parang hinahaplos ang mukha ni Ishi. "Mommy is coming home soon okay." Tumango lang si Ishi. "Wag masyadong makulit at wag istress si Lola ha." "Yes Mommy." Sagot ng bata pero malungkot parin ang baby ko. Hindi bali na, malapit na akong makalabas at magkakasama na ulit kami. Minsan naisip ko, kahit hindi na siguro ako magkagirlfriend basta kasama ko si Ishi sa buhay ay masaya na ako. Inusod ni Mama ang laptop para itapat sa kanya sa camera. "Wag mo ng masyadong alalahanin si Ishi, Laura." Ngumiti si Mama. "Magpahinga ka na para mabilis ang pagrecover mo at makauwi ka agad." "Yes Ma." Sagot ko. "Mag ingat din po kayo dyan ni Ishi." Simula ng may magtangkang pumatay sakin, hindi ako natakot para sa sarili ko kundi sa pamilya ko. I can't have anything bad happening to them because of me. "I love you." Parang nabasa ni Mama kung ano man ang nasa isip ko. "Wag kang magalala, may bantay kami dito bente kwatro oras." Saktong pagtapos ng paguusap namin ni Mama over skype ay sya namang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko at pumasok si Papa ngunit hindi sya nagiisa, may kasama syang lalaki. "Mabuti at gising ka na Iha." Bungad sakin ni Papa at hinalikan ako sa noo. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Sobrang laki ng utang na loob ko kay Papa sa lahat ng nagawa nya para sakin simula ng mahospistal ako. Hindi sya umaalis sa tabi ko, sinisigurado nyang kumpleto ang  lahat ng pangangailangan ko at mas pinaghigpit nya ang security. "I'm feeling so much better." Niyakap ko si Papa ng mahigpit. "Wag po masyadong magpagod ha. May maintenance ka na Pa." Nanginig ang katawan ni Papa sa pagtawa ng mahina. "I know that Laura pero mas inuuna ko ang kapakanan mo." I really felt his love for me. I'm so lucky to have a father like him. "Anyway." Humiwalay sya sakin at tumingin sa lalaking nakatayo sa kanyang likuran. "Laura, this is Mark Aces, an NBI Investigator." Umayos ako ng upo para harapin ang imbestigador. Mark Aces looks so professional sa suot nyang all black suit and take note he is really good looking but too bad I'm not interested sa lahi ni Adan. "Good morning Ms. Samonte." Bati ng Imbestigador sakin. "I hope you are doing better now." Ngumiti ako. "Because i came here to personally ask you some important question that will help your case." Tinulungan ako ni Papa sa pagtayo,  naglakad kami papunta sa couch at naupo. Nilapag ng imbestigador ang voice recorder sa ibabaw ng lamesa at nagumpisa ng magtanong. Para na akong sirang plaka, paulit ulit ang kinukwento ko pero kung makakatulong ito sa imbestigasyon ay hindi ako mapapagod magsalaysay kahit ilang beses pa. "Nakasuot sila ng bonet at itim na damit kaya wala akong matandaan na kahit ano." Kunot ang noo ko na sabi habang inaalala ang nangyari. "Eh yung sasakyan Laura? Baka may matandaan ka?" Tanong ni Papa. "Kita naman sa CCTV yung nangyari pero dahil sa madilim sa parte ng pinangyarihan ay hindi makita yung plate number." "Hindi ko nakita yung plate number Pa." Malungkot kong sagot. "Sobrang nataranta ako dahil may dala silang matataas na kalibre ng baril kaya nagmadali akong nagmaneho palayo." Hinaplos ni Papa ang likod ko dahil naguumpisa na akong maging emosyonal. "I'm upset to  myself dahil wala akong mabigay na matinong sagot." "That is okay Ms. Samonte." Usal ni Mark. "You don't have to force yourself." Kinuha ng lalaki ang voice recorder at tumayo. "Babalitaan ko agad kayo kung magkaroon na kami ng lead or any information about the suspects." Tumayo rin kami ni Papa at kinamayan ang imbestigador. "But i advise you to be really careful hanggat hindi pa natin nahuhuli ang mga salarin at puno't dulo ng nangyari sayo." "Thank you Sir." Pasasalamat ko bago umalis ang imbestigador. Ang daming tumatakbo sa isip ko, mga tanong na walang kasagutan. "Are you okay Laura?" Tanong ni Papa na titig na titig sa mukha ko. "Don't worry Iha, I already hire a body guard to protect you." "A body guard?" Tanong ko. Actually, matagal ng gusto ni Papa na magkaroon ako ng bodyguard dahil sa mga death threat na natatanggap ko. "Pa.." "I'm sorry Laura." Umiling si Papa sakin. I know this time wala na akong magagawa dahil muntik na akong mamatay. "But i already made my decision." "But.." Pinagmasdan ako ni Papa. "Napoleon Rose is coming." Napoleon Rose? Pangalan palang napakabrusko na, I can already imagine him like a tall, dark and handsome guy. Ganyan naman ang description sa mga body guard pero kung talaga sya nga ang magiging body guard ko sana naman wag syang maging abala sakin at sa lahat ng gusto kong gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD