“KUYA, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kailan naman kasi kailangan niyang magma dali, eh, saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na drafting tube, laptop, at kung ano-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ng driver kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya! Para!”
Huminto ang jeep kasabay ng pagbaling sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh, ano? Kaysa lumagpas pa ako nang mas malayo ano? Deadma sa reaksyon ng mga kapwa pasahero, mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya puwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o mag-aalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
Naalala na naman niya ang nangyari noong nakaraang araw. Nang makauwi siya sa condo unit ay may naabutan siyang isang bouquet of flowers na familiar ang arrangement sa tapat ng pinto ng unit niya. Alam niyang kung kanino galing iyon. Nakumpirma niya ang hinala nang mabasa ang card na nakasipit sa bouquet. She was mad that time. Ibig sabihin lang kasi noon, alam na ni Jam ang nilipatan niya. Back to normal. Makatatanggap na naman siya ng kung ano-ano mula sa lalaking iyon.
Isang linggo lang naging tahimik ang buhay niya mula nang lumipat siya ng bahay. Ipinagbili na niya kasi ang bahay na namana niya sa magulang. She thought na mainam rin iyon para tuluyang maiwasan ang mga annoying flowers, letters, and calls mula kay Jam, ang binatang nakasagasa sa kapatid niyang sampung taon na ang nakalilipas. Pero mukhang nagkamali siya. Kaya naman nang mag-ring ang landline phone niya ay agad niyang inakalang si Jam ang tumawag. He used to call her twice a week, asking for forgiveness and telling her same sentiments he already stated in his emails. Paulit-ulit lang at nakaririndi na. Never siyang nagsalita kapag tumatawag ito. She just hung up until he got tired of talking and ended the call by himself. Ngunit iba ang araw na iyon. Punong-puno na siya sa inis. Beast mode na sinagot niya ang call at inihanda ang sarili sa lahat ng gusto niyang sabihin dito.
“Hi Vel!—”
“ Ang kapal ng mukha mo! Lumipat na ako ng bahay, nasundan mo pa rin ako?! At sino’ng may sabi sa ’yong puwede mo akong tawagin sa nick name ko? Close tayo? Sinabi ko na sa ’yo na kahit ano’ng mangyari, hindi kita mapapatawad sa ginawa mo! Get a life! Tigilan mo na nga ako!” gigil na tirada niya nang hindi man lang inaalam kung si Jam nga ba talaga ang nasa kabilang linya. And it turned out na mali nga siya.
“Miss Mariole, this is your new boss, Mr. Earl Devin Santiago and I don’t give a damn in whatever problem you have in this world. I want you in my office very early tomorrow morning.” Call ended.
Muling napangiwi si Vel sa naalala. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline!
Makalipas ang sampung taon buhat nang mamatay ang kanyang ate, heto na siya— survivor of a painful past. Kinaya niya. Naging matapang siya. And despite of her tragic past, she was able to go back being positive and jolly person as years passed by.
Sa tulong ng pamilya ng kanyang mga kaibigan ay nakatapos siya ng pag-aaral. Halos ampunin na nga siya ng pamilya ng best friend niyang si Jheymie. Huminto siya sa pagiging student assistant sa school nang pag-aralin siya ng magulang ng kaibigan. At para may pera siyang panggastos araw-araw, nagtrabaho siya sa company na pagmamay-ari ng ama ni Jheymie nang mag-eighteen na siya. Part-time clerical job ang ibinigay sa kanya ni Daddy Miguel, ang tumayong pangalawang ama niya nang maulila siya. At bago siya magtapos ng college, inilipat na siya ni Daddy Miguel sa kompanya kung saan siya nagtatrabaho sa kasalukuyan.
She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Pagmamay-ari ito ng ama ng kaibigan niyang si Monique na kamang-anak din ni Daddy Miguel. Nagsimula siya as part-time encoder bago siya magtapos ng college. Doon din kasi siya nag-OJT. At habang under-board pa siya at nagre-review para makakuha ng lisensya, na-promote na siya as Junior Architect. Hanggang sa pumasa na siya sa board exam at naabot niya ang position niya ngayon—Senior Architect. Nakitaan siya ng potential ng dati niyang Project Manager. At bago pa nga mag-resign ang dating boss ay nai-process ang promotion niya.
Pagka-time in ay agad siyang sumakay sa elevator. Nasa eighth floor ang opisina nila. Okay kaya ang bagong boss namin? Napangiwi siya nang maalala uli ang kahihiyang inabot niya kahapon. Ayokong mawalan ng trabaho! Ayon sa nasagap niyang usap-usapan ng mga ka-department niya sa kanilang group chat sa Facehook, bata pa raw ang bagong Project Manager nila na may pagka-dragon daw ang ugali. Nanggaling pa raw ito sa Dubai branch ng ZLCD. May tsismis pang nakarating sa kanya na guwapo at fafable daw ito kaya ang iba nilang katrabaho ay excited makilala ito. At si Vel . . . Eh, kahit pa pogi siya, wapakels muna ako... Baka nga masesante na ako, eh.
Bumukas ang elevator sa third floor. Isang binata na nakasuot ng business suit ang pumasok. Natigilan siya nang magtama ang mata nila ng binata bago ito pumuwesto sa tabi niya. Mabango ang binata. Amoy-guwapo! Well, hindi lang ito amoy-guwapo . . .literal na guwapo nga ito. The face of the guy was enticing to stare with. Matangos ang ilong nito, makinis ang face at may cute na pares ng singkit na mga mata. Para itong Korean actor na naligaw sa tabi niya. With that broad shoulders, a tall height, nice shape, and good posture, hindi masisi ni Vel kung ang mga babaeng kasabayan sa elevator ay hindi maiwasang tumitig sa binata tulad ng ginagawa niya. He was indeed an eye-catcher.
Long, long time ago pa ata nang huli siyang ma-attract sa lalaki. After mamatay ng ate niya, tanging mga Korean actors sa iba’t ibang Kdrama na lang ang nagpapakilig sa kanya. But this guy beside her reminded her that she still had that “tumi-teenager na kilig” thing in her system kahit wala naman itong ginawa kung ’di ang tumayo lang sa kanyang tabi. He just captured my heart in two seconds! eksaheradang hirit niya sa isip.
Hindi maalis ang titig niya sa katabing tila walang pakialam. Nanatiling naka-focus sa pinto ng elevator ang attention nito.
Eighth floor na. Nagsilabasan na ang ibang sakay ng elevator pati ang binatang katabi niya. Pero si Vel, naestatwa na lang sa puwesto niya sa sobrang pagka-hook sa bagong apple of her cute eyes. All she did was to follow every move that the guy did in slow motion manner. Siyet ang guwapo! Lumingon pa ito sa kanya bago ito naglakad palayo. Muntik na siyang mapatili without prior notice.
Natauhan lang siya nang magsara ang pinto ng elevator at hindi siya nakababa. Pinindot niya ang open button para agapan ang elevator pero too late na. Kaya ang ending, inabot siya ng ilang minute pa sa loob ng elevator na umabot pa ng seventeenth floor bago pa nakabalik ng eighth.
Tumakbo na siya pagkabukas ng elevator sa eighth floor dahil alam niyang late na siya. Nang pumasok siya sa department office ay nagkumpulan na ang mga katrabaho sa gitnang bahagi ng opisina. Nagmi-meeting na ata. Pasimpleng pumunta siya sa kumpulan nang makita niya kung sino ang nagsasalita sa harapan nila . . .no other than the new apple of her cute eyes!
Napatitig lang tuloy siya rito.
“I’m Engr. Earl Devin Santiago and I’m your new Project Manager,” sambit nito in his serious tone. “You . . .”
The guy looked at her. Nahawi lahat ng taong nakaharang sa pagitan nila ng bagong boss. Lalo tuloy nagdiwang ang mata niya. The guy looked regal while he was seriously staring at her.
“Me?” wala sa sariling tanong niya.
Lumakad ito palapit sa kanya. “Yes, you. Magkasabay lang tayo sa elevator kanina. Can you tell me where did you go during working hours that took you,” tumingin ito sa wristwatch, “five more minutes to be here?”
Awtomatikong napunta sa kanya ang atensyon ng lahat. “Ah . . .” Vel, reasons... just give him a reason! Anak ng reason! “Ahm . . .”
“Never mind.” Tila hindi na nito mahintay ang sasabihin niya kaya sumabad na ito. Isang kunot-noong tingin ang itinapon nito sa kanya bago ibinalik ang atensyon sa lahat. “I have rules. Office rules. At ang una kong rule ay bawal ang late.” Tinapunan pa nito ng tingin si Vel bago muling bumaling sa iba. “Second, there’s no room for petty reasons. If I want you to work on a thing, work on a thing. Saying no will not make you successful, anyway. Third, there’s no room for imperfections. Every work shall be done perfectly. Fourth, never ever come to my office if you’re not that confidently prepared. And fifth, talking nonsense is highly prohibited. I will not give a damn for babble talk. In short, ayoko ng empleyadong nasa talampakan ang utak at nasa dulo ng buhok ang common sense. Do I make myself clear?”
“Yes Sir! Very Clear. Awesomely clear,” wala sa sariling sambit ni Vel habang nakatitig sa boss niya. Kiber na kung mukhang masungit at perfectionist ang bago nilang boss. Dahil para kay Vel . . . Okay lang kung masungitan, basta makapiling ko lang ang kanyang kaguwapuhan! Ah, bakit ba ang guwapo mo? Nakakainis!
“What’s your name?” untag nito.
Natigilan si Vel nang i-pin point siyang muli nito. She cleared her throat and cheerfully introduced herself. “I’m Architect Aveline Gayle Mariole, Senior Architect, 27, from Taguig City!”
Nagkanya-kanya ng version ng pagtawa ang mga kaopisina. Tumawa ang lahat, maliban sa boss niyang kunot-noo lang na nakatingin sa kanya.
“Ah, so you’re that girl na may kaaway over the phone yesterday.” Napangiwi si Vel. Umiling naman si Earl bago muling ibinaling sa lahat ang mata. “Everyone, you can all go back to work.”
Nagsipulasan na ang lahat at nagpunta na sa kanilang working area. Pahakbang na rin sana si Vel nang biglang . . .
“Except you, Miss Mariole. I want to talk to you in my office... privately. Now!” Then he turned away and entered his office.
Naiwan si Vel na napapangiwi. Patay kang Aveline ka!
***
FINALLY, Jam was back to Manila. Ito na ang araw na pinakahihintay nng binata. Bumalik siya sa Pilipinas matapos ang series of medical mission sa Vietnam. Isa siyang Ophthalmologist at kasaluluyang nag-aaral ng second specialization niya, ang Emergency Medicine.
Marami siyang gustong gawin ngayong meron siyang two weeks break. At kasama sa listahan niya si Vel. He was thankful that he had a secretary with stalking skills. Ang secretary niya ang nag-asikaso ng pagpapadala ng bulaklak kay Vel nang mga nakaraang buwan na wala siya sa Manila. At dahil nga may pagka-stalker itong secretary niya, madali lang ding nalaman nito na nag-acquire ng condo unit si Vel. Nang malaman niya iyon ay walang pagdadalawang-isip na kumuha agad siya ng unit sa same building, few doors away lang sa unit ng babaeng sinusuyo.
Yes panunuyo ang approach ni Jam sa ginagawa niya kay Vel. It’s been ten years mula nang mangyari ang pinakamaigat na kasalanang nagawa niya rito. God knows that he didn’t want to hurt anyone. Pero no’ng araw na iyon, sampung taon na ang nakaraan, aksidenteng nasagasaan niya ang ate ni Vel na ikinamatay nito. Nakita niya ang magkahalong sakit at galit sa mga mata nito noong araw na iyon habang sinisisi siya nito. Binago ng araw na iyon ang buhay niya.
All these years, he was chasing for Vel’s forgiveness. At kahit abutin pa ng another ten years ay hindi siya titigil suyuin ito. He wanted to cast away the hurt and pain in her eyes na palagi niyang nakikita tuwing palihim niya itong pinagmamasdan ’pag dumadalaw ito sa puntod ng kapatid at nagkakataong naroon din siya. Palihim lang lagi dahil hindi siya nito puwedeng makita.
Sinunod niya ang gusto ni Vel na ’wag na ’wag siyang magpapakita rito. Pero nangako siya sa puntod ng kapatid nito na hindi niya ito pababayaan. That’s why he did his best to stay connected to her. At sa pagtagal ng panahon, naging parte ng buhay niya si Vel... kahit alam niyang ayaw naman nito. She never replied to any of his messages to her. Kahit angry o devil emoticon man lang para ma-express nito ang galit nito sa kanya ay wala. She never said any single word kapag tinatawagan niya ito.
Kahit wala namang commitment sa araw na iyon ay maagang nagising si Jam. He was enjoying his brewed coffee and breakfast as he checked on the printed documents from his secretary. Kinuha niya ang personal planner at pinagsusulat doon ang dates ng kanyang clinic schedules once matapos ang two weeks break niya.
After that, ini-scan naman niya ang mga documents tungkol sa mga bagong business proposals. Nagbabalak kasi siyang pumasok sa pagnenegosyo para may mapuntahan ang kinikita niya bilang doctor. And he was eyeing for hotel and resort kind of business venture. Nang magsawa siya sa pagbabasa ay inihagis lang niya ang mga papel sa isang side ng sofa. He leaned his back on the sofa and sipped his coffee.
Si Vel kaya, kumusta kaya siya? Ba’t kaya niya itinapon ang flowers na ibinigay ko kahapon?
Napansin niya ang bulaklak na binili niya para dito na nakapatong sa trash can malapit sa pintuan ng unit nito. Personal pa naman niyang binili ang mga iyon at nag-effort pa siyang maglagay ng message card. Napaisip tuloy siya kung lahat ba ng pinapadala niya rito ay tinatapon lang nito. Nagtanong ka pa, Jam. Oo, ang sagot. Gano’n kalaki ang galit niya sa ’yo.
He sighed. How can I pick the broken pieces of your heart and make it whole again? He was in the middle of that thought when he spotted a brown envelop along with other scattered documents. Kinuha niya iyon at binuksan. Mga documents pala iyon tungkol kay Vel with pictures pa. Napailing siya. Halata talagang hindi lang secretarial duties ang kaya ng kanyang personal secretary. Winona was indeed a frustrated private investigator.
May isang calling card siyang nakita sa envelop na iyon with the name, Engr. Earl Devin Santiago. Nakalagay din ang position nito bilang Project Manager ng ZLCD Realty Corporation. He knew it was the company where Vel was working. An idea popped in his mind.
He grabbed his phone and dialed his secretary’s number. “Hello, Winona.”
“Hello, Boss Pogi. Na-receive n’yo na ang mga pinadala ko?” tanong nito. His secretary often called him that way. Hinayaan na lang niya iyon dahil totoo naman. Besides, Winona was not just a secretary. She’s also his friend since college days.
“Yes. I want you to set me an appointment with ZLCD Realty Corporation as soon as possible.”
“For what purpose, sir?”
“Tell Mr. Santiago that I want their company to build my resort. And I want Aveline Mariole to be the architect of the project.” He sweetly grinned. That’s hitting two birds at a time. Mapapatayo na niya ang kanyang resort and at the same time, mawawalan ng choice si Vel kung ’di ang makita siya. He’ll get the opportunity para sa wakas ay personal na makahingi muli ng tawad dito.