Chapter 1

1608 Words
1 Yssa's POV It was a beautiful saturday morning. Maaliwalas ang panahon. Nagsimula akong mag jogging paikot sa park. Dinamdam ko ang pagdampi ng hangin sa pawisang balat ko. Nang makaramdam ng pagod ay umupo ako sa isang bench. Pinagmasdan ko ang paligid. Napangiti ako sa aking nakikita. This park holds so much memories. My memories with Sydney, my high school best friend. Dito kami madalas na tumambay noon. Dito na nga ang meeting place namin palagi eh. Nakakamiss naman ang babaeng 'yon. I sighed. Five years ago, my best friend left. Wala ni isa sa amin ang nakakaalam ng rason, o kung saan ba siya nagpunta. Bigla na lang siyang nawala na parang bula. Maging sa social media accounts niya ay nag deactivate siya. At that time, I know she has a problem. Pero nasaktan ako, kasi hindi man lang siya nagshare sa akin. We were almost sisters. We did everything together, we shared our secrets. Kaya naman nang umalis siya, sobrang nasaktan ako. I am her best friend, but she also shut me out. I know it has something to do with Justin, that bastard. When Sydney left, he kept on bugging me about her whereabouts. But how could I possibly tell him, when I myself, don't even know. Whatever happened to them, I know it was too much. Kasi kung hindi, bakit kailangan niyang umalis? Was she hurt that bad? I don't know anymore. Maybe God really do listens, because last month, Sydney finally reached out. I was so happy to see her again even if it's through videocall only. After how many years, she finally let me in again. I can see that she changed a lot. She's more confident now, and definitely more mature. Sa totoo lang, parang hindi ko na siya kilala. Parang napakaseryoso na niya. Wala na 'yong dating palangiti at palatawa kong best friend. Ibang-iba na siya kung tutuusin, pero siya pa rin ang best friend ko. Makaraan ang ilang sandali, umuwi na rin ako at naghanda ng brunch. Dahil saturday naman, nagmovie marathon na lang ako para mawala ang boredom ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Sydney. Kanina pa ring ng ring ang cellphone niya pero walang sumasahgot. Busy kaya siya? "Hello Bes, I've been calling you for hours!" Bungad ko sa kanya ng sagutin niya rin sa wakas ang tawag ko. Gusto ko lang siyang kamustahin. "Sorry naman, I just woke up. Jetlag, you know." Tama ba ako nang dinig? Ibig sabihin umuwi na siya? Nalungkot ako. Ni hindi man lang siya nagsabi sa akin na uuwi na pala siya. "Gosh, you mean you're already here? Kailan ka dumating? Bakit hindi ka man lang nagpasabi? Ugh, sana nasundo kita." Hindi ko na nga napigilan. I sounded so hurt, pero 'yon talaga ang nararamdaman ko ngayon. "Isa-isa lang, aba. Mahina ang kalaban. I'm sorry best friend. Gusto ko kasi pag nagkita tayo, yung ready ako. Ang haggard ko pa kaya." I know she's trying to lighten up the mood. "Alam mo, nakakatampo ka. Kung hindi pa ako tumawag, di ko pa malalamang nakauwi ka na pala. Nakakasakit ka ng damdamin, alam mo 'yon? I'm your bestfriend. We were supposed to be partners. But you shut me out. I know you've been through a lot. I don't even know what happened to you in the last five years. Please, let me in again." I don't want to make her feel guilty but that's how I felt. I felt so left out. Parang wala na akong alam tungkol sa kanya. "Bes, bes naman eh. I know I've been so unfair to you. Don't worry, we'll have time to catch up. I'll tell you everything. Kung ano'ng nangyari sa akin, bakit ko kinailangang umalis. Please don't feel bad. You are my only best friend and I really can't afford to lose you. You know what, why don't we hang out later? Dun sa dating tambayan natin? Six pm." Para namang may magagawa pa ako eh siya lang din naman ang nag-iisang best friend ko. We may have been separated for a long time, but our friendship remains. "Hayy, as if namang may magagawa pa ako. Tapos na, nangyari na eh. Sige, see you later!" Naligo na rin ako at naghanda. I wore a red off shoulder top and paired it with a white skinny jeans. Nagsuot din ako ng puting sneakers. Maikli lang ang buhok ko kaya hinayaan ko lang na nakalugay ito. Naglagay ako ng lip tint at naghanda ng umalis. Akmang aalis na ako ng tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ko kung sino ang tumatawag. "Hey, babe." Masayang bati ko sa kanya. "Are you busy tonight babe? Can we go out?" As much as I wanted to, I can't ditch Sydney. Ngayon na nga lang ulit kami magbabonding eh. "Sorry babe. I'm going out with my best friend tonight. Remember Sydney? Yung kinukwento ko sa'yo? Umuwi na kasi siya. Is it okay babe?" "Oh I see. Okay lang babe. Have fun and be safe. Text me when you get home." "I will babe, bye." I'm smiling as made my way to the park. Siya si Jaxon, ang boyfriend ko. Actually workmates kami sa isang Auditing Firm na pinapasukan ko. Naging magkaibigan kami. He's nice, friendly and a gentleman. Maswerte ako dahil ako ang girlfriend niya. Marami ang nagkakagusto sa kanya sa office namin, including Mindy. That girl, ewan ko ba pero nakakaramdam ako ng kaunting inis sa kanya. Mukha naman siyang mabait, palangiti pero obviously, isang flirt. Actually, mukha siyang plastic kung ngumiti. Basta, there's just something in the way she smiles. Kinuha ko ang purse ko at dumiretso na sa park. Naupo ako doon sa bench habang hinihintay si Sydney. Maya-maya pa ay naramdaman kong may nagtakip ng mga mata ko kaya napangiti ako. "Guess who?" Agad kong kinalas ang kamay niya at mahigpit siyang niyakap. "Oo na bes, na miss din kita pwede mo na akong bitawan. Para naman tayong magjowa nito." Natatawang sabi niya sa akin. Napangiti rin ako. "Urgh, nakakainis ka naman bes. Wala man lang text na nandito kana pala? Dapat ilibre mo ako niyan. Tagal mo kasing nawala tapos kahit isang message wala man lang. Tss." Kunwari nagtatampo ako. "Oh, tara na. Saan ba kita ililibre? Di ba dapat ikaw tong manlibre kasi may trabaho ka na, eh ako? Isang taon pa." Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka. Tumigil siya ng pag-aaral? Bakit? "Bakit bes? Huminto ka ba? Bakit late kang gagraduate?" "Long story, but yes, tumigil ako ng isang taon. I had to." Tiningnan ko siya. Nakangiti siya, pero isang malungkot na ngiti. Gusto ko ulit siyang yakapin at sabihin na okay lang 'yon. Na kung ano man ang pinagdaanan niya, maghihilom din 'yon balang araw. Ayaw ko naman siyang pilitin na magkwento. Alam kong mabigat ang pinagdaanan niya. Handa akong maghintay hanggang sa kusa niya nang ishare sa akin kung ano man 'yon. Imbes na maglungkutan kami doon, inaya ko na lang siyang mag bar hipping. May kakabukas kasi na bar malapit doon sa office namin. Minsan tumatambay kami doon ng mga workmates ko lalo na kapag masyado na kaming stressed sa trabaho at sa mga deadlines. Kaya kahit papano, natuto na rin akong uminom at magparty. Pagkaupo namin sa bar counter ay agad na lumapit sa amin ang bartender. Napatingin ako sa kanya. Gwapo siya, matangkad at maganda rin ang katawan. Nako, kung wala lang akong boyfriend baka nilandi ko na to. Pero syempre joke lang, hindi naman ako marunong manglandi. "What's your order ma'am?" Nakangiting tanong sa amin ng bartender na halatang nakatingin kay Sydney. Napailing na lang ako. "Meron ba kayong strawberry shake? Yun na lang sa'kin." Bahagya pang natawa si Kuyang bartender kay Sydney kaya napangiti rin ako. Mukha kasing naasar na ang best friend ko sa kanya. "Ugh, what's so funny?" Okay, so sila lang talaga ang nag-uusap. Baka invisible ako kaya hindi nila ako napapansin. At nag-aaway pa nga sila sa harap ko dahil lang sa strawberry shake. Gusto kong matawa sa reaction ni Sydney, halatang inis na inis na siya. "It's good to know that there are still women who prefer not to drink. By the way, I'm Jordan." He said then gave Sydney a wink. Ay malandi pala to. May pa wink wink agad siya. Sydney just rolled her eyes on him. "Ehem, ehem .. I'm Yssa, and this is my friend, Sydney. A glass of tequila for me please." I introduced us. I shook hands with the guy and in fairness, malambot ang kamay niya. "Bes, nakakunot yang noo mo. Inis ka dun sa gwapong bartender ano? Ano ka ba naman bes eh ang hot niya nga eh." Sabi ko sa kanya. Ang sarap niyang asarin. "Yikes, maghunos-dili ka nga. Kelan ka pa natuto ng mga ganyan? Last time I checked, di ka marunong mag crush, ngayon may mga hot-hot ka pang nalalaman diyan?" "Bes, are you kidding me? I'm twenty-two years old, no longer the 17 year old Yssa you last saw." Agad din akong nagsisi sa sinabi ko kasi bigla na lang siyang lumungkot. "Hey bes, sa sunday nga pala, may reunion yung Batch natin. Bahagi ng proceeds na malilikom mula sa registration ay ido-donate sa school natin. Ililista kita ha?" Hayun, best in change topic agad ako. I don't want to remind her of the things that caused her pain. "Ugh, I'm not sure? Di naman ako dun gumraduate eh." As I expected. 'Yon nga ang sagot niya "Bes, kapag di ka umattend, magtatampo na talaga ako. Iisipin kong hindi ka pa naka move on. Besides, you stayed there for almost 4 years." Nakita ko naman ang agad na pagsalpukan ng mga kilay niya. "What?! Fine, a-attend ako. I'm over him, just so you know. In fact, I'd be glad to see him or anyone for that matter. " Ay defensive pa nga. Naka move on na daw, kahit halata namang hindi pa. "Really? Then why do look so annoyed with Mr. Hot Bartender?" Pag-iiba ko ulit ng usapan. "Anong klaseng tanong ba yan? Syempre kasi mahangin siya. Ikaw, kung ano-anong pinag-iisip mo" Natawa ako sa kanya. Mukhang isinumpa niya na ang lahat ng lalaki sa mundo. Sana someday makahanap din siya ng lalaking mamahalin siya. 'Yong lalaking tatanggapin siya ng buo at hindi siya sasaktan. "I was just teasing you. You should have seen how defensive your face was." Muli ako'ng umorder ng dalawang shot ng tequila. Bumalik naman sa harap namin si Jordan. Inasar asar ko si Sydney. Halatang inis na inis na siya at nag aya na nga siyang umuwi. Sayang naman, baka si Jordan na ang lalaking para sa kanya. Mukha naman siyang matino. Gwapo rin naman at maganda ang katawan. Aba, kung ayaw niya, edi akin na lang. Natawa ako sa sarili ko. Pinilig ko ang ulo ko. Ano ba itong pinag-iisip ko. Lasing na nga siguro ako. Umuwi na rin ako at nagbihis ng pantulog. Nagsuot lang ako ng pajama at oversized T-Shirt. Tinanggal ko ang bra ko dahil hindi ako sanay matulog nang may bra. Naghilamos ako ng mukha ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Jaxon pero hindi siya sumasagot. Alas nwebe pa lang naman ng gabi, baka nakatulog na siya. I just texted him that I'm already home and safe para hindi na siya mag-alala. Hindi pa ko inaantok kaya naman kumuha ako ng libro at nagbasa muna. Nilagay ko ang libro sa bedside table ko dahil hindi rin ako maka focus. Hindi ko maintindihan kung bakit bumabalik sa isipan ko ang mukha ni Jordan. What's happening to me? ~~~~~~~ To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD