NAKITA ni Jam ang ama ni Arthwil na buhat-buhat si Vel sa ’di kalayuan. May tumutulong dugo sa kaliwang binti ng huli. Jam suddenly felt nervous. Ngunit pinilit niyang iisang-tabi iyon. It’s his chance to help Vel again. Pero paano ang pangako mong ’di ka magpapakita? He sighed sabay baling sa nurse. “Prepare the ER tent.” Bahala na kung ano’ng kahihinatnan ng sitwasyon. Basta para kay Jam, gagawin niya ang role niya bilang doctor. “Yes, doc,” tugon ng nurse. Tumakbo siya at sinalubong ang ama ng kaibigan. Vel was still conscious. In fact, she looked like in panic and pained. “Daddy Migs, ang sakit!” Vel kept on uttering. “Oo, eto na ang doctor!” The old man set a glance on him. “Tinamaan ng matulis na bato sa construction site iyong binti niya. Hindi maampat iyong dugo.”