Matapos ang tatlong araw na pamamalagi niya sa Brazil. Sakay na siya ng eroplano pabalik ng bansa.
Paglabas niya ng airport ay walang kahit kaunting bakas ni Seducing.
Siya si Princess Laurice Montemayor walang kahit anong bahid ng make up. Natural ang mukha at tudo smile pagkakita sa kaniyang kaibigan.
"How's the trip? Do you want rest first?"
"Yes! Magpapahinga lang ako ng ilang oras then we're going somewhere."
"So, sa penthouse kana tutuloy?"
"Yes bessy."
"Sige bessy at may pupuntahan lang ako. After mo na makapahinga ay tawagan mo ako."
"Okay, take care bye."
Here we go again, kung maari lang na magpalit na siya ng apelyedo. Nakakainis ang maging isang taga Montemayor. Walang kalayaan, walang privacy at palaging nakapalibot ang mga bodyguard.
Pagkababa ng sasakyan ay walang lingon na tumuloy sa private elevator. Bago magsara ang pinto ay nagsalita siya.
"NO PHONE CALLS AND DO NOT DISTURB!"
"Yes senorita." Nakangiti pang nag vow ang mga bodyguard niya.
Pagkapasok sa loob ay iniwan lang kung saan ang kaniyang gamit. Habang naglalakad papasok sa kwarto ay nag aalis na siya ng damit.
Iksaktong nasa pintuan ng bathroom ay totally naked siya.
Isang ugali niya ito na hindi na kailanman mababago. Kaya naman ang kaniyang PA ay sanay na sa kaniya.
Matapos makapaligo ay mabilis na tinuyo ang buhok gamit ang heavy duty hair dryer niya. In a minutes ay natuyo na agad iyon. Inihagis lang ang towel sa malapit na couch at pumasok na sa loob ng comforter.
Tatlong minuto ay naghihilik na ang dalaga.
Isang late 20's na babae ang mabilis ang kilos na pinulot ang lahat ng kalat sa sahig.
Tatlong basket ang naka ready sa isang gilid.
Parang naglalaro lang ito ng basketball.
Ang mga kahuhubad na damit ng kaniyang napaka ganda at napaka bait na amo.
Malakas na inihagis iyon at shoot sa isang basket.
Kasunod ay ang sapatos, belt, wrist band ay malakas na ibinato isa pang basket.
Ang pinaka last ay ang nga basura na laman ng traveling bag. Mahilig ang kaniyang amo sa ibat-ibang klase ng candy, chocolate at syempre ang bottle water nito. Shoot sa pangatlong basket at mabilis na lumabas.
Nang masiguro na malinis na ang lahat ay dala ang laundry basket at tumuloy sa loob ng isang napakalaking room.
Habang hinihintay matapos ang mga nilalabhan. Pansamantalang nahiga sa isang couch doon.
Makalipas ang isang oras ay bumalik siya sa kabahayan. Maingat ang kilos na pumasok sa loob ng kwarto ng amo. Inilagay ang mga damit nito sa loob ng isa pang kwarto doon. At ng masiguro na nasa ayos ang lahat ay lumabas na siya.
Sumulyap sa kaniyang relo at agad ng lumabas ng penthouse. Bibilang siya ng sampo at babangon ang kanyang senorita.
Kasabay pagbukas ng elevator ay ang pagbangon ni Laurice.
Napangiti ang dalaga ng makitang malinis na ang paligid. Kaya naman lahat ng makapagpapasya sa kaniyang PA ay ibinibigay din niya. Isa din ito sa nakaka alam tungkol sa second identity niya.
Tinawagan ang kaibigan at saka nagtuloy na loob ng batroom. Naglinis lang siya ng katawan at nagbihis na.
Hindi naman nagtagal ay may nag doorbell.
"Yes...." Nabitin ang kanyang sasabihin ng iba ang nasa labas ng pintuan.
"Hey! Did you sleep well?"
Lumimpi siya sa gilid para papasokin ng mga ito.
"Kumusta ang Brazil Princess?"
"Ayos lang." Tipid niyang sagot dahil naiinis talaga siya. Ang ganda ng kanyang gising tapos nasira lang dahil sa mga ito.
"Bakit poker face ka? Ayaw mo ba na narito kami?"
"No! I mean bakit ganyan ang tanong mo kuya?"
“Seducing Princess, huh!"
Halos mamutla siya at mabilis na nagbaling ng tingin sa kaniyang kuya Lath.
Umiling naman ito sa kanya at umiwas ng tingin.
"Huwag kana magtaka Princess, alam mo naman na hindi malilihim sa amin iyang kabaliwan mo."
Napatungo siya at hindi magawang tumingin sa panganay na kapatid. Malaki ang takot niya dito at sa dalawa pang kakambal nito.
"Kung sino pa ang babae ay siya pang pasaway, huh!"
Naramdaman ni Laurice ang yakap sa kanya at alam niya kung sino ito sa tatlo. Dahil sa pabango nito kaya kahit hindi niya lingunin.
"Princess bakit ka naglilihim sa amin? Mga kuya mo kami kaya dapat alam namin ang mga ginagawa mo."
"Dapat kami ang unang una na nakakaalam sa mga ginagawa mo."
"Kaya lahat ng nangyayari saiyo dapat ay alam namin pati na ang gawain mo."
"Triplest nga kayo, iisa lang ang mga sinabi ninyo."
"Manahimik ka riyan Lath dahil hindi kami natutuwa sa pagiging kunsintidor mo, huh!"
"Sorry mga kuya, ito kasing Princess natin ay..."
"Ay ano? Tigilan mo ang kami Lath hindi uubra ang pagiging magaling mong abogado. Kaligtasan ni Princess ang pinag uusapan natin dito."
Hindi na lang nakipag talo pa at minabuti na manahimik. Wala din siyang panalo sa tatlong kapatid na panganay. Kahit daanin niya sa phylosopia ay hindi siya makakalusot sa mga ito.
"Sorry na mga kuya, sinunod ko lang naman ang kahilingan ni Princess."
"Sa dinami dami ng sports na maari mong pasokan. Talagang pagpapalipad pa ng motor ang napili mo? Sa akala mo ba hindi makakarating kay mommy at daddy ang bagay na ito?"
"Syempre hindi, dahil hindi ninyo sasabihin."
"Abat...."
Walang nagawa ang galit ni Dave at ng dalawa pa ng mag puppy eyes na siya. Alam na alam talaga niya ang kiliti ng mga ito.
"I love you mga kuya ko," sabay yakap niya habang nakangiti pa.
"Next time dapat alam namin kung saan ang susunod mong compitation para makapanood kami."
Naiiling si Lath sa mga nakatatandang kapatid. Kanina lang akala mo mga dragon na bubuga ng apoy.
"Tara mag celebrate tayo hindi ba at champion ka sa Brazil?"
Walang nagawa si Laurice at nakiayon na lang sa mga ito. Tatawagan niya ang kaibigan at hindi na muna sila tutuloy sa lakad nila.
As usual sa kanila na naman ang attention ng nga tao. Specially sa mga babae na obvious kung magpapansin. Ito namang mga barako niyang kuya ay vulgar din magpakita ng kamanyakan.
"Kakain ba tayo o maglalandi kayo dyan?"
Saka lang naapunta sa kaniya ang attention ng mga kasama. Pucha sarap tusokin ang mga mata. Sa inis ay itinaas na lang ang kanyang mga paa sa kabilang upuan. Sinabayan ng pikit, bahala ang nga barako niyang kuya.
Umayos lang siya ng upo nang dumating ang mga pagkain. Hindi na siya nag aksaya na humawak ng lobster. Alam naman niya na kukunin din ng mga kapatid iyon. Kaya tumayo muna at nagtungo sa rest room.
Natatawa na naiinis sa mga boses na naririnig habang nasa loob siya ng cubicle.
"Ang yummy talaga ng mga Montemayor. Totoo nga ang sinabi ng kaibigan ko."
"Bakit naging boyfriend ba ng kaibigan mo?"
"Hindi, naka one night niya ang isa sa triplets. At grabe daw sistah monster daw sa kama.
Nahinto sa pag uusap ang dalawa ng lumabas siya ng cubicle. Patay malisya na tumuloy sa sink at naghugas ng kamay. Hindi lingid sa kaniya ang palihim na pagmamasid sa kaniya ng mga ito. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at lumabas na.
"Who is she?"
Hindi na niya iyon pinansin kahit narinig pa niya ang pag uusap patungkol sa kaniya.
"Saan kaba galing at ang tagal mo Princess?"
"Sa rest room kuya."
"Bakit ka nangingiti diyan?"
"Yong mga babae na gustong magpa kama sa inyong apat naroon sa loob ng rest room."
"What? Ang bibig mo Princess!"
"Bakit totoo naman ang sinasabi ko, kayo ang pulotan doon sa loob, huh!"
"Pulutan? Pati salitang kanto natutonan muna!"
Gustong matawa ni Laurice sa kaniyang mga kuya. Nagpapanggap na galit pero hindi naman. Gusto lang umiwas sa mga sinasabi niya.
"Ano bang masama sa salitang pulotan? Eh kayo ang topic ng nga girls doon sa loob,” natatawa siya."
Hindi na talaga niya mapigilan ang mapahalakhak dahil sa itsura ng kuya Dave niya. Ito ang may pagka strict na aura at ayaw makakarinig ng salitang kalye or kalaswaan. Akala mo ay napaka bait at hindi gagawa ng kakukohan. Alam naman nilang lahat na gago ito pagdating sa babae. Sabagay pinakapanganay nila ito kaya siguro tudo pretend na good boy.
"H'wag kang pangiti-ngiti dyan Princess baka gusto mong hindi kana makapag palipad ng motor."
Natahimik siya bigla, ayos talaga itong mga kuya niya. Magaling mag iwas pag alam na nasasapol sa kalukohan.
"Kuya!"
Muntik ng mahagalpak si Lath dahil sa itsura ng kapatid.
"Princess h'wag kang masyadong nagri-react dahil nakikita na ang utak mo."
"What? Anong utak?"
"Ayan oh, lumalaki ang butas ng ilong mo at nakikita ko na ang utak mo."
Napasimangot siya sa malakas na tawa ng apat na lalong ikina inis niya. Mabilis na tumakbo ang ang kanyang isipan.
"Humnn, i think mauna na ako mga kuya ko dahil magkikita pala kami ng lalaking hate nyo."
"What? f**k! Hell! No!" Sabay-sabay na sigaw ng mga ito. Naglingunan tuloy ang ibang mga kumakain.
Mabilis siyang tumayo ngunit mabilis din siyang napaupo.
Sabay siyang hinawakan ng dalawang kuya sa magkabilang kamay. Kaya walang chance na makatayo uli.
Kahit yata anong gawin niya ay hindi talaga mapapapayag ang mga ito na maging sila ng lalaking taga kabilang blk. Lalo na ang kaniyang kuya Lath na abot yata hanggang langit ang pag tutol nito.
"Seriously Princess, hindi ang lalaking iyon ang para saiyo. Marami kang manliligaw kaya may mapapagpilian ka basta except sa lalaking 'yon."
Ayaw na niyang sumagot pa, hahaba lang at mai-stress lang siya.
Habang naglalakad ay may tumawag sa kanya.
"Hey! Baby how are you? It's been a long time."
Nakatayo lang siya at pinipilit alalahanin ang kaharap. Saan ba niya ito nakita dahil sa totoo lang wala siyang matandaan.
May braso na umakbay sa kaniya at hindi na niya kailangan lingunin ito. Walang iba kung di ang kuya Lath niya.
"Who are you?"
"Kilala mo ba s'ya Princess?" Singit ni Jade.
Naku nakakaamoy siya ng gyera pag ganito ang tema ng mga ito. At sigurado may kalalagyan ang kaharap na lalaki.
"Ah mga kuya ko relax okay? I know him sa Norway right?" Sabay kindat niya sa lalaking natitigilan.
"Ahm, y-yeah."
"Then stop calling her baby, hindi ka naman siguro boyfriend ng kapatid ko right?"
"Y-yeah."
"Let's go Princess."
Hindi na lang siya nagkomento pa, tahimik na sumunod na lang siya sa mga ito. Kahit kailan talaga napaka-over protective ng mga ito sa kaniya. Kaya hindi na nakapagtataka kung tatanda siyang dalaga.
Kinabukasan ay magkasunod na humaharurot ang dalawang motor sa kahabaan ng highway.
As usual black Ducatti ang gamit niya at ang kaibigan ay Kawasaki Ninja H2R Kailangan bago sumikat ang araw ay nasa tagpuan na sila. Lima silang riders at puro babae.
Natasha- SUTER MMX500
Scarlet- MV AGUSTA F4 LH44
Amira- KAWASAKI NINJA H2R
Eunice- MV AGUSTA F4CC
Laurice- DUCATTI SUPERLEGERRA V4
Kasalukoyang patungo sila sa Tarlac circuit. Then tutuloy sila sa Batangas circuit.
Naalala niya kung saan sila unang nag meet ng mga ito. Dahil sa mga kuya niya kaya siya napilitang mag aral ng martial arts. Dahil kasama daw iyon sa tradition ng mga Montemayor. Noong una ay gusto niyang isumpa ang pagti-train niya dahil palaging bugbog ang kaniyang katawan. Hanggang unti-unting natotohan at naging routine na niyang gawin.
Kaya silang lima ay hindi lang sa motor magaling. Kahit sa pakikipag laban ay hindi sila basta mapapatumba. At sa ganitong pagkakaton ay maari nilang magamit. Dahil possible na may magtangka sa kanila dahil sa mga mamahaling gamit na motor.
Halos sabay sabay silang dumating sa lugar. Marami ng tao silang inabutan doon at takaw attention sila ng mga tao. Lalo na sa mga kalalakihan halos magsipolan para lang mapansin nila. Lalo na ng nagsipag alis ng helmet ang apat ay lalong lumakas ang sigawan. Tanging siya lang ang nanatiling nakasuot ng helmet.
Pinaarangkada niya ang motor at umikot sa field. Ilang mga racer ang nakipag karera sa kanya ngunit pinakain lang niya ng alikabok ang mga ito.
Naka ilang ikot din siya bago nag pasya na huminto at hintayin ang mga kasama. Isang lalaki ang lumapit sa kaniya at gustong makipag shake hand na tiningnan lang niya ang kamay nito.
"Ganito na lang kung ayaw mong makipag kilala ay mag karera tayo."
"Ano naman ang mapapala ko sa pakikipag karera saiyo mister?"
"Pag nanalo ako ay sasama ka sa akin for dinner tonight."
"Ganon? Sige deal."
Natatawa siya sa lalaki, gwapo naman ito at mukhang galing din sa mayamang pamilya. Ngunit medyo may kaangasan ang dating.
Halos sabay sabay na tumigil ang apat sa harapan nila ng lalaki.
"What is that bessy?"
" Hinahamon niya ako," simpleng sagot niya sa kaibigan.
"Oh really?"
"Aha."
***