MARTHA
DINALA niya kami sa isang lugar kung saan ay laging kinukwento sa akin dati ni Hercules. Ang Wonderland ng San Lorenzo.
Sa buong duration ng aming pagpunta doon ay hindi nila ako kinakausap. Parang wala lang ako sa kanilang dalawa at para bang sila lang ang tao sa kotse.
Napaka-genuine ng pagtawa ng anak ko sa tuwing kukulitin niya ang kaniyang ama habang ito ay nagmamaneho.
Minsan ay nahuhuli ako ni Hector na nakangiti kaya't umiiwas na lang ako ng tingin.
Pagbaba namin sa Wonderland ay siya ang nagbuhat kay Hercules. Pinili kong maglakad ng mabagal upang hindi maging awkward sa kanila na kasama nila ako.
Sa totoo lang ay nahihiya na ako ng sobra at gusto ko nang umuwi. Pero mayroon sa damdamin ko na nagsasabing sumama ako sa kanila at makipagsaya. Kaya naman heto ako at nakasunod lang talaga.
Buhat buhat niya si Hercules at ngayon ay halos limang metro ang agwat ko sa kanila.
"Nanay!" Sigaw ni Hercules na ngayon ay nakaharap sa akin mula sa pagkakabuhat ng kaniyang ama.
"Yes anak?" Tugon ko sa kaniya.
"Tatay said you should walk fast so you could be with us." Sigaw ng anak ko.
Napalunok ako at tiningnan ko ang likuran ni Hector.
Sinabi niya talaga iyon?
"Nanay, come one." Sigaw ng anak ko dahil napahinto talaga ako sa paglalakad nang marinig ko iyon.
"O-okay," nauutal kong wika sa kaniya.
Binilisan ko ang paglalakad at pinilit kong pumantay ang paglalakad ko sa kaniya. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil nahihiya ako. Wala rin naman siyang kibo sa akin kaya't pakiramdam ko ay wala ako sa presensya nila.
Pero heto, sinabi niya raw na bilisan ko ang paglalakad kaya't binilisan ko na nga.
Maya maya ay bumulong ang anak ko sa tatay niya.
Papasok na kami sa mga palaruan at iniisip ko na ang magiging role ko mamaya. Taga kuha ng picture, taga bili ng meryenda at taga hintay sa kanila.
Pero ayos lang, basta't makita ko lang silang dalawang masaya.
"Nanay," tawag ni Hercules.
"Yes anak."
"Sabi ni tatay hold his hand sa kabila." Nakangiting wika ng anak ko.
"What?" Nabigla ako.
"Tatay said hold his hand sa kabila." Pag-uulit ng anak ko.
Para akong nabuhusan ng tubig na malamig dahil doon. Mas lalo yata akong nahihiya ngayon.
Hanggang sa si Hector na ang magsalita.
"What are you waiting, woman?"
Simbilis ng kidlat, naglakad ako at sinubukan kong hawakan ang kamay niya.
Ni hindi ko iyon kayang hawakan kaagad. Hindi naman siya gumagawa ng paraan para katagpuin ang kamay ko kaya naman sobrang kahihiyan ang nadarama ko sa mga oras na ito.
Hanggang sa huminto na siya sa paglalakad at tumingin sa akin.
"Nakalimutan mo na kung paano hawakan?" Tanong niya.
Napatingala ako and I met his eyes. Hindi na nakasuot ang sunglasses niya kaya naman ngayon ay mas lalo akong nataranta. Para bang unang beses pa lang kaming magkikita at tila ba nanumbalik ang dati.
"Hi-hindi ko kasi ma..." Nauutal kong wika.
At walang anu-ano ay inakbayan niya ako at walang kahirap-hirap na idinikit sa kaniyang tagiliran.
Nawindang ang buong pagkatao ko dahil doon. Wala akong ibang ginawa kundi huminga ng malalim dahil sa sobrang pagkabog ng dibdib ko. At kasabay ng paghinga ko ng malalim ay naaamoy ko ang nakakalasing niyang amoy na tila ba matagal na panahon ko nang hindi nalalanghap.
Iyon pa rin ang pabango niya, at tila ba mas lalo siyang sumesexy sa imahinasyon ko sa tuwing nai-imagine ko iyon. Ang balat niya sa loob ng kaniyang damit, mainit iyon at tumatagos sa aking balat. Ang pagkakahawak niya sa balikat ko, malakas pa rin ang katawan niya at wala akong ibang masabi kundi tunay ngang hot na hot pa rin siya.
He has a DadBod (Daddy Body) that would kill. At kahit daddy figure na siya ay napapalingon pa rin ang karamihan sa kaniya.
Hanggang sa bumaba ang kamay niya sa aking tagiliran. Ang kamay niya ay tila ba mayroong mga kuryente at ang kuryenteng iyon ay tila ba mayroong malakas na boltahe na siyang kumukuryente sa pagkatao ko.
Napapikit ako. Any moment, parang lalabasan ako sa ginagawa niyang paghawak sa aking katawan.
Hanggang sa matisod ako.
"Tsk. Nakapikit ka ba sa paglalakad?" Sita niya sa akin.
"I am sorry." Nakayuko kong wika.
Lalayo na sana ako ng isang metro ngunit inakbayan niya pa rin ako hanggang sa makarating kami sa isang malaking Ferry's Wheel.
"NANAY, you please find a partner." Sigaw ni Hercules sa akin habang nakasakay ako sa kabila at sila naman ay sa susunod.
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako sasakay at wala akong ibang naiisip kundi ang matakot dahil sa taas nito.
Nanginginig na ang kalamnan ko dahil sa takot. Feeling ko ay halata ito dahil sa aking expression.
"Boss, pwede kaming tatlo doon? Kasama ko ang anak ko." Narinig kong wika ni Hector.
"Ilang taon na po ba iyang sir?"
"I am six." Sabi ni Hercules.
"Sir, basta't kayo po ang bahala sa anak ninyo ha?"
"Yes. Sure."
"Okay sir. Samahan niyo na po si ma'am. Misis niyo?"
"Ah, yeah." He smiled at nahuli niya akong nakatingin lang sa kanila.
"Sige po. Sakay na."
Sumakay na si Hector at si Hercules. Nakakandong lang si Hercules sa kaniyang ama habang ako ay sariling kapit lang talaga.
ILANG SANDALI pa ay umandar na ito ng dahan-dahan.
"Oh my Goood!" Sigaw ko at wala na akong hiyang kumapit sa mga braso ni Hector.
"Nanay, this will be fun!"
"Our little baby is inside me, anak."
"Damn, why didn't you tell me?" Sigaw ni Hector.
Pagbalik namin sa ibaba ay pinahinto niya ang rides at bumaba na ako.
Naguilty ako, kaya't naglakad na ako paalis at hinayaan silang mag-enjoy doon.
Nanatili lang ako sa iisang sulok at naghintay na lang sa kanila.
Nakikita ko ang mga mag-asawang kasama ang kanilang anak sa pamamasyal. Nakita ko na masaya sila. Ganoon din ang pangarap ko sa aking buhay. Ngunit heto, kailangan ko na namang mahimasmasan.
Ilang sandali pa ay bumaba sila sa rides at nagtatawanan silang naglakad palapit sa akin.
"Nanay, it's so fun. Tatay is so brave like me!" Nagflex pa ang anak ko sa harapan ko showing his muscles, kuno.
"Big man, do you want a sweet corn or something?" Tanong ni Hector sa anak.
"Yes tatay, let's buy!" Sabi ng anak ko.
Bigla silang naglakad at patungo sila sa isang tindahan kung saan ay mayroong tindang mais na mayroong margarine at asukal.
Hindi man lang nila ako sinama.
Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa mga tao sa di kalayuan at hinintay sila.
Maya maya ay nagulat ako nang nasa tabi ko na si Hercules at dala ang isang tusok ng mais at isang baso ng juice na mayroong straw.
"Nanay, tatay said, this is for you." Saka ko iyon inabot.
"Wow. Thank you." Magiliw kong wika.
"No, thank him." Saka niya itinuro ang ama na nasa tindahan pa.
Sumenyas si Hector na tulungan siya ni Hercules kaya't patakbong bumalik ang anak ko.
Gusto kong kiligin at the moment pero mayroon ba akong karapatang kiligin? Nagiging mabait lang yata si Hector sa akin at ayaw akong pahiyain dahil kasama ko ang anak namin.
Uminom ako ng juice at na-satisfy ang cravings ko sa pineapple juice dahil dito. Saka ako kumain ng mais.
Maya-maya ay tumabi sila sa akin. Si Hercules sa gitna at si Hector sa tabi ng anak ko.
"Nanay, isn't it fun? Thank you for being with us today !" Magiliw na wika ng anak ko.
Ngumiti lang ako at ginulo ang buhok niya.
Walang kibo si Hector habang kumakain at napapangiti lang siya kapag tumitingin sa kaniya ang anak namin.
"Labyu tatay!" Saka biglang hahalik si Hercules sa pisngi ng ama.
"Come here, uuhhmmm. You're so heavy!" Kinandong ni Hector ang anak saka hinalikan sa noo.
"I love you big man."
Sa puntong ito ay nasi ko ring marinig iyon ngunit impossible.
SA BUONG MAGHAPON ay naglaro lang ang mag-ama. Masasabi kong over satisfied si Hercules na kasama ang kaniyang tatay kaya naman ngayon ay tila ba inaantok na siya.
Alas singko ng hapon nang i-drive kami pabalik ni Hector sa bahay, hindi nga lang sa mismong tapat kundi sa kanto.
Sinabi ko sa kaniya na wala si Arthur ngunit ayaw niya talaga kaming ihatid sa mismong tapat.
"Say goodbye to your tatay now." I said.
"Tatay, when will you be back again?"
"I'll be back here next week. At baka magtatagal ako dito because we have a seminar."
"Really? Will you bring me in your seminar?"
"I'll try. But I'll be with you next week, okay?"
"Okay tatay. I love you!"
"I love you too, my big man." Saka sila humalik sa isa't isa.
"And you, woman. We're not yet done. You know what to do at 7, I'll be in this place. Kapag wala ka pa dito ng ganong oras, magkamay ka na lang sa kwarto mo!" Sabi pa niya sa akin.
Napayuko ako dahil sa kahihiyan.
So, at 7, susunduin niya ako. And because of what I told him kaninang umaga, through Madget, ay he will stay here in San Lorenzo.
Parang na-excite ako.
"Big man, your nanay will be with me tonight okay? Don't look for her."
"Why? Where are you going?"
"Your nanay needs to drink milk, too. So she could be healthier."
"What specific milk?"
"Something that would satisfy her thirst, son. "
"Amazing!" Sigaw ng anak ko.
Bigla akong kinabahan. Is this excitement?