Chapter 7

2730 Words
TINAPOS ni Jam ang trabaho at nagpahatid na kay Win sa condo. Habang palapit nang palapit ang alas-siete ng gabi ay patindi nang patindi ang kabang nararamdaman niya. Until the time was up.  Holding a bouquet of the usual set of flowers he used to choose for Vel, nag-doorbell siya sa unit nito. He was wearing a bit formal powdered blue long sleeves na akala mo, isang formal date ang pupuntahan. Walang nang atrasan. Ipagtatapat na niya rito na siya ang taong isinusumpa nitong makita. Buong tapang niyang haharapin kung ano man ang kahihinatnan noon. It’s all my fault, anyway. Wala akong karapatang humingi ng kahit na anong konsiderasyon kay Vel, dahil kasalanan ko naman ang lahat.   Dumoble ang kabang naramdaman niya nang bumakas ang pinto. Bumungad sa kanya si Vel in a simple royal blue fitted dress paired with a simple off white stiletto shoes. Ayos na ayos din ang buhok nito at naka-makeup. Geez! Why is she so beautiful tonight?  Nagulat si Jam nang ngumiti Vel sa kanya. She even looked intently in his eyes that made him feel more uncomfortable. That fake smile couldn’t hide the anger reflecting in her eyes. Confirmed, bistado na siya. He could sense that.   Is this her kontrabida look? Am I gonna die tonight?   “Doctor Kent.” Matamang tinitigan siya nito. “I’m glad to see you again. Please come in.” She opened the door wider para papasukin siya. Makahulugang tiningnan pa siya nito bago ito tumalikod at naunang naglakad sa loob ng unit nito. Despite of her dangerous woman look, Jam still found her astoundingly beautiful that night. Hindi niya maiwasang pansinin ang hubog ng katawan nito sa sexy dress na suot nito matched with her perfume. Hay Jam! Bibitayin ka na nga, kung ano-ano pa iyang naiisip mo! Hold your grip! Sinermunan niya ang sarili. He followed her inside her unit and closed the door.   “Vel . . .” Lumingon ito. Kinabahan siya. “Yes?” “Flowers for you.” Tinanggap nito ang bulaklak. Sa unang pagkakataon ay tinanggap nito ang bulaklak mula sa kanya. Saglit nitong pinagmasdan iyon bago makahulugang binalingan niya. “Thanks. Pero sana hindi ka na nag-abala pa. The dinner is ready, shall we start the meal?” “Ahm, Vel . . . I . . . I have to say something important to you. Can we talk first?” Hindi nakatakas sa kanyang mga mata ang bahagyang pagtaas ng kilay nito bago makahulugan na namang tinitigan siya. “Whatever it is, it can wait. But the food can’t. Lalamig ang pagkain. Iyon muna ang unahin natin.” Tinalikuran na siya nito at naglakad papuntang dining area. He sighed. Why do I feel so weird?  Alam na niyang bistado na siya pero ’di niya maipaliwanag kung bakit ibang kaba ang nararamdaman niya. It was like there’s something in Vel that made his senses turned crazy. Sumunod siya sa dining area at umupo sa other side ng mesa kung saan ito nakaupo. They were now facing each other. And through out that moment ay nakatitig lang sa kanya si Vel. Iyong titig na kung nakamamatay lang, nasa funeraria na siguro siya ngayon. “Let’s eat. Kumuha ka na.” Hindi pa rin kumibo si Jam. She sighed. Pagkatapos ay pinagtaasan siya ng kilay. “’Wag ka nang mahiya . . . or shall I say, ’wag kang matakot, Dr. Jamison Kent Pelesso.” Nakipagtitigan na lang din siya dito. Hindi naman talaga natatakot si Jam sa paghaharap na iyon. He’s more worried about what would be Vel’s reaction. Or kung ano’ng posibleng maging end result ng acts niya. Ayaw niyang makitang nasaktan na naman niya si Vel dahil sa nagawa niya or makadagdag pa iyon para hindi siya nito mapatawad. But seeing how tough she was, mukhang wala naman siyang dapat ipag-alala. Mas magagalit siya sa sarili kung humarap ito sa kanyang umiiyak. Tumawa ito nang pagak. “It seems that you already figured it out. This is unfair. Hindi ka man lang nasurpresa na alam ko na ang kalokohan mo. Samantalang ako, saglit na gumuho ang mundo ko matapos kong matuklasan na kinaibigan ko ang taong nakapatay sa ate ko. You must have planned the game so well, Mr. Pelesso.” Ibinalik nito ang pen light sa kanya. “I’m not playing games with you, Vel. This is the reason why I asked if we could talk first. I don’t even understand why you pursue this dinner kahit alam mo nang ako si Jam. But I know why I am here. This is the opportunity for me to make things right—” Inawat siya nito. “Hindi ko pa gustong marinig iyang paliwanag mo. I-reserve mo iyan mamaya. Puwedeng kumain muna tayo?” He shut his mouth pero hindi pa rin siya kumuha ng pagkain. “’Wag kang mag-alala. Walang lason ang mga ito.” Sumandok na ito ng pagkain at nagsalin sa pinggan nito at sumubo. “See? Kumain ka na. Makakauwi ka pang buhay after this.” She rolled her eyes. “Why Vel? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit. Puwede mo naman akong ipagtabuyan na lang, paghahampasin sigawan, murahin. Puwede kang magalit sa akin. Bakit kailangan mong ituloy itong dinner na ito kahit na alam nating napipilitan ka lang?” tanong niya. *** VEL took a deep sigh. “Hindi ba dapat maging thankful ka na lang?” mataray na sagot niya rito. Hindi din naman niya alam ang sagot, eh. Ni hindi din nga niya alam kung bakit nag-effort pa siyang mag-dress at mag-makeup gano’ng isang walang kuwentang tao lang naman ang kaharap niya. Eh, kasi sa teleserye, dapat maganda ka ’pag makahaharap mo ang kalaban mo. I’m just doing the same.  Lihim siyang napangiwi sa naisip. Iba ang nangyari sa nasa isip niyang plano. Kokomprontahin na sana niya si Jam pagkabukas pa lang niya nang pinto pero tila nakalimutan niyang abot-langit ang galit niya rito nang titigan niya ito. It was like her sister was gazing at her and telling her to stop being too hard on him. Naisip niya tuloy na baka kaya niya nakikita ang mata ng ate niya kay Jam ay dahil pinapaalalahanan siya ng kapatid na magpatawad. Kaya kahit gusto niyang hambalusin ito nang walang awa ay hindi niya nagawa. They ended up in that dining table. Hindi pa rin ginagalaw ni Jam ang pagkain habang siya ay nakatatatlong subo na. He was just gazing at her at hindi na siya comfortable. Para siyang kinokonsensya ng kapatid. “Fine! Itinuloy ko ang dinner na ito dahil ayokong magkautang na loob sa ’yo. Ilang beses mo akong tinulungan and I have to repay whether you like or not. In that way, made-detach ako sa ’yo. This is for the good guy named Doctor Kent at hindi sa ’yo.” “Ako pa rin si Doctor Kent,” he said affirmatively. “Hindi ikaw si Doctor Kent sa paniniwala ko these past few days. That good guy was gone.” She continued eating all the food in her plate and he just stared at her. “Kung ayaw mong kumain, bahala ka.”    Few seconds ay sumandok din ito ng pagkain. Tahimik lang sila habang kumakain. Hindi makapaniwala si Vel sa nangyayari. Ano ba’ng kalokohan ’to? Pinagluto ko pa at pinatuloy ng bahay ko ang lalaking ito. Ate naman kasi, nangongonsensiya ka pa, eh.  Hinintay niya itong matapos. “Thank you sa dinner. You cook well,” sambit nito. “I’m saying goodbye to Kent for good. And now, Mr. Pelesso sabihin mo nga sa akin kung bakit mo nagawa ito? Bakit mo ako niloko?” “Hindi ko intension na lokohin ka. The moment we bumped to each other, I thought maaalala mo ako, na makikilala mo ako. But you didn’t—”   “And you took that opportunity na lokohin ako?” “No.” “Then why? Hindi ko makita ang sense na patuloy mong panggugulo sa buhay ko gano’ng simple lang ang pabor na hiningi ko sa magulang mo at sa ’yo; I want you to get lost! ’Wag kang magpakita sa akin. I’ll be perfectly okay with that. Pero hindi ka tumupad; pinaglaruan mo pa ako,” still in her serious tone. “Hindi iyon sa gano’n—” “So, ano?” He looked at her with all sincerity. “Hindi ko matanggihan iyong pagkakataon na makita kang nakangiti at masaya.” Kumabog ang puso niya nang marinig iyon dito. “Huh?”            “Vel, ten years kitang sinubaybayan. It’s not just about the flowers I gave you or the emails or the phone calls. Sinusundan kita minsan, inaalam ko kung saan ka naroon to make sure that you’ll be okay. Call me a stalker or whatever you like. Nakita ko ang bawat luha na pumapatak sa mata mo tuwing dadalaw ka sa puntod ng kapatid mo or tuwing naaalala mo siya. Alam ko kung gaano ka kalungkot sa buhay mo lalo na ’pag mag-isa ka na lang. “I wanted to help you, to cast those tears away. I want to make you happy. But how can I do that if I’m part of the reason why you cry? Bahagi ako ng dahilan ng kalungkutan mo. Pero after we met in the elevator, you were different. Ngumingiti ka, kaibigan ang turing mo sa akin, humingi ka sa akin ng tulong bagay na alam kong ’di mangyayari kung alam mong si Jam ako. In some point pinagpasalamat kong hindi mo ’ko nakilala. Ginamit ko ang opportunity na iyon para tulungan ka sa tuwing kailangan mo ng tulong at para makita kang ngumiti.” “So what kung makita mo akong ngumiti? Ano namang magagawa noong mabuti sa ’yo?” Umiwas siya ng tingin dito para iwasan ang mga matang kahawig ng sa ate niya. Tumungo na lang siya.  “It made me feel better for some reason that I don’t know. It was a once in a lifetime event na alam kong imposibleng maulit lalo na ngayon na alam mo na ang totoo. Kaya kahit alam kong mali, itinuloy ko ang paglapit sa ’yo. It somehow made me believe in a dream that you can be nice to me . . . na puwede mo rin pala akong makita bilang mabuting tao at hindi masamang tao na naging dahilan kung bakit namatay ang kapatid mo. A dream that made me believe that I could be that close to you as a friend.”            Hindi napigilan ni Vel ang luhang pumatak mula sa kanyang mga mata nang muli niya itong balingan. “Wala akong planong maging kaibigan mo. Alam mo iyan! What you have done to ruin my life is unforgiveable.” Tinitigan niya ito. Kailangan nitong makita ang luha out of painful reality. But she was surprised when she saw his tears falling while gazing at her. “I’m so sorry, Vel. Alam ko ang extent ng galit at sakit na nararamdaman mo para sa akin. Buong buhay akong hihingi ng tawad sa ’yo kasi iyon na lang ang kaya kong gawin. Hindi ko sinasadya ang nangyari.” She sobbed. “Bakit ka tumakbo no’ng araw na iyon?”   “Natakot ako, naduwag ako.” Umiwas ito ng tingin nang muling tumulo ang luha sa gilid ng mga mata nito. “I didn’t expect your sister to pass by kasi naka-go signal ang traffic light noon. Nagulat na lang ako, bumangga na siya sa sasakyan ko. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko, tumakas ako—”            “Kung dinala mo siya sa hospital right that moment na nabangga mo siya, mabubuhay pa sana siya!” Tumayo siya at inihampas niya rito nang makailang beses ang bouquet of flowers na ibinigay nito sa kanya. Hinayaan lang siya nito. Sinalo lang nito lahat ng hampas na ginawa niya. Hindi siya nito pinigilan kahit nagkasugat-sugat na ang mukha nito. “Pero dahil tinakbuhan mo ang responsibilidad mo, namatay siya. Naiwan akong mag-isa sa buhay. Hindi mo maiiintindihan kung gaano kasakit iyon dahil buo ang pamilya mo. May mga magulang ka, may kapatid ka. Ako? Siya na lang ang meron ako. At dahil sa’yo, nawala din siya!” Ihahampas pa sana niya uli sa mukha nito ang bouquet nang titigan siya nito. Muli, pinaalala ng pares ng mga mata nito ang kabutihang loob ng kanyang ate. She sighed and just went back to her seat.  “Bumalik ako. Kasi alam kong mali ang tumakbo pero wala na kayo ro’n at sabi ng mga tao, nadala na sa hospital ang ate mo. God knew, ipinagdasal ko na mabuhay siya. Pero pagdating ko ng hospital sinabi mong wala na siya. Hanggang ngayon galit ako sa sarili ko dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung paano ako babawi sa ’yo. Alam kong dalawang buhay ang nawasak ko, ang sa ate mo at ang sa ’yo. Hindi ko na maibabalik ang ate mo. All I can do is to say sorry as many times as I can until you finally have the heart to forgive me.” Pumikit siya nang mariin para pigilan ang pagpatak ng luha mula sa gilid ng kanyang mata. Pagkatapos ay binalingan niya ito. “You don’t have to do that. I just want you to get lost. Tigilan mo na ang pagpapadala ng bulaklak, ng birthday cake, at ng kung ano-anong regalo sa akin. Stop sending me emails and text messages. Never call me again. I want you to disappear. Please just pretend that you never existed. Baka ’pag hindi na kita nakikita at wala ng kahit anong bagay na makapagpapaalala sa ’yo sa akin, hindi na ako masasaktan. Baka mapatawad na rin kita ’pag naglaho ka na.” Papawiin sana niya ang luha sa kaliwang mata nang hawakan nito ang kamay niya para pigilan. “What?” He moved closer to her, kumabog ang puso niya. He slowly wiped her tears using his clean white handkerchief. “I already told you that you should avoid touching your eyes. Kakalat ang infection.”            Natigilan si Vel. Ni hindi niya nagawang tumanggi sa pagpunas nito ng luha niya. That scene ended when he handed her the clean handkerchief. She sighed the0 moment he moved away from her. “Get lost, Jam. Please, get lost.”              “Okay, kung iyan ang gusto mo, gagawin ko. Promise. Salamat sa opportunity na makausap ka. Ilang taon ko ring hinintay na mangyari ito. At least alam ko na kung ano’ng gagawin ko para mapatawad mo ako. I’ll go ahead.” Tumayo na ito. Papalabas na ito ng unit niya nang tawagin niya ang pangalan nito. “Jam . . .” He turned to her. He looked sad and broken, too. And that made Vel feel a little guilty. Nang makita niya ang mga luhang pumatak sa pisngi nito at ang pares ng mata nitong sinserong humihingi ng tawad, natunaw na ang puso niya. Alam niyang iyon din ang gusto ng kanyang kapatid . . . ang mapatawad niya si Jam. The thing was, hindi pa niya talaga kayang magpatawad sa mga sandaling iyon.    “Yes? Any additional request para mapatawad mo ako?” She sighed before speaking. “Sinubukan ko naman na patawarin ka. Hindi ko pa lang talaga kaya. I’m sorry for that.” “I understand. I deserve it or even more than that, maybe.” “May huling tanong ako sa ’yo.” “Ano iyon?” “Sinadya mo rin bang sa ZLCD Reality magpagawa ng resort dahil alam mong doon ako nagtatrabaho?” He nodded. “Yeah, it is intentional. Desperado akong makaharap ka at makausap para personal na makahingi uli ng tawad. But after this talk, it doesn’t make sense anymore. Don’t worry. Huli na nating pagkikita pag nag-present ang ZLCD sa akin ng designs. Hindi mo na ako makikita pagkatapos noon, pangako. Aalis na ako.” Hindi na nito hinintay ang reaksyon niya. Tumalikod na ito at lumabas ng unit niya. Naiwan siyang malungkot at tulala habang nakatitig sa sira-sirang bouquet of flowers na pinaghahampas niya rito kanina at sa puting panyo na nasa kamay niya. She suddenly felt empty. “Bakit gano’n? ’Di ba dapat mas okay na ako dahil hindi ko na siya makikita? Hindi na siya manggugulo. No more annoying flowers, no more emails, no more landline calls. I should feel better.” But for some reason, she felt the other way.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD