Chapter 8

2400 Words
NAKATITIG si Earl sa glass wall window ng kanyang condo unit. Hindi siya nakatulog nang ayos. After years, his young love visited him in his dreams. He dreamt of a scene when he first noticed Abbie, his first love and first girlfriend. Nasa isang coffee shop sila, kung saan nagtatrabaho ang una at huling babaeng minahal niya nang totoo, at nag-uusap tungkol sa pangarap nilang tumandang magkasama. That dream reminded him his reason why he accepted his transfer from Dubai back to Philippines. Susugal uli siyang makita si Abbie. Ilang beses na siyang nabigong makita ito pero hindi siya susuko. Sinipat niya ang digital clock na nasa bedside table. Alas-singko pa lang nang umaga. It’s weekend. Wala naman siyang pasok sa company but he decided to work. Pumunta na siya sa banyo para mag-shower. Habang naliligo ay tila unti-unting bumabalik sa kanyang alaala ang mga sandaling magkasama sila ni Abbie. How he wished he knew where she was now. Then an image of Vel suddenly flashed his mind. Napakunot tuloy ang noo niya. These past few days, himalang tahimik itong si Vel. Hindi naman sa concern siya pero parang gano’n na rin. Mas sanay siyang palaging palaban at maingay si Vel but lately, mas napapadalas niya itong makitang nakatulala lang. What bothers you, Vel? He continued taking a bath and readied his self for work. “Keys to Design and Engineering Department, please,” sambit ni Earl sa receptionist sa lobby ng corporate building ng ZLCD Realty Corporation. Araw ng Linggo. Wala naman siyang gagawin sa bahay kaya kahit wala namang work schedule, nagpupunta na lang siya sa office to work. Ayaw niyang mabulok sa condo niya during weekend. “Bukas po iyong office n’yo, Sir Santiago. Ando’n po si Miss Mariole,” anang receptionist. “Oh, okay. Thanks.” He walked towards the elevator. Bakit andito siya? Did I miss receiving her OT request? Wala siyang natatandaan na pinag-OT niya ito kaya nagtataka siya kung bakit pumasok ito ngayon. After Vel presented the design to Dr. Pelesso last Friday, naging malungkot na si Vel at tila palaging malalim ang iniisip. He found it weird but he had this feeling that the two knew each other. The presentation went well except the fact the he felt some tension between Vel and Dr. Jam. Hindi niya maiwasang ma-curious. Sa glass wall door sa hallway ay nakita niya si Vel sa loob ng department office. Matamang nakatitig ito sa work-in-progress model ng resort ni Jam. It seemed like she decided to finish the replica model ahead of deadline. He entered the office. Mukhang malalim na naman ang iniisip ni Vel dahil hindi man lang ito natinag sa pagkakatitig nito sa model. There he noticed she’s holding a rubix cube on her left hand and a pencil on the right. Nakalatag sa kalapit na drafting table ang blueprint ng project. Without looking at the disarranged rubix cube, iniangat nito ang kaliwang kamay habang binubuo ang puzzle. Her left hand continued to move and shuffled the cubes while she was deeply staring at the model. Earl found it amusing. How can she solve the rubix without looking at it? In his mere surprise, nakita niyang unti-unting naaayos ang color-coding ng cubes sa kamay ni Vel. Until finally, it’s done in just few seconds. Napangiti siya. Napahanga na naman siya ng babaeng ito. Awtomatikong huminto ang kamay nito noong saktong ayos na ang rubix cube. Saka lang nito binalingan ang kamay, ibinaba sa mesa ang cube, at kumuha uli ng isa pa. She was about to start solving the new one nang lapitan niya ito. “Enjoying your rubix cube?” Binalingan siya nito. “Good morning, Boss Earl. I didn’t know na papasok ka rin today.” “Well, I’m not informed with your OT, too.” Napangiwi ito and for him it’s cute. “Don’t worry, Boss. OTY ‘to. OT na thank you lang sapat na. Kaya mag-thank you ka na lang,” hirit nito. Tumawa siya. “On behalf of ZLCD, I thank you,” patol niya sa sinabi nito. “You’re welcome!” Ngumiti ito. Ilang araw din niyang hindi ito nakikitang ngumingiti. Saka lang niya na-realized na na-miss niya ang sweet smile nito. “Seriously, why are you here? It’s Sunday . . . family day.” “I don’t have a family to spend the day with.” Ibinaba nito sa mesa ang hawak na rubix cube at binalingan ang model. Kinuha nito ang mga kahon ng maliliit na pieces na ididikit sa model. Kinuha nito ang maliit na puno ng niyog. Nilagyan nito iyon ng glue at idinikit sa model. “Wala na akong nanay at tatay at wala na rin ang kapatid ko. Patay na silang lahat.” She suddenly became sad. “Hindi ko rin alam kung nasaan o kung meron pa akong kamag-anak. I never seen one relative ever since. Thus, I don’t know what family day is.” “I’m sorry to hear that.” Kinuha na rin ni Earl ang ilang small pieces at tinulungan itong ikabit ang mga iyon sa miniature model. “Ayokong mag-isa sa bahay at wala naman akong maisip gawin kaya pumunta na lang ako dito para maging productive naman ako.” Ikinabit uli nito ang isa pang maliit na puno sa model. “Ikaw, Boss? Why are you here? It’s Sunday, family day,” panggagaya nito sa sinabi niya kanina. “I’m also alone. My family is in Dubai. And I also got nothing to do at home.” She just nodded and didn’t say anything. Nakapaninibago. Hindi naman ganito si Vel noon. Earl wanted to know what’s going on. Ayaw niyang makita ang love interes niya na malungkot. He sighed. He decided to ask the question that lingered in his head ever since he gave the construction project of that resort in Laiya to Vel. “Can I ask something?” tanong niya. Inihinto ni Vel ang pagkakabit ng miniatures sa model at binalingan siya. “Ano iyon, boss?” “Vel, do you personally know Dr. Jamison Pelesso?” “Ha?” gulat na binalingan siya nito. Parang natigilan pa nga ito . . . same reaction he got when first mentioned his name to her few months ago. “Come on. Kapag nababanggit ang pangalan niya, natitigilan ka. Noong Friday na nag-present ka sa harap niya, hindi mo siya matingnan. He never put a glance on you either. I can feel the tension between the two of you. Ano’ng meron kayong dalawa?” “Stop digging my personal life, Boss Earl. Labas na ito sa trabaho,” pag-iwas nito. “Apektado ang trabaho mo!” giit niya. She suddenly became agitated. “I’m trying my best to get away with it okay? Kaya kong i-handle ito alone!” “Well hindi iyan ang nakikita ko. You are entirely distracted. Tell me. Sino siya sa buhay mo? What have he done to you?” “Please, Boss Earl. Stop it.” Pinandilatan siya nito. “Vel, nag-aalala ako sa’yo kaya ako nagtatanong.” Natigilan itong muli at binalingan siya. “I don’t need your concern. Hindi ko kailangan ang pag-aalala at awa ng ibang tao.” Binalikan nito ang ginagawa. Hindi na siya nakatiis. Hinila niya ito at ikinulong sa kanyang bisig. “I know na may trust issue ka sa mga lalaki. It’s not easy to trust again. But, I’m here. I can be a good friend. Puwede mo akong pagkatiwalaan, Vel. Hindi kita pababayaan. Hindi kita sasaktan. Just let me know, what the hell is happening to you?” He didn’t hear any reply. Then few seconds more, he heard her sobbed. Hindi maintindihan ni Earl ang nararamdaman. Para siyang hinihila ng lungkot habang naririnig ang hikbi ni Vel. He believed that no woman deserved to cry like that because of a man. *** HINDI na nasukat ni Vel kung gaano katagal siyang umiiyak sa bisig ni Earl. Hindi niya alam kung ano’ng nangyari. Maging siya ay nasurpresa sa pangyayari. She was crying so hard in someone else’s arms. It was new to her. First time niyang umiyak nang gano’n sa ibang tao. Hindi niya alam kung tatanggapin niya ang alok ni Earl na pagkatiwalaan ito. Yes, she’s still a bit attracted to him. Dapat nga sa mga oras na ito na yakap siya nito ay kilig na kilig na siya. Pero mula noong mangyari ang huling pag-uusap nila ni Jam ay tila nawalan na uli siya ng ganang magtiwala uli sa ibang tao. Unfair man, damay na roon si Earl at ang na-expire na pagka-crush niya rito. She tried her best to calm herself. It took a while before she was able to hold her grip. Kumawala siya sa bisig ni Earl. There she noticed na nabasa na pala ng luha niya ang polo shirt nito. “I’m sorry!” She pulled of a facial tissue from the box on her table. Iyon ang ginamit niya para tuyuin ang damit nito. “It’s okay,” tugon ni Earl. Dumampot din ito ng tissue at pinunasan ang luha sa pisngi niya. Natigilan siya, gano’n din ito. They spent few seconds staring each other. His expressive eyes were begging her to believe in him. Parang sinasabi ng mga titig nito sa kanya na okay lang magtiwala. Siya na ang umiwas ng tingin bago pa mahalata ni Earl na nako-conscious siya. “Ahm, okay ka na ba, Vel?” maya-maya’y tanong nito. She sighed and turned to him. “Magkape tayo sa pantry, Boss Earl. May ikukuwento ako,” sa halip ay tugon niya. Ngumiti ito. “After you.” Sa pantry nga ang naging ending nilang dalawa. Nag-brew muna si Vel ng kape bago niya ikinuwento kay Earl ang lahat habang nakaupo sila sa vacant seats ng mesa. Mula sa pagkamatay ng kanyang ate hanggang sa huling pag-uusap nila ni Jam sa kanyang condo unit, lahat ng iyong ay ikinuwento niya. And throughout the moment na nagkukwento siya ay panay rin ang pagpatak ng kanyang luha. Earl managed to console her though. Taimtim itong nakinig sa kuwento niya at hinayaan siya nitong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya. Ito ang nagpunas ng mga luha niya. At higit sa lahat, niyakap siya nito nang mahigpit as if telling her that she’s not really alone in this world. Gumaan ang pakiramdam niya matapos niyang ikuwento lahat kay Earl ang pinagdadaanan niya. “Ang hirap, hirap. Gusto ko siyang patawarin pero ayaw ng puso ko. Nakikita ko naman na nahihirapan din siyang dalhin iyong emotional burden dahil hindi ko siya mapatawad pero ano’ng magagawa ko? Tao lang ako, Boss Earl. Mahina. Duwag.” Hinawakan ni Earl ang kanyang kamay. “Maybe you need more time to earn the courage to forgive him.” “More time? Sampung taon na siyang humihingi ng tawad. Minsan nga naiisip ko baka bato lang siguro ako dahil hindi ako maawa sa kanya.” Pinawi niya ang panibagong luhang bumagsak sa kanyang pisngi. “Ten years na nga siyang naghintay at humihingi ng tawad. Pero base sa kuwento mo, ngayon lang kayo nagkaharap. Ngayon ka pa lang humaharap sa aninong tinalikuran mo. Ngayon ka pa lang magsisimulang mag-ipon ng lakas na loob para patawarin siya.” She sighed. “I don’t know what to do, boss.” Muli silang nagkatinginan. Ngumiti ito. “I hope you finally got the courage to forgive him so that you can also free yourself from the thing that stopping you to move on. Gawin mo iyon, hindi para sa kanya kung ’di para sa sarili mo.” “Thank you.” He squeezed her hand. Noon lang niya naalalang hawak nga pala nito ang kamay niya. At tila ngayon lang din siya tinablan sa pagpapaka-sweet nito. She felt her heart skipped a bit. He lovingly stared at her. “I will always be here for you, Vel. So, don’t worry too much, okay?” She nodded. “Gusto mo bang bitiwan na ang project?” Umiling siya at ngumiti. “Hindi na. Gaya ng sinabi ko kanina, I’m trying my best to deal with this. At saka nangako siyang hindi na magpapakita o magpaparamdam. Professional naman akong tao. I’m trying hard na ihiwalay ang trabaho ko sa personal matters.” “Yeah, I know that.” Tumayo ito at hinila ang kamay niya. “Wag na tayong mag-OT. Let’s go somewhere. For sure, kailangan mo ng ice cream and two hours of movie with popcorn.” He winked. Binawi niya ang kamay niya rito. “Are you trying to ask me for a date after kong ngumawa sa harap mo, Boss Earl? Iba ka rin, eh.” Tumawa lang ito. “Sasama ka ba o hindi?” Napangiti siya sabay tayo. “Salted caramel ang flavor ha.” Pinagsalikop nito ang kanilang mga kamay. “Ng ice cream o ng popcorn?” tanong nito nang magsimula silang maglakad palabas ng opisina. “Both!” tugon niya. “Masusunod.” Pagkatapos noon ay tahimik na silang naglakad at sumakay sa elevator. Earl pressed the basement parking button. At nang makasakay na sila ng sasakyan nito, saka lang nagkalakas ng loob si Vel na kausapin ito. “Maraming salamat, Boss Earl. I never opened up this burden to anyone that much. I feel better now.” He started driving nang saglit siyang sinulyapan nito bago nito ibinalik ang focus sa pagmamaneho. “You’re welcome. Minsan kailangan nating maging open sa ibang tao. A stranger can listen to your sentiments without judging you. To be honest, mas masaya akong makita kang nakangiti at hindi umiiyak.” “How can I repay your kindness?” “You don’t have to but allowing me to date you can compensate,” he grinned. Kumabog ang puso ni Vel. Date you? Gusto talaga akong i-date ng devil boss namin? Hindi makapaniwala si Vel. “Joke ba iyan? Kailangan ko bang tumawa sa panghaharot mo?” tanong niya para pagtakpan ang kilig na naramdaman. Bago pa siya makatawa ay nauna na si Earl. He laughed before he peaked a glance at her. “Seryoso ako, Arch. Mariole. Is it a deal or no deal?” Napangisi siya. “Or!” He rolled his eyes. “Well, wala ka nang choice. I’ll start dating you now. At dahil sumama ka, I consider it as yes.” Napasimangot siya. “Ang daya.” He chuckled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD