Malalim na ang gabi pero gising na gising parin ang mga tao sa loob ng nakaparadang sasakyan sa tapat ng isang abandonadong factory, naghihintay lamang sila ng tamang oras para sa gagawing pagsalakay.
"Be ready." Paalala ng team leader ng operation team na isang babae, si Izabelle Cervantes. Sikat na sikat sya sa kapulisan hindi lamang sa kagandahan nyang taglay kundi dahil ito ang pinakabata na naging detective sargeant sa NBI. "Make sure na hindi makakatakas si Palos." Itinali ni Izabelle ang kanyang mahabang buhok at nagsuot ng sumbrero para maitago ang totoo nyang katauhan. "Matagal nating pinagtrabahuhan to guys."
"May go signal na." Anunsyo ni Mark Aces na partner ni Izabelle sa karamihan ng kanyang misyon.
Napahinga ng malalim si Izabelle para alisin ang tensyon sa kanyang katawan at tahimik na nagdasal para sa kaligtasan nya at ng buong team. "Let's go boys, maybe God be with us."
At sabay sabay na bumukas ang pintuan ng sasakyan at nagmamadaling bumaba ang mga nakaunipormeng tao bitbit ang kanilang mga dekalibreng baril.
Nabigay ng go signal si Izabelle sa alpha team na umpisahan ang pagakyat sa gate para mapasok nila factory na pinaghihinalaang shabu lab at kinaroroonan ni Palos.
Maingat at dahan dahang pumanik si Mark Aces sa gate. Madilim man ang malawak na bakuran ng factory ay agad nitong nakita ang isang lalaki na nagbabantay na ilang talampakan lamang ang layo mula sa kanya.
Malamig ang hangin, maaliwalas ang kalangitan, makikita ang mga nagkalat na bituin at maliwanag na buwan na nagbibigay tanglaw sa daraanan ni Mark patungo sa lalaki sabay palo nito sa batok ng baril para mawalan ng malay.
"Move, move!" Sensyas ni Izabelle sa beta na sya namang magbubukas ng gate.
Nagkubli si Mark Aces ng makita ang dalawang lalaking bantay ng main entrance ng factory. Ginamit nya ang dilim ng kapaligiran para makapagtago. Ilang hakbang nalang ang layo nya sa mga ito nang kalabitin nya sa balikat ang isa at saktong paglingon nito sa direksyon ni Mark ay sya namang pagsuntok nya sa mukha ng kalaban at malakas na sipa sa sikmura ang binigay nya sa isa pang lalaki na ikinabulagta ng mga ito sa lupa.
"Search the house." Pagbibigay ng instruction ni Izabelle sa mga tauhan nya nang masakote na ang tauhan ni Palos sa main entrance. "Palibutan ang buong bahay and make sure walang makakatakas."
"Dating gawi." Bulong ni Mark Aces kay Izabelle habang naglalakad sila sa makalat na factory, puro dyaryo at mga karton. "Doon ka-" Napaupo ang magpartner ng biglang may magpalitan ng putok ng baril mula sa labas ng factory. "I will go to the left."
Tumango si Izabelle at alertong naglakad sa kanang pintuan na agad din naman nakapagtago sa likod ng container ban ng bigla syang paputukan ng dalawang lalaki.
Walang lulusutan si Izabelle, mabuti nalang at napatingin sya sa basag na salamin na nasa kanyang harapan at nakita ang dalawang lalaking papalapit sa direksyon nya.
Huminga ng malalim si Izabelle at umupo bago tumambling at pinaputukan ang dalawang lalaki sa hita. For Izabelle hanggat kaya nyang hindi patayin ang isang tao ay gagawin nya kaya puro binti, hita o braso ang pinatatamaan nya because she believes that everybody deserves a second to change, in life.
Hindi nagaksya ng oras na tumayo si Izabelle at walang hirap na pinabagsak ang sampu sa mga tauhan ni Palos hanggang sa marating nya ang isang kwarto at nakita ang matandang lalaki na nakaupo habang umiinom ng wine.
"Welcome to my mini paradise Detective Sargeant Cervantes." Parang kulog na yumanig ang boses ni Palos. "Matagal na kitang hinihintay."
Lalong napahigpit ang kapit ni Izabelle sa hawak nyang baril at ngumiti. "I'm glad to hear that you can still remember my name Sir. Arturo Buendia a.k.a Palos." Nakikiramdam si Izabelle sa paligid nya habang nakikipagtitigan sa taong prenteng prente sa pagkakaupo sa kanyang harapan. "But i guess you know why I'm here."
"Of course." Inilapag ni Palos ang hawak nyang wine glass. "Then catch me." May dalawang lalaki na mukhang Chinese ang biglang sumulpot sa harapan ni Palos. "If you can."
Humakbang ang isang lalaki at sumenyas kay Izabelle na ibaba ang baril para sa patas na laban. "I just want a fair fight. No guns."
"Kailangan pa naging patas ang lalaki laban sa babae?" Naiiling na tanong ni Izabelle pero ginawa rin ang gusto ng lalaki.
Ngumisi muna ang lalaki bago sugurin si Izabelle, sinipa nya ang dalaga at pinaulunan ng kaliwa at kanang suntok pero lahat ng ito ay tumama sa hangin.
Sing bilis ng bala ang bawat pag iwas na ginagawa ni Izabelle kaya ng nagpakawala ng isang sipa ang lalaki ay agad nyang hinawakan ang paa nito at buong lakas na iniwasiwas ang lalaki sa pader.
"Ahh!" Sigaw ng isa pang lalaki na tumatakbo papunta sa direksyon ni Izabelle. Sa bilis ng pangyayari ay hindi nakaiwas ang dalaga sa sipa nito na tumama sa kanyang sikmura. "Edmond get up idiot!" Sabi nito sa kasamahan nyang nakahandusay sa sahig. "I will make you pay!" Umikot na umiwas si Izabella sa mga sipa na pinakakawalan ng Chinese na lalaki hanggang sa makorner sya sa pagitan ng lamesa at kabinet. "No escape."
Mabilis na dinampot ni Izabelle ang mamahaling flower vase sa kanyang tabi at ibinato sakto sa ulo ng pasugod ng lalaki na agad nitong ikinabagsak at ikinawalan ng malay.
Hindi pa man nakakaalis sa kanyang pwesto si Izabelle ay biglang bumukas ang maliit na pintuan at lumabas ang tatlong lalaki na may bitbit na baril.
Tumakbo si Izabelle, sumampa sa upuan at umikot sa ere at lumanding kung nasan mismo ang kanyang baril. Agad nya itong dinampot at binaril ang mga hita ng tauhan ni Palos.
"Izabelle!" Humahangos na sambit ni Mark Aces. "Ako ng bahala dito, sundan mo na si Palos!"
Hindi na nagdalawang isip si Izabelle at pumasok sya sa maliit na pintuan na nilabasan ng tatlong lalaki. Bumungad sa dalaga ang isang kwarto na may malaking budda sa gitna at mga espada na nakasabit kahit saan man sya tumingin.
Napatutok ang baril ni Izabelle sa kurtinang lumipad dala ng hangin, pilit nyang dinadama kung saan nagtatago si Palos.
Sabay sabay na umangat ang mga kurtina sa kwarto at sa pagkurap ng mata ni Izabelle ay ang pagsulpot ni Palos sa harapan nya. Nabitiwan ng dalaga ang hawak nyang baril ng hampasin ito ni Palos ng katana at sabay siko sa dibdib ni Izabelle kaya sya napaatras.
"Alam mo Detective Sargeant Cervantes." Usal ni Palos habang winawasiwas ang hawak nyang katana sa hangin. "Sobrang hanga ako sayo."
Nasaktan man sa ginawang pagsiko ni Palos sa kanya ay hindi ito pinakita ni Izabelle. "Pwede ko bang malaman kung bakit?"
Ngumiti si Palos. "Bilang babae ay isa ka sa pinakamagaling na agent na nakilala ko." At marahas na itinusok nito ang hawak na katana sa sahig. "Wala kang kinakatakutan." Kinuha ni Palos ang isang katana na nakasabit sa pader. "Kaya bibigyan kita ng isang malinis at patas na laban." Walang hirap na sinalo ni Izabelle ang katana na inihagis ni Palos. "I want you to fight and kill me!" Hindi kumikibo si Izabelle dahil labag sa kanyang prinsipyo ang pagpatay. "Or else i will kill you."
Hinugot ni Palos ang katana sa pagkakaturok nito sa sahig at sumugod sa taong hindi nya maiwasang hangaan dahil sa galing at ablidad nito kahit na ito ay babae. Wala ng pagpipilian si Izabelle kaya tumakbo sya papunta kay Palos at nagkiskisan ang talim ng kanilang katana.
Izabelle knew how to use sword because she was trained sa lahat ng klase ng sandata, mapabaril man ito espada.
Parehong umatras sina Izabelle at Palos at pinagmasdan ng mabuti ang mukha ng bawat isa.
"I did not know that you are too good." Nakangiting sabi ni Palos. Ngayon lang sya nakakita at kilala ng taong kayang lumaban sa kanya gamit ang katana. "But it does not mean na hindi kita pagbabayarin sa lahat ng kaperwisyuhan na ginawa mo sakin, napakalaking pera ang nawala sakin dahil sayo!"
"At maraming buhay ang nasisira dahil sayo at sa mga druga na pinakakalat mo." Sagot ni Izabelle at mahigpit nyang hinawakan ang katawan.
Parang hangin ang bilis at kidlat ang kinang ng bawat pagkiskis ng katana sa mga oras na nagsasagupa ang dalawa. Dumaplis ang blade ng katana ni Palos sa pisngi ni Izabelle at unti unting naramdaman ng dalaga ang pagdaloy ng mainit na likido sa kanyang mukha.
From 45 degree, Izabelle hold her katana above her head. Kahit nasugatan sya ay hindi ito nangangahulugan na susuko na sya sa labanan. Samantalang inihanda ni Palos ang sarili at inatake si Izabelle.
Umikot ikot ang dalaga habang sinasalag ang katana ni Palos hanggang sa itinaas ng lalaki ang mga braso nito and Izabelle took it as advantage para undayan ng talim ng katana ang tiyan ni Palos.
"Ahh!" Daing ni Palos at hinawakan ang sugatan nyang tiyan na lalong nagpagalit sa lalaki. Inatake nyang muli ang dalaga ng buo nyang lakas. Pilit nilalabanan ni Izabelle ang pwersa ni Palos habang nilalapit ng lalaki ang blade ng katana sa kanyang leeg.
"I will kill you!" Palos muttered under his breath before slashing his katana and kicked Izabelle hard making her fall down the floor.
Despite of pain, Izabelle still managed to sat up pero wala na syang natitirang oras para tumayo dahil ilang hakbang nalang ang layo ni Palos na tumatakbo para patayin sya.
Wala na syang ibang maisip na paraan kaya ginawa nya ang sa tingin nya ay tama at makakabuti para sa nakakarami.
Dinampot at inihagis ni Izabelle ang katana na tumama sa dibdib ni Palos na agad na nagpaluhod dito at nagpabagsak.
Izabelle knew that she already break her rule and principle na wag papatay pero kung hindi nya iyon ginawa ay baka sya ang nakalumpasay sa sahig ngayon.
"Bella!" Sigaw ni Mark Aces na biglang sumulpot sa tabi ni Izabella. "Are you okay?" Inalalayan nya ang dalagang tumayo at napatingin sa didbdib nito. "Er.. Ah.."
Ngayon lang napansin ni Izabelle na nasira ang suot nyang damit at kita ang kanyang bra. "Tumawag ka ng ambulansya."
Dumating ang ambulansya at ginamot ang natamo na sugat ni Izabelle, hindi na sya nagpadala sa hospital dahil mababaw lang naman ang mga ito. Masaya ang lahat para sa very successful operation laban kay Palos pero nagdadalawang isip parin si Izabelle kung tama ba ang nagawa nyang pagpatay kay Palos.
"Coffee." Wika ni Mark Aces at inabot ang mainit na kape kay Izabelle. Actually, he really likes Izabelle pero kahit anong papansin nya dito ay hindi umeepekto. "You know. I understand your silence."
Kinuha ni Izabelle ang kape at maingat itong ininum. "Hindi naman kasi dapat mamatay.."
"Bella." Awat ni Mark. "Minsan kailangan nating pumatay to protect other people and ourselves. We are enforcing the law at hindi maiiwasan na kailangang gumamit ng dahas para sa ikabubuti ng lahat."
Sumulyap si Izabelle sa kanyang partner na si Mark. "Hindi lang pala puro kalokohan ang alam mo." Nagkangitian silang dalawa. "But you are right dahil kung hindi ko sya napatay baka ako ang nasa morge ngayon." Tumayo si Izabelle at tumingin sa kalangitan. "Umaga na pala, kailangan kong magreport kay General bago umuwi."
Tumayo rin si Mark at binuksan ang pintuan ng sasakyan. "Let's go."
Kaliwat at kanan ang pagbati na natanggap ni Izabelle pagdating nya sa Headquarters. Mabilis na kumulat ang balita tungkol sa pagbagsak ni Palos sa pamumuno ni Izabelle.
"Please seat down." Paanyanya ng General pagkakita kay Izabelle. "First of all, congratulation. Talagang hindi mo ako binibigo."
"Thank you General." Pasasalamat ni Izabelle bago umupo to face the General. "It's just that Palos died." Kumuyom ang kamay ng dalaga. "I have no choice but to.."
"Palos is very good in katana or in any kind of sword. Marami na syang napatay at masasabi kong napakabrutal ng ginawa nya. He is the kind of person na hindi magpapahuli ng buhay." Sumandal ang Genreral na hindi naaalis ang mata sa pinakamagaling nyang Agent. "Alam kong hindi mo gusto pumatay Izabelle pero kung katulad ni Palos ang makakaharap mo wag kang magdalawang isip na gawin ang tama."
"Yes Sir." Ang tanging nasagot ni Izabelle dahil alam nyang tama sina Mark at General.
"Anyway." Huminga ng malalim ang General. "I have new assignment for you." At inabot nito ang folder kay Izabelle. "My Kumpare is asking for a security, a body guard for her daughter." Binuksan ni Izabelle ang folder at binasa ang information. "She is a prominent lawyer at wala rin syang kinikilingan kung sino man ang makabangga nya sa loob ng korte. Last week, naambush sya but luckily she survived but they wanted to hire a body guard."
"Okay Sir." Sagot ni Izabelle habang pinagmamasdan ang picture ni Laura Samonte na hindi nya maitanggi na sobrang ganda. "I will see her later today."