Chapter- 3

2494 Words
Inis na inis si Xtian sa sarili dahil pinakain lang siya ng alikabok ng dalaga. Talaga pa lang kakaiba itong magpalipad ng motor. Kaya pagdating niya ng finish line ay puro kantyaw ang inabot niya sa mga kaibigan. “F*ck you!” sigaw niya sa mga kaibigan na kulang na lang ay sayawan pa siya ng mga ito sa tuwa. Isang Xtian na kahit saan magpunta ay hinahangan ngunit sa pagkakataong ito ay hindi niya magawa ang ngumiti. Isa pa ay lalo yata siyang pinag iinit ng babaeng iyon. “Pare anong plano mo?” “Syempre dating gawi, hindi ako si Xtian kung palalampasin ko ang pagkakataong ito.” “Ipapa alala ko lang sayo baka dyan ka mapahawak pare huh!” Samantala ay nasa Pampanga na silang dalawa ni Amirah. Humiwalay na sila sa tatlong kasamahan sa local motorcycle racer. Nag gasolina lang siya at umarangkada na ngunit binagalan na nila ang takbo. Pagdating nila sa lugar na dating lahar ng Mount Pinatubo ay naisipan nilang huminto sa may parting malaking puno. At nag picture taken pa silang dalawa nang bigla na lang may isang sasakyan na parating kaya’t agad na isinuot ni Seducing ang kaniyang helmet. Saktong tigil ng pulang sports car ay nai lock na niya ang helmet. Ngunit namukhaan niya ang isa sa tatlong lalaki na magkakasama. Sigurado siyang ito ang nakalaban niya sa racing kanina. “Ladies maaari ba kayong maimbitahan?” Ngunit hindi siya sumagot, bagkos ay lumapit sa kaniyang motor at agad na ini-on ang ducati gano’n din ang kaibigan na si Amirah. “Hey! Gusto sana namin imbitahin kayo para kumain…” “Pasensya na guys hindi kami nagugutom.” sagot niya sa mga ito habang si Seducing ay akmang sasakay na sa motor nito. Bigla ang pangyayari mabilis na nakalapit ang dalawang lalaki sa kaibigan. Subalit mas mabilis ang kilos ni Seducing agad na nakatalon siya sa kabilang side. “Huwag na kayong umakto na lalaban dahil baka dito pa kayo mamatay.” Subalit nanatili na nakatayo silang dalawa at nang pumitik ang daliri ni Seducing ay agad na nag ready sila sa pag atake. Anong silbi ng pinag aralan nila sa martial arts kung hindi nila iyon magagamit. “Asshole!” Sabay pang nagpalipad sila nang sipa ng kaibigang si Amira na may kasamang magkakasunod na suntok at agad na bumagsak ang dalawa. Marahil ay hindi inakala na marunong silang lumaban. Subalit ang isang na kalaban niya sa race ay bumalik sa sasakyan nito at tila may kukunin. Kaya naman walang salitang namutawi ay pinasibad nilang dalawa ang kanilang motor. Nakita pa nila sa side mirror ang hawak nitong baril. Kinabukasan… “Anong pinag uusapan nyo?” Nasa tambayan sila at agad na sininsyasan niya ang kaibigan na huwag nang sabihin sa tatlo ang nangyari. Mabilis naman siyang tinanguan nito at nagpatuloy sa ginagawa. “Seducing, mag ingat ka sa lalaking nakalaban mo kahapon.” “Bakit naman?” “Balitang halang ang kaluluwa ng isang yon lalo at sa akala niya ay tinatapakan mo ang ego.” Hindi na siya umimik minsan ay nagtataka siya at napapaisip sa ugali ni Eunice. Lalo na ang mga pailalim nitong tingin sa kaniya. “Baka hindi muna ako makakasama sa mga racing.” pag lilihis niya sa usapan. “Bakit saan ang laro mo sistah?” “Hindi ko pa sigurado dahil dalawang competition ang entry ko.” “Mag ingat ka sistah, alam namin na gold medal na naman pag uwi mo.” “Thanks.” Samantala ay halos iisang tao silang napatingin sa malaking screen sa loob ng restaurant na tinatambayan nila. Hindi makapaniwala si Seducing at Amirah na nasa news ang lalaking nakalaban niya. At ayon sa news caster ay halos wala na itong buhay dahil sa tinamo na bugbog sa katawan. Agad na nagkatinginan silang dalawa ng kaibigan na parehong may pagtataka sa mukha. “Hindi ba at ang lalaking yon ang katunggali mo kahapon Seducing?” “Not sure,” kibit balikat niyang sagot kay Eunice. “Paano mauna na kami?” “Sure sistah, mag ingat kayo sa pag-uwi.” Habang patungo sila sa parking iniisip niya ang lalaki, sino kaya ang bumugbog dito. “Sistah, hindi maganda ang pakiramdam ko riyan kay Eunice.” “Bakit naman, parang okay naman siya kagaya ni Scarlet at Natasha. Ano ba ang napapansin mo sa kaniya, parang gano’n naman talaga ang babaeng yon.” kibit balikat niya kahit ang totoo ay gusto niyang sumang ayon sa sinabi ng kaibigan. “Basta mag ingat ka sa kaniya may kakaiba sa mga kilos at tingin niya sayo.” Samantala ay isang lalaki ang lihim na nakasunod sa kanilang dalawa. At hindi iyon lingid kay Seducing, matagal na niyang napapansin iyon subalit pinapabayaan lang niya. Hanggang wala namang ginagawang masama ay ayos lang. Baka isang tagahanga lang na nahihiyang lumapit. Araw ng flight niya at excited ang kaniyang pakiramdam. Dahil makakalaban niya ang isa sa pinaka magaling sa bansang Brazil. Ang balita pa ay isa raw itong hunk at napaka gwapo. Kaya naman talagang pinaghandaan niya ang competition na ito. Sisiguruhin niyang ilalampaso niya ang kagwapuhan ng hunk na yon. Ginising siya ng isang flight attendant para ipaalam na siya na lang ang naiwan na pasahero. Dahil sa tuwing lilipad siya para sa laban ay sa pampasaherong eroplano siya sumasakay. Wala namang nakakakilala sa kaniya dahil laging mata lang ang nakalabas. Isa pa hindi maaaring gumamit siya ng private plane dahil siguradong makakarating sa kanilang ama iyon. Oras ng laro at halos nabibingi siya sa lakas ng sigawan nang pumasok na siya sa loob. Puro pangalan niya ang sinisigaw ng mga audience at hindi sinasadya ay nagkatitigan sila ng lalaki. Halos mapamura siya ng matitigan ang kabuuan ng lalaki. Tama lahat ang nasagap niyang balita tungkol sa personalidad nito. Talagang hunk at gwapo nga ito na maaaring kabaliwan ng kahit sinong babae. “Hi, I’m Gio.” sabay lahad ng palad sa harapan ng babaeng makakatunggali niya. “Seducing,” simpleng sagot niya at hindi rin niya tinanggap ang palad nito. Hindi naman nakaligtas sa kaniyang mata ang smirk na kina taas ng kaniyang kilay. At wala naman siyang pakialam sa lalaki basta sisiguruhin niyang siya ang mananalo. Nang makasakay na siya sa motor na gagamitin niya ay agad na inayos ang kaniyang helmet. Pinarebulusyon pa niya ang makina at kasabay ng signal ay sumibad siya sa bilis. Agad na naiwan niya ang lahat ng kalaban ngunit ang lalaking iyon ay hindi nagpapa iwan sa kaniya. Ilang beses na sinubukan na lampasan siya ngunit hindi niya iyon mapapayagan. Makalipas ang halos fifteen minutes at malapit na sila sa finish line kaya naman hindi na niya binigyan ng pagkakataon na makalapit pa sa kaniya ang lalaki. Pinalipad na niya iyon ng ilang beses sa eri at kasabay ng pagbagsak niya ay isinagad na niya ang hapit sa silinyador. As usual gold medalist siya ngunit pagkagulat sa kaniyang mukha ng pag labas niya ng exit ay naroon ang triplets brother. Agad na inakbayan siya ng kaniyang Kuya Jade. isang busina ang nag palingon sa kanilang apat. Ang kapatid na si Lath pala ang siyang driver nila. “Napaka galing mo bunso at paano mo iyon nagagawa?” “Anong magaling? Ang dapat sayo princess ay tigilan mo ang sports na yon. Baka sa susunod ay kung saan ka pulutin sa kakapalipad mo ng motor sa eri huh!” “Bakit napanood nyo ba ako Kuya Dave?” “Syempre ah! Mas nauna pa nga kaming dumating doon bago ka pa!” “Sakaling lalapit pa sayo si Gio ay iwasan mo ang gagong yon!” putol ni Lath sa pag uusap ng mga kapatid. “Kilala mo ang lalaking yon Kuya Lath?” “Walang hindi nakakakilala sa half breed na yon.” “Half breed?” “Yes, pinay ang ina ng lalaking yon at ngayon na tinalo mo ay sigurado na gagawa iyon ng paraan para mahanap ka.” “Bakit naman niya ako hahanapin?” “Dahl ang klase ni Gio ay hindi basta tumatanggap ng pagkatalo.” “Naku! Tama na nga masyado ninyong ini-stress si Princess.” “Ay salamat nagsalita ang kakampi ko.” Malakas na natawa si Dale sa tinuran ng bunso nila. Totoong siya lang yata ang sang ayon sa bawat naisin nito. Ang katwiran niya ay dapat kahit isa ay may kakampi ang kanilang prinsesa. “Bago ko makalimutan Laurice, sino ang nakalaban mo sa Batangas?” “Bakit mo natanong Kuya Lath?” agad na kinabahan siya sa tumatakbong pananalita nito. “Nakatanggap ako ng videoclip kung paano kayo pinag tangkaan ng kaibigan mo.” “Kuya Lath, huwag mong sabihin na may kinalaman ka sa pagkaka bugbog sa lalaking yon?” “Wala akong alam sa bagay na yon Princess, at yon nga ang pinagtataka ko kung sino ang sikretong protector mo?” Gusto sana niyang sabihin sa mga kapatid na laging may naka sunod sa kaniya na lalaki. Kaya lang wala namang ginagawang masama sa kaniya. At siguradong pag nalaman ng mga barakong ito ay baka bugbogin pa iyon. Sa isiping posibilidad na ang lalaking yon ang may kagagawan ng pagkaka bugbog ni Xtian ay nakaramdam siya ng kasiyahan. “Princess, kailangan mong mag stay kahit one week sa company dahil plano ni Dad na bumisita doon at sigurado na hahanapin ka.” putol niya sa usapan ng mga nakababatang kapatid. “Pero Kuya Dave, may laro pa ako?” “Aling ang uunahin mo ang company or ang competition na maaaring malaman agad ni Dad sakaling hindi ka maabutan doon?” Naiinis siya ngunit wala namang pagpipilian, kaya ang nangyari ay hindi niya magagamit ang isa pang entry. “Huwag ka ng malungkot at marami pang pagkakataon.” “Babalik na ba kayo ng Pilipinas?” sa halip ay tanong niya sa mga ito. “Hindi Princess, sa London muna kami bakit gusto mong sumama na?” “No! Sa pinas muna ako at next week na lang ako pupunta ng branch sa London.” “Sige ikaw ang bahala, basta mag ingat ka at maaari ba ay maging Laurice ka muna? Pansamantala ay iwan mo si Seducing, okay?” Tinanguan na lang niya ang triplets, at napa simangot siya ng napansin na ngingiti ngiti ang kapatid na si Lath. “Lath, sabayan mo si Laurice pabalik ng Pilipinas dahil wala ka namang kaso na hahawakan ngayon. Isa pa asikasuhin mo ang grupo ng lalaking nagtangka kay bunso.” “Kuya! May mahalaga akong pupuntahan sa France.” “Ipagpaliban mo muna ang lakad mo roon, mas mahalaga ang kaligtasan ni Princess!” “O-okay.” pumayag na lang siya dahil wala rin naman siyang panalo sa tatlong Kuya. Nang wala na ang tatlong panganay ay nilapitan niya ang nakasimangot na kapatid. “Kuya, pwede ka naman tumuloy sa lakad mo at mag isa na lang akong uuwi ng Pilipinas.” “Let’s go Princess! Kanina pa naghihintay ang private plane.” agad na sagot niya sa kapatid. Kung pwede nga lang na suwayin niya ang mga panganay. Ngunit siguradong makakatikim siya sa mga iyon. Lalo at ang concern ay ang bunso nila. Walang siyang nagawa kundi ang sumunod na papasok sa check in area. Nakakainis lang kailan kaya siya tuluyang makakalaya sa mga barakong kapatid huh! Samantala si Lath ay palihim na natatawa sa pag mamaktol ng kapatid habang naka sunod sa kaniya. Talagang ang kasiyahan nito ay ang pagpapalipad ng motor. Kaya minabuting tumigil at hinintay ang kapatid saka hinila at inakbayan. “Huwag ka ng magtampo, alam mo naman na malalagot tayong lahat kay Daddy pag nalaman ang pinaggagawa mo.” Hindi na ang siya sumagot at yumakap na lang sa kapatid habang naglalakad sila. Paminsan minsan ay hinalikan pa siya nito sa ulo na tila isang batang paslit. Mga katangian ng mga kapatid niya ang mapagmahal at pagiging malambing. Pagdating nila sa loob ng eroplano ay hindi niya napigilan ay sinapak niya ang isang piloto na kaibigan ng triplets. “Grabe ka naman bakit ka ba nananakit? Wala naman akong ginagawa sa yo ah!” “Wala kang ginagawa ngunit kulang na lang mawarak ang bunganga mo sa lawak ng ngiti!” “Sobra ka na ha? Para ngumiti lang ay minasama mo na agad?” “Ipokrito ka! Alam na alam mong hindi ako naka sali sa isang entry ko kaya ganyan ang ngisi mo!” “Magpakasal na kaya kayong dalawa ng ikaw na ang tumayong bodyguard niya Ralf.” “Naku! Magpapakatandang binata na ang ako kung yang kapatid mo lang ang mapapangasawa ko.” “Ah gano’n?” sabay lapit niya sa binata at may binulong. “s**t! Subukan mo lang na ibuking ako at papatulan kita!” “Talaga! At hindi ako takot sayong Darna…..” Agad na nilundag ni Ralf ang dalaga dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig nito. “Ano ba hindi ako makahinga!” sabay tulak niya sa namumulang binata. “Kaya sinasabi ko sayo, huwag mong subukan na kalabanin ako huh!” “Para binibiro ka lang naman ay masyado kang pikon.” pangangatwiran ni Ralf sa dalaga. “Mainit kasi ang ulo ko ngayon dahil hindi ako pinayagan ng triplets tapos pang aasar pa ang mga ngisi mo!” “Okay, awat na po kamahalan at ipagpaumanhin mo ang naging kalapastanganan ko…” s**t! Talagang ang babaeng ito napaka bilis ng kamay. “Isa pa at hindi lang yon ang matitikman mo sa akin.” saka niya tinalikuran ang binata. Makalipas ang mahabang oras ng byahe ay nag landed sila sa NAIA. At paglabas niya ng eroplano ay wala siyang kahit anong bahid ng make up. Siya si Princess Laurice ngayon at walang kahit maliit na palatandaan ng katauhan ni Seducing. Kinabukasan ay patungo nang martial arts building si Jonas para sa nalalapit na pagtatapos niya ng training. Isa na siyang master ngayon at habang hihintay ang bestfriend na si Lath Montemayor ay nakatambay siya sa coffee shop. Bigla ang flash report at mukha ng babaeng lihim na minamahal ang sa malaking screen. Kuha nag video clip ng nakaraang araw sa loob ng airport. Halos matulala siya sa pagkaka titig sa malaking tv ng may nanapak sa kaniya ng malakas. At ng lingunin ay ang kaibigan pala. “Halika na at may hearing pa ako mamayang after lunch.” “Sige Pare magkita tayo sa gym dadaan lang muna ako sa men’s room.” “Okay dude, bye.” Alam niyang nakakahalata na ang kaibigan ngunit may usapan silang dalawa at hindi niya iyon nakakalimutan. Kaya nga nakatago ang maliit na papel na may perma pa nito dahil iyon lang ang maaari niyang panghawakan. Magaling na lawyer ang kaniyang bestfriend kaya alam niyang mahihirapan siya rito. “Dude! Dito halika!” malakas ang boses na tawag niya sa kaibigan. Ngayon ang huling araw nila kaya naman masaya siya para sa kaniyang bestfriend. >>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD