MARTHA
"IF YOU WANT ME, EARN ME!"
ISANG BUWAN na ang nakararaan nang sabihin iyon sa akin ni Hector. Mag-iisang buwan na rin ang tiyan ko sa aking pagbubuntis at ayon sa doctor ay mukhang normal naman daw ang aking pagbubuntis.
Wala pang nakaaalam nito bukod sa akin, si Maricris at si Hector.
Hindi ko pa alam kung paano ko ito sasabihin kay Arthur pero sa tingin ko ay sasabihin ko na lang sa kaniya kapag nandiyan na.
If you want me, earn me…
Laging bumabagabag sa akin ang mga salitang ito mula kay Hector. Wala akong nagagawa sa tuwing pumapasok iyon sa aking isipan lalo pa at nababadtrip ako sa tuwing naaalala ko ang mga panahong iyon na kung saan ay kainitan pa ng aming kapusukan.
Hindi nami-meet ni Arthur ang aking mga pisikal na pangangailangan ngunit nauunawaan ko iyon kaya't hindi ako nagsasalita ng tungkol sa bagay na iyon kapag kasama ko siya. Alam kong masyado siyang abala sa kaniyang trabaho kaya't hindi ko na rin siya magawang abalahin pa.
Sa tuwing gabi ay matutulog na lang kami kaagad at paggising ay ganon na naman ang ganap. Bagay na nakasanayan ko na rin talaga.
Panay pa rin ang pagkikita ni Hercules at ni Hector at hinahayaan ko na lang iyon.
Wala naman akong magagawa dahil ito ang gusto ng anak ko at hindi ko ito maaaring ipagkait sa kaniya.
Ngayon ay araw ng Sabado at tila ba inira-rush na ni Arthur ang lahat ng bagay na kailangan niyang gawin bago ang kasal.
Kasalukuyan raw ang construction ng bagong building ng The Communicator sa San Joaquin kaya't lagi siya doon at minsan nga ay doon na rin natutulog. Nagpaalam siya sa akin na baka hindi siya makakauwi kaya't ano pa nga bang magagawa ko.
Magkikita ngayon ang anak ko at si Hector. At dahil Sabado naman at wala akong trabaho ay naisip ko na ako na lang ang sasama kay Hercules upang makapag-day off din naman si Madget.
Ngunit dahil naisip ko na baka hindi makipagkita si Hector pag nalaman niyang ako ang sasama sa anak ko ay baka hindi na siya makipagkit.
Kaya naman nakaisip ako ng paraan.
"Madget, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko habang nagluluto siya ng almusal.
Tulog pa si Hercules kaya naman kami pa lang dalawa sa kusina.
"Ano iyon ma'am?"
"Kailangan mo rin yata ng day off. Lagi na lang kapag day off mo, si Hercules ang sinasamahan mong makipag-kita sa tatay niya."
"Ayos lang po ma'am. Para na rin po siguro kay Hercules at Sir Hector kaya ko ito ginagawa."
"Katulad niyan, day off mo pero nagluluto ka pa rin para sa alaga mo."
"Kawawa naman po kasi di Hercules kapag hindi niya nakita ang tatay niya ma'am. Ako ang naaawa."
"Sige na. Ako na ang bahala sa batang iyon."
"Ano pong ibig sabihin niyo ma'am?" Lumingon siya sa akin.
"Ako na ang sasama sa kaniya upang makipagkita kay Hector."
"Sigurado po kayo ma'am?"
"Oo. Wala naman si Arthur kaya't okay lang siguro. Pero huwag mong sasabihin kay Hector na ako ang sasama okay?"
"Sure ma'am. Sige po."
"At kung pwede ay hihiramin ko ang cellphone mo para kapag nagtext siya ay ako ang sasagot."
"Naku ma'am, kailangan ko po kasi ang cellphone ko. Pero hayaan niyo po, kapag nagtext siya ay agad kong ifoforward sa inyo." Sabi pa niya.
"Okay sige. Mabuti naman kung ganon."
"Sige ma'am. Sana po ay mag-enjoy kayo. Kasi ako ang nag-eenjoy sa tuwing nakikita ko ang mag-ama." At parang ininggit niya pa ako.
Napapangiti pa siya sa tuwing tila iniisip ang mga gusto niyang sabihin.
"Bakit ka naman nag-eenjoy? Magkwento ka naman." Naging interesado tuloy ako sa kwento niya.
"Naku ma'am. Ang cute cute po ng mag-ama kapag magkasama. Para silang magbarkada. Tapos po minsan napagkakamalan akong nanay ni Hercules."
Nawindang naman ako sa sinabi niya.
"Ay ganon?"
Ewan ko kung bakit tila ba mayroong namuong pagseselos sa aking damdamin nang magkwento si Madget.
At bakit siya neg-eenjoy? Huwag niyang sabihin sa akin na nakatikim na rin siya ng ano.
"Eh para naman kasing kayo ni Hercules ang mag-ina. Mas close na kayo kaysa sa akin."
"Kaya nga po ma'am. Mas okay po na kayo ang sasama sa tuwing magkikita po ang mag-ama. Iyon nga lang po at sa tuwing wala lang si Sir Arthur niyo iyon magagawa." Ang sabi pa niya.
"Sige. Maaari nga nating maging sikreto ito Madget? Sa tuwing wala si Arthur ay ako ang sasama kay Hercules upang makipagkita sa tatay niya?"
"Very much willing po akong magtago ng sikreto ma'am. Kayo pa ba. At saka makaka-meet ko na rin ang mga lintik kong kaibigan dahil parehas kami ng day off. Lagi kasi akong absent sa galaan nila." Sabi pa niya habang naghahain na ng almusal.
"Sino namang mga kaibigan mo?"
"Si Jam, si Cristina at si Nenen po. Mga likaret po ang mga iyon.".
"Puro may asawa na?"
"Dalawa po sa kanila ang mayroon nang asawa. Kami lang po ni Jam ang hindi pa pinapalad na magkajowa."
"Mayroon ka namang natapos. Bakit hindi ka maghanap ng trabaho? At baka doon mo na mahanap ang the one mo." Sabi ko pa.
Tapos kasi si Madget ng business administration, ito ay ayon sa kaniyang mga papeles.
"Naeenjoy ko kasi ang mag-alaga ng bata ma'am. Lalo na itong sumunod, si Hercules. Naku, para akong naging nanay." Sabi pa niya.
Ayaw pa niyang sabihin na nag-eenjoy siya kasi nakakatext niya ang tatay ng anak ko.
"Gusto mong ipasok kita sa kompanya ni Sir Arthur mo?"
"Sigurado kayo ma'am?"
"Oo naman."
"Eh sino na po ang mag-aalaga kay Hercules?"
"Maghahanap ako."
"Eksakto ma'am. Gusto na ring umalis ni Jam sa trabaho niya. Baka gusto niyo pong subukan. Single po iyon kaya't walang problema sa kaniya kung mag-stay in. Para magkasama na rin kami dito."
"Ay sige nga, papuntahin mo dito bukas."
"Naku, na-excite naman ako. Sige ma'am. Ako ang bahala." Nagigiliw niyang wika.
PAGKATAPOS niyang maghain ay pinuntahan na niya ang anak ko at ginising.
Hindi namin sinasabi sa kaniya na ako ang sasama sa kaniya na ako ang sasama. Hahayaan ko lang si Madget na maligo at magbihis upang sa ganoon ay hindi magtaka si Hercules.
Napag-usapan na rin namin ni Madget na sasama siya sa akin hanggang sa maihatid niya kami sa lugar kung saan sila magkikita ni Hector.
"Nanay, good morning." Bati sa akin ni Hercules na ngayon ay pupungas-pungas.
"Good morning baby."
Medyo naging okay na rin sa akin si Hercules mula noong pumayag ako na magkita sila ng kanyang tatay.
Labis labis ang tuwa niya nang mga panahong iyon kaya naman tila ba bumabalik na rin ang closeness naming dalawa.
HANDA NA ANG LAHAT. Nakabihis na kaming tatlo at nagtataka si Hercules kung saan ako pupunta.
"Nanay, where are you going?"
"To somewhere, anak." Nasa kandungan siya ni Madget habang nakasakay kami ng jeep.
Pinili namin na magcommute upang sa ganoon ay walang driver na makakita sa aming lakad.
"Will you be with us?"
Napatingin ako kay Madget.
"Anak, is it okay if I will be with you sa pag meet mo kay tatay?" I asked.
"Really nanay? Really?" Masayang masaya niyang tanong.
Nabuhayan ako ng loob dahil sa reaksyon ng anak ko.
"Oo anak, kung okay lang sa'yo."
"Of course nanay. It will be fun."
Nakatingin sa amin ang mga pasahero dahil nakatutuwa talaga si Hercules.
PAGBABA namin ay nalaman kong dito pala sila sa San Lorenzo Park nagkikita.
"Ma'am. Aalis na po ako. Itetext ko po sa inyo lahat ng text ni Sir Hector. Maghintay na lang po kayo dito." Sabi pa ni Madget bago umalis.
"Okay. Mag-iingat ka."
"Salamat po."
Habang naghihintay kaming dalawa ni Hercules ay tila ba hindi ako mapakali. Parang kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.
"Anak, are you excited?" Tanong ko sa anak ko.
"Yes nanay. It's been two weeks," sabi pa niya.
Kada dalawang Linggo bago magkita ang mag-ama kaya naman nakikita kong nananabik siyang makasama ito.
Lingid sa kaniyang kaalaman na naeexcite din akong makita si Hector. Iyon nga lang, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako.
Maya maya ay nagtext si Madget sa akin.
Forwarded message ito mula kay Hector.
From: Madget
Madj, papunta na ako sa park. Kasama mo ba si Big man?
Alam kong nireplyan na niya iyon kaya't nagpasalamat na lang ako sa kaniya.
"Your tatay is on his way here now." Sabi ko kay Hercules.
"Really? I am so excited." Sabi pa ng anak ko.
Namuo ang kaba sa dibdib ko at ngayon ay hindi ko mawari kung naiihi ako or sanhi lang ito ng kaba.
Maya maya ay mayroong humintong kotse sa tapat ng aming kinauupuan na bench at alam kong kotse iyon ni Hector.
Pagbaba niya ay tila ba huminto ang mundo ko.
Kailan ko ba siya huling nakita? Bakit kakaibang Hector ang nakita ko? Bakit tila ba ibang iba siya ngayon?
Nakasuot siya ng maikling shorts at t-shirt na puti na hapit sa kaniyang katawan. Naka-sumbrero din siya at naka-sunglasses.
Hindi ko makita ang mga mata niya ngunit alam kong nagtataka siya sa mga nakikita niya ngayon.
"Tataaaay!" Patakbong lumapit ang anak ko sa ama niya at saka siya sinalubong nito at binuhat.
Humalik ang anak ko sa pisngi niya at siya nama'y ganoon din sa anak ko.
Nang papalapit na sila sa akin ay saka ako tumayo.
"Thanks. All I thought Madget will accompany my son. Ibabalik ko na lang siya sayo bago magdilim. Sige, aalis na kami."
Ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya at tila ba pati iyon ay namiss ko rin.
Nang tumalikod na siya at isakay si Hercules sa kotse ay agad akong sumunod sa kaniya at hinawakan siya sa kamay.
"I'll be with you and my son, today." Buong tapang kong wika.
"But no, you can't. Akala ko nga si Madget ang kasama niya ngayon but I was surprised, ikaw pala ang kausap ko sa cellphone."
"No. It's really Madget. Pero nakiusap ako na ako na lang ang sasama."
"For what Martha?"
"Dahil gusto ko ring kasama ang anak ko ngayon."
"Araw-araw kayong magkasama. This is our only time."
Hindi ko maamin na gusto ko rin talaga siyang kasama ngayon bukod sa anak ko.
I may sound as salawahan, but let it be.
"Sorry, pero kung si Madget's ay okay lang."
"Bakit ba kapag si Madget ay okay lang na makasama ka? Bakit ako hindi?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
Napangiti siya at kitang kita ko ang pantay pantay niyang ngipin.
Damn. I missed his lips.
"Are you jealous?" He asked.
Hindi ko kaagad iyon masagot. Napayuko ako.
Natawa siya at dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.
"Okay. But please don't try to ruin our day together. I'll let you be with us."
Para akong nabunutan ng tinik at nanalo sa lotto nang marinig ko iyon mula sa kaniya.
"Okay, sakay!" Saka siya nagbukas ng pintuan sa likod.
Wala akong kibong sumakay na para bang kaawa awang bata.
"Hi nanay!" Magiliw na wika ng anak ko na nasa harapan.
Ngumiti lang ako.
Habang nasa byahe kami ay hindi ko mapigilang hindi magtext sa kaniya ng tunay na nararamdaman ko.
Sa totoo lang, gusto ko ulit siyang madama. Sabi sa researches, totoo raw na active ang s****l desires ng mga babae kapag naglilihi o unang mga buwan ng pagbubuntis. And it's what I feel.
Kaya't nagtype ako kaagad sa cellphone at nagsend iyon.
Nagtataka ako at hindi umilaw ang cellphone niya. Nasa tapat kasi iyon ng windshield.
Tiningnan ko ang message at laking gulat ko nang magreply si Madget sa akin.
From: Madget
Ma'am, sent na po kay Sir Hector just now. Mukha pong wrong send kayo.
At dahil nakakahiya ang laman ng message ko ay halos gusto ko nang lamunin ng aking kinauupuan. Ang gaga ko lang na masend kay Madget ang para sana kay Hector.
Nagulat ako nang umilaw ang cellphone niya at makitang si Madget ang nagmessage.
Nagreply siya at ang akala ko ay sa akin niya isesend. Ngunit kay Madget din pala dahil ipinasa rin ni Madget sa akin ang reply niya.
From: Madget
Ma'am, ito po reply ni Sir.
(If you miss my milk, I'll stay in San Lorenzo tonight. I'll give you time to play with me. But for today, I'll play with my son).
Buwiset talaga. Bakit ba ako na-wrong send?
Nakakahiya!
But really, I miss the milk tea. (Don't you?)