Chapter- 4

2649 Words
Tatlong taon na ang lumipas ng huling laban nya sa Brazil at ngayon ay naririto siyang muli. Subalit hindi siya nag iisa dahil kasama na niya ang kaniyang bestfriend na si Amirah. Pangatlong laban na rin niya roon at ang lahat ng mga makakalaban ay puro bago sa kaniyang paningin.  “Ayos ka lang?” tapik na Amirah sa kaibigan na tila lumilipad ang kaluluwa kung saan dimension. “Ah? Ano nga ang sinasabi mo?” “Ang sabi ko mag ready na tayo, at magsisimula na.” napapa iling siya sa kaibigan. Ngayon ang unang laro niya sa ibang bansa at kinakabahan siya. “Ah okay,” inayos na niya ang kaniyang helmet. Nag usap na sila ng kaibigan na kailangan ay hindi niya ito maiiwan. Kasi may plano siya para dito at sisiguruhin niyang palagi na silang magkasama sa mga competition. “Be ready!” agad namang nag thumbs up sa kaniya ito. Nakailang ikot pa lang sila nang mapansin niya ang isang racer na tila may gustong gawin sa kaibigan. Kaya maagap na hinarangan niya ito. Hindi niya hahayaan na magtagumpay ang lalaking alam na niyang may masamang plano. Lalo pa at malapit na ang finish line ay halos magdikitan na sila ng lalaking gustong umagaw ng ikalawang pwesto. Nang masiguro na wala ng chance nag lalaki ay agad niyang singad ang silinyador. Halos isang metro lang ang pagitan nila ng kaibigan ng marating ang finish line. Samantala ay pangatlo ang lalaki na sa msimong harapan pa talaga niya ito huminto. Hindi naman siya natinanag sa pagkakatayo at nang makababa ang lalaki ay malakas na sinipa ito na kinatumba sa gilid ng sariling motor. “Asshole!” Ngunit hindi niya ito pinansin, mabilis naman nag lapitan ang mga kasamahan niya sa racer. “Hey Seducing, what happened darling?” “I want to punch him!” sa halip ay sagot niya sa may edad na lalaki at agad na lumapit sa kinatatayuan ng kaibigan. “Congrats bessy,” yakap niya dito. “Thanks, kahit alam ko na nag bigay ka lang dahil gusto mo na magkasama tayo sa mga sasalihang competition.” “Kalimutan mo na iyon, basta masaya ako ngayon dahil sa tatlong taong lumipas na pangungulit ko sayo ay napapayag rin kita.” “Hindi mo kasi talaga ako titigilan kaya ito pumayag na lang ako.” habang nangingiti sa kaibigan. Magsasalita pa sana siya ng mag ring ang kaniyang mobile phone. “Speaking?” “Kailangan mong umuwi ngayon din Laurice, kailangan ka ng kapatid mo!” “Dad! Ano po ang nangyari at sinong Kuya ko?” “Ang Kuya Lath mo, malaki ang problema niya at kailangan kayong lahat ay naririto!” “Relax Dad, tonight lilipad agad ako pabalik riyan….” “No need, bababa diyan ang private plane kaya mag ready ka na.” end call. “Anong nangyari bessy?” “Pina uuwi ako ni Dad kaya mag maghanda na tayo at lalanding ang private plane after one hour.” Mabilis ang kilos nila na agad lumabas ng building subalit may biglang humarang sa kanila. “Leave us! Or I kick your ass!” wala siyang pakialam kung sino ang Gio na ito at mabilis na hinila ang kaibigan. Subalit humarang ang lalaki na naka ngisi pa at tila walang plano na lubayan sila. Agad na uminit ang ulo niya ngayon na nagmamadali pa naman sila ay baka sa police station sila humantong.  “Tabi! Alam kong pinoy ka! O baka gusto mong basagin ko yang balls mo?” “b***h!” lalo siyang nag iinit sa babaeng ito. Magmula ng talunin siya nito tatlong taon na ang lumipas ay ngayon lang muling nagpakita. At hindi siya makakapayag na makakawala ito ng basta lang sa kaniya. “I’m warning you! Tumabi ka riyan dahil wala na kaming oras!” ngunit lalo siyang nainis ng hindi man lang ito tuminag.  “Bessy hold my backpack, pagbibigyan ko lang ang asshole na lalaking ito!” “What did you say?” sabay lapit niya sa babae. “I said you're an asshole! Kasabay ng pagpapakawala niya nang malakas na sipa at sinundan ng magkasunod na suntok. Kaya naman humandusay sa semento ang hindi man lang nakalaban na lalaki. At sisipain pa sana niya ito nang makarinig sila ng parating na pulis. “Bessy! Bilis dito!”  Halos lahat ng mga tao ay nakatingin sa kanila habang mabilis na tumatakbo. At nang makasakay ng Taxi ay agad na inutusan ang driver na paliparin iyon. Sa halip na mainis ang driver ay natawa pa ito sa kaniyang sinabi. Umayos siya ng pagkaka upo ng mag ring ang kaniyang mobile phone. “Yes?” “Pinsan nasan ka na ba?” “On the way na cousin, wait lang at malapit na kami.” Pagdating nilang dalawa sa departure area ay may sumalubong sa kanila. “Ma’am Laurice, dito po tayo.” “Thanks.” Nang maka akyat na sila sa Montemayor private plane ay agad na pumasok siya sa vip room. Gusto niya muna makapaligo dahil pakiramdam niya ay ang lagkit ng katawan. Samantala ay parang na hypnotize si Amirah ng makita ang isang lalaki na naglalakad patungo sa likurang bahagi ng eroplano. Napaka tangkad at may taglay ng mapungay na mata. Ngunit napaka seryoso ng mukha na tila walang pakialam sa paligid.  “Eherm, sino ang tinitingnan mo?” “Oh, nakaligo ka na pala, ahm sino pala ang lalaking matangkad na may malamlam na mata?” “Ha?” sino kaya ang pinsan niya ang naririto rin at kasabay nila. “Sabi ko kung sino ang lalaking yon, napaka tangkad parang ang mga Kuya mo ang height, katawan at napaka seryoso.” “Seryoso ba kamo?” parang kilala na niya akong sino ang tinutukoy nito. “Saglit lang bessy, oops mas mabuti pa na magshower ka na muna. At pupuntahan ko lang ang sinasabi mong lalaking matangkad.” sabay kindat sa kaibigan. Ngayon lang niya nakitang natulala ito sa isang lalaki. “Hey! Narito ka pala bakit walang nabanggit sa akin si Daddy?” “Wala naman nakakaalam na narito ako,” habang may ginagawa sa mga box na naroon. “Pinsan congrats.” “Para saan?” may pagtataka na hinarap ang pinsan. “Dahil sa wakas ay may babaeng nagkagusto na rin sayo!” “Who?” “At napaka swerte mo dahil the best ang babaeng yon. Maganda, sexy, mabait at higit sa lahat ay hot.” “Who’s the girl?” malaki na talaga ang impluwensya ng kakapalipad nito ng motor. Pati yata utak ay napasukan na ng hangin. Wala nga siyang girlfriend at iwas siya sa mga babae tapos anong pinagsasabi nito. “Nasa paligid mo lang pinsan, at sisiguraduhin kong isang araw ay lalapit ka sa akin para humingi ng tulong.” “No way! Wala akong panahon sa mga babae lalo at kagaya mong tinalo pa ang lalaki sa sobrang pasaway huh!” Hindi na siya sumagot bagkus ay niyakap pa ang pinsan at lalo pang inasar.  “By the way may idea ka ba sa problema ni Kuya Lath?” “Naku! Nababaliw na ang kapatid mong yon! Ipamigaw ba naman ang babaeng ina ng kaniyang mga anak. At ngayon ay parang baliw na gusto bawiin kung kailan ayaw na sa kaniya huh!” “Totoo ba ang sinasabi mo?” “Hindi ako nagsisinungaling sayo, kaya ka nga pinauwi ni Uncle ‘di ba?” Napaisip siya kung bakit ngayon lang niya nalaman na may mga anak na pala ang kapatid at may malaking problema.  Pakiramdam ni Laurice ay bago pa lang siya nakakatulog ay ginising na siya agad.  “Bessy, halika na at kanina pa tayo rito.” “What?” napabalikwas siya at luminga linga sa paligid, saka lang luminaw sa kaniya ang lahat. Agad na inayos ang sarili at nagmamadaling inabot nag kaniyang backpack. “Bessy baka hindi muna ako makakasama sa local racing dahil kay Kuya.” “Huwag mo ng isipin yon, mas kailangan ng kapatid mo ang moral support. Tawagan mo na lang ako pag free ka na.” Paglabas nila ng airport ay naroon na ang driver ni Amirah at si Laurice ay naroon na rin ang kapatid na si Dale. “Kuya, kailan pa nangyari ang problema?” “Masyado kang busy sa pagpapalipad ng motor kaya wala kang nalalaman. Matagal na ang tungkol sa babaeng yon at hindi naman talaga masisisi dahil si Lath ang may pagkakamali.” “At sino naman ang lalaking involve sa gulo?” “Walang iba kundi ang bestfriend niyang si Jonas.” “Jonas?” “Mamaya malalaman mo ang lahat.” Pagdating nila sa mansyon ay sila na lang pala ang hinihintay. “Tumuloy na kayo sa library yon ang bilin ng Dad nyo.” “Salamat po Manang.” “Padadalhan ko ba kayo ng inumin?” “Huwag na siguro Manang, mamaya na lang po pagtapos na kaming kausapin ni Dad.” “Okay sige lumakad na kayo at baka nainip na ang mga yon.” Sa laki ng mansyon nila ay ilang minuto rin ang nilakad nila bago narating ang library. Isang katok lang at tinulak na ni Dale ang pintuan. “Maupo kayong lahat at ikaw Lath, sabihin mo sa  amin ang lahat kung bakit ka nagkakaganyan!”  Habang nagsasalita ang kapatid ay damang dama niya ang sakit at paghihirap na dinadala nito. Lalo na ng lumuhod ito sa harapan ng lahat habang umiiyak. At ang hindi niya na kaya ay ng suntukin pa ito ng kanilang ama. Kaya tumayo na siya para takbuhin ang Kuya niya ng maunahan siya ng pangalawa sa triplets na panganay nila. Pati ang kanilang ina ay napaiyak sa sinapit nito. Ang dating tinitingala at napakagaling na lawyer ay isa ng miserable at malaki na rin ang binagsak ng katawan nito.  “Nasaan ang talino mo, at pati kapatid mo ay nagawa mong ilagay sa pagitan nyo ng kaibigan mo. At ngayon ng nakapag-isip-isip ka ay ang ina ng anak mo ang ipinalit mo!” Hindi na niya natiis ang kapatid at nilapitan saka ito niyakap ng mahigpit. “Please Kuya, tama na…” “I’m sorry Princess…” “Ayos lang yon Kuya,” kahit ang totoo ay nagngingitngit siya sa galit. Dahil lalaking isa sa mga dahilan kung bakit nasasaktan ng sobra ang kapatid. Makalipas ang isang linggo ay sinusubukan na harangin si Laurice ng secretary. Subalit dahil galit siya ay hindi siya nito napigilan. Malakas na tinulak ang pintuan nang opisina ng lalaki. Ilang araw nang laman ng isipan kung anong hakbang ang gagawin niya. Dapat may gawin siya para makaganti ang kapatid sa ginawa nito. “Sino ka at anong kailangan mo?” “Leave her!" “Who?” “Asshole! Huwag kang mag maang maangan dahil alam mo ang ibig kong sabihin!” “Sino nga? At sandali lang Miss, sino ka ba bakit ka nakapasok sa opisina ko?” Sa halip na sagutin ang mga tanong ng binata ay hinablot niya ang palad nito at ipinatong doon ang kaniyang calling card. “Puntahan mo ang address na yan sakaling maalala mo na ako, idiot!” Gustong magpanting ang taingan ni Jonas sa narinig. “Siya, sinabihan ng idiot?”  “Boss, ayos ka lang po ba?” “Ahm, y-yeah bakit may kailangan ka ba?” kanina ka pa ba dyan Joy? “Yes boss pagkalabas po ng napakaganda mong client. By the way, ipapa alala ko lang boss ang dinner date mo around six o'clock, Radisson Hotel.” “Okay, salamat Joy.”  Naiinis pa rin siya sa babaeng unang beses na pinagsabihan siyang idiot. Sino ba talaga ang babaeng yon. Bakit naman kasi nakasuot ng shades kahit nasa loob ng opisina niya huh! Sumandal muna siya at humilig dahil sumakit ang ulo niya. Nang maalala ang calling card ng babaeng kinaiinisan. “Dammit! Totoo ba ito? s**t! bakit hindi niya agad nakilala?” paninisi sa sarili at sa kawalang maisip ay dinampot ang kaniyang coat. Gano’n rin ang car key at mabilis na bumaba ng building. Habang patungo siya sa address na hawak ay hindi pa rin siya makapaniwala. Ano kaya ang pakay sa kaniya ang dalaga at bigla siyang pinuntahan. Isa pa ay tila may galit siyang masasalamin sa kilos at pananalita nito. Samantala ay ngayon lang sila nagkita. Kahit matagal na niya itong kilala at lihim na kinababaliwan ay sigurado siya na ngayon lang sila nagkaharap. Pero masaya siya dahil may pagkakataon na makita niya ito ng malapitan. At syempre baka mahawakan pa niya ang kamay nito kung suswertehin siya. Kabado siya habang nasa harapan ng pintuan, ilang beses na nag doorbell. “Oh, ang bilis ah!” tinalikuran niya ang binata at nagtuloy siya sa kusina. Samantala ay pumasok naman si Jonas habang nagmamasid sa paligid. Napakalaki ng bahay kaya palinga linga siya kung may ibang tao sa paligid. “Hindi ba at kaibigan ka ng kapatid ko? Ibig sabihin ay isa kang ahas!” “Anong ibig mong sabihin?” s**t! Hindi siya makapagsalita ng maayos.  “Tigilan mo ang pagpapanggap na wala kang alam! Asshole!” Namula ang mukha niya at unti-unting nakaramdam ng inis. Bakit kung pagsalitaan siya nito ay gano’n lang na tila isa siyang walang silbi. “Paki linawin mo ang sinasabi mo dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ka galit sa akin.” “Nadine Moran, or malabo pa rin sayo na inagaw mo ang babaeng mahal ng kapatid ko!” “Wala akong inaagaw, at lalong hindi malabo sa akin ang lahat. Dahil sa pagkakaalam ko ay mismong ang Kuya mo ang bumasura kay Nadine.” “Kaya agad mong sinalo ang babaeng yon para makaganti ka sa kaniya?” “Wala siyang atraso sa akin para paghigantihan ko siya. Tika muna iyon ba ang sinabi niya sayo?”  Hindi siya umimik at tinalikuran ang binata. Subalit bigla siyang hinablot nito at mahigpit na hinawakan sa magkabilang braso.  “Bitawan mo ako!” “Makinig ka bago kita bitawan at baka malinawan ang malabo mong pag iisip!” “Ah, gano’n?” sabay tuhod niya sa harapan nito at nabitawan siya. Kaya agad na lumayo siya sa lalaki dahil sigurado na may gagawin ito pabalik sa kaniya. “s**t!” talagang tong babaeng to talo pa ang lalaki. “Leave her! Kung pinahahalagahan mo pa ang pagkakaibigan nyo ni Kuya!” “Hindi ko gagawin ang gusto mo, kaibigan ko si Nadine at handa akong protektahan siya!” “Try me, para malaman mo kung anong kayang gawin ng isang Laurice Montemayor! Now get out!” “Huwag mo akong dadaanin sa ganyan, ang pagsabihan mo ay ang kapatid mo! Itatapon at isusuka niya tapos ng may dumapot na iba ay nanggagalaiti siya sa galit! Montemayor ka nga dahil pareho kayo ng utak...” “Damn you! Huwag na huwag mong idadamay ang Pangalang Montemayor! Hindi mo ako kilala baka magsisi ka!” “Bakit masakit ang katotohanan? Masyadong mataas ang mga pride nyo! Ano dahil sa yaman nyo?” Tangna, talaga tong lalaking to talagang inuubos ang pasensya niya. At agad na umigkas ang kaniyang sipa subalit nasalo nito at bumagsak siya sa carpet. At ang lintik ay dinaganan siya habang mahigpit na hawak ang kaniyang magkabilang braso. Ang nakakainis pa ay talagang nasa pagitan ng kaniyang magkabilang hita ang katawan ng lalaki kaya hindi siya basta makagalaw. “F*ck you asshole! Bitawan mo ako!” “Talagang F*ck you ka sa akin pag hindi ako nakapagpigil ay bubutasin kita!” subalit huli na ng ma-realize niya ang mga lumabas na salita sa kaniyang bibig. “Subukan mo at papatayin kita once na makawala ako rito!”  Hindi namalayan ni Jonas na unti-unting binitawan niya ang dalaga. Lalo na nang makita niya ang sobrang pamumula ng mukha nito sa galit.  >>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD