JAM sighed. Wala na siyang nagawa nang mauna nang maglakad si Vel patungo sa kotse niya. Nahusto na lang siyang panoorin ito habang naglalakad ito. Sumakay na sila sa kotse niya. Vel was in the driver seat and he was there in the passenger seat right next to her. “Nakakahiya talaga, Vel. This shouldn’t be this way. I felt sorry for not being able to drive you to work.” Makahulugan siyang binalingan nito. “Wala namang dapat ikahiya roon, Jam. Pero kung nalulungkot ka kasi hindi mo ako maipag-drive, eh, ’di mag-aral ka uling mag-drive para next time, maihahatid mo na ako.” Ngumiti lang siya. Never pa niyang naisip na babalik siya sa pagmamaneho ng kotse. He could drive a motorcycle though but still afraid to go in national road or highways. Halos magpanabay silang nagkabit ng seatbelt