1

2045 Words
Being a lawyer is both a noble and risky profession, many people are interested to meet you and they will give you high respect. But on the other hand, you have to deal with people that are at the most difficult time in their life, and at times, are on their worst behavior. I'm Laura Samonte, A 28 years old lawyer specialized in Civil, Legal Aid, Human Rights and Social Development. Maaaring bata pa ako pero hindi ito naging hadlang para bansagan akong White Pangs sa mundo ng pagaabugasya.  White pangs dahil sa talim at bagsik ko kapag nasa loob ng court room, lahat ng kaso na hawak ko ay walang kahirap hirap kong naipapanalo kahit pa maraming gustong pumigil at manakot sakin. Sa dami ng nakabangga ko na mabibigat, maimpluwensya at mayayamang tao ay hindi na bago sakin ang mga death threat. "Mr. Cruz." Nakangiti kong sambit sa pangalan ng akusado. "Ang sabi sa iyong testimonya ay hindi mo personal na kakilala ang biktima na si Mrs. Elsa Evangelista. Tama ba?" "Oo." Sumandal ang akusado sa upuan at nginisihan ako na parang  hindi ko sya kayang pagsabihin ng katotohanan. "Hindi ko sya kilala." "Hindi mo sya kilala but you had a picture with the victim Mr. Cruz." Paglalahad ko habang nakatingin sa mga taong mataimtim na nakikinig. Sa korte hindi pwede ang haka haka kailangan ng ebidensya para manalo ang kaso. "Your honor, I want to present my first evidence in this court." Tumingin ako sa Judge na very attentive sa nangyayari sa paligid. "Proceed." Sagot ng Judge. "In this picture, you can clearly see na hindi lang magkakilala ang suspect at biktima." Humarap ako kay Mr. Cruz na namutla. If he could only read my mind siguradong hindi nya magugustuhan ang mga susunod kong pasabog. "Because they had a secret affair." "That is not true!" Napatayo ang akusado na pulang pula ang mukha dahil sa pagpipigil sa galit. "Hindi ko sya kilala!" Inilapag ko ang picture kung saan makikita masayang magkasama ang suspect at biktima. "And you killed her-" "Objection your honor." Awat ng abogado ng suspect. "She is accusing my client a crime right on the spot!" "Sustained." Pasya ng Judge. A judge can rule one of two ways: she can either overrule the objection or sustain it. When an objection is overruled it means that the evidence is properly admitted to the court, and the trial can proceed. When an objection is sustained, the lawyer must rephrase the question or otherwise address the issue with the evidence to ensure that the jury only hears properly admitted evidence. Bumalik ako sa lamesa at kinuha ang pinaka importanteng ebidensya ng pinaglalaban kong kaso. "Mr. Cruz." Inilapag ko ang isang plastik na may lamang fountain pen. "Are you familiar with this pen?" Lumunok muna ng malalim ang akusado at saka umiling. "Hindi. Ngayon ko lang yan nakita." "Your honor." Tumingin ako sa Judge. "This is Mrs. Elsa Evangelista's collector item fountain pen-" "Objection your honor." Singit ng abogado ng suspect sabay tayo. "The collector item fountain pen has nothing to do with the case." "Overrule." Mabilis na sagot ng Judge na hinihinmay ng maigi ang bawat detalye na kanyang naririnig sa loob ng korte. "Please proceed." "Pero hindi ito binili ni Ms. Evangelista para sa sarili nya kundi ibigay sa special na tao." Nagtitigan kami ng akusado because he already knew what I'm going to say next. "She gave this fountain pen to Mr. Cruz as a present para sa first year anniversary nila." "Sinungaling!" Kunwaring natatawang sabi ng akusado pero tumatagaktak na ang kanyang pawis. "Wag kang gumawa ng kwento." Hindi ko pinansin ang akusado. "But the suspect missed something really important." At ibinaling ko ang aking paningin sa Judge. "This fountain pen has a voice recorder your honor." Lumapit ako sa Judge at binigay ang ebidensya. "Dito nakasave ang  conversation ng kusado at biktima bago ito mamatay." Sinuring mabuti ng Judge ang hawak nyang plastik. "You can play it, your honor. Para marinig ng lahat ng narito kung paano nilason at pinatay ni Mr. Cruz ang biktima." Walang patumpik tumpik na pinundot ng Judge ang play ng fountain. Narinig namin ang pamilyar na boses ni Mr. Cruz at ng isang babae. "Pera nanaman ba Arnel? Kabibigay ko lang sayo ng pera!" Galit na sabi ni Mrs. Evangrlista. Lahat ng tao sa loob ng court room even the suspect were fell silent. "Natalo ako sa casino kagabi, kailangan kong bayaran ang nautang ko kay Fin." Sagot ni Mr. Cruz sa voice recorder. "I won't give you anything." Bulong ni Mrs. Evangelista. Isang saglit na katahimikan ng biglang may narinig kaming nabasag na kung ano mula sa voice recorder ng fountain pen. "Agh.. Arn." Yan ang huling nasambit ng biktima bago ito mawalan ng hininga. "Kailangang patayin pa kita para makuha lang ang pera mo!" Natatawang sabi ni Mr. Cruz bago matapos ang voice record. Tumayo ang suspect. "Frame up lang to!" Naglakad ako sa gitna at nakipag face to face sa Judge for my final say.   "Your honor, the victim died because of poison, cyanide specifically. It is clearly obvious that Mr. Cruz have a clear and huge reason to kill his partner, the victim Mrs. Evangelista. Nabaon sya sa utang dahil sa pagkalango sa sugal and since ayaw na syang bigyan ng pera ng biktima ay nilason nya ito at pinalabas na suicide." Pagkatapos ng trenta minutos na break para sa pasya ng Judge ay bumalik na kami sa court room. I'm confident na maipapanalo ko ang kaso dahil malakas ang mga ebidensya. "Paano kong mapawalang sala sya Ms. Samonte?" Nagaalalang bulong ng anak ni Mrs. Evangelista sakin na nakatayo sa aking tabi. "I want that criminal to rot in jail!" Hinawakan ko ang balikat ng kliyente kong si Mia. "Don't worry, everything will be okay. Nasa panig natin ang hustisya." Isang pagod na ngiti ang binigay nya sakin, Mia is too young for this but she really fought hard to give justice for her mother. "Yeah, I want to end this toture and live a new life in US." Bumukas ang pinto at pumasok ang Judge. Napatingin ako sa akusado na hindi mapakali na parang sinisilihan sa kanyang kinauupuan. "Will the defendant please rise." Anang ng babaeng may hawak ng hatol. Tumayo si Mr. Cruz. "The Court is prepared to proceed to sentencing." Wala ng gumagawa ng kahit na anong ingay. Hindi ko parin maiwasan kabahan pero gayunpaman tiwala ako na makakamit namin ang hustisya. "The People of the Philippines vs. Arnel Cruz. Trial court of Quezon City, Branch 71, in Criminal Case No. 5901. Wherefore, judgement is hereby rendered finding accused Arnel Segundine Y Cruz guilty beyond reasonable doubt of the crime of  murder." "Oh thank you lord!" Iyak na pasasalamat ni Mia ng marinig ang hatol ng korte. "Arnel Cruz is hereby sentenced a life imprisonment. Another win for my case, hinding hindi ako magsasawa na ipagtanggol ang mga taong naaapi at pinagkakaitan ng hustisya. I will be their voice and would definetly give them justice. Pagkatapos ng trial ay bumalik na ako sa opisina dahil maraming trabaho at kaso pang naghihintay sakin. Everyday is important to me and every minute's count. I'm currently reading my controversial case about this well known personality na nasabit sa isang napakalaking gulo. "I just heard." Napa angat ang mata ko sa may pintuan ng opisina and saw my pretty best friend Ashley standing there. Attorney din sya at pareho kami ng areas of specialized.  "You slayed the court room this morning." "Slay?" Ngumiti ako at sinarado ang libro na aking binabasa. "Are we playing some online game here?" Ashley walked very gracefully and her hair cascaded down her feminine shoulders. "Why not Laura? You are the executioner." Inilipag ko sa lamesa ang hawak kong libro at sumandal sa upuan to give my best friend a full view. "I rather be called a white pangs, death threat eater than executioner because im not Vasily Blokhin." "Vasily Blokhin was part of history but you are the executioner of prejudicial, shameless, criminal, immoral and." Huminto si Ashley sa harapan ko at ipinatong ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. "Corrupt officials." "Filipino deserves a honest and credible politicians." I took my glasses off my face. "Anyway. What are you doing here? Wala ka bang trials ngayon?" "Meron." Sagot ni Ashley na hindi nawawala ang mata sa mukha ko. My best friend loves to look at me like she knew something i did not. Minsan napapaisip ako kung may  magawa ba ako sa kanya na hindi ko namamalayan. "I was just checking on you dahil almost one na at nakakasigurado akong di ka pa kumakain." As if on cue na napatingin ako sa aking suot ng relos. Oo nga, ala una na at hindi parin ako nakakaramdam ng gutom. "Oh well." Huminga muna ako ng malalim bago tumayo. "Hoe about a lunch with me?" Lumaki ang ngiti ni Ashley. "Your treat?" "My treat." At sabay na kaming lumabas ni Ashley para pumunta sa cafeteria. As usual, mailap ang iba kong katrabaho sakin dahil karamihan sa kanila ay nakalaban at tinalo ko sa korte kaya hindi na ako nagtataka kung intimidated sila sakin. After we ordered our food kumain na kami ni Ashley with matching chismisan about everything. "Akala ko ba magleleave ka dahil magbabakasyon kayo ni Gab sa Maldives?" Nilunok muna ni Ash ang kinakain nya sumagot sakin. "We broke up." Umiling nalang ako. Ashley is a play girl. May ultimatum ang isang lalaki para sa kanyang at ang pinakamatagal nya atang relationship ay one month. So. Hearing this kind of answer from her is not new to me anymore. "No violent reaction from you?" "Why would i?" Boring kong sagot bago uminom ng tubig. "Kailan ka ba magkakaron ng stable relationship?" Nagkibit balikan lang si Ashley. "You are not getting any younger Ashley kaya mag seryoso ka na." "How about you?" Binalik nya sakin ang tanong. "Kelan ka ba magboboyfriend?" "I'm taking my time Ash." Katwiran ko. Natawa si Ash. "Narinig ko na yan 3 years ago Laura. 2017 na ganyan parin sinasabi mo." Nilapit ng makulit kong best friend ang mukha nya sakin. "So tell me Laura." Nagtitigan kami ni Ashley. "Are you a man hater?" Parang naumid ang dila ko sa sinabi ni Ash. Until now hindi ko parin nasasabi sa kanya na hindi ako totally attracted sa boys and i had ex girlfriend na sobrang nakasakit sakin. "No." Umiwas ako ng tingin at nagfocus sa pagkain. Hindi na kumibo si Ashley hanggang sa matapos kaming kumain at bumalik sa kanya kanya naming trabaho. "Ingat po Maam." Bati sakin ng guard pagkalabas ko ng building ng law firm. "Thanks." Pasasalamat ko at dumaretcho sa naghihintay kong sasakyan. Ang lamig ng hangin, halatang magpapasko na. Nakakarelax kapag ganito, nakakawala ng stress at toxic ng trabaho ko. Wala na masyadong sasakyan sa daan pero binagalan ko parin ang tabok ng sasakyan dahil madilim at baka maaksidente ako. "Hello Mom!" Nakangiti kong bati kay Mama ng sinagot ko ang tawag nya via bluetooth. "I'm on my way home." "Okay Iha, drive safe. Ishi is waiting for you." Masayang sabi ni Mama mula sa kabilang linya. "Ayaw nyang matulog hanggat wala ka." Napangiti ako habang nagmamaneho. "Please tell him-" Mabilis akong napaapak sa preno ng  may humarang sa daraanan kong puting van at lumabas ang dalawang lalaki na may bitbit na baril. "Laura, Are you still there?" Sa sobrang gulat at takot ay nanigas ang katawan ko, ni kahit ha o ho ay hindi ko masabi. Pero bago pa man nila magawa ang kanilang masamang balak ay agad kong tinapakan ang gas at nagmaniobra palayo. "Laura!" Nagaalalang tawag ni Mama sakin. She knew something is wrong. "Anong nangyayari?" "Mom." Nanginig ang boses ko sabay tingin sa side mirror, sumusunod parin ang puting van sakin. "May gustong pumatay sakin." Naging zigzag ang pagmamaneho ko sa pagiwas sa mga nauunang sasakyan. "Please tell Da-" Napayuko ako ng may balang tumama sa kotse at nabasag ang salamin sa likuran nh sasakyan. "Laura Anak!" Sigaw ni Mama. Pero pagbalik ng paningin ko sa harapan ay nasilaw ako sa ilaw ng sasakyan na makakasalubong ko at parang slow motion ang nabumangga ang kotse ko at hindi ko na alam ang nangyari. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD