Prologue
Sa hinaba-haba ng prosisyon, sa simbahan din pala ang tuloy.
Napakaraming nangyari. Minahal ko na rin siya at hindi ako makapaniwala na sa ganito kami hahantong.
Sa mga nagdaan, hindi ko masasabing naging madali ang lahat dahil wala akong ibang napagdaanan kundi sakit, sama ng loob at dusa.
Ni hindi ko malaman kung saan ako kakapit hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili kong nakayakap sa taong ngayon ay nasa harapan ko na at sa wakas ay ikakasal na ako sa kaniya.
Nag-iiyakan ang lahat habang ako ay naglalakad na palapit sa aking pinaka-gwapong mapapangasawa. Maging ako ay umiiyak dahil hindi ko akalain na ikakasal pa pala ako.
Nasa tabi ko si nanay at tatay na ngayon ay maayos na ang pagsasama. Isa ito sa mga pinakamagagandang nangyari sa buhay ko kaya naman masayang masaya na ako dahil bago dumating ang araw ng kasal ko ay kumpleto na ang nasira kong pamilya.
Si Maricris ang bride's maid ko at maging siya ay naiiyak na rin talaga.
Natatanaw ko sa hindi kalayuan si Rosy na hawak ang anak kong ngayon ay todo ngiti dahil sa wakas ay ikakasal na ang kaniyang ina.
Pula ang motif ng kasal ko dahil ito ang napili kong kulay at ito rin ang gustong kulay ng mapapangasawa ko.
Ang mga abay ay naggagandahan at naggagwapuhan. Pormal na pormal ang lahat.
Papalapit na ako sa altar at habang mas lalo akong papalapit ay nakikita kong umiiyak din siya sa harapan.
Hindi rin siya makapaniwala na hanggang sa huli, ay makakamit niya ako sa kabila ng lahat ng nangyari sa buhay niya at sa buhay ko.
Hindi siya makapaniwala na darating ito sa aming dalawa na lagi niyang sinasabi sa akin sa tuwing kami ay magsasama sa loob ng tatlong buwan na preparasyon.
Ngayon ay yumakap ako sa aking tatay at sa aking nanay dahil sa wakas, pormal na nilang ilalahad ang kamay ko sa taong papakasalan ko.
"Masayang masaya kami para sa'yo anak. Mahal na mahal ka namin," ito ang sabi ni tatay sa akin nang yumakap ako sa kaniya.
"Masayang masaya ako para sa'yo anak. Sa wakas, ikakasal ka na," sabi naman ni nanay.
"Maraming salamat po," sabi ko.
Hanggang sa magmano siya sa aking mga magulang at naiiyak niyang niyakap ang mga ito.
"Hijo, maraming salamat at sa wakas, ikakasal na sa'yo si Martha," ito ang wika ni nanay.
"Hijo, proud na proud ako sa inyo," sabi pa ni tatay.
Pagkatapos nito ay magkahawak kamay naming hinarap ang altar at ang pastor na siyang magkakasala sa aming dalawa.
Nasa gitna kami ng seremonya at ngayon ay nagkakapalitan na ng "I do!"
Masayang masaya ang lahat nang isa isa na naming sagutin ang mga katanungan ng pastor at halos ayaw naming matapos sa pagpapalitan niyon dahil sa totoo lang ay ito ang pinakamasayang araw sa buhay naming dalawa.
Nagpapalakpakan ang mga tao dahil sa sobrang saya at wala kaming ibang marinig kundi ang cheers nila para sa aming dalawa na ngayon ay ikinakasal na.
Nasa gitna kami ng seremonya nang bigla mayroong maglakad na pamilyar na tao sa gitna.
Nakasuot siya ng itim na t-shirt, maong na kupas at nakasuot ng sandalyas.
Sa tindig niya ay halatang mayroon siyang impluwensya ng alak. Malagong malago na ang mga balbas at bigote niya dahil tila ba napabayaan na niya ang sarili niya.
Hanggang sa napaluhod siya at tiningnan siya ng lahat.
"Naku po,"
"Hala, nandito siya,"
"Paano na iyan?"
Ito ang mga bulung-bulungan ng mga tao sa kapaligiran.
Napahigpit ang kapit ng mapapangasawa ko sa akin.
"Tatay!" Sigaw ng anak ko saka bumaba sa pagkakakandong ni Rosy.
Nilapitan niya iyon.
Naiwan naman si Hera Athisa sa kapatid ng aking mapapangasawa na ngayon ay walang kaalam-alam sa mga nagaganap.
"Martha, baby. Please don't marry him. I love you babe. I really do, it hurts me to see you this way."
Ito ang lumuluhang wika ni Hector habang nakaluhod at hirap na hirap na sa kaniyang nararamdaman.
Gusto ko nang umiyak. Nangangatog ang mga tuhod ko.
"Tatay!" Umiiyak na niyakap ni Hercules ang ama.
"Hercules, come here!" Sabi pa ni Rosy.
"I want tatay," sigaw ng anak kong ngayon ay nakayakap sa kaniyang ama.
Awang awa ako sa lalaking nakaluhod ngayon sa harapan namin at nagmamakaawa.
"Martha, I'll be a good husband. I swear, just please choose me, for the last time, please!"
Nakayakap siya sa anak kong nakayakap din sa kaniya.
"Martha, ikakasal na tayo. Don't ruin this. Ako ang mahal mo," ito ang sabi ni Arthur na ayaw bitiwan ang kamay ko.
"Call the guards. Palabasin ang taong ito," sigaw ng mga magulang ni Arthur.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ngayon ko lang siya muling nakita makalipas ang ilang buwan.
At ang tinitibok ng puso ko ay walang iba kundi…
SIYA.
"Arthur," nagsalita ako.
"Martha, no! Please, make up your mind, Martha," naaalarma niyang sabi.
"Arthur, I am sorry. I love that bastard guy, the father of my son, I can't make this happen, sorry," umiiyak kong sabi.
Nabitawan niya ako at saka ako patakbong lumapit sa lalaking unang nagpatibok ng puso ko at hanggang sa huli ay gusto kong makasama.
Tumayo siya at sinalubong ako ng yakap kasama ang anak ko.
Napakaraming nadismaya, ngunit hindi sila ang masusunod, kundi ang puso kong kay Hector lang nagmamahal.