MATAMANG nakatingin lang si Vel sa kahon na nakapatong sa center table sa mini sala ng unit niya. Hinihintay niyang bumalik si Jam. After nilang mag-dinner ay nagpaalam ito saglit na mag-shower lang daw muna ito. So she did the same when he went out of her unit. Few minutes more, kumatok na si Jam. Tumayo siya para pagbuksan ito. “Sorry kung nagtagal ako. I got a call from the hospital,” sabi nito sabay upo sa sofa. “Ah, akala ko, naligo ka pa ng pabago,” biro niya nang umupo siya sa tabi nito. Amoy na amoy kasi ang naghahalong shower scent at pabango nito. So fresh, so yummy! Sininghot siya nito sa bandang leeg. Muntik nang makalimutan ni Vel huminga. That gesture brought some thrilling sensation to her senses. “Mukhang ikaw din naman, nanligo ng pabango. Quits lang tayo.” Eks