EARL was busy signing papers when Aveline entered his office. This woman. Hindi niya alam kung ano’ng meron sa babaeng ito at madali nitong nakuha ang atensyon niya. Well aside from being that attractive, Aveline had this presence that he couldn’t resist. And he didn’t want to savor the feeling. Wala sa bokabularyo niya ang ma-involve sa isang babae. Umuwi lang naman siya ng Pinas para hanapin ang first love niya. That’s his only reason why he accepted to be transferred from Dubai to Manila. Kaya bago pa magkaroon ng meaning ang lahat, sisimulan na niyang hanapan ng pula ang babaeng ito para ma-turn off siya. Pero ang siste, mukhang mahihirapan siya. Based sa employment profile nito, isa ito sa mga de-kalibreng architect ng kompanya. She handled numerous big client projects for the past few years and finished them successfully.
Without looking at her, he motioned Vel to sit on the visitor’s chair. Agad naman itong umupo. Tinapos niya ang pinipirmahan bago niya ito hinarap. He just caught her gazing at him. “Do you know that gazing at your boss will not do anything good to you?”
She sweetly smiled. “Apparently, sir, it can do anything good to me,” she uttered confidently.
“Which is?”
“You’re a good inspiration. A well-dignified successful man at the young age with a pogi face; that’s you. Mas gaganda ang trabaho ko bilang isang empleyado kung inspired ako.”
He could sense it. Actually, kanina pa niya nahahalata mula pa sa elevator. Mukhang attracted sa kanya ito.
“Minsan hindi rin magandang magka-crush ka sa boss mo.” He looked at her in poker face. Darn it. Why does she look so lovely that way? Prenteng naka-cross legs ito habang nakaupo na nag-emphasize ng magandang hubog ng legs nito. Bago pa kung saan mapunta ang iniisip niya ay pinigilan niya na ang sariling purihin pa ito.
“It’s my problem, sir, not yours.”
Straight forward. Gusto niya ang mga babaeng straight forward. Kinuha niya ang isang folder. “Can I call you, Vel?” Kahit naman strict boss siya, gusto pa rin niya na nickname or first name ang tawag niya sa mga subordinates niya.
“As you wish, Sir Santiago—”
“Earl. Boss Earl,” he corrected her.
“Okay, Boss Earl. Hmm, puwede po bang magtanong?”
“Yes.”
“Are you going to fire me now?” Hindi iyon tanong na may halong pag-aalala o takot. Walang bakas na gano’n sa pagkakasabi noon. Mukha pa ngang nang-i-intimidate ito na parang sinasabi nito sa kanyang pagsisisihan niya kung oo ang isasagot niya.
Napakunot ang noo niya. “Why should I?”
“Because I yell at you over a phone call yesterday.”
Napailing siya at bahagyang napangiti. Naalala pa niya iyon. Tinawagan niya ito dahil kailangan niya itong makausap para sa updates ng mga projects na hawak nito. Pero ang nangyari, siya ang nakasalo ng beast mode rants nito towards someone he didn’t care about at all.
He looked at her. “I won’t just let go of someone worthy of being company’s asset like you just because I became a victim of your nonsense rants yesterday. This conversation is not about that.”
Napangiti ito. “Good. So para saan ito, Boss?” tanong nito.
“I want you submit summary reports about your three ongoing projects.” Nakita niyang nagbuklat ito ng tickler notebook na dala at nagsimulang mag-take down notes kaya pinagpatuloy niya ang sinasabi. “Gusto ko rin na bigyan mo ako ng data tungkol sa target finish date ng bawat project with budget reports. I want it in my table early tomorrow morning.”
“Okay, Boss Earl. Noted.”
“Another thing.” Ibinigay niya rito ang isang folder. “I got a client call early this morning. The new big client submitted these documents for a study. The client wants us to build his beach resort along Laiya San Juan, Batangas. And our CEO, Mr. Golen Castillo, personally requested you to handle the project.”
“Really? Must be another recommendation from previous satisfied client,” confident nitong sinabi. Binuklat nito ang folder. “Wow. Medyo malaki ito, ah. Puwede ko pong malaman kung sino ang client natin?”
“A known Ophthalmologist from Tolentino-Ferrer Medical Center, Dr. Jamison Kent Pelesso.”
Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang biglang pagbabago ng facial expression ni Vel. Ang kaninang confident architect image nito ay biglang nawala. Naiwan ang isang babaeng tila nakarinig ng bad news na ikinagulat nito. Bigla kasi itong natigilan. Kilala niya ang doctor?
“Do you personally know him?” tanong niya.
Bigla itong natauhan. “N-No, Sir. I don’t.” Umiling ito. Bumaling ito sa kanya na parang walang nangyari. But her eyes couldn’t lie. Vel’s eyes were telling him that she’s not okay. And he just wondered why.
“I want you to make a proposal for this project. Work on this with your team for a week. I want you to present the proposal early next week.”
“Kulang Boss ang isang linggo—”
“Do not break my office rule. O baka naman ’di mo kaya. Just say so. I can give the project to other more competent—”
“No, sir. The project is mine,” palaban na sagot nito.
“Then good.”
***
TULALA. Literal na nakatulala sa hangin si Vel. It’s been a long day. At para sa kanya, hindi lang iyon long day... nakaloloka day pa. She just couldn’t believe it. Talaga bang si Jam ang new client namin? As in? Bakit siya? Of all the people on earth, si Jam ang huling taong gugustuhin niyang makita. Or worst, ayaw talaga niya itong makita ever. Hindi na niya maalala ang mukha ng lalaking nakasagasa sa ate niya pero sigurado siyang Jamison Kent Pelesso ang buo nitong pangalan.
“Ay grabe! Grabe naman ’to, Lord. Ano ba’ng gusto N’yong mangyari?” she uttered to no one. Kasalukuyan siyang nasa mini sala sa condo niya. Dapat sa mga oras na iyon ay nagda-draft na siya ng framework plan para sa project pero ang siste, hindi niya ma-take na igagawa niya ng bahay ang lalaking iyon. Parang mas trip kong igawa siya ng lagoon na puno ng ahas.
Inilapag na niya sa mesa ang hawak na folder. Gabi na. Kung hindi naman siya magpapaka-productive, malamang sa natutulog na siya sa mga oras na ito. Pero pati iyon . . . hindi niya rin iyon magawa. Walang lumalabas sa utak niya kung ’di ang 99.99% chance na magkita muli sila ni Jam at ayaw magpatulog ng thoughts na iyon.
Napaisip siya. Why should she be bothered? “Oo nga, bakit ako ang mai-stress? Dapat siya ang matakot makita ako dahil siya ang may malaking kasalanan.” Pero kung ang pagbabasehan ay ang ten-year long, non-stop na pagpapadala nito ng bulaklak at emails plus ang monthly na pagbisita nito sa puntod ng kanya kapatid, at ang pambubulabog nito twice a week sa nakakairitang phone calls, parang malabo atang matakot si Jam sa muling pagtatagpo nila. Baka nga magustuhan pa nito iyon. Hindi miminsang nag-attempt si Jam na makipagkita sa kanya. Ilang beses itong nakiusap na magkita uli sila at mag-usap pero ni isa sa meet up na iyon ay hindi niya sinipot. Gano’n na katindi ang pag-ignore niya rito pero parang balewala lang dito iyon.
“At ngayon, wala na akong choice.” Indeed. Dahil hindi siya ang tipong aatras sa trabaho dahil lang sa personal na bagay. Pumapasok nga siya kahit tinatrangkaso. Hindi puwedeng maging si Jam lang ang dahilan para masira ang competitive reputation niya sa company lalo na’t ang big boss pa nila roon ang nag-request sa kanyang expertise.
She sighed as she lazily leaned her back against the sofa. Binalingan niya ang picture frame sa side table. It was the last picture she had with her sister. “Ate, ano ba’ng tamang gawin?”
Hanggang ngayon ay hindi malinaw sa kanya kung ano ba talaga ang dapat. Alam niyang mali na buong buhay niyang isisi kay Jam ang pagkawala ng ate niya. Pero hindi pa rin niya masabi sa sarili na kaya na niya itong patawarin. Siguro dahil never pa niyang sinubukan. Tuwing masasagi kasi sa alaala niya ang nangyari noon ay nasasaktan pa rin siya at tuwing maaalala niya si Jam ay galit pa rin ang nararamdaman niya kaya never niyang sinubukang hanapin ang lakas ng loob para patawarin ito. Gusto na talaga niyang kalimutan na lang ito at ibaon sa limot. Pero paano niya gagawin iyon ngayon?
I think I need a walk. Lumabas siya ng unit niya at naglakad sa hallway. Huminto siya sa tapat ng pinto ng elevator. Nakatitig lang siya sa stainless-steel door ng elevator habang malalim ang iniisip. Until a guy stood beside her, naghintay rin sa pagbubukas ng elevator.
The guy smelled good. Ewan ba niya. Una talaga niyang napapansin sa lalaki ay ang men scent nito. ’Pag ’di niya type ang pabango ng lalaki kahit gaano pa ito kaguwapo ay hindi niya ito magugustuhan. Like her new boss. Kahit pa masungit ito at bossy ay ayos lang kasi mabango.
As if choreographed by fate, sabay silang napalingon sa isa’t isa ng estrangherong katabi niya. Yes indeed, guwapo ang binata. Plus pogi points na mukhang alaga sa gym ang katawan nito. He was a perfect example of the word sexy for men. Iyong sakto lang; hindi masyadong maskulado pero maganda ang hubog ng shoulders at arms nito. Ngunit higit sa lahat, ang mata nito ang talagang kumuha ng atensyon niya. Hindi ito chinito na another requirement para magustuhan niya, but that pair of eyes looked familiar. Bahagyang natigilan ito nang magtama ang kanilang mga mga mata.
“May kamukha ang mata mo,” wala sa sariling nasambit niya sa binatang alanganing nakangiti sa kanya.
“H-Ha?”
“Ah, never mind. Meron kasi akong kakilala na kasing-mata mo. Paano ko ba ide-describe iyon? Iyong parang kahawig ng mata mo.” And siyet! You remind me of my sister’s eyes.
“Ah, I see,” tila walang pakialam na reply nito sa kanya.
Ano ba naman kasi iyang pinagsasabi mo, Aveline? The elevator door opened. Pinauna siya ng binata. Gentleman indeed. “Bababa ka ba?” tanong nito.
Tumango siya. “Yes. Bababa ako, salamat.”
He pressed the ground floor button. Then the door closed. Sila lamang ang sakay.
“Same floor ka nakatira?” tanong niya. Okay rin ’yong makakilala siya ng kapitbahay para kung sakaling kailanganin niya ng tulong ay may malalapitan siya.
“Ah yeah. Doon ako sa dulo.”
“Good. Magkapitbahay este magkapit-condo pala tayo.” Impit itong tumawa sa joke niya. She offered her hand. “Aveline. But you can call me, Vel.”
Ngumiti muna ito bago tinanggap ang kamay niya. “Ja—Kent. Call me, Kent. Actually, kalilipat ko lang kahapon. Ikaw?”
“Ako few days ago lang. Pareho pala tayong newbie dito.”
“Yeah.”
The door opened at ground floor. Time to part ways. Akala niya ay nag-dead end na ang conversation nila ng binata dahil pakaliwa na ito at pakanan naman siya. Pero bigla siyang tinawag nito.
“Hey, Vel!”
Nilingon niya ito. Wait, bakit familiar ang boses niya? “Yes?”
“I’m glad to meet you.” The guy showed off his sweet smile. Hindi lang pala ito guwapo. Mukha rin itong mabait.
“Me too. See you around.”
“Yeah, take care.” Kumaway pa ito bago tuluyang naglakad palabas ng condo building.
Nawiwirduhang tumalikod na siya at naglakad papunta sa garden area malapit sa pool side. Mukhang maliban kay Jam, may isa pa siyang isipin. Bakit parang ang weird ng feeling niya sa Kent na iyon? Parang mata ni Ate ang mata niya at parang kaboses niya si Jam. Napailing siya. Paano mangyayari iyon? Ay naku, ang hirap ma-stress mag-isa. Kung ano-ano lang ang naiisip ko. An image of Earl looking at her popped her mind. Ay bongga! Si Boss Earl na nga lang ang iisipin ko. Hay, Boss E, why so pogi, eh?
Her cell phone rang. Dinukot niya iyon mula sa side pocket ng suot niyang pajama. She was surprised when the name Boss Earl registered on her cell phone’s screen. Sinagot niya ang tawag. “Yes, boss?”
“Oh, Vel. Glad you’re still awake. Can you send me the budget proposal for Tolentino-Ferrer Medical Center project? Send it to my email.”
Napakunot ang noo niya. Lagpas alas-onse na ng gabi. Nagtatrabaho pa rin siya? “Noted, boss. I’ll send you the email first thing in the morning tomorrow.”
“No, I need it now.”
“What?!”
“I know you heard me, loud and clear.”
“Alam mo ba kung anong oras na? Lagpas working hours na po. Utang na loob, may buhay pa ako maliban sa trabaho—”
“I’m not asking you to fly, Arch. Vel. Na-send mo na sana sa akin ang kailangan ko kung ’di mo lang sinayang ang ilang segundo mo para sa pangangatwiran—”
“Fine!” Gigil na napangisi siya. She ended the call and turned her cell phone to airplane mode. Maghintay ka ng email hanggang maging zombie ka!
She might like Earl physically but she would never tolerate him being a slave driver.