MONTHS passed. Nagsimula na ang construction ng resort ni Jam kaya naman napapadalas na din ang pag-site visit ni Vel sa construction area. She had to make sure that every detail ng plano ay maisasagawa sa resort na iyon. Tuluyan na siyang naka-adjust sa sitwasyon. Hindi na lang niya masyadong iniisip si Jam para maka-concentrate siya sa trabaho. Tutal naman, mukhang tumutupad nga ito sa pangakong hinding-hindi na muling magpapakita pa sa kanya.
Oo na. Ako lang ang may problema talaga kasi hanggang ngayon naiisip ko pa siya, sambit niya sa sarili.
Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya makalimutan ang mga malulungkot na titig ni Jam sa kanya nang huli silang mag-usap . . . parehong uri ng pagtitig na ipinukol nito sa kanya habang nagpe-present siya sa harap nito ilang buwan na ang nakalilipas. Pakiramdam niya ay nagpapaalala na naman ang kanyang ate tuwing nagaganap ang bigla-biglang pagrehistro ng mukha ni Jam sa isip niya.
Tulad ngayon. Nakakita siya ng babaeng may hawak na punpon ng bulaklak na naglalakad sa may tabing-dagat. Agad niyang naalala ang mga bulaklak na madalas ipadala ni Jam. Hindi siya makapaniwala sa nararamdaman niya. Dahil ba sampung taon siyang sinanay nitong makatanggap ng bulaklak kaya nang biglang huminto ito sa pagpapadala ay hinahanap-hanap naman niya?
“Architect Mariole,” tawag sa kanya ng isang babae mula sa kanyang likuran. Iyon ang nagpabalik ng huwisyo niya.
Lumingon siya at bumungad sa kanya si Winona, ang secretary ni Jam. Ngumiti siya. “Miss Winona, napadalaw ka?” Alam niyang alam nito ang lahat ng tungkol sa kanila ng amo nito. Pero labas ang mabait na secretary ni Jam sa sitwasyon nila ng amo nito.
“Gusto sana ni Boss na makita iyong progress ng construction. Pero nalaman naming na andito ka sa site kaya nagpaiwan na lang siya sa sasakyan.”
She felt awkward. “Gano’n ba?”
Winona nodded. “Can you tour me around? Kukuhanan ko na lang ng video at photos para makita niya.”
“Sure.” In-assist niya ito. Pinasuot niya rito ang isang helmet bago sila nagsimulang maglibot.
Una nilang pinuntahan ang isang malaking villa house na magsisilbing receiving area at offices ng resort. May bachelor’s pad din doon para kay Jam. “The villa is already 90% completed. Inaayos na lamang ang mga built-in wooden accents sa haligi at ceiling ng villa house. Sa target plan, sa loob ng dalawang linggo ay puwede nang ayusan ng interior designer ang lugar.” Sunod nilang pinuntahan ang guest villas and cabanas. “Panglimang cabana na ang ginagawa ngayon. The first four is already completed and ready to be furnished. Target na matapos na ang sampung cabanas in three months. Para sa guest villas naman, dalawa pa lang ang naitatayo,” litanya ni Vel.
Winona, on the other hand, was just busy taking videos and photos. “My boss wants to initially open the resort for public once the cabanas and villa houses are done. Mga gaano pa kaya katagal?”
“Mga six months pa. Tell him, after six months, landscaped na lahat ng garden areas, fully-furnished na ang guest houses and villas at ready to be used na ang pool.”
“Noted.” Binigyan niya ito ng ample time para tapusin ang tina-type nito sa cellphone. She must be taking down notes about the site visit.
“Ahm, Miss Winona?”
Binalingan siya nito. “Yes, Architect?”
“I assume may alam ka naman sa nangyari sa amin ni Jam, ’di ba?”
She nodded. “Oo, alam ko lahat. Saksi ako sa lahat. Sorry nga pala. Kasama ako sa nagsinungaling sa ’yo.”
Umiling siya. “Wala iyon. Amo mo siya, natural na siya ang sundin mo.”
“Iyong totoo? Hindi lang dahil doon. Magkaibigan din kami since college days. Isa ako sa mga kaibigang karamay niya noon hanggang ngayon.”
“Kumusta na siya?” That slipped off her tongue. Hindi naman niya alam kung bakit bigla na lang niyang tinanong iyon.
Tila nagulat din si Winona sa tanong niya. “Nakagugulat na kinukumusta mo siya.”
“I just wanna know . . .”
“The truth is, he’s pretending to be okay even though I know he’s not. Life must go on, sabi niya. Kaya patuloy pa rin siya sa pagpapagaling ng mga pasyente niya sa hospital. Pero ’pag may oras siya para magpahinga, madalas ko siyang nakikitang tulala lang. Napapadalas din ang paglalasing niya. Hindi iisang beses na sinundo ko siya sa mga bar na pinupuntahan niya. Madalas na wasted na siya ’pag sinusundo ko.”
Bigla namang na-guilty si Vel. She never thought she could cause someone miserable. Natahimik na lang tuloy siya.
“Architect, hindi ko ito sinasabi sa ’yo para ma-guilty ka. Matagal ko nang pinapanalangin na sana ay dumating na iyong araw na mabuksan mo ang puso mo para sa pagpapatawad. Sa totoo lang, hindi lang naman buhay mo ang gumuho nang mangyari ang insidenteng iyon. Nasira din ang buhay niya. Mabuti siyang tao. Alam ko na alam mo iyon. Iyong nagawa niya noon, pinagbayaran na niya iyon sa tadhana at patuloy pa rin niyang pinagbabayaran hanggang ngayon.”
“Masisisi mo ba ako kung bakit hindi ko siya mapatawad? Siya ang dahilan kung bakit ako naging ulila.”
“Hindi biro ang pinagdaanan mo for sure. Pero bawat pangyayari sa buhay natin ay may magkabilang sides. Ang alam mo lang ay ang pinagdaanan mo. Hindi mo alam ang pinagdaanan niya. Hindi mo alam na habang pinagdadaanan mo lahat ng sakit at hirap nang maiwan kang mag-isa ay may pinagdadaanan din siya.”
Naguluhan siya sa tinatakbo ng litanya nito. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Winona sighed. “Ayaw ipaalam ito ni Jam sa ’yo but I think, you have to know. Noong nalaman niya na namatay ang babaeng aksidenteng nabangga niya, nagpakamatay siya noon.”
“Ano?!” Biglang kumabog ang puso niya sa pagkabigla. Nabitiwan niya ang hawak-hawak na blue print at napaupo siya sa pinakamalapit na bench.
Pinulot ni Winona ang blue print at ibinigay sa kanya. Umupo ito sa tabi niya. “Pumunta siya sa Tagaytay. Pagkarating niya roon, pinutol niya ang break plug ng sasakyan niya at saka nagmaneho nang mabilis. Nahulog ang sinasakyan niya sa bangin. The accident almost killed him. Dalawang linggo siyang na-coma.”
“B-Bakit niya ginawa iyon?”
It felt like her heart was crashing into pieces. Oo dati, she was cursing heaven to kill him. Literal nga niyang sinabi kay Jam noon na sana mamatay na din ito nang una niya itong makita ilang minuto pagkatapos mamatay ang ate niya. Pero ngayong narinig niyang tinangka nitong bawiin ang sariling buhay noon, hindi niya alam kung anong mararamdaman. Tama si Winona. Hindi lang buhay niya ang nasira. Pati buhay ni Jam ay nasira dahil sa nangyari.
“Too much fear at sobrang pagsisisi. Inisip niya na ’pag namatay siya, quits na sila ng ate mo. Nakuha mo na ang hustisya. At dahil hindi pa niya talaga oras, nakaligtas siya. No’ng magising siya, inakala namin na magiging okay na siya. Pero hindi. He became suicidal, tumigil na lang basta ang mundo niya. Ayaw niyang kumain, ayaw na niyang pumasok sa school, ayaw niyang makipag-usap . . . ayaw na niyang mabuhay. Dalawang taon pa ang lumipas bago siya nakabangon sa depression sa tulong ng mga doctor. Nakabalik siya sa pag-aaral at naging doctor. Pero never ka niyang nakalimutan. Palagi ka niyang binibisita. Palagi ka niyang binabantayan. Kasi iyon ang ipinangako niya sa kapatid mo.”
Makailang buntonghininga ang nagawa ni Vel habang nagkukuwento si Winona. Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Sa palagay niya, labis-labis na ang pinagdaanan ni Jam para lang pagbayaran ang pagkamatay ng kapatid niya. He already experienced enough to be forgiven. And speaking of forgiveness... This is insane! Hirap na hirap akong patawarin ka tapos malalalaman kong ganito pala katindi ang pinagdaanan mo. Bakit ako naging bato para hindi ka patawarin?
Hindi na napigilan ni Vel ang mapaluha. “Winona, can you keep a secret?”
“Kung ayaw mong malaman niya na nag-usap tayo, ’wag kang mag-alala. Tikom ang bibig ko,” tugon nito.
She nodded. “Salamat, Winona.”
Nag-ring ang phone nito na agad nitong sinagot. “Yes, Boss Pogi? Pabalik na ako. May details and updates lang na ibinigay si Architect Mariole. I’ll be there in a few.” Binalingan siya nito. “Naiwan ko nga pala sa kotse ang boss ko. I have to go. Salamat, Architect Mariole—”
Biglang niyakap ni Vel si Winona. She was really thankful na through her, nalaman niya ang other side of the story. Nakatulong iyon nang malaki para makuha niya ang lakas ng loob para patawarin si Jam. “I’m really thankful na ’di mo ipinagdamot sa akin ang mga bagay na kailangan kong malaman. Jam must be really lucky to have you as a friend.”
“Someday, you will also realize na masuwerte kang may Jam na handang gawin ang lahat para sa ’yo despite of the painful past.” Winona hugged her back.
Laman ng isipan ni Vel ang mga ikinuwento ni Winona sa kanya tungkol kay Jam habang pabalik na sila ni Earl sa Maynila. Dahil na-open up naman na niya rito ang tungkol kay Jam ay agad niyang ikinuwento rin dito ang natuklasan.
“Maybe, that’s God’s sign for you to finally seek forgiveness. You and him had been suffering for so long. Siguro panahon na rin na matutunan mo na siyang patawarin,” sabi ni Earl.
“Naroon na ako sa puntong iyon. I just don’t know how to begin,” sabi niya.
“Acceptance. Magsimula ka sa pagtanggap ng paghingi niya ng tawad, sa pagtanggap na hindi na mabubura ang nagawa niya pero that mistake doesn’t define him, at sa pagtanggap ng posibilidad na puwede namang maging okay kayong dalawa. After that, everything will surely be in the right places.”
She nodded. Susundin niya ang payo nito. “Gagawin ko iyan. Salamat.” May sasabihin pa sana siya nang mag-beep alert ang cellphone niya. It was a schedule notification. Sa sobrang dami ng kanyang ginagawa sa buhay, halos nakalimutan niyang papunta nga pala siya sa Culion sa weekend. Ipadadala siya ng company for a charity project ka-collaborate ang charity organization ng HC Group of Companies.
“Pupunta pala ako sa Culion sa weekend,” sabi niya.
“This weekend na ba iyon?” tanong ni Earl. She nodded. “Gusto mo bang sumama ako?”
Pinagkunutan niya ito ng noo. “Hindi. Time ko na para makawala sa panghahalimaw mo sa trabaho. Don’t ruin my freedom,” biro niya.
“You are so mean!”
Tinawanan lang niya ito.
***
JAM was busy swiping his phone screen from left to right and vice versa. Nakatitig lang siya sa cellphone niya kung saan nakatambad ang dalawang tanging pictures ni Vel na meron siya. It was taken during that day na inihatid niya ito sa San Juan Batangas . . . noong mga panahong kaibigan pa ang tingin sa kanya nito at hindi kriminal. He sighed.
Kasalukuyan siyang nakasakay sa van mula Busuanga Airport to Coron, Palawan kasama ang mga kapwa niya volunteer doctors at nurses. Sumama siya sa isang medical mission ng Tolentino-Ferrer Medical Center na gaganapin sa Culion, Palawan. Kaysa nga naman magmukmok at magsayang ng oras sa kung saan-saang clubs sa Manila, mas mabuti pa’ng maging abala na lang siya sa mabuting gawain. It’s been months. At hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung gaano katagal pa kaya siya maghihintay na mapatawad ni Vel. He somehow missed her. Nami-miss niyang panoorin ito habang galit na galit nitong itinatapon sa basuruhan ang mga ibinibigay niya rito. Hindi na siya umuuwi sa condo unit niya para na rin maiwasan ang chances na magkasalubong silang dalawa at mabali niya ang pangako ritong hindi na muling magpapakita.
Bakit kita nami-miss, Vel? Hindi niya alam ang sagot sa tanong. He just felt it. And that added frustration to his state. Patuloy pa rin siya sa pag-swipe sa screen ng phone niya nang biglang magsalita si Arthwil na inakala niyang busy sa pagtulog. Gising na pala ito at inuusisa siya.
“Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa babaeng niligawan mo ng sampung taon, pare?” tanong nito.
He immediately took away his phone from Arthwil’s view. “Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko siya nililigawan? Pagbubuhulin ko kayo ni Winona ’pag napikon na ako.”
Tumawa ito. “Okay, hindi mo siya nililigawan pero sinusuyo mo—”
“For her forgiveness!” giit niya.
He nodded. “Fine. Pero teka lang nga. Ang tagal mo nang ikinukuwento siya sa akin pero never mo pang nabanggit ang pangalan niya. Kahit nga kulitin ko si Winona, ayaw niyang magkuwento—”
“Oo nga. Sino siya? Curious din ang beauty ko, eh!” Monique popped out from the back seat. She’s one of his friends too. Isa itong Pediatrician. Kanina pa pala itong nakikinig sa usapan nila.
“Hey, alam mo iyong guy’s talk, Monique?” pakli niya. “Para kang kabute; bigla-bigla na lang sumusulpot.”
“Eh, ano? Lalaki ako ngayon. I’m a woman of flexible genders. I can be a man or a woman or gay or lesbian. Now, lalaki ako. So, may picture ka ba niya? Chicks ba?” nakangiting litanya ni Monique.
Napailing lang siya at napatawa naman si Arthwil. Iniabot niya ang cell phone sa mga ito. Nag-agawan pa ang dalawa.
“Hey, babae muna!” agaw ni Monique sa phone.
“Akala ko ba lalaki ka ngayon?” reklamo ni Arthwil sabay bitiw sa cell phone.
“Kanina iyon. Case to case basis ang gender ko.” Tiningnan na nito ang photo. Hindi pa nakuntento si Monique at nagawa pa nitong i-zoom ang picture para mas malinaw nitong makita. “Oh, no! Do you believe in destiny, Jam?”
“Whatever!”
Tinapik ni Monique ang balikat niya. “I know her! She’s my friend. We’ve known each other since high school. Nagtatrabaho siya sa company ng tatay ko—”
Inagaw ni Arthwil ang cell phone dito at tiningnan ang picture. “Si Ate Vel? No way! She’s my Ate’s best friend? Pare, you’re in trouble!”
“Stop, guys. I know na kilala n’yo siya kaya hindi ko sinasabi—”
“I mean it, pare. ’Di ba nangako kang hindi magpapakita sa kanya para mapatawad ka niya?” He just nodded. “Well, magsimula ka ng magdasal na sana hindi kayo magkita kahit napakaliit ng Culion.”
Kunot-noong binalingan niya si Arthwil. “You mean nasa Culion din si Vel?”
“I heard Dad saying that Vel is representing the company for a school building project sa Culion,” sabi ni Monique.
“And that project was a joint project of ZLCD Realty and HC Group of Companies. Kaya nga ang buong pamilya ko ay nasa Culion na ngayon. Nauna silang dumating. Two days na sila roon,” sabi ni Arthwil.
Napangiwi na lang si Jam. Mixed emotions were covering his heart. Excited siyang makita si Vel, kahit sulyap lang . . . kahit sa malayo. At the same time, takot siyang makita nito. Baka kasi isipin nitong bumabali na siya ng pangako.
You’re in trouble, Jam. Big trouble.