“I STILL don’t like it.”
Napanganga na lang si Vel sa sinabi ni Boss Earl. Seriously? Pangatlong revision na niya iyon mula nang pumatak ang Lunes. Matatapos na ang isang linggo at wala pa ni isa sa mga proposal designs ng team niya para sa resort ni Dr. Pelesso ang pumasa sa overly choosy nilang Project manager. Suko na ang mga junior architects niya.
“Boss Earl, apat na araw nang halos walang tulog ang mga staff ko para matapos ito.” Ibinagsak na niya ang folder sa mesa nito.
Sa isang iglap ay nahulas ang pagka-crush niya sa lalaking ito dahil sa inis. Sa mga nakaraang araw ay nahahalata niyang hinahanapan siya nito ng weakness. May mga pre-approved designs ang big boss nila pero nang ipa-check niya rito ang designs, ni-reject nitong lahat. Pakiramdam tuloy niya, gusto lang siya nitong pahirapan. Ni hindi naman niya makita ang basis ng assessment nito sa mga designs niya. At ayaw niya ng feeling na nadadamay ang mga tauhan niya sa kalokohan nito.
“And so? Still, the design is not good enough. I think Dr. Pelesso will not like it too. Your designs are good, Vel. But these lack of something. Kung ako ang pupunta sa resort na iyan, malulungkot lang ako sa halip na mag-enjoy at mag-relax. It’s a bit gloomy, too tight . . .too plain.”
Nakuyom niya ang palad sa mga pinagsasabi nito. Ginawa na niya ang lahat sa project na iyon. “Sinunod namin ang gusto mo sa design, Boss Earl. Hindi na kita ma-gets. Sabi mo sa una naming design, masyadong overwhelming. So, ini-adjust namin to make it a bit simple. Then the next, walang appeal naman ang sabi mo dahil naging simple. Tapos ito, gloomy? Seriously, ano ba’ng kulang ang tinutukoy mo nang mailagay ko na, Boss?” Sarcasm was on her voice.
He leaned back to his swivel chair. “Your heart.”
“What?” Susko, gagawa lang design ng resort, kailangan pa ng heart? Paano ako magkakapuso sa pagde-design, eh, mas gusto kong igawa ng museleo ang lalaking iyon kaysa resort?
“Come on. It’s a resort, Vel. Kung magbabakasyon ka, ano ba ang hahanapin mo? An inviting ambiance, serenity, peace, or romance. Alam kong ang expertise mo ay corporate buildings. But you can’t make a resort out of stiff orientation of corporate buildings. You have to look at it in different way. You have to make it homey, intimate, and personal. At isa pang request ng client, hangga’t maaari daw ay something close to his personality ang design. Nabigyan na kita ng profile ng client, ’di ba? Why don’t you use the information?”
Use the info? Eh ’di mai-inspire na akong gumawa ng impiyernong de-aircon niyan? “Backgrounds lang tungkol sa kanya ang meron tayo, Boss. Alangan namang gumawa ako ng design based sa pagiging Ophthalmologist niya? Magmumukhang mental institution iyon at hindi resort, Boss!” On the second thought, why not? Bagay kay Jam iyon.
Earl just stared at her in poker face. He looked like exaggeratedly pissed off. Iyon tipong parang lalamunin na siya nito nang buhay maya-maya lang dahil sa pamimilosopo niya. “Then I guess you have to visit the place. Don’t come to office tomorrow. Pumunta ka ng San Juan, Batangas and see the location by yourself.” Kumuha ito ng notepad sa side ng table at nagsulat. “Here’s the complete address.” He gave the note to her.
Bigla siyang kinabahan. Paano kung naglalagi pala sa lugar na iyon si Jam? Ayaw niyang mapaaga ang pagkikita nila. Susko, nakaka-stress na talaga ito! She sighed and accepted the note. Kinuha na rin niya ang mga folders na binagsak niya sa mesa nito kanina. Wala naman siyang magagawa kundi ang sumunod or else baka lalo pang mahalata ng boss niya na may personal issue siya sa doctor na iyon.
“Wag kang babalik sa opisina ko nang walang design na worthy sa demands ng client. Live there in few days if you want to. I’m expecting a much better design ’pag bumalik ka,” pahabol pa nito. “Do I make myself clear, Vel?”
“Yes, Boss. Can I have one of my juniors with me?” Gusto niya ng kasama. Malay ba niya kung saang lupalop ng gubatan o isla ang pupuntahan niya sa Laiya. Mabuti na ang may kasama.
Umiling ang walang-puso niyang boss. “Do it alone. Your juniors will be doing your jobs here in your behalf.”
Literal na napanganga siya sa sinabi nito. Malinaw pa sa liwanag ng chandelier sa office na iyon na wala itong pakialam kung ano’ng mangyayari sa kanya sa pag-out of town niya nang mag-isa. Arrgh. Hindi na kita crush. Wala kang puso. Expired na ang pagka-crush ko sa ’yo!
Asar na lumabas siya ng office na iyon. Kung puwede nga lang na pabalandrang isara ang pinto ay ginawa na niya sa sobrang inis. Agad niyang tinungo ang cubicle area niya.
“Ma’am, ano’ng sabi?” tanong ni Sairyl, isa sa mga junior architects niya.
Umiling siya. “Still rejected.” Ibinaba niya ang folders at laptop na dala sa mesa niya. “Alam n’yo iyang boss natin na iyan, mali ang spelling ng pangalan. Devil ata ang second name niya at hindi Devin. Ang gusto niyang gawin ko ay puntahan ang location nang mag-isa. Kaloka! Babae ako, gusto niyang pumunta ako sa lugar na iyon nang mag-isa?”
“Ma’am, may kamag-anak ako sa San Juan, Batangas. Iyang Sitio Biga, sobrang liblib na iyan. Delikado. Sasama na lang ako,” sambit ni Bob, isa pa rin sa mga architects niya.
“Thank you, Bob sa concern pero kayo ang gagawa ng maiiwan kong work. Iyon ang utos ni Boss Earl. Ipagdasal n’yo na lang ang kaligtasan ko.”
Halos magkakapanabay na napailing ang mga tauhan niya.
“Hindi mo ba ginagamit ang utak mo?! Guguho ang building na iyan sa design mo! Ulitin mo iyan!”
“Sorry po, Boss! Sorry po!”
Sabay-sabay silang napatingin sa pinto ng office ni Boss Earl sa narinig. Kasalukuyan kasi nitong kausap ang isang sa mga junior architects na may handle ng ibang project. Nagkatinginan sila ng mga tauhan niya at napabuntonghininga na lang.
“Halimaw talaga ang isang iyon!” Napailing na uli siya. Nakakairita na!
***
“Oliver, hindi ba puwedeng matapos ang repair ng kotse ko today?” tanong niya sa mismong may-ari ng car repair center na pinagdalhan niya sa kotse niya.
Ayaw na naman nitong mag-start ng ayos. Natatakot naman siyang i-take ng risk na mag-long drive papuntang South nang hindi napapatingnan ang sasakyan niya. Baka tumirik pa siya sa gitna ng gubat, mahirap na. Suki na siya sa high-end car repair shop na iyon kaya medyo feeling close na siya sa may-ari.
Binalingan siya ng binata matapos nitong silipin ang makina. “Marami ng sakit ang sasakyan mo. Candidate na nga ito, actually.”
“Candidate for what?”
“Retirement. Pagod na siya. Palayain mo na. Parang love lang iyan. ’Pag ’di na uubra, i-let go mo na,” biro pa nito.
“Sige, hugot pa more! Wala akong love life. Hindi ako nakaka-relate dyan!” Tumawa sila pareho sa sinabi niya. “So ilang araw?” nai-stress na tanong niya.
“Hmmm, three days.”
She sighed. She can’t wait for another three days. Kailangan niyang mabigay agad kay Boss Earl ang demands nito or else... mabi-break ang record ko sa trabaho. I will never submit my works late!
Dahil no choice, umisip na lang siya ng paraan. Kailangang sa araw na iyon ay makabyahe siya pa-San Juan, Batangas. Una niyang naisip ang mag-request ng transportation sa ZLCD.
“Sorry, Miss Vel. May seminar ang ilan sa engineers natin. Service nila ang coaster. Iyong dalawang kotse naman, nasa casa para sa annual preventive maintenance,” sagot ng HR personnel na assigned sa pag-schedule ng company transportation.
“Kahit ’yong L-300 na lang,” pagpupumilit niya. Wala iyong aircon at kakarag-karag na pero confident siyang kaya ng sasakyan na iyon na mag-long travel.
“Naka-deploy, Ma’am sa construction area.”
Anak ng semento! She sighed. “Okay, salamat.”
Plan A and Plan B was not feasible. Then now, it’s time for Plan C. Commute. Sakbat niya ang backpack at bitbit ang ilang mga tracing papers at blue print materials nang magsimula siyang maglakad papunta sa sakayan ng bus na magdadala sa kanya sa provincial bus terminal.
Sa kalagitnaan ng pag-aabang niya ng masasakyan ay may isang Jaguar XJ na kotse ang pumarada sa harap niya. Bumaba ang window frame sa backseat and she was greeted by her fafable condo neighbor—the person she knew as Kent.
“Hi! Saan ang punta mo?” tanong agad nito sa kanya.
“Ah sa bus terminal sa Buendia. Pa-Batangas ako e.”
“You are lucky today. Papunta rin akong Batangas. Sumabay ka na,” nakangiting sambit nito.
She was surprised by the invite. Oo, magkapitbahay nga sila pero hindi pa naman sila gano’ng ka-close para isabay nito sa bongga nitong kotse papunta sa isang may kalayuan na lugar. Wait, ’di kaya poging r****t ito? Uso iyon ngayon. Kapraningan turned on.
Napansin ata nitong hesitant siya kaya tumawa ito. “Come on. Wala akong gagawing masama sa ’yo if that’s what you are thinking. I have my secretary with me.” Bumaba din ang bintana sa tabi ng driver’s seat at kumaway ang isang babae sa kanya.
“Hi!” bati ng babaeng nasa driver seat.
Wait, pinagda-drive niya ang babae? Medyo na-turn off siya ng kaunti. How could this cute guy let a woman do the driving?
“Ano, Vel? Sakay ka na!”
“Oo nga, sakay na,” sabi rin ng sekretarya niya.
Wala na siyang nagawa nang buksan ni Kent ang pinto at pinasakay na siya. “Sigurado bang okay lang sa ’yo? Nakahihiya naman. Ang layo ng pakiki-ride ko sa bongga mong sasakyan,” sabi niya nang makasakay na siya.
“Wala namang ibang laman ang sasakyan ko, kung ’di tayong lang tatlo,” sambit nito.
***
JAM WAS a bit blessed by chances today. Tinawagan siya ng taga-ZLCD at sinabing bibisita ngayon araw si Vel sa location ng beach property niya. He wasn’t prepared though for the visit, but thanks to Winona. Nagawa niya ngayong i-rescue sa hassle ng pag-commute nang malayo si Vel.
“By the way, Vel I would like you to meet my reliable secretary, Winona,” sambit niya. They both greeted each other, pagkatapos ay nanahimik na uli si Vel sa tabi niya. Tumingin lang ito kay Winona tapos ay bumaling sa kanya. He somehow read her mind. “Napaka-ungentlemanly ba at babae ang nagda-drive para sa akin?” tanong niya.
Napangiwi ito. “How can you read my mind?”
“Wild guess.”
“Sorry, hindi lang kasi usual iyong makakita ako ng lalaking babae ang pinagda-drive. Imposibleng may ganito ka kagandang sasakyan tapos hindi mo man lang naisip mag-aral mag-drive.”
“Ah...” How can I lie? He quit driving after that car accident ten years ago that killed Vel’s sister. “May ankle injury kasi ako.”
It was part of the plan. Winona said a while ago na ’pag nagtanong si Vel, sabihin niyang injured siya. To make it more realistic eh naglagay pa sila ng bandages sa right foot niya.
“Oh!” Agad itong napatingin sa paa niya. “Naku, sorry. Ano’ng nangyari?”
“Basketball.” Ang pambansang reason kung bakit nai-injury. “Pero sprains lang naman ito. Saan sa Batangas ’nga pala ang punta mo? Work-related o bakasyon?”
Of course alam niya kung saan ang punta nito but he had to pretend that he didn’t just to keep the conversation with her. Hindi niya alam kung kailan mauulit iyon o kung may chance na maulit pa iyon dahil nalalapit na rin silang magharap once na dumating na ang araw ng presentation ng team nito sa design ng resort niya. If that day came, mawa-wash out na si Kent na kinakaibigan nito. Matitira na si Jam na kinasusuklaman nito or mas kasusuklaman pa nito dahil nagsinungaling pa siya ngayon. Hindi tuloy niya alam kung ipagpapasalamat ba niyang hindi nito maalala ang mukha niya.
“Sa Laiya, San Juan. Ocular visit sa site ng client. Architect kasi ako and a landscape artist. ’Yong bagong boss ko kasi, masyadong ewan. ’Wag daw akong babalik sa office nang walang magandang design sa resort na iyon. Kaya heto, pinatapon niya ako sa Batangas.”
“For the love of work!” he commented.
“True. And for the the bills too,” she laughed.
“Masuwerte ka talaga dahil sa San Juan Batangas din ang punta namin,” he winked.
“Really? Then I should thank you a lot for being my savior today.”
“Welcome.” Napangiti siya.
Nasa kahabaan na sila ng SLEX nang mag-request si Winona na mag-stopover. Magsi-CR lang daw ito. Lumabas din si Vel at bumili ng drinks at makakain sa convenience store. Sasamahan sana niya ito kaso humindi ito dahil sa injury kuno niya.
Few minutes more ay nasa byahe na uli sila.
“Kent . . .”
“Hmmm?” Kasalukuyan nilang pinagsasaluhan ang chips na binili nito.
“Nakita ko iyong MD plate sa sasakyan mo. Doctor ka pala,” komento nito.
Nasamid siya sa sinabi nito. He didn’t expect that question. Malay ba niyang mausisa pala itong si Vel. Uminom siya ng tubig bago sumagot. “Yeah. But I’m quite off for a short vacation now.”
“Ano’ng specialization mo?”
Alanganing ngumiti siya. “Ahm, Internal Medicine.” This is going too awkward.
“I see. Heart? Respiratory?”
“Eyes.” He sighed. Okay lang naman siguro. Hindi lang naman ako ang doctor sa mata sa mundo. “I’m an Ophthalmologist.”
Nagpatango-tango ito. He sighed. ’Wag ka na sanang magtanong at baka mabisto na ako. His wish was granted dahil hindi na ito nang-usisa pa at naging busy na din sa pagkain. Until, his cellphone rang. Mr. Earl Santiago was calling.
Sh*t! He answered the call. “Yes, good morning.”
“Dr. Pelesso, I’m sorry for the short notice but I’m also going to the site. Nauna lang si Miss Mariole doon,” sabi ni Mr. Earl Santiago.
“Oh, I see. I’ll just let my secretary prepare the accommodation for you,” sambit niya sabay sulyap kay Vel. Damn, ba’t nakatitig siya sa akin? His heart suddenly skipped. Hindi iyon kaba dahil baka mabisto siya. It was different. And it felt so good to his senses.
“Thank you, Dr. Pelesso.”
He ended the call and turned to Winona. “Win, the boss is also coming. Kindly arrange an accommodation for him in the same resort, okay?”
“Noted, Sir.”
Muli niyang binalingan si Vel and got surprised. Nakatingin pa rin ito sa kanya. “Why?”
She just smiled. “Nothing. Parang noon pa kita nakita at hindi no’ng isang araw lang.”
Kinabahan siya. “Huh?” Pasimpleng sinulyapan niya si Winona na nakatingin din pala sa kanila through rearview mirror. Muntik na siyang mapakamot na lang sa ulo nang kumindat lang ito sa kanya at ngumiti.
“Ah! Alam ko na! Model ka rin ba? Nakita ko siguro iyong picture mo sa isang magazine.” hirit ni Vel.
“Mismo!” sabat ni Winona. Kinuha nito ang ilang magazine sa compartment at ibinigay kay Vel. “Boss is a Keithan Apparels endorser.”
The next few minutes, ang pagiging print ad model na niya ang pinag-uusapan ng dalawang babae. Napasandal na lang siya sa upuan. Akala niya, bistado na siya agad. Buti na lang at hindi.
“Sabi na nga ba, eh. Nakita na kita dati,” sambit uli ni Vel habang binubuklat ang magazines na hawak.
Alanganing ngiti lang ang ibinigay niya rito. He ended up gazing at her while she was busy browsing the magazines. She really looks lovely. Ang sarap pagmasdan. Sana palaging ganito na lang. Na puwede kitang makasama sa kotse o makasabay sa elevator na nakangiti ka sa akin. Napakunot-noo siya nang maisip na ang weird ng pinagsasabi niya sa sarili.
“Miss Vel, andito na tayo sa bayan ng San Juan,” sambit ni Winona. Nag-park ito saglit at bumaling sa kanila. May tinuro itong kanto. “Doon ang sakayan ng jeep pa-Laiya.”
“Sige, salamat.” Bumaling sa kanya si Vel. “Salamat, Kent! I owe you a dinner pagbalik ko, promise!”
“I’ll be looking forward to that,” sambit niya. Bumaba na ito ng sasakyan. And few seconds more, sinundan niya ng tingin si Vel habang naglalakad ito palayo ng sasakyan niya. Naalala niya kung paano siya nito titigan kanina. Napangiti siya. Sana maulit.
“Boss Pogi, sigurado ka bang forgiveness lang ang habol mo kay Miss Aveline?” usisa ni Winona.
Kunot-noong binalingan niya ito. “What do you mean?”
“Lumu-look of love ka kasi,” nakangiting sagot nito.
Umiling lang siya. “Just drive in, Win.”
Imposible ang sinasabi nito. Forgiveness nga hindi niya makuha, love pa kaya?