5
Yssa's POV
Pakiramdam ko nawalan na ako ng ganang kumain pero pinilit ko pa ring ubusin ang order ko. Kumakain ako habang panay ang tulo ng luha ko. Para na siguro akong baliw pero sobrang sakit na harap harapan siyang nagsinungaling sa akin. Hindi ko matanggap na ganoon lang kadali para sa kanya ang magsinungaling.
Hindi nagsasalita si Jordan pero alam kong pinapakiramdaman niya ako. Panay ang sulyap niya sa akin habang kumakain. Mabuti pa siya, parang walang iniinda. Samantalang ako, heto at nasasaktan. Parang kahapon lang ang saya saya naming dalawa tapos ngayon ito ang kapalit. Nakakasakit ng kalooban.
Panay tulo ng luha ko at panay rin ang punas ko gamit ang panyo ni Jordan. Hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko. Sobrang sakit, parang pinipiga ang puso ko. Napakasakit yung part na kitang-kita mo kung nasaan siya, pero nagawa niyang magsinungaling sayo. Hindi ko alam kung ano bang tamang gawin, kung kokomprontahin ko ba siya o hihintayin kong sa kanya mismo manggaling. Para akong pinapatay, paunti-unti hanggang sa bumakat ang sugat at mag-iwan ng marka sa puso ko.
Matagal akong nakatitig sa kawalan. Namalayan ko na lang na inaabot na ni Jordan ang panyo niya at kusang pinupunasan ang mga luha ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Sa kanya pa talaga ako nagdrama. Hayysss.
"Sorry Jordan. Nakita mo pa tuloy ang kadramahan ko."
Sinubukan kong magbiro pero muli lang tumulo ang luha ko. Tanginang mga mata, parang walang kapaguran sa pag-iyak.
Napailing na lang siya at lumapit sa akin. Sapilitan niya akong itinayo at muling pinunasan ang luha ko.
"Come on pretty. Cheer up, hindi bagay sa'yo ang umiiyak."
"Kung sana madali lang ngumiti pagkatapos ng nangyari kanina."
Malungkot akong tumunghay sa kanya.
"Don't let yourself dwell on that thought. At huwag mo siyang ijudge ng basta basta lang. You'll never know, maybe he has a reason for lying to you."
Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko pero kahit bali baliktarin ko, hindi ko pa rin matanggap.
"Sana nga ganoon kadaling tanggapin na kayang magsinungaling sa atin ng taong mahal natin. But whatever his reason is, sana mahigitan non ang sakit na idinulot niya sa akin."
"Don't worry, maaayos niyo rin yan. Kailangan niyo lang mag-usap. Pero huwag muna ngayon. Kausapin mo siya kapag humupa na ang nararamdaman mo. Kasi kung ngayon mo siya kakausapin, baka lalo lang kayong magkasakitan."
Napatingin ako sa kanya. Ang galing niyang magbigay ng advice ah. Siguro marami na tong experience.
"Have you ever been in love, Jordan?"
Napatitig siya sa akin at matagal bago nakasagot.
"Yes. I've been in love. I had been in a relationship with my ex for two years before I found out that she cheated on me. Pinagpalit niya ako sa lalaking mayaman."
He smiled bitterly.
"At ngayon naman, may nagugustohan ako. Pero may mahal rin siyang iba."
I looked at him and studied his expression. There is this look of defeat on his face.
"Actually, we're kinda friends. When I first met her, she snobbed me. Naiinis pa siya sa akin noon. But I couldn't take my eyes off her. There is something in her eyes that caught my attention. Parang napakarami niyang sekreto, napakaraming pinagdaanan. I want to look deep into her eyes to understand her. She's fragile, yet she's strong and determined. She's like a mystery I'm trying to unravel."
Napaawang ang labi ko nang marealize ko kung sino ang tinutukoy niya.
"Oh my God! You're in love with my bestfriend?"
Ngumiti lang siya sa akin at hindi na sumagot. Bigla ay nawala sa isip ko ang problema ko. Naisip ko lang ang pinagdaanan niya. Hindi madali ang lokohin ka ng taong mahal mo.
Gusto ko pa sanang magtanong tungkol sa ex niya kaya lang pinangunahan na ako ng hiya.
Maya maya pa ay inilahad niya sa akin ang kamay niya. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla akong napaigtad nang magdampi ang mga balat namin. Tila may kuryenteng dumaloy sa amin. Ngayon ko lang ito naranasan.
"Instead na magmukmok, why don't we have fun?"
Hinila ako ni Jordan papasok sa isang Arcade. Naglaro kami ng basketball, video games at dance revo. Nakalimutan ko lahat ng hinanakit ko, at parang bata ako na ngayon lang nakapaglaro. Hinila ko siya doon sa claw machine. Naghulog siya ng token at matapos ang tatlong tries, nakuha niyang ang isang unicorn stuff toy. Binigay niya ito sa akin at tuwang tuwa naman ako.
At dahil alam kong maganda ang boses niya, niyaya ko siya sa videoke. Ako ang pumili ng kanta.
(Please play the song Breaking My Heart by MLTR)
I'm on the floor
Counting one minute more
No one to break the silence
Staring into the night
All alone but that's alright
It's the feeling deep inside I don't like
Napakalamig talaga ng boses niya. Lahat na ata ng babae roon ay napalingon sa kanya.
There is no excuse, my friend
For breaking my heart
Breaking my heart again
This is where our journey ends
You're breaking my heart again
Nakapikit pa siya habang kumakanta. Pati ang adam's apple niya gumagalaw sa tuwing magbibigkas siya ng salita.
Here in my bed
Counting the words you've said
They linger in the shadows
Coming home late at night
Drunk again but that's alright
It's the look in your eyes I don't like
Hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa kanya. Pakiramdam ko, bawat kataga sa lyrics ng kanta ay sumasalamin sa damdamin ko ngayon.
There is no excuse, my friend
For breaking my heart
Breaking my heart again
This is where our journey ends
You're breaking my heart again
There is no excuse, my friend
For breaking my heart
Breaking my heart again
This is where our journey ends
You're breaking my heart again
There is no excuse, my friend
For breaking my heart
Breaking my heart again
This is where our journey ends
You're breaking my heart again
Pagkatapos niyang kumanta ay pabiro pa siyang nagbow. Napa-aww naman ang mga babaeng nandoon nung bumaba na siya sa stage.
Pinalakpakan ko siya at tsaka pinuri.
"Grabe, iba talaga pag may kaibigan kang talented. Baka bukas viral ka na ha."
Pabiro niyang ginulo ang buhok ko. Siya na rin ang nagpresentang magbitbit ng mga paper bags ko.
"Oh ano, ayos ka na ba?."
Nginitian ko siya.
"Oo naman. Mabuti na lang talaga nakita kita dito, kung hindi baka ngayon nagmumukmok pa rin ako. Ang weird noh? Lagi na lang kitang nakikita sa mga panahong nasasaktan ako ng dahil sa boyfriend ko. Palagi ka na lang nandiyan. You're there to cheer me up. Coincidence ba yon?"
"Siguro. Malakas ka siguro sa taas kaya sa tuwing kailangan mo ng kaibigan, lagi niya akong ginagawang instrumento."
Sabay kaming naglakad papunta sa parking lot. Inihatid niya ako hanggang sa kotse ko. Nagpaalam ako sa kanya at maingat na nagdrive pauwi.
Habang nasa daan, unti unti ulit akong nakaramdam ng sakit. Kahit na ayaw kong isipin, kusang bumabalik sa akin yung nakita ko kanina. And the fact that he easily lied to me, I started doubting everything he said. All his excuses, and his reasons started to seem questionable. Napapaisip ako kung yun lang ba ang unang beses na nagsinungaling siya sa akin. Ayaw ko siyang pagdudahan pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ganon ang nararamdaman ko ngayon.
Nang makarating ako sa bahay, agad kong inayos ang mga pinamili ko. Naligo ako at nagbihis ng pantulog. Pumunta muna ako sa sala para libangin ang sarili ko sa panonood ng TV. Pinatay ko rin ang cellphone ko dahil sa mga oras na to, ayaw ko munang makausap si Jaxon. Alam kong tatawag siya pero hindi ko pa siya kayang kausapin.
Pinili kong manuod ng sad or tragic na movie. Parang gusto ko kasing umiyak ngayon. Para lang mailabas ko yung bara sa dibdib ko. Minsan kasi kailangan lang talaga nating umiyak para maging okay tayo. Para maging magaan ang pakiramdam natin. At ganoon nga ang ginawa ko.
Kinabukasan, maaga pa akong gumising. Nagsuot ako ng leggings, sports bra at white sneakers. Itinali ko ang buhok ko at nagsaksak ng earphones. Nagsimula akong magjogging sa village namin hanggang doon sa park. Paikot-ikot lang ako hanggang sa pinagpawisan ako. Nang medyo mapagod ay umupo muna ako sa bench, nagpunas ng pawis at uminom ng tubig.
Namataan ko ang isang pamilyar na lalaking nagjojogging din. Agad ko siyang kinawayan.
"Kahapon, sa mall tayo nagkita. Ngayon naman, dito sa park. Umamin ka nga sa akin, sinusundan mo ba ako?"
Natawa naman siya sa biro ko at marahang ginulo ang buhok ko.
"Malapit lang kasi dito ang apartment na tinutuluyan ko. Madalas akong pumunta dito para magrelax. Ikaw?"
"Ano pa, edi nagjojogging."
Nakangisi kong tugon sa kanya.
"Sabagay, exercising is good for your health."
Umupo rin siya sa bench na katabi ko at uminom ng tubig niya. Ang liit ng mundo, magkalapit lang pala kami ng bahay.
"Saan banda ang apartment mo?"
Curious na tanong ko.
"Doon papasok sa kantong yon. Mura lang kasi yung apartment tsaka maayos naman siya kaya doon ko naisipang mangupahan. Ikaw, malapit lang din ba ang bahay mo dito?"
Tinuro ko sa kanya ang mataas na building ng condominium na tinitirahan ko. Kaya pala ngayon ko lang din siya nakita, nasa magkabilang direksyon ang mga tirahan namin.
"Kumain ka na ba?"
Nagulat ako sa tanong niya. Masayadong 'out of the blue'.
"Hindi pa nga."
"Tara, kain tayo. May malapit na karinderya dito, my treat."
Agad kaming tumayo at naglakad lakad papunta sa sinasabi niyang karinderya.
Pagpasok namin ay agad kaming binati ng isang may-edad na babae.
"Oh, good morning Jordan. Himala at may kasabay kang magandang dilag ngayon?".
Mapanukso ang kanyang mga mata pati na rin ang tono ng boses niya. Gusto ko tuloy matawa. Siguro kung wala akong boyfriend ay baka pinatulan ko na ang joke ni manang at kinikilig pa.
"Kayo talaga Manang Daisy. Si Yssa nga pala, kaibigan ko. Yssa, this is Manang Daisy. She owns this place."
"Hello po, nice to meet you."
Agad na umorder si Jordan ng breakfast namin. Tapsilog yung sa kanya, habang sa akin naman ay sizzling sisig with rice. Sinamahan niya rin ito ng kape. Ang totoo, hindi ako madalas na kumakain sa umaga, pero parang napasubo na rin ako dito. Bukod kasi sa maaliwalas ang lugar ay talaga nga namang masarap ang luto nila.
"Nagkausap na ba kayo ng boyfriend mo?"
"Hindi pa nga eh. Buong gabing naka-off ang cellphone ko. Parang ayaw ko pa kasi siyang makausap."
"Hmm, I understand that. Pero advice lang ha, huwag mong masyadong patagalin ang tampuhan niyo. Baka isang araw, magulat ka na lang, magkaiba na kayo ng pahina ng librong binabasa."
Napatitig ako sa kanya. Hindi ko maintindihan, masyado siyang malalim.
"Ang ibig kong sabihin, baka magulat ka na lang isang araw, hindi na kayo nagkakaintindihan. Magkaiba na kayo ng paniniwala, magkaiba na kayo ng depinisyon sa salitang pagmamahal. Importante kasi ang communication sa lahat ng relasyon. At ang mga hindi pagkakaintindihan, hindi dapat pinapatagal."
Muli akong napatingin sa kanya. Ang galing niyang mag advice. Parang napakarami niyang baong words of wisdom.
"Based on experience ba yan, friend?"
I tried to joke to cover up my emotions. Ininternalize ko kasi ang sinasabi niya at alam kong tama siya.
Ngumiti siya ng tipid bago nagsalita.
"You can say that. Remember when I told you I have an ex?"
"Yeah, what about her?"
Biglang nabuhay ang curiosity ko. Ano kayang nangyari sa relationship nila?
"She was my first love. Magkaklase kami noong high school. Fourth Year high school na noong naging kami. She was sweet and really caring. Palagi niyang pinaparamdam sa akin na mahal niya ako, at ganon din ako sa kanya. Then college came. Syempre, siya nagpatuloy sa pag-aaral. Habang ako naman tumigil para magtrabaho."
Saglit siyang huminto, mataman lang akong nakikinig.
"Si Avah yung tipo ng babaeng simple lang. Madalas tuwing date namin, street foods lang ang nabibili ko. Hindi ko naranasang dalhin siya sa isang mamahaling restaurant. Hindi ko naranasang mabigyan siya ng magagandang regalo katulad ng mga stuffed toys o bulaklak, pero never ko siyang narinig na nagreklamo. Akala ko okay lang kami, akala ko okay lang sa kanya."
Muli siyang huminto para lamang huminga ng malalim.
"Pero sa loob-loob ko noon, gusto ko rin siyang bigyan ng mga bagay na yon. Kaya nagdoble kayod ako sa trabaho. Nag-iipon ako para masurprise ko siya sa darating naming second year anniversary. Nag-ipon ako para bilhan siya ng malaking stuff toy, at para makapunta rin kami sa ibang lugar. Ang plano ko noon, dadalhin ko siya isang beach resort. Magcacamp kami sa tabi ng dagat. Magseset-up ako ng picnic blanket, doon ko rin ilalagay ang stuff toy na human size at haharanahin ko siya, sa ilalim ng maliwanag na buwan. Naging sobrang abala ako at minsan, hindi ko na siya nakikita. Naging madalang ang mga tawag at text. Naging cold siya sa akin. Pero hinayaan ko lang, hindi ko siya kinausap kasi sabi ko sa sarili ko, mawawala rin yung tampo niya sa akin kapag nagawa ko na ang surprise ko. Na magiging worth it din ang lahat ng pagtitiis ko."
Parang pinipiga ang puso ko habang nakikinig. Iniisip ko pa lang na lolokohin siya ng ex niya, nasasaktan na ako.
"Pero akala ko lang pala. Kasi nung mismong araw ng anniversary namin, ako pala ang nasorpresa. I was working as a waiter at a restaurant back then. Sobrang excited ako na matapos ang shift ko kasi nakaready na lahat, yung mga gamit para sa picnic namin. Yung teddy bear nabili ko na. Parang sinisilaban ang pwet ko noon. Pagkatapos ng shift ko, agad akong umalis para pumunta sa kanila. Bumili pa ako ng isang bungkos na rosas kasi paborito niya iyon. Pero ganoon na lang ang gulat ko pagdating sa bahay nila. Sa labas ay may nakaparadang itim na kotse. Brand new at mukhang mamahalin. Pero ang talagang dumurog sa puso ko, ang nakita ko sa loob ng kotse. Ang girlfriend ko, nakahawak sa leeg ng isang lalaki at naghahalikan sila. Para akong naestatwa habang nanunood ng live show."
Grabe, hindi ko alam kung makakaya ko ba kung sakaling sa akin nangyari yon.
"Pinanuod ko sila hanggang matapos. Parang sinasaksak ng paulit ulit ang puso ko. Nung makababa siya, napansin ko agad ang paper bag na hawak niya. Binilhan siya nito ng mga damit at sapatos, isang bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanya. Napasinghap siya ng makita niya ako, pero wala akong mabasang pagsisisi sa mukha niya. Doon ako mas lalong nanliit sa sarili ko. To cut the story short, she broke up with me and told me na hindi na siya masaya sa akin. Na hindi na siya kontento sa kaya kong ibigay sa kanya. Na nakahanap na siya ng lalaking kayang bilhin ang mga gusto niya sa isang pitik lang ng daliri. I was so hurt, broken and betrayed that time pero hindi ako nagalit sa kanya. Iniisip ko na lang, siguro hindi talaga siya para sa akin. Na siguro may nakalaan na mas better si Lord na para sa akin. Na siguro, kaya ko siya nakilala ay para maging isang lesson ng buhay ko."
Ang sakit naman nun. Parang nakakahawa yung sakit na naramdaman niya.
"Alam mo bang andami kong what ifs noon. What if pinaglaban ko siya. What if noong una palang kinausap ko na siya, naging maayos kaya kami? Kung kinausap ko ba siya noon sa pagiging cold niya, naagapan kaya ang relasyon namin? Yun kasi yung nakita kong nagkulang sa amin. Yung mga kamustahan namin, umikli. Yung mga pag-uusap naging sobrang dalang. Kaya hindi ko namalayang, na stuck na pala ako doon sa page na masaya kami. Habang siya, nandoon na sa next chapter kung saan may mahal na siyang iba."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Song: Breaking My Heart by MLTR
To be continued...