4
Yssa's POV
Kakaiba ang paraan ng paghalik ni Jaxon ngayon. Naroon ang pagmamadali, na para bang may hinahabol siyang pupuntahan. Nararamdaman ko rin ang paghigpit ng kanyang yakap at ang unti-unting paghaplos ng kanyang kamay sa aking likod. Bigla akong kinabahan pero hinayaan ko lang siyang sakupin ang mga labi ko at idampi ang kanyang balat sa akin.
Para akong nalalasing sa paraan ng kanyang paghalik. Parang hinihigop niya ang kaluluwa ko. Pakiramdam ko ay matutumba ako kung hindi niya ako aalalayan.
Gumapang ang kanyang mga halik sa baba ko. Ang kanyang mga kamay naman ay unti-unti ring naglikot. Hindi ko maipaliwanag ang takot na biglang namuo sa dibdib ko nang mga sandaling iyon.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa dibdib ko. Agad akong napamulat sa reyalisasyon. Hindi pa ako handa sa ganitong bagay. Marahan ko siyang itinulak at nagbaba ng tingin habang nakahawak pa rin sa kanya.
"I'm sorry babe. I don't think I'm ready for this."
Pabulong kong sabi sa kanya.
Itinaas niya ang mukha ko ngunit agad rin akong nag-iwas.
Napabuntong hininga siya at muling itinaas ang mukha ko. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko.
"No, babe. I should be the one saying sorry. Sorry kasi nagpadala ako sa damdamin ko."
Nginitian ko lang siya bilang sagot.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.
"Tara, ihahatid na kita. It's already late."
Walang nagsalita sa amin habang bumababa kami sa hotel. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya umikot at umupo sa driver's seat. Nagpatugtog lang siya ng music habang nasa biyahe kami.
Paminsan minsan ay hinahawakan at pinipisil niya ang kamay ko. O di kaya ay titingnan ako at saka siya ngingiti.
Pagdating namin sa building ng condo ko ay naroon na rin ang sasakyan ko. Muli siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. I just smiled at him, he always has those sweet little gestures.
"Do you wanna come inside babe?."
"Hindi na babe. Late na rin eh. Matulog ka na agad ha."
Niyakap niya ako at muling hinalikan sa noo bago gawaran ng maikling halik sa mga labi.
Siguro ayaw niya lang na mapagsolo kami para hindi maulit ang nangyari kanina.
"Drive safely, babe. Call me when you get home."
"Yes, babe. I will."
"Okay babe. I'll wait for your call. I love you."
"I love you, babe."
Pinanood ko siyang pumasok sa sasakyan niya. Muli ko siyang kinawayan nang paandarin na niya ang sasakyan. Bumusina pa siya ng isang beses bago tuluyang umalis.
Umakyat ako sa floor ko nang may ngiti sa mga labi ko.
Hay, ang saya ng araw na to.
Kung ganito ba naman siyang bumawi, parang gusto ko tuloy magtampo palagi. Bwahahah. Natawa na lang ako sa katangahang naisip ko.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko ay agad kung hinubad ang suot kong sapatos. Sunod kong hinubad ang mga damit ko at pumasok sa banyo para maligo.
Itinapat ko ang sarili ko sa shower. Ipinikit ko ang mga mata ko habang hinahayaan ang lagaslas ng tubig na dumadaloy sa katawan ko. Mula sa buhok ko, pababa sa leeg, sa dibdib, likod at maging sa mga paa ko. Parang pagod na pagod ang katawan ko pero hindi ko iyon maramdaman. Nangingibabaw sa akin ang saya dulot ng sorpresang ginawa ni Jaxon.
Bumalik sa isip ko ang halikan namin kanina. Bigla akong nakaramdam ng init nang maalala ko kung gaano ka lalim ang kanyang halik, kung paano niyang haplusin ang balat ko. Pero sa kabilang banda ay umusbong ang takot ko. Natatakot ako na baka hindi niya mapigilan ang sarili niya sa susunod. Mahal ko si Jaxon, walang duda. Pero hindi pa ako handa sa ganoong bagay.
Pinalis ko iyon sa isip ko at pinagpatuloy ang pagligo. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagtootbrush at nag skin care.
Nagsuot ako ng underwear at nighties. Habang nagpapatuyo ng buhok ay tiningnan ko ang cellphone ko pero walang tawag si Jaxon. Tiningnan ko ang orasan, alas diyes na nang gabi. Mag-iisang oras na rin mula nang maka-alis siya sa condo ko. Malapit lang bahay niya, fifteen to twenty minutes lang ang biyahe niya kung tutuusin.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya, pero katulad noong nakaraan, ring lang nang ring ang cellphone niya. Hindi niya sinasagot ang tawag ko na siyang nakapagtataka. Sinubukan ko ulit ng isang beses at nung hindi pa rin niya nasagot ay nagtext na lamang ako sa kanya.
To: Babe ❤️
Hey, babe. Are you home? Keep safe.
Matagal akong napatitig sa cellphone ko habang hinihintay na magreply siya. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Kinabukasan, agad kong tiningnan ang cellphone ko. Nangunot ang noo ko nang mabasa ko ang reply niya.
From: Babe ❤️
Sorry, babe. Ngayon lang ako nakapagtext. Sorry rin dahil hindi ko nasagot ang tawag mo. Nakatulog agad ako pagdating ko sa bahay kanina babe. Sorry talaga. I love you.
Tiningnan ko ang oras na nareceive ko ang text niya, 1:20 am. Ganoon ba siya ka pagod na nakatulog agad siya matapos niya akong ihatid? At ni hindi man lang niya naalala ang usapan naming tatawag siya?
Gusto kong mainis kasi nag-alala ako sa kanya pero hayun pala at masarap na ang tulog niya.
Sa huli, pinili ko na lang na intindihin siya. Siguro nga ay napagod siya sa dami ng ginawa niya kahapon.
Mabilis akong naligo at naghanda ng breakfast ko. Nagtimpla lang ako ng black coffee at nagtoast ng tinapay. Matapos kumain ay nagtootbrush na ako at naghanda para pumasok sa trabaho.
Pagdating ko sa opisina ay agad kong namataan si Jaxon na kausap si Mindy. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimpleng paghawak ni Mindy sa braso ni Jaxon. Nakatalikod sila sa gawi ko at rinig ko ang masaya nilang tawanan. Mukhang sila lang din ang nagkakaintindihan. Hindi ko napigilang magtaas ng kilay bago tumikhim para kunin ang atensyon nila.
"Ehem. Hi babe."
Mabilis na inalis ni Jaxon ang kamay ni Mindy na nakahawak sa kanya at humarap sa akin nang nakangiti. Ngiting alanganin na para bang may nagawa siyang kasalanan.
"Good morning babe. Sorry nga pala kagabi ha."
Agad niyang iniyakap sa akin ang isang kamay niya at inakay ako papunta sa cubicle ko.
Naiwan si Mindy na nakatayo doon habang nakatingin sa amin.
"Hayaan mo na yon. Ang importante, safe kang nakauwi."
Hinaplos ko ang kanyang mukha at pinakatitigan siya sa mata. Hindi ko maintindihan kung bakit tila naging mailap ang kanyang mata. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
"Babe, labas tayo mamayang lunch?"
Tumango lang ako sa kanya. Hinalikan pa niya ako sa noo bago tuluyang pumunta sa cubicle niya.
Nagsimula na akong magtrabaho. Nagreview ng mga reports ng mga kliyente namin. Naging magaan naman ang pagtatrabaho ko hanggang sa sumapit ang lunchtime.
Pag angat ko ng mukha ko ay agad na sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Jaxon.
"Let's go, babe."
Sinipat ko muna ang hitsura ko sa salamin. Naglagay ako ng kaunting pulbo para maging fresh naman ang mukha ko. Tsaka ako tumayo at kinuha ang hand bag ko.
Sa isang seafood restaurant na malapit lang sa opisina kami kumain. Mahilig kasi si Jaxon sa seafood. Umorder siya ng buttered garlic shrimp at alimango. Mayroon ding baked scallops at kanin. Naging masaya ang tanghalian namin. Magana siyang kasama kaya medyo naparami rin ang kain ko.
"Anong oras ka nga pala nakauwi kagabi babe?"
Napatigil siya sa tanong ko. Matagal siyang hindi nagsalita habang nakatingin lang ako sa kanya.
"Ano babe, mga 9:45 na ako nakauwi. Napahiga ako agad para sana magpahinga ng konti, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Madaling araw na nung magising ako at nakita ko na may text at missed call ka."
Gusto kong maniwala sa kanya, pero hindi ko maintindihan kung bakit mayroong parte ng puso ko ang nasasaktan. Pakiramdam ko kasi ay nagsisinungaling siya sa akin.
Tiningnan ko siya, nakayuko lang siya habang nagsasalita.
Nang maramdaman niya marahil na nakatingin ako, ay agad rin siyang nag-angat ng tingin at nginitian ako.
"I'm really sorry babe. Promise, hindi na mauulit."
"You don't have to be sorry babe. I just asked kasi nag-alala ako sayo. Akala ko may masama nang nangyari."
Totoong iyon ang nararamdaman ko. Sobra akong nag-alala lalo na't hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Ginagap niya ang kamay ko at mariing pinisil iyon.
Pinagpatuloy namin ang pagkain namin at bumalik na rin kami sa opisina.
Dumaan ang maghapon nang hindi ko namamalayan. Masyado akong naging engrossed sa trabaho kaya hapon na nang mapansin ko ang oras.
Iniligpit ko ang mga gamit ko at pinatay ang computer ko. Sabay kaming bumaba ni Jaxon. Nagyaya siyang magdate daw kami.
Nagpunta lang kami sa mall at nanood ng sine. Syempre, dahil ako ang masusunod, romantic comedy film ang pinanuod namin. Buong oras ay nakatutok lang ako sa screen habang siya naman ay sa akin nakatingin. Hawak hawak niya ang kamay ko at nilalaro ang mga daliri ko.
Pagkatapos naming manuod ng sine ay kumain pa muna kami sa restaurant.
Sinabayan niya ako pauwi kahit na may kotse naman akong dala. Aniya, mas gusto niyang ihatid ako para masigurado niyang safe ako.
Pagdating sa parking lot ng condo ay bumaba ako at kinatok siya sa kotse niya.
"Drive safely, babe. I love you."
"I will babe. Akyat kana. Tatawag ako mamaya pag uwi ko."
Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti. Ayokong umasa na tatawag siya. Ilang gabi na siyang ganyan. Palaging hindi ma contact kasi hindi siya sumasagot.
Umakyat na ako sa unit ko. Agad akong naligo at nagpalit ng damit ko. Bitbit ang cellphone ko, umupo muna ako sa living room at nanood ng TV.
Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko. Nakaramdam ako ng saya ng makita kong rumehistro ang pangalan ni Jaxon.
"Hello, babe."
"Hi babe, I'm already home. Ano'ng ginagawa mo?"
"Eto, katatapos ko lang maligo. Nanood ako ng TV ngayon. Ikaw ba?"
"Eto, iniisip ka. Miss na agad kita Babe."
Parang gusto kong maglupasay sa kilig.
"Miss na din kita babe. Don't worry, araw araw naman tayong nagkikita."
"Yeah. Pero parang kulang pa rin babe. Gusto ko lagi kitang kasama. Gusto ko katabi kita sa pagtulog, yung nayayakap kita at nahahalikan. Gusto kong mukha mo yung unang makikita ko sa pag gising ko."
Parang sasabog na ang puso ko sa tuwa. Kung ganoon, naiimagine na pala niya ang future naming dalawa. Pero bakit ganon, hindi ko siya nakikita sa future ko. Parang hindi pa ako handa sa topic ng pag-aasawa. Masyado ko pang ineenjoy ang present naming dalawa.
"Someday babe. Magkakasama din tayo."
"Yes babe. Kaya ngayon pa lang, pag-iipunan ko na ang future natin. Gusto kong ibigay sa'yo ang buhay na deserve mo. I love you so much babe."
"I love you so much babe. I'm so happy na ikaw ang boyfriend ko. You are so thoughtful and understanding. Sana hindi ka magsawa sa akin."
"That will never happen babe. Kung mayroon man akong ibang babaeng mamahalin, yun ay ang magiging anak natin. Remember that, okay?"
Napangiti ako. He's really good with words. Kaya mas lalo ko siyang minamahal.
"I'll keep that in mind babe. Sige na, matulog na tayo."
"Goodnight babe. Dream of me."
Natawa ako sa kanya. Sus, para namang hindi ko siya napapanaginipan. Kung alam niya lang na siya lagi ang laman ng isip ko.
"Goodnight too, babe."
Ibinaba ko na ang tawag. Nagtootbrush na lang ako at nag skin care. Masaya akong natulog.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Katulad ng nakagawian, palagi kaming sabay ni Jaxon sa tanghalian at may bonus pang date sa hapon.
Magmula rin noon, palagi na rin siyang tumatawag sa akin. Masaya ako dahil dumadalas na ulit ang tawag niya at nagiging extra sweet na rin siya sa akin kahit nasa opisina.
Parang bumalik kami sa stage na nagliligawan pa lang kasi palagi siyang may paflowers at chocolates. Hindi ko mapigilang kiligin dahil talaga namang napakasweet niya.
Sabado ngayon at maaga akong nagising para magjogging sa park. Nakagawian ko na iyon tuwing weekend.
Pagkabalik ko sa bahay ay agad akong naligo. Wala kaming date ni Jaxon ngayon dahil uuwi daw muna siya sa kanila. Ako naman, kakabisita ko lang din sa parents ko noong nakaraan. Tinawagan ko si Sydney para yayain siyang lumabas.
"Hello bes, are you free today?"
"Nako bes, sorry busy ako ngayon. Andaming requirements sa school. May ginagawa pa akong research paper at feasibility study."
Lumaylay agad ang balikat ko.
"Aww, okay lang yan bes. Sige, balik ka na sa ginagawa mo. Fight lang bes, para sa future yan. I love you bes!"
"Thank you bes, I love you too. Bawi na lang ako sa'yo pag nakagraduate na ha."
Binaba ko na rin ang tawag namin para makapagfocus siya sa ginagawa niya.
Tutal, mag-isa lang naman ako, bakit kaya hindi ko na lang itreat ang sarili ko?
Agad akong nagbihis. Nagsuot ako ng isang pastel pink na off shoulder blouse at tinernuhan ito ng miniskirt na kulay puti. Nagsuot ako ng flat sandals na kulay puti rin. Kinuha ko ang kulay silver ko na purse. Nag spray ako ng kaunting pabango at hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko.
Pumunta ako sa mall at nagliwaliw. Pumasok ako sa ilang boutiques at nagsukat ng mga damit at sapatos. Matagal na rin kasi nung huling beses na nagshopping ako. Sa huli ay bumili ako ng dalawang pares ng heels at tatlong damit.
Pumasok ako sa isang restaurant para kumain dahil nakaramdam ako ng pagkagutom. Agad akong umorder at umupo sa isang pandalawahang mesa.
"Mind if I join you?"
Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nagsalita at ngumiti nang mapagtantong si Jordan pala iyon.
"Sure, wala namang nakaupo dito."
"Wala kang kasama?."
"Wala, bumisita kasi sa family niya ang boyfriend ko."
"I see."
Umupo na rin siya. Dumating na din ang inorder kong pagkain kaya nagsimula na kaming kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang masulyapan ko ang lalaking kakalabas lang sa isang boutique. May naka-abrisyeteng babae sa kanya, hindi ko gaanong makita ang mukha dahil naka-cap at nakasuot ng mask. Pero ang lalaki, kilalang-kilala ko. Agad na sumikip ang dibdib ko at tumulo ang luha ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya.
"Hello babe?"
"Hi babe, nasan ka ngayon?"
Pilit kong pinasigla ang boses ko.
"Nandito pa rin ako sa bahay babe. May kaunting salu-salo kasi, dumating ang mga pinsan ko. Sana nga isinama kita dito, miss na kita agad."
Biglang tumulo ang luha ko. Paanong nasa bahay ka ng magulang mo, kung nandito ka ngayon sa harapan ko? Bakit ka nagsinungaling sa akin?
Gusto ko iyong itanong sa kanya pero sa huli ay pinili kong tumahimik na lang. Pinunasan ko ang luha ko at tumikhim.
"Ano ka ba babe, okay lang yan. Magkasama naman tayo everyday. Ingat ka pauwi mamaya ha, huwag ka masiyadong mag-iinom."
Hindi ko na kaya pang makipag-usap kaya binaba ko na ang tawag at yumuko para hindi niya ako makita.
Pag-angat ko ng tingin ko ay nakita kong nakatingin si Jordan sa akin, at sinundan niya ang tinitingnan ko. Hindi siya nagsalita pero kumuha siya ng panyo at inabot ito sa akin.
"Go ahead and cry, I won't judge."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
To be continued...