BOSS Pogi, sigurado ka ba talagang hindi mo pa titigilan ito?”
Binalingan lang ni Jam ang sekretarya niya. Kasalukuyan silang nasa isang flower shop. Personal siyang pumipili ng bulaklak para kay Vel. Ngayong araw ay babalik na ito mula sa San Juan and he wanted to send flowers again. “Win, sampung taon na akong nagpapadala ng bulaklak sa kanya. Ngayon pa ba ako hihinto?”
“Eh, sampung taon na ring basurahan lang ang nakikinabang sa mamahaling bulaklak na ibinibigay mo. Hindi pa ba sign na iyan na tama na?”
He sighed. Gets naman niya ang point ni Winona. It’s just, ayaw pa niyang mag-give up. “Should I just buy teddy bear instead for a change?” tanong na lang niya. Ipinatong niya ang mga napiling bulaklak sa counter at binigyan ng kaunting instructions ang staff ng flower shop para sa bouquet arrangements.
Umiling na lang si Winona at napakamot sa ulo. “Iba ka talaga, Boss Pogi. Pero nag-aalala ako sa ’yo.”
“Bakit naman?”
“Baka kasi sa sobrang focus mo sa paghabol kay Miss Vel, makalimutan mo nang may sarili kang buhay. College pa lang tayo, kilala na kita. Wala ka pang dine-date na babae after that accident. ’Wag mong sabihing may balak kang tumandang binata? O kaya naman, hihintayin mo pa bang patawarin ka niya bago ka mag-love life? Eh, paano kung hindi ka niya patawarin? Sayang naman ang cute mong lahi.”
Tinawanan lang niya ito ng marahan. “’Wag mo ngang problemahin ang love life ko. Iyong sa ’yo ang isipin mo. Nag-date na ba kayo ni Arthwil?” pagpapalit niya ng topic.
He was pertaining to his college friend, Arthwil Catacutan. He was the son of Miguel Catacutan, a known business tycoon in the country. Art was also one of his co-doctors at Tolentino-Ferrer Medical Center.
“Hindi ko pa siya naaakit, e. Bukas, try ko!” biro nito. Kinuha na nito ang bouquet na pinagawa nila at nauna nang lumabas ng shop. “Pero seriously, hindi lang si Vel ang buhay mo. Mamaya niyan, ma-in love ka na sa kanya sa kahahabol mo. It’s more complicated, ’di ba?” She said as they walked their way to the parking lot.
“That’s not gonna happen. Abot-langit ang galit noon sa akin.”
Sumakay na sila sa sasakyan. “Kung sakaling patawarin ka niya at magkahimala’t naging friends kayo . . . may chance na ma-fall ka sa kanya, ano. Unless, beki ka pala at hindi ko alam. Oh my god!”
Napakunot-noo siya. “Hay, Winona. Ang gulo mong kausap!”
Tumawa ito. “Choz lang! Sige na nga. Push mo pa iyang panunuyo mo sa kanya. Wala naman akong choice kung ’di sundin ka, Boss Pogi.”
Winona started driving habang siya ay nasa passenger seat. Napaisip din si Jam sa sinabi ni Win. Paano na lang kung hindi siya patawarin ni Vel? Hanggang kailan nga ba niya kayang humabol at humingi ng tawad? And that love life thing . . . bakit nga ba nawala na iyon sa bokabularyo niya?
“Alam mo Win, may point ka. Malaki pa rin ang chance na ’di ako patawarin ni Vel. Ano’ng gagawin ko?”
“Malapit mo na siyang harapin as Jam. Give your best shot sa araw na iyon. Kung hindi ka man niya patawarin agad, subukan mo pa rin hangga’t kaya mo. Kung wala pa ring mangyari after all the efforts you’ve done, let go na.”
“Hindi ko siya puwedeng iwan at pabayaan. Ipinangako ko iyon sa puntod ng kapatid niya. You know that.”
“Hindi mo naman siya iiwan. Tulungan mo na lang siya sa ibang paraan nang ’di niya alam. In that way, matutupad mo pa rin ang pinangako mo sa kapatid niya.”
But still, the question was how? Iyon pa rin ang laman ng isip niya nang makarating siya sa condo unit. Mag-isa na siya ngayon dahil agad na umalis si Winona matapos siyang ihatid. Kasalukuyan siyang nasa may pinto ng unit niya. Pasilip-silip siya sa labas habang hinihintay na dumating si Vel. Nasa may pinto na ng unit nito ang bulaklak na binili niya.
Few minutes later ay dumating na si Vel. Iniawang niya nang mas malaki ang pinto ng unit niya para makita ito nang mas maayos. Dinampot nito ang bouquet of flowers na nasa sahig at binasa ang card na isinipit niya roon na may apologetic message. Kahit alam ni Jam na malabo pa sa ngayon ay nanalangin siyang tanggapin sana ni Vel ang bulaklak. Bumagsak ang balikat niya nang galit na galit na itinapon ni Vel sa basurahan ang punpon na bulaklak bago ito pumasok sa unit nito.
He sighed. I have to do something more than this.
He closed his door and went back inside his unit. Humiga siya sa sofa at tumitig sa ceiling, hoping na sa gano’ng paraan ay makaisip siya ng level up ways to get Vel’s forgiveness. Nasa kawalan pa ang isip niya nang biglang may nag-doorbell. Bumangon siya para pagbuksan iyon. He was greeted by an unexpected guest. Nakatayo ngayon sa harap niya si Vel, wearing a sunglasses. Really? Mataas ba ang sikat ng araw, eh, gabi na?
“V-Vel! Hi, nice to see you again,” nakangiting bati niya rito kahit na kinakahaban siya.
“Doctor Kent, ’di ba doctor ka sa mata? May problema kasi ako. Kakapalan ko na ang mukha ko. Puwede mo ba akong tulungan?” bungad sa kanya ni Vel.
“S-Sure! Ano’ng maitutulong ko?”
“Eh . . . kasi . . .” Inalis nito ang suot na sunglasses to reveal her eyes. Itinuro nito ang kaliwang mata na medyo namamaga. “Bigla na lang ganito na ito kanina paggising ko after kong matulog sa biyahe. Masakit at makati. Di ko alam kung may kumagat sa mata ko. Puwede mo bang tingnan, please?”
Ngumiti si Jam. Pagkakataon na niyang tulungan si Vel. Ini-set aside niya muna ang pag-aalala sa pagsisinungaling niya rito. Ang mahalaga ay ang matulungan niya ito ngayon. “Of course!”
Papapasukin na sana niya sa unit ito nang maalala niya ang mga nagkalat na certificates at plaque na naka-display sa sala area ng bahay. Tadtad ng buo niyang pangalan ang mga iyon. “Ahm, kaya lang hindi kita puwedeng i-check up dito sa loob ng unit ko. Maalikabok pa kasi hindi pa naglilinis iyong katulong ko. Lalong mai-infect iyong mata mo,” palusot niya. “ O-Okay lang bang doon tayo sa unit mo?” Tila natigilan ito at napaisip. “But if you’re not comfortable with that, we can go to the condo’s clinic. I’ll check your eyes there.”
“Ahm . . . sige sa unit ko na lang,” nahihiyang sambit nito.
He smiled. “Okay then. I’ll just get my things.”
“Thank you, Doctor Kent! Pasensiya ka na, ha. Gabi na kasi. Hassle nang pumunta ng hospital. Eh, baka lumala pa ito ’pag pinagpabukas ko pa.”
“Don’t worry about it. I’m glad na sa akin ka lumapit. Your eyes are in good hands.”
Ngumiti ito sa kanya. At sa ’di mawaring dahilan, Jam felt different again. Nakagaan sa pakiramdam niyang makita na ngumingiti si Vel. “Thank you talaga. Hintayin na lang kita sa unit ko, ha.”
“Yeah. Susunod agad ako.” He smiled sweetly as she waved to him. Then, he closed the door. She really has the kind of sweet smile that I can’t simply ignore. Napangiti siya . . . for some unknown reason. Napapailing na kinuha niya ang medical kit at ang gamot na kailangan para sa remedy ng swollen eyes nito. He fixed his hair in a bit and put on his perfume before he went out of his unit.
***
NAKAKUNOT ang noo ni Vel habang tinitingnan niya ang mata sa salamin. Noong nakaraang araw pa niya nararamdaman ang discomfort sa mata niya na binalewala lang niya. At ito ang result ng pagwawalang-bahala niya. Namamaga ang upper eyelid ng kanyang left eye. Kinapalan na niya ang mukhang kumatok sa unit ni Doctor Kent. Buti na lang at hindi ito busy. Speaking of the guy . . .
Pogi pa rin si Kent kahit messy ang buhok!
Naalala niya ang itsura nito kanina nang pagbuksan siya nito ng pinto. Gulo-gulo pa ang buhok nito. Mukhang naistorbo pa niya ang pamamahinga nito.
Ikaw kasing mata ka, pasaway! Pero in fairness, ibang level din ang kaguwapuhan ni Doctor Kent. At ang bait pa niya, ‘di ba, self? Bongga!
Naistorbo ng katok sa nakabukas naman niyang pinto ang pakikipag-conference niya sa sarili. Paglingon niya ay nakatayo na sa may pinto ang doctor. “Pasok ka, Doc.”
“Thank you.” Agad itong tumuloy at ipinatong sa center table ang dala nitong medicine kit.
Umupo naman siya sa sofa malapit dito. “Ano ba’ng nangyari dito sa mata ko?” tanong ni Vel.
Lumingon ito sa kanya at saka ngumiti. He put on surgical gloves on his hands and picked the pen light. “Let me see.” He moved closer to her.
Nagulat si Vel nang biglang kumabog ang puso niya as she smelled his genuine masculine scent. It was unexpected. Oo nga’t nagaguwapuhan siya kay Doctor Kent pero hindi iyon kasing tindi ng pagka-crush niya kay Earl. Crush din kita, Doc? OMG! Sana dalawa ang puso ko? Ganern? Dumoble ang kabog ng puso niya nang titigan siya nito. Tila slow motion sa paningin ni Vel ang pag-curve ng lips nito nang ngitian siya nito. And how could she resist that pair of eyes that gazed at her in his most sexy way? Pakiramdam ni Vel, may sanib sila ng mga characters sa isang authentic romance story o baka siya lang ang nakaisip noon dahil wala namang idea ang doctor sa kalokahang tumatakbo sa isip niya nang mga sandaling iyon. Dahil kung titingnan siya, mukha lang siyang namatanda habang nakatulala rito.
He turned on the pen light in his right hand at saka itinapat iyon sa kaliwa niyang mata. Nahigit niya ang hininga nang hawakan ng kaliwang kamay nito ang kanyang pisngi, malapit sa ini-inspect na mata. Nagsimula na siyang mawirduhan sa reaction niya. Yes, she had never been closed to any guy in her life. Pero parang ang OA naman ng reaction niya gayong wala namang ibang ginagawa si Kent kung ’di ang tingnan ang kanyang mata. Checkup lang ito, ’Vel. ’Wag kang OA! Sinaway niya sa sarili.
While he was busy inspecting her eyes ay hindi maiwasang matitigan niya ito. Good catch din naman itong si Doctor Kent. Mabait na, mabango pa. Bumalik lang sa real world ang isip ni Vel nang i-turn off na nito ang pen light na hawak.
“Your left eye has a chalazion at the upper eyelid and a small hordeolum at the lower eyelid. But good thing, your right eye seems to be okay and not infected,” he said.
“Ano iyon, doc?” tanong lang niya uli. Minsan nakaloloka ring kumausap ng doctor. Palagi kasing medical terms ang sinasabi. “Layman’s term please?”
He smiled. “Styes. Parang pigsa pero sa mata tumubo.” Napangiwi siya sa sinabi nito. “But don’t worry. By looking at your case, hindi mo naman kailangan ng incision. I just have to apply some remedy. May mainit na tubig ka ba?”
“Ah, yeah. Sa kusina—” Tatayo na sana siya nang pigilan siya nito.
“Ako na ang bahala. Just sit down, dear patient.”
Natulala na lang siya. Kaya bago pa man siya makasagot sa sinabi nito ay nakaalis na ito sa harap niya dala ang isang hot compress bag. Ano raw? Dear patient? Why so sweet, dear doctor?
Few seconds more ay bumalik na ito sa sala at umupo sa tabi niya. “I will apply warm compress to your affected eyes for about 10–15 minutes. Then, you have to do it 3–4 times a day until the styes subside. Got it?”
Got you, Doc! Tumango lang siya.
“Good.” Inayos nito ang throw pillows sa sofa na inuupuan nila. “Sumandal ka sa sofa and rest your head para comfortable ka.” Agad naman siyang sumunod.
On cue, bigla silang nagkatitigan. His eyes were expressing lots of emotions that time. The way he looked at her made her feel different. Parang ang dami nitong gustong sabihin pero ’di nito magawa. Muling kumabog ang puso niya nang ngumiti ito.
“’Wag mo akong titigan, Vel.” He pleaded.
“Nako-conscious ka?” she asked.
Umiling ito. “Nope. More on, natutunaw ako. Corny, ’di ba?” he winked.
Tumawa siya. “Buti aminado ka.”
“Close your eyes, Vel.” He instructed.
“Para ’di na kita matitigan o para ’di ka na matunaw?”
He smiled wider. “Para mailagay ko na ang warm compress. Lalamig na ’to.”
Napangiwi siya sabay pikit. Tablado ka ’te! Soon enough, she felt the hot compress bag on her left eye. It indeed made her feel better.
“Doc?”
“Hmm?”
“Puwede ko bang imulat ang kanang mata ko?”
“Yeah.”
Iminulat niya ang kanang mata. She found him looking at the side table where her sister’s photo was placed. “’Ganda niya, ano?”
Agad siyang binalingan ni Kent. “Yeah, she looks as pretty as you are.”
“Kaya lang wala na siya, eh. She died in an accident ten years ago,” malungkot na kuwento niya rito. Hindi alam ni Vel kung ano’ng pumasok sa isip niya at naikuwento niya iyon. The doctor seemed to be so kind kaya siguro pakiramdam ni Vel, okay lang mag-open up dito. And throughout the moment, Doc Kent was just gazing at her attentively.
“I am very sorry, Vel,” he sincerely said.
Medyo nawirduhan siya. The way he said that line was so genuine na parang kasalanan nito kung bakit namatay ang ate niya. “Wala iyon. Ten years na no’ng nawala siya. Sanay na nga akong mag-isa.”
“Well, not anymore. If you need someone, I’m just one knock away.”
“Thank you, Doc.” Napangiti siya.
Matagal na nang huli siyang magkaroon ng bagong kaibigan. Having one may not be bad at all lalo na’t kapitbahay pa niya ito.
“Welcome!” He smiled back. Pagkatapos ay sinipat nito ang wrist watch. Inalis na nito ang hot compress bag sa mata niya. “Don’t forget to apply warm compress as prescribed, okay?”
“Yes, doc! Noted.”
May kinuha itong eye drops sa mata and put it in her eyes. “This is an antibiotic eye drops. Put it twice a day. And these are pain relievers.” Iniabot naman ito ang ilang capsules. “Take it once a day.”
“Wow, in fairness. Complete na, ah. Wala na akong bibilhin?”
“That’s already enough until you get well.” Inalis na nito ang surgical gloves sa kamay nito.
“Salamat, Doc. Ahm, magkano ang ibabayad ko sa ’yo?”
“Hindi ako nagpapabayad sa kapitbahay,” nakangiting sabi nito sabay tayo.
“Uy, hindi naman puwede iyan. Ang dami ko ng utang na loob sa ’yo,” apila niya.
“Wala iyon. ’Wag mo nang isipin iyon.”
“Pero kailangan kong isipin iyon. I have to repay you in any other ways perhaps—” Bigla niyang naalala ang ipinangako niyang dinner dito. “Oh, alam ko na! The dinner. Let’s have dinner tomorrow? Ipagluluto kita.” Parang nahihiya pa itong umoo sa kanya kaya pinilit pa niya ito. “Please? Sige na. Masarap akong magluto.”
He gave in. “Okay if you insist, then let’s have dinner tomorrow. Around 7p.m.?”
She nodded. “That will be fine.”
“Good. Iwasan mo munang hawakan ang mata mo para hindi ma-infect. Apply warm compress again before you go to sleep.” She nodded. “I’ll go ahead.” Binitbit na nito ang medical kit na dala.
Inihatid naman ni Vel ang doctor hanggang sa pinto ng unit niya. “Salamat uli, doc. See you tomorrow!” She waved goodbye and he did the same.
Paskil pa rin ang ngiti sa labi niya nang isara niya ang pinto. “May guwapo akong dinner date bukas, ate!” baling niya sa picture ng ate niya sa side table. “Makapagpa-parlor nga bukas! Char!” biro pa niya sa sarili.
Pupunta na sana siya sa kuwarto niya nang mapansin niyang naiwan pala ni Doc Kent ang pen light na ginamit nito kanina. Nakapatong ito sa center table.
Dinampot niya ang pen light. Ibubulsa na sana niya iyon nang makuha ang atensyon niya ng naka-engrave na pangalan sa pen light—Dr. Jamison Kent Pelesso.
Kulang ang salitang shock para i-describe ang pagkagulat niya.
No way! This isn’t happening.
It took her few seconds before the realization sunk in. She just befriended a person she didn’t want to be friends at all! Hindi siya makapaniwala. Kanina lang ay inakala niyang may bago na siyang kaibigan na puwedeng pagkatiwalaan. It turned out na ’di pa man sila nagiging close ay niloloko na siya nito.
“Bakit ’di ko napansin? Bakit ’di ko nalaman na siya pala iyon? Bakit niya ginagawa sa akin ito?” she said to no one in particular. Awtomatikong tumulo ng luha niya sa pagkabigla. Hindi niya inasahan na muli niyang makahaharap si Jam sa ganoong sitwasyon. Ni hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. These past few days ay nakitaan niya ng kabaitan ito bilang Kent. He even helped her just few minutes ago. Alam niyang mabait itong tao. Pero . . .
Siya pa rin ang dahilan kung bakit namatay ang ate ko! Nagsinungaling din siya. Hindi siya mabuting tao!
Napahigpit ang hawak niya sa pen light. Then she took a deep sigh. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Kailangan niyang ipakita kay Jam na matapang siya at hindi siya matitibag dahil lang natuklasan na niya ang kasinungalingan nito. Tama! Kung may dapat matakot sa aming dalawa, siya iyon.
Pinawi niya ang luha at muling tinitigan ang pangalang nakaukit sa pen light. “Kabahan ka na, Jam. Your game is over.”