3
Yssa's POV
Mabilis na lumipas ang maghapon. Matapos ko'ng ayusin ang mga gamit ko at ishutdown ang computer ko ay agad akong tumayo. Nakangiting iniabot ko ang kamay ko kay Jaxon na kanina pa naghihintay sa akin. Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko tsaka sabay kaming naglakad pababa sa lobby ng building.
Hindi nakatakas sa akin ang pagtaas ng kilay ng ilang katrabaho namin. Ang ilan sa kanila ay kinikilig at sumusunod ang mga mata sa amin, kabilang na rin si Mindy. Habang may ilan rin namang nanunuya ang paraan ng pagtingin. Na para bang sinasabing hindi kami bagay or what.
Hinayaan ko lang sila. Nasa point na ako ng buhay ko na wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. I believe that whatever their opinion of me is, it doesn't make me less human. Afterall, hindi naman sila ang nagpapakain at bumubuhay sa akin. Hindi ako sasaya kung hahayaan ko ang mga taong sirain ako.
Magkahawak kamay kaming naglakad palabas ng building patungo sa parking lot. At dahil wala ako'ng dalang sasakyan ngayon, sabay na rin kaming dalawa.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Agad naman akong pumasok. Umikot siya at umupo na rin sa driver's seat. Pinaandar niya ang sasakyan. Patingin tingin pa ako sa paligid nang mapansin kong hindi ito ang daan papunta sa bahay ko.
"Hey, babe. Where are we going?"
Tanong ko sa kanya. Nginitian niya lang ako sabay hawak ng isang kamay ko dinala ito sa labi niya para halikan.
"Secret babe."
Hindi ko alam kung saan kami patutungo, basta ang alam ko ay kasama ko ang taong mahal ko.
Ilang sandali pa ay tumigil kami sa harap ng isang five star hotel. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko.
Binigay niya sa valet ang susi niya at pinagbuksan ulit ako ng pinto. Inalalayan niya ako palabas ng sasakyan. Sumakay kami sa elevator at nilagyan niya ng piring ang mata ko. Ayun na naman ang kakaibang kabang bumabangon sa dibdib ko.
Napahigpit ang hawak ko sa kanya dahil wala akong makita.
"B-babe? What is this? Where are we going?"
Nauutal na tanong ko. Bahagya pa siyang natawa sa akin. Gusto kong makitawa sa kanya kahit hindi ko alam ang dahilan pero mas nangibabaw ang kaba sa dibdib ko.
"Relax babe. Makikita mo rin mamaya."
Agad niyang hinalikan ang noo ko at napayapa naman ang damdamin ko. Ganyan ang nararamdaman ko kapag si Jaxon ang kasama ko.
Hindi na lang ako nagsalita at hindi ko rin binitiwan ang kamay niya. Makaraan pa ang ilang sandali, tumunog ang elevator. Hudyat na nandoon na kami sa aming destinasyon.
Iginiya niya ako palabas ng elevator. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa siko ko at inaalalayan ako sa paglakad.
Maya maya pa ay tumigil na rin kami sa paglakad. Hindi niya pa rin inaalis ang piring ko ngunit ramdam ko ang pagdampi ng sariwang hangin sa mukha ko.
Inalis niya ang piring ko at marahan ko namang inilibot ang paningin ko.
Napanganga ako sa pagkamangha sa nakikita ko, nandito kami ngayon sa rooftop. Sa gitna ay may isang mesa na naiilawan lamang ng kandila. May dalawang upuan na magkaharap. May isang bote ng wine at may nakaserve na mga pagkain. At dahil mataas ang building na ito, kitang kita ang makukulay na ilaw sa buong siyudad. Para silang mga bituing kumikinang at palamuti sa langit.
Ipinaghila ako ni Jaxon ng upuan. Tahimik akong umupo at nagpasalamat sa kanya. Ganoon na lang ang tuwa at sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Parang bulang biglang naglaho ang lahat ng inis at tampo ko sa kanya noong nagdaang gabi. Simple man ito, pero para sa akin ay napakaromantiko. Si Jaxon ang tipo ng lalaki na laging ipaparamdam sa'yo kung gaano ka ka importante sa kanya, at kung gaano ka niya ka mahal.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Sa loob loob ko ay may kung ano'ng init na humaplos sa kaibutoran ng puso ko. Nag-init ang sulok ng aking mga mata dala ng sobrang tuwa at saya. Tumingala ako at inilibot ang aking paningin upang pigilin ang pagluha ko. Hinawakan naman ni Jaxon ang mga kamay ko at mariin itong pinisil. Humarap ako sa kanya at ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"Thank you for this wonderful surprise babe."
Madamdamin ko'ng pahayag sa kanya. Gusto ko'ng sa pamamagitan man lang niyon ay maipadama ko sa kanya kung gaano kong naappreciate ang effort niya. Binigyan niya ako ng isang masayang ngiti, iyong ngiting umaabot sa kanyang mga mata. Na tila ba ang buong mukha niya ay nagliwanag dahil sa kanyang pagkakangiti. Napakagwapo niya talaga.
"Happy Monthsary babe. Cheers to more monthsaries and years to come! I love you!"
Itinaas niya ang kanyang wine glass. Agad ko naman iyong sinalubong.
"Happy Monthsary too, babe. I love you, I cant wait to spend more months and years with you."
Parang napakaperpekto ng sandaling iyon. Magkahinang ang aming mata, tila nag-uusap at nagkakaintindihan. Wala akong ibang hiling sa gabing ito, kundi katulad niya, na sana ay magtagal kaming dalawa.
Nagsimula kaming kumain. Masaya kaming nagkuwentuhan, na para bang ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataong pag-usapan ang mga bagay bagay.
Inaamin kong hanggang ngayon ay medyo nagugulat pa rin ako sa mga nalalaman ko sa kanya. Ang totoo ay may kaya ang kanilang pamilya. At ang hotel na ito ay isa pala sa mga pag-aari nila kaya naman madali sa kanya ang makapagplano at maiset-up ang date naming ito. Nakangiti ko siyang pinagmasdan na bigay na bigay sa pagkukuwento tungkol sa mga magulang at kapatid niya. Bigla ay nakaramdam ako ng matinding excitement at kaba kung sakali mang dumating ang panahon na ipakilala niya ako sa kanila.
Nang matapos kaming kumain ay binitbit niya ang wine at naupo kami sa isang picnic mat na hindi ko namalayang nakalatag pala. Sumimsim kami ng wine habang magkahawak kamay na pinagmamasdan ang magandang paligid.
Maya maya pa ay pumailanlang ang isang napakasweet na awitin mula sa isang music player na hindi ko rin napansin kanina. Sabay kaming tumayo at nagsimulang umindayog sa saliw ng awiting iyon.
"I never knew love could be like this,
Never thought that I would be the one that you would kiss.
I never knew love could be so rough
But now I found the real thing I can't get enough."
Iginiya niya ang mga kamay ko at pinagsiklop sa kanyang batok. Habang ang kanyang mga kamay naman ay pumaikot sa bewang ko. Mahina lamang ang aming pag galaw at ang mga mata namin ay nakatuon sa isa't isa.
"The sweetest surprise
Caught me tonight
Right there in your eyes
While I was kissing you
So don't say that you don't love
Everything you dreamed of could be here."
Hinapit niya ang bewang ko nang hindi inaalis ang kanyang panginin sa mga mata ko. Kumalabog ang dibdib ko sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
"I used to wish, I used to dream.
But now, I'm leaving my heart's wildest fantasy
So I'll begin to believe
Because our love is there for everyone to see."
Nanatili ang isang kamay niyang nakahapit sa bewang ko habang ang isa naman ay marahang humahaplos sa aking mukha. Inipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa aking tenga. Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko sa bawat haplos niya.
"The sweetest surprise
Caught me tonight
Right there in your eyes
While I was kissing you
So don't say that you don't love
Everything you dreamed of could be here."
Hindi ko matagalan ang uri ng kanyang pagtingin. Para bang hinihigop ng kanyang mga mata ang lakas ko, ang aking atensyon. Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib at pinakinggan ang t***k ng kanyang puso.
"On and on, where good things never end
On and on, where we never pretend, yeah..
The sweetest surprise
Caught me tonight
Right there in your eyes
While I was kissing you
So don't say that you don't love
Everything you dreamed of could be here..
So don't say that you don't love,
Everything you dreamed of could be here."
Nang matapos ang kanta ay nanatili lamang kaming nakatayo at sumasayaw ng mabagal. Iniangat niya ang aking mukha at muling nagtama ang aming mga mata. Naroon ang sari-saring emosyon sa kanyang mata. Matagal kaming nagtitigan nang maramdaman ko ang marahang haplos niya sa ulo ko. Muling dumausdos ang kamay niya at mas inilapit pa ang katawan ko sa kanya.
Unti-unti niyang ibinaba ang kanyang mukha habang hindi inaalis sa akin ang kanyang mga mata.
Kusang pumikit ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa labi ko. Marahan, magaan at punong-puno iyon ng pagmamahal. Pakiramdam ko ay biglang nanghina ang mga tuhod ko kaya mas hinigpitan ko ang paghawak sa kanya.
Hindi ito ang unang beses na hinalikan niya ako, pero kakaiba ang halik na ito. Marahan, mabagal at punong puno ng pagmamahal. Nahabol ko ang aking hininga nang bitawan niya ang mga labi ko.
Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at hinagkan ako sa noo.
"I love you, babe."
Napangiti ako sa kanya.
"I love you too, babe."
Para akong nakalutang sa ulap ng mga sandaling iyon. Pakiramdam ko ay ako ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo dahil boyfriend ko si Jaxon.
Ilang sandali pa ay dinala ako ni Jaxon sa penthouse niya na nandito rin sa hotel. Namangha ako sa laki ng kanyang kwarto dito. Kakaiba sa apartment na tinitirhan niya, ito naman ay mukhang magara. Mula sa interior hanggang sa mga furnitures at paintings na naroon. Mayroong isang mahabang couch na kulay krema at dalawang single sofa seat. Sa gitna ay mayroon glass center table. May isang malaking Flat screen TV at mayroon pang mga paintings. Ang mga kurtina ay kulay dark blue. Ang mga dingding ay pawang gawa sa salamin kung saan kitang-kita ang nagkikislapang ilaw ng siyudad.
Dinala ako ng aking mga paa sa balcony. Doon ay nilanghap ko ang sariwang hanging dumadampi sa aking balat. Ipinikit ko ang aking mga mata para namnamin ang sarap na dulot ng sandaling ito.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mga kamay ni Jaxon na pumulupot sa aking bewang. Ipinatong niya ang ulo sa aking balikat at mataman akong tinitigan.
"Did you like my surprise?"
"You never fail to make me feel special babe. I love your surprise. I never expected this."
Hinalikan niya ako sa sentido at pinaharap sa kanya.
"I will always show you how much you mean to me babe. You are the best thing that has happened to me. I love you with all my heart. And I will never get tired of saying how much I love you."
Agad na namasa ang aking mga mata dahil sa kanyang mga salita. Ang puso ko ay lumulundag sa tuwa. Hindi lang siya sweet sa gawa, ganoon din sa salita. Kaya mahal na mahal ko siya.
"And I thank God for giving you to me. You were the one who completed me. I love you so much babe."
Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko kakayanin kung sakali mang mawala siya sa akin.
Muli niyang iniangat ang mukha ko at dahan-dahang sinalubong ang aking mga labi. Nung una ay marahan lamang ang kanyang paghalik hanggang sa unti-unti itong lumalalim. Sinisimsim niya ang ibabang labi ko habang nararamdaman ko ang kanyang dila sa aking bibig. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa ulap habang hinahalikan at yakap niya ako.
~~~~~~~~
Song: The sweetest surprise by MLTR
To be continued.