Chapter 2

2381 Words
2 Yssa's POV I was preparing myself for our reunion which will be held tonight. I wore a simple white above the knee casual dress. I gathered my hair into a messy bun and let a few strands loose. I put on a light make up. When I was done, I looked at my reflection in the mirror. I smiled, so much has changed. No more trace of the old high school girl that I am. I got my purse and went to my car. Sydney will be there tonight, she promised. But even so, I still called her. "Hey, you're going right?" I smiled and asked as she picked up the phone. Siguro kung nasa harapan ko lang siya ay umiikot na ang mga mata niya ngayon. "Oo na, oo na. Nakabihis na nga oh. Kita na lang tayo doon sa school." "Okay, see you." Binaba ko na ang tawag at nagdrive papunta sa eskuwelahan namin noong high school. Hindi ko napigilang mamangha sa dami ng pagbabagong nakita ko. May bagong mga gusali na itinayo doon. Nirenovate din ang ilang mga rooms pati na rin ang stage at ang gym. Mayroon na ring mga landscapes doon na siyang nakadagdag sa kagandahan nito. Pinark ko ang sasakyan ko at agad na tumayo sa harap ng Function Hall. I texted Sydney to let her know na nandoon na ako. Ilang sandali pa ay nakita ko na rin siyang naglalakad papunta sa pwesto ko. Kung lalaki lang ako baka na inlove na ako sa kanya. Ang ganda talaga ng bestfriend ko. Siguradong maglalaway mamaya 'yong gago niyang ex pag nakita siya nito. Lihim akong natawa sa loob loob ko. "Oh siya, tara na sa loob bes." Aya ko kay Sydney. Bigla kasi siyang tumigil, para bang nag-alangan siya bigla. "Wait lang bes. I need to take a deep breath." Nanatili pa siya sa ganoong posisyon ng ilang sandali. Pagpasok namin sa gym ay marami na ang mga tao. Some faces looked familiar. Nakita namin ang mga classmates namin noon. Umupo kami ni Sydney sa isang table na pandalawahan lang. Nakita naman kami ng emcee kaya in-acknowledge niya ang presence namin. Nararamdaman kong hindi na mapalagay si Sydney lalo na't nakita ko si Justin sa isang mesa doon sa dulo. He looked as if he's seen a ghost. Ni hindi man lang siya kumurap or kumisap ng mata. Talagang hindi niya inalis ang pagkakatingin kay Sydney mula pagpasok namin. Kung hindi lang talaga niya niloko ang kaibigan ko ay iisipin kong mahal niya pa rin ito. Unti unti ring nagsalapitan ang mga chismosa naming kaklase. Nakiusyuso sila kay Sydney, na akala mo naman close sila. Nakita ko rin si Justin na naglalakad patungo sa table namin. Nang ibalik ko ang tingin ko kay Sydney ay kitang-kita ko ang panic sa mukha niya. I felt sorry for her. Maybe it wasn't right to bring her here. Hindi na rin siya nakatiis at umalis na siya. Hinayaan ko na lang siyang mauna. Alam kong mabigat ang pinagdaanan niya and by asking her about it, it's like digging the past again. Nagsisi tuloy ako na pinilit ko pa siya dito. Pilit kong inenjoy ang gabi kahit na sa totoo lang ay hindi naman ka enjoy enjoy. May mga kumausap sa akin na mga former classmates namin pero plastikan lang naman. Dahil bored na rin naman ako, nagdecide na lang akong umuwi na. Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive pauwi. Napapreno ako at napakapit nang mahigpit sa manibela ng biglang pumutok ang isang gulong ng kotse ko. Kung minamalas ka nga naman oh. Bumaba ako sa kotse ko at tiningnan ang flat kong gulong. Gusto ko sanang sipain kaya lang baka masaktan pa ako. Napairap na lang ako sa kawalan. Tumingin ako sa paligid. May mga bahay naman at maliwanag rin ang ilaw na nagmumula sa street lights. Wala man lang malapit na Auto Repair Shop. Diyos ko naman, paano na 'ko makakauwi nito? Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan ang boyfriend ko. Magpapasundo na lang ako sa kanya. Total naman malapit lang din dito ang bahay niya. Ring lang na ring ang telepono niya pero walang sumasagot. Nakapagtataka, bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko? Sinubukan ko ulit pero walang nangyari. Ganoon ba siya ka busy tuwing gabi at hindi man lang niya masagot ang tawag ko? Sobrang naiinis ako ngayon. Pakiramdam ko hindi niya ako priority. Hindi lang ito yung unang beses na tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Sa sobrang frustration ko, napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada. Wala na kong pakialam kung magmukha man akong palaboy dito. Bahala na, mag-aabang na lang ako taxi. Maya maya pa ay may nakita akong paparating na sasakyan. Agad kong pinara ang kamay ko. Nang huminto ito sa harap ko ay nagulat pa ako. Biglang binuksan ng driver ang passenger seat. "Hop in." Hindi na ako nag-atubili pa. Agad akong pumasok sa sasakyan. "Thanks God, mabuti na lang at ikaw ang dumaan Jordan." "What happened to your car?" "Ayun, pumutok ang gulong. Nalagay pa tuloy ako sa alanganin. Gabi pa naman." "Yeah, mabuti na lang ako 'yong dumaan. Wala bang pwedeng magsundo sa'yo?" Bumalik na naman ang inis ko nang maalala ko ang boyfriend ko na sobrang busy. "I've been trying to call my boyfriend but he's not answering." Hindi na rin siya sumagot. Tinanong niya lang ako kung saan ang bahay ko. Tahimik lang kami habang nagbabiyahe. Maya maya pa ay nagpatugtog siya. Napangiti ako, favorite song ko kasi ito. I look at her and have to smile As we go driving for a while Her hair blowing in the open window of my car, Itinuon ko ang atensyon ko sa kalsada kahit na sa totoo lang ay gusto ko siyang pagmasdan. And as we go the traffic lights Watch them glimmer in her eyes In the darkness of the evening Oh and I've got all that I need Right here in the passenger seat Oh and I can't keep my eyes on the road Knowing that she's inches from me Napatingin ako sa kanya nang marinig kong sinasabayan niya ang kanta. In fairness naman, maganda ang boses niya. We stop to get something to drink My mind clouds and I can't think Scared to death to say I love her Then the moon peek from the clouds I hear my heart it beats so loud Try to tell her simply Inaamin ko, parang nahihipnotismo ako sa boses niya. Malamig at malamyos ang kanyang tinig. Kung hindi mo siya kilala ay baka mapagkamalan mo siyang vocalist ng isang banda. That I've got all that I need Right here in the passenger seat Oh and I can't keep my eyes on the road Knowing that she's inches from me Oh and I know That this love, it'll grow Oh and I've got all that I need Right here in the passenger seat "Wow, I didn't know you can sing." He just laughed at my remark. "Hindi naman ako ganon ka galing. Anyway, saan ka pala galing kanina?" "Well, may reunion kami ng mga batchmates namin noong high school. Wala naman akong gagawin kaya pumunta na rin ako. Ikaw ba?" "Umuwi ako sa amin, doon sa kabilang bayan. Binisita ko lang ang pamilya ko. Bumalik din agad ako dito kasi pasukan na bukas." He had that look of determination in his eyes. "Oh, hindi ka pa pala graduate? Ano'ng course mo?" "Well, you see. Ulila na kasi ako sa ama. My mother, she can't afford to send me to college. Yung kinikita niya mula sa paglalabada, hinahati pa niya para sa mga maliliit kong kapatid. Kaya naman pagka graduate ko nang high school, nagtrabaho na rin ako para makatulong sa kanya." Kaya pala parang ganoon na lang ang determinasyon niya sa buhay. Breadwinner pala siya sa pamilya nila. Nakakahanga naman. "So, paano ka nakapag-aral uli?" "Yong bar na pinagtatrabahuhan ko, pag-aari 'yon ng uncle ko. Kapatid siya ni Papa. Kinuha niya ako, at pinagtrabaho sa bar. Mabait si uncle, siya ang nag offer sa akin na mag-aral ulit. Sinagot niya ang tuition ko, at itong sasakyan na ito. Pinahiram niya sa akin para hindi ako mahirapan sa pag commute. Syempre, nag-aaral ako'ng mabuti para naman makita ni uncle na hindi sayang 'yong pera niya. May sweldo naman ako sa bar, 'yon ang ginagamit kong allowance, at kalahati no'n, pinapadala ko kay Mama. Rumaraket din ako minsan ng tutor kasi umuupa ako ng apartment. Nahihiya naman kasi ako kay uncle. Sagot na nga lahat, tapos doon pa ako makikikain at makikitira. Kaya ayon, nagdecide akong mangupahan. Gusto ko rin kasing maging independent." Kahit na kakakilala ko pa lang sa kanya, hindi ko maiwasang humanga sa kanya. Habang yung ibang estudyante, puro lang pasarap at hingi ng pera sa magulang kahit puro pagbubulakbol naman ang ginagawa. Mayroon pa din palang mga katulad niya. Yung mga taong pursigidong makapagtapos dahil may mga pangarap para sa pamilya. Hindi ako umimik kaya pinagpatuloy lang niya ang pagkukwento sa akin. "Noong bata pa lang ako, pangarap ko talagang makapagpatayo ng maraming restaurant para kay Papa. Magaling kasi siyang magluto. He's actually the one who taught me how to cook. Gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang ko, kahit si mama na lang. Gusto kong mapagtapos ng pag-aaral ang mga kapatid ko. Kaya heto, todo kayod at nag-aaral ako ng mabuti. Ako lang kasi ang inaasahan ni mama." Hindi ko napigilan ang sarili ko. Hinawakan ko ang braso niya. "You're a great person Jordan. Maswerte ang mama mo sa'yo. And I know you'll do great things someday. You have the heart and mind of a dreamer. Make that dream a reality." Hindi ko namalayan nakahinto na pala kami sa harap ng building ng condo ko. Oo, umalis na ako sa bahay namin. Not because may maipagmamalaki na ako, but because I wanted to independent too. I do visit them twice a month kasi namimiss ko rin sila especially si mama. "Thank you talaga ha Jordan. Naku yung kotse ko pala nandoon pa. Paano kaya yun." "Don't worry about your car. Tatawagan ko na lang ang kakilala ko doon para ayusin ang kotse mo. Ipapahatid ko na lang dito kapag okay na." "Naku, salamat talaga Jordan. And sorry din sa abala." "No problem. I had a good ride with you." Aww, bigla atang lumundag ang puso ko sa sinabi niya. Agad ko'ng sinaway ang sarili ko. Hindi naman tamang kiligin ako sa ibang lalaki habang may boyfriend pa ako. Speaking of boyfriend, naiinis pa rin ako sa kanya. Umakyat na ako sa floor ko. Pagpasok ko sa loob ng unit ko ay agad akong nagshower at nagpalit ng pantulog. I also did some skin care. Mayamaya pa, nag ring ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag ang magaling kong boyfriend. Napairap na lang ako sa hangin. Ayaw ko sanang sagutin pero alam ko namang hindi siya titigil sa kakatawag kaya ayun. "Hello." Malamig kong sagot sa kanya. Gusto ko lang iparamdam sa kanya na nagtatampo ako. Aba naman no, hindi lang ito 'yong unang beses na hindi niya sinagot ang tawag ko. "Hey, babe. Are you mad? Sorry hindi ko nasagot ang tawag mo kanina, naiwan ko kasi ang phone ko sa loob ng kwarto. I was watching Netflix kanina." "Ah ok." Walang ganang sagot ko. What the f**k? Nanood ng Netflix? Naiwan sa kwarto ang cellphone? Ano yun? "Bakit ka nga pala tumawag kanina babe?" "Wala naman. Tumawag lang naman ako para sana magpasundo kasi nasiraan ako ng kotse habang pauwi kanina. 'Yon lang naman." Sarkastikong sagot ko. I don't want to pick a fight with him, pero nagtatampo talaga ako sa kanya. "What? I'm sorry. Nakauwi ka na ba? Nasaan ka na ngayon?" "Don't worry, nakauwi na ako. Safe and sound." I heard him sigh on the other line. Hmp, bahala siyang makonsensya. Siguro pinipigilan niya lang ang sarili niyang patulan ako. "I'm really sorry babe. Paano ka nga pala nakauwi?" Gusto ko sanang sabihin na hinatid ako ng kaibigan ko kaya lang baka mas lalong lumala ang bangayan namin lalo na kapag nalaman niyang lalaki ang naghatid sa akin. Seloso at possessive si Jaxon kaya ayoko siyang bigyan ng kahit na anong rason para mag-away kami. Lalo na kung tungkol sa mga ganitong bagay. "Nagtaxi ako. Mabuti na lang may dumaan na taxi doon." Nagsinungaling ako. Sorry na agad Lord. White lie naman po ito, mabuti po ang intensyon ko. Promise! Nababaliw na ata ako kasi kinakausap ko na ang sarili ko. "Ok babe. Tulog ka na. Susunduin kita bukas ng umaga para sabay na tayong pupunta sa office." I didn't argue anymore. Bahala na siya kung ano'ng gusto niyang gawin, basta ako, matutulog na lang ako. Binaba ko na ang tawag niya at nahiga sa kama ko. The next day, maaga pa nga akong sinundo ni Jaxon. I prepared him coffee and breakfast habang nag-aayos ako ng sarili ko. He kept on saying sorry and kissing the back of my hand. Marupok na kung marupok pero agad na nalusaw ang inis at galit ko sa kanya. Who can ever resist the charm of this man? Pagdating namin sa opisina ay agad akong dumiretso sa cubicle ko. I was surprised to see a bouquet of red roses and a box of chocolate on my table. Jaxon stood behind me and whispered on my ears. "Did you like my surprise, babe? Happy monthsary!" I hugged him in front of our co-workers. Mabuti na lang talaga at mabait ang boss namin. Ok lang ang magkaroon ng employee to employee relationship. Basta daw ba huwag naming dadalhin ang mga away namin sa trabaho. Kinuha ko ang bouquet at inamoy-amoy ito. Nagsilapit namang bigla ang mga katrabaho namin habang si Jaxon ay pumunta na sa table niya. Ang saya-saya ko, biglang natunaw ang lahat ng tampo at hinanakit ko kagabi. Napakasweet talaga ng boyfriend ko. Hindi siya nahihiyang ipakita sa lahat kung gaano niya ako ka mahal kaya naman sobrang mahal ko rin siya. What a nice start of the day. Umupo ako sa cubicle ko at nagsimulang magtrabaho nang may ngiti sa mga labi ko. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Song: Passenger Seat by Stephen Speaks To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD