ILANG segundo pa ang lumipas. Akala nga ni Vel ay nakatulog na ito kaya hinayaan na lang niya itong makapahinga. Tatayo na sana siya para sa sofa na lang maupo nang bigla itong magsalita. “Vel?” tawag nito sa kanya sabay slow motion na nagmulat ng mata. Nginitian niya ito. “Get out na rin ba ako?” Ngumiti ito. “Sorry. Hindi mo na dapat nakita pa iyon. Nakakahiya, nakaka-turn off.” Umiling siya. Hindi naman siya na-turn off. More on, na-cute-an pa siya. “Okay lang iyon. At least I know now that you’re still human. It’s actually okay to see your other sides lately. No’ng huli tayong nagkausap, first time kong narinig na nagmura ka with feelings. And now, nakita ko naman kung paano ka maburyong. Nanghahalimaw ka rin pala.” “Well, sabihin na nating iyon ang way ko para hin