WHAT ARE YOU doing here, Earl? Huli na para kay Earl ang sagutin pa ang sariling tanong. Kasalukuyan siyang nasa bayan ng San Juan, Batangas. Nalaman niyang tumawag si Vel sa company at nag-request ng service ngunit walang napadala ang kompanya. At narinig niya rin sa junior architects nito na nasira pala ang kotse nito at magbabiyahe lang ito. Delikado din pala ang lugar na pupuntahan nito at dead signal pa. Hindi ito makatatawag kung sakaling may mangyari ditong hindi maganda. Hindi niya alam kung anong espiritu ang sumanib sa kanya at bigla na lang siyang bumiyahe para sundan ito.
Nag-park siya ng sasakyan sa gilid ng kalsada. He picked his cellphone and dialed Vel’s number. Sa unang try niya ay hindi ito sumasagot kaya medyo nag-alala na siya. In the third time, sumagot ito. Finally!
“Yes, Boss Earl?”
“Where the hell are you?” tanong niya.
“Hindi rin kita maintindihan talaga, Boss Earl. Pinapunta mo ako sa San Juan Batangas tapos hahanapin mo ako. Natural! Kung saan mo ako pinapunta, doon ako pupunta. Ano, Boss? Sabog ka ba?” sarcastic nitong sagot.
Napailing siya. Ito na naman ang babaeng ito na sinagot-sagot lang siya as if hindi siya ang boss. Pero sa halip na ma-piss off siya ay lalo lang niyang hinahangaan ang pagiging palaban nito. Stop it, Earl! “I’m your boss and I must know where the hell are you!”
“San Juan nga.”
“Exact location please.”
“Okay. Para sa ikatatahimik ng sabog mong utak, kasalukuyan akong nakasakay sa jeep papuntang Laiya. Nagpupuno pa po ng pasahero—”
Hindi na niya ito pinatapos. He ended the call and drive in kung saan ang paradahan ng mga jeep papuntang Laiya. He parked the car. Bumaba siya at sumilip sa jeep na pinupuno.
“O, Laiya! Hugom!” tawag ng driver ng jeep.
Hindi niya iyon pinansin. Sumilip siya sa loob ng sasakyan at nakita si Vel sa medyo gitnang bahagi ng jeep. Tinawag niya ito. “Vel! Bumaba ka na riyan,” utos niya dito.
Napalingon ito sa kanya. “Ano’ng ginagawa mo rito?” Maang na tiningnan lang siya nito sampu ng mga kapwa pasahero ng jeep. Bigla tuloy siyang naging center of attraction pero binalewala rin niya iyon.
“Vel! You’re wasting time. Bumaba ka na,” he said in poker face.
Still, nakatingin pa rin sa kanya si Vel at hindi kumikilos hanggang sa may pasaherong sumabat. “Ay ate, ang pogi sana ng boyfriend mo kaso ang sungit.” Bumaling ang babae sa kanya. “Hoy, kuya pogi. Ang mga babae, sinusuyo at hindi inuutusan. Kulang ka kasi sa lambing at sa panunuyo kaya ayaw bumaba ng girlfriend mo!”
Muntik na siyang mapanganga nang magsitanguan ang mga pasaherong na-misinterpret ang pangyayari. Then why are you here again, Earl? Sumasakit ang ulo niya sa mga nagaganap.
Tiningnan niya si Vel. Pero wala, parang naestatwa na ito. Hindi ata ito makapaniwalang naroon siya.
He sighed. Nawalan na siya ng choice kundi ang sumakay sa jeep. Kinuha niya ang mga bitbit nitong gamit at hinawakan ang kamay nito. “Let’s go.”
“’Di ba ang gusto mo, pumunta akong mag-isa? Bakit andito ka?” parang wala pa rin sa sariling tanong nito nang tumingin ito sa kanya.
“Andito na nga ako, ’di ba?” ’Di sinasadyang mapatitig siya rito. Damn! This is a wrong move.
“Oy kayong dalawa. Bababa ba kayo o magliligawan pa? Paalis na ang jeep ko!” sita ng driver.
Tinudyo na tuloy sila ng mga usiserong pasahero.
Kapwa silang napalingon sa driver. “Sorry po!” koro nilang sambit kaya nagkatinginan sila uli at parehong natawa. Agad na silang bumaba ng jeep at tahimik na naglakad kung saan naka-park ang kotse niya.
“Boss Earl?” maya-maya’y tanong ni Vel.
“Yes?” tugon niya without even looking at her.
“Iyong kamay ko . . .”
Awtomatikong napatingin siya sa magkahawak pa rin nilang mga kamay. Their hands looked good that way. Agad niya itong binitiwan. “Sorry.”
***
SIYET! Ang haba ng hairlaloo ko! Hindi maipaliwanag ang kilig na naramdaman ni Vel. Ikaw ba naman ang sundan ng poging boss mong masungit sa ganoong kalayong lugar, hindi ba malalaglag ang puso mo sa kilig? May bonus pang HHWW! Ngunit nang maalala niyang hindi na pala niya ito crush ay natauhan siya.
Binitiwan na siya nito. Nag-iwasan sila ng tingin. At siya naman, pasimpleng inamoy ang kamay niyang hinawakan nito. Kumapit doon ang amoy ng men scent perfume nito. Ang bango talaga! Paano ba naman ako hindi maaakit nito?
Hanggang sa sasakyan ay pasimple niya pa ring inaamoy-amoy ang kamay niya without knowing na kanina pa pala siyang napapansin ni Earl sa kabila ng pagiging abala nito sa pagmamaneho.
“Euphoria,” sambit nito dahilan para balingan niya ito. Nahuli ng mata niya ang tila slow motion na pag-curve ng lips nito.
Hala, ang gwapo! Crush na uli kita! “Boss?”
“Calvin Klein Euphoria Men. Iyon ang pabango ko.”
Napangiwi siya. Bistado ang ganda niya. “Mabango, Boss,” komento na lang niya.
“Pansin ko nga. You are enjoying the smell on your hands huh. O baka naman pati iyong pagkakahawak ko sa ’yo na-enjoy mo rin,” he teasingly said.
Susko! She felt her heart skipped. “Ay, grabe siya, oh! Hindi na kita crush ano! Mula nang puyatin mo ang team ko sa kagagawa ng proposals na ’di pumasa-pasa sa ’yo, nawala na ang pagka-crush ko sa ’yo. Iyong pagkairita ko na lang sa ’yo ang natira.”
Hindi naman iyon totoo. Madali lang namang magka-crush uli rito. Hindi alam ni Vel kung bakit. Sa tagal niyang di na-attract sa opposite s*x, naging ubos-kilig naman siya ngayon. Not only to one person but, for two. Cute din naman si Dr. Kent! But as of the moment, i-feel naman muna niya ang bango ni Earl. Inamoy niya uli ang kamay niyang hinawakan nito. Hell care kung nakatingin ito sa kanya.
Earl chuckled. “It seems it’s not over yet.”
“Ang amoy ng pabango mo?”
“’Yong pagka-crush mo sa akin.”
“Expired na iyon!” Tumawa ito. “Akala ko ba sabi mo, hindi makabubuti sa trabaho ang attraction na iyan. Bakit pinagpipilitan mo ngayon?” Ikaw na ang may crush sa akin ngayon, ano? biro niya sa sarili.
“Nothing,” tipid nitong sagot.
Daming-dami mong pinaglalaban, nothing lang pala. “So, malinaw ang usapan, Boss Earl. Hindi na kita crush kaya shut up ka na lang po.”
Umiling ito. He parked the car on the side of the road. May kinuha ito sa dashboard at binigay sa kanya. It was the bottle of his perfume. “There are second chances in this world. I’m not that hard to please, Vel. And, open-minded naman ako.”
Natigilan siya kasabay ng consistent na mabilis na t***k ng puso niya. Ano’ng ibig sabihin nito? “So . . . may gusto ka sa akin?” wala sa sariling tanong niya. Too late to hold it back dahil nasabi na niya.
He just sweetly curved his lips, got the perfume from her, removed the cover lid of his bottled perfume, and sprayed it on her backpack. The car was now covered with his scent. Ibinalik nito sa dashboard ang bote ng pabango.
Then, he went back driving. “Enjoy it while it lasts!”
Nangingiting niyakap lang niya ang backpack na nasa lap niya. She was indeed speechless. Inakit siya ng bag niyang singhutin ang pabango ng boss niya. She just gave in with the temptation. Ano’ng nakain mo Papable Boss E? It was unexpected but somehow, she liked it.
***
“FINALLY, a much sensible design.”
Muntik nang mapa-halleluiah si Vel nang marinig iyon mula mismo kay Earl nang ipa-check niya ang ongoing designs na ginagawa niya. Pangalawang araw na nila sa lugar na iyon. Pagkarating nila sa resort noong nakaraang araw ay wala siyang inaksayang oras. Nagpunta agad sila sa site para kumuha ng pictures at inspirasyon. Kinalimutan muna niyang si Jam ang kliyente. Ayaw niyang magtagal sa lugar na iyon dahil baka makasulpot pa si Jam doon. Ayaw pa niya itong makita.
“Finally, may pumasa na rin sa’yo. Ligtas na ang trabaho ko,” biro niya dito. Kasalukuyan silang nasa open pavilion area ng restaurant sa loob ng resort kung saan sila naka-check in. The resort is located just few walks away from their project site. They were both looking at her laptop kung saan naka-view ang Chief Architect Software na ginamit niya para sa design.
May itinuro itong bahagi ng layout niya. “Puwede mo pang i-extend pa ang part na ito. Then on this right side lagyan mo ng landscaped garden lounge.”
Hindi maiwasan ni Vel ang mapatulala kay Earl habang naka-focus ito sa laptop niya. May gano’ng effect talaga itong si Earl sa kanya. Parang may gayuma kasi ang kabanguhan nito na tila paulit-ulit siyang inaakit.
“Take note, the client is into greens, earthly concepts, and white. But in general, this is really better. Keep it up, Vel! Just do the general designs then iyong iba, ipagawa mo na lang sa team mo para ’di ka naman mahirapan. Then email me details para sa costing. I’ll do it for you.” Ngumiti ito nang bumaling sa kanya.
Huli tuloy sa aktong nakatulala lang siya dito. “T-Tutulungan mo ako?” ’di makapaniwalang tanong niya.
“Oo. ’Pag hinintay ko pa na ikaw ang gumawa noon, baka hindi umabot sa presentation. Gustong makita muna ni Sir Golen ang presentation bago natin iyon ipakita sa kliyente. We have to work on this as a team.”
“So far, iyan ang pinakamagandang narinig ko sa ’yo, Boss Earl. Keep it up! Bait-baitan mo pa ng kaunti para dumating din iyong araw na wala ng junior ang iiyak at maglalaslas ng pulso dahil pinagalitan mo,” eksaheradang hirit niya sabay balik ng atensyon sa laptop niya.
“That is exaggerated. Wala pa namang nag-suicide sa department natin,” nailing na sambit nito. “Pero seriously, ganyan ba kasama ang tingin mo sa akin?”
Pabirong binalingan niya ito. Humalumbaba pa siya at pinagmasdan ito. “Hmm, well. Hindi naman. Guwapo ka nga sa paningin ko, eh. ’Wag lang tayong magtatrabaho at nahuhulas ang kaguwapuhan mo nang paunti-unti. Iyong tipong magugulat na lang ako, may sungay ka na at pangil sa imagination ko,” biro niya.
Nahigit niya ang hininga nang bigla na lang nitong inilapit ang mukha nito sa kanya. He impishly smiled. “Hindi mo pa naman siguro ako nahuburan sa imagination mo, ano?”
Her heart jumped out a bit. Tumawa lang siya. “Grabe ka, Boss Earl. Oo, vocal ako sa pagsasabi na crush kita pero dalagang Pilipina pa rin ako. Hindi ko magawang isipin na huhubaran kita sa imagination ko kasi . . .” she teasingly smiled at him, “mas maganda kayang gawin iyon ng live. HD pa,” biro niya.
In her mere surprise, he just laughed out loud. “May balak ka?” patol nito sa biro niya.
Aba, palaban ang loko. “Masisiyahan ba ako ’pag nagbalak ako?” Tinapatan niya ang panghahamon nito.
“To see is to believe.” He winked.
Tumawa lang din siya at muling ibinalik sa laptop ang tingin. “’Wag ka nga! Mapagpatol ka rin, eh.”
“Sabi ko naman sa ’yo, open-minded ako,” he said. It was followed by a sweet laugh. “May na-discover ako sa ’yo.”
“Ano na naman? Na maganda ako? Matagal na, boss. Nag-a-upgrade pa ang ganda ko habang tumatagal ang pagtitig mo sa akin,” biro niya. “Try mo.” Binalingan niya ito. Muntik na siyang mapapitlag nang mahuli nga niya itong nakatitig sa kanya. Ang ganda ko nga!
“That thing is already given. Agreed.”
“So . . . ano’ng na-discover mo sa akin? Never thought, pang-Discovery Channel pala ang beauty ko,” hirit niya sabay tawa.
“Iyan. You are funny. You are happy to be with. Pero hindi basta-basta. You are actually a kind of woman that will make a man turned on. Matalino, palaban, straight-forward. Maswerte ang boyfriend mo.”
“Wala ako noon, boss.” Nakangiting binalikan niya ang laptop niya para ipagpatuloy ang ginagawa habang nakikipagkuwentuhan dito.
“So hindi mo boyfriend iyong inaaway mo sa phone no’ng tawagan kita?”
“Hindi. Isa siyang asungot sa buhay ko. Medyo mahabang story. Ikuwento ko na lang next time. Pero alam mo Boss Earl, sa tingin ko suwerte din naman girlfriend mo sa ’yo. For sure mabait ka naman; sa work ka lang halimaw.” She finished typing her emails and sent it to Earl and her team.
“The thing is, wala akong girlfriend.”
“Seryoso?” Binalingan niya ito. And there he was again, making his hobby of gazing at her while lovingly smiling. Napapadalas ah. Ma-develop ka sa beauty ko, yari ka!
“Yeah. Wala nga. So puwede ka bang mag-apply?”
Yes, yes! Puwedeng promote agad? “Grabe siya, oh. Wag kang ganyan, Boss Earl.”
“Ano’ng ganyan?” tanong nito, still gazing at her.
“Ganyan, pa-fall. Kawawa naman kaming binibiktima mo.”
“Hey legit akong magmahal ano. Iyong mga babaeng na-fall sa akin, na-fall muna ako bago sila. Wala pa sa kanilang nagreklamo.”
“So?” Hanggang crush lang naman siya. Wala sa plano talaga niya ang maging girlfriend ng kahit na sino.
He sighed. “Sabi ko nga, iba ka sa kanila. A little hard to get?”
“Not a little, but really hard to get. I actually don’t trust your specie. May malaki akong trust issue sa brain cells ko para sa lahat ng mga lalaki. Kaya Boss Earl, mas makabubuting crush na lang natin ang isa’t isa. Okay?” She smiled.
Nagkibit-balikat ito at saka bumalik sa laptop nito ang atensyon. “Okay. Walang sisihan ’pag na-fall ka sa akin.”
“Ewan ko sa ’yo.” Tinawanan lang niya ito.
They spent the next few hours working. Paminsan-minsan ay iniistorbo niya ito para i-consult ang design na ginagawa niya. Makailang beses din na tatayo ito sa puwesto para sagutin ang mga phone calls nito. Vel realized that working with Earl wasn’t that bad at all. May heartless attitude lang ito madalas.