Aguy!Nadimunyu!

1333 Words
C L O U D's POV Nag aasikaso na ako ng baon namen ng aking mabait na ate. Ako kasi ngayon ang nakatoka sa pag luluto. "Cloud, Tapos mo na ba prituhin yung tuyo ?" Tanong niya habang nasa loob sya ng paliguan namen. "Seryoso ka teng ? Mag babaon ka ng tuyo ? College ka na uy ! Mamaya pag tawanan ka ng mga kaklase mo eh !" Alibi ko. Sa totoo lang, ayoko na kasi mag prito nun kakapit lang sa damit ko yun eh. Pero dahil positive lang tayo at kaya nating gawan ng paraan ang mga bagay bagay, Sige mag prito tayo. Nag prito ako ng limang piraso. Tatlo kay ate at dalwa sa akin. "Teng baon ko." Sabay lahat ng palad ko. Napakunoot noo pa sya habang nakatingin sa akin. "Oh ?May pag kunot ng noo Gloria? " Tanong ko sa kanya. Isang malakas na hampas ang natanggap ko mula sa kanya. "Bwisit ka !May pag tawag ka pa ng tunay na pangalan!!" Habang gigil sya sa pag hampas sa akin ng dala niyang folder. Glory naman talaga ang pangalan niya. Ang cute lang kasi talaga niyang mabwisit kaya lagi ko syang inaasar. You know, lambingan ganun hahaha ! "Aray ! You ouch me ! how derr you ! Wala kang manners ?!" Sigaw ko sa kanya. Nag tawanan nalang kami sa kalokohan ko. Binigyan niya naman ako ng baon. Pero hindi ng pamasahe since halos tapat lang bahay namen ang pinapasukan kong eskwelahan. "Hep !!!" Sabay harang ng kamay niya sa akin. "Ano na namang problema mo sa kin manong guard? Halos araw araw mo na akong pinapahinto at hinaharang ah ? Ganyan mo ko ka love ? " Biro ko sa kanya. "Eh kung araw araw mo ba naman sana suot yang id mo edi sana hindi kita araw araw hinaharang. Nakakasawa din kaya yang muka mo no !" Ganting biro niya sakin. Nakita ko na mang pasimpleng tumawa ang kasama niyang tigre sa gilid. White tiger ito na may stripes na yellow. Taga amoy daw ng mga ipinag babawal dito sa campus. Sensitive daw mga pang amoy ng mga yan kaya sila ang nilagay sa mga ganitong trabaho. Yung iba nasa military kenemerut eh. Ututan ko kaya yan no? Di kaya mahimatay yan ? Sa totoo lang , close naman kami ni manong guard eh. Dikit kami niyan, kaso nga lang talaga hindi sya kunsintidor. Pag mali ka, mali ka talaga. Kinuha ko ang id ko sa bag at sinuot iyon. Lumingon ako sa kanya nang tinawag niya ako , patalon akong humarap sa kanya. "Satisfy ?" Tanong ko. Sabay irap sa kanya. Napatalon din sa gulat ang kasama niyang tigre at umangil ito sa akin. Bine-latan ko lang sya. Napansin ko ang pag irap nito sa akin. Parang hindi nasanaya ah ! Ha! Ha! Alam ko namang alam ni manong guard na nag bibiro lang ako kaya tumawa sya sa akin at iiling iling. hinayaan niya na din naman akong pumasok sa campus. Nasa loob na ako ng room namen. By the way, Grade 11 nga pala ako at ang kinuha kong strand eh Basic Alchemy. Akala ko kasi madali eh, mahirap pala ! napasubo tuloy ako ! "Tanga ! Tanga ! si Cloudette Tanga !" Sigaw ng parot ni Reed habang paikot ikot na lumilipad sa tapat ko. "Pag ako na imbyerna sayo ! Fried parrot ka sakin !" Pag babanta ko habang binabato ko sya ng papel na pinunit ko sa notebook ko. "Reed ! Cloud evil !! Reed ! Cloud evil !!" Sigaw ng parrot ng mahuli ko sya at hawakan sa leeg para sakalin. Pero hindi ko naman talaga sya sasakalin eh. Konti lang. "Ano ?! Sino ang evil ha ? Parrot ? Hawak na kita! Magiging fried parrot kana ! Sakto gutom ako wala akong almusal Ha! Ha! Ha!" Habang pinapakawalan ko ang evil laugh ko ay nawalan ito ng malay. Tawang tawa na lumapit sa akin si Reed at kinuha ang walang malay niyang parrot. Pinasok niya muna ito sa cage niya para makapag pahinga. "Adik ka talaga cloud. Pati si Clown pinag tripan mo ha! ha!" Ani Rees sa akin. Ewan ko ba sa parrot niya na yan. Lagi kasi akong inaasar eh. Pero lab lab ko yang parrot niya na yan. Siguro ganyan na talaga bonding naming dalawa. "Ikaw ba namang tawaging tanga eh, hindi ka mapikon ?" Ani Jaimie na nag mamasid lang sa amin sa gilid. "Oo nga naman." Pag agree ko. Napakamot sa ulo si Reed inexplain niya naman samin kung bakit ganun ang inasal ng parrot niyang si Clown. "Loko ka ! Bat kasi naka loudspeaker ka ?!" Pagalit ko sa kanya. Last night kasi nag usasp kami about sa crush kong si Reiley na nasa Kabilang building. Hindi ko alam ang strand niya. Senior high na sya eh, graduating na. Hindi ko sure pero parang Basic mage yata kinuha niya. So ang gwapo niya kasi tapos very approacheable pa. Tapos one time kasi nakita ko sya sa likod ng gym. May kahalikan sya !!!! Lalaki !!!! uwaaaaahhh !!1 My hearts cry cry cry!!! Bading pala sya bhii !!! So ayun nga kinuwento ko kay Reed tapos etong lecheng parrot niya Nakikinig pala ! Aguy talaga ! Nadimunyu ang animal !!!! Nasa Canteen na kami nila Reed at Jaimie. Hindi muna sinama ni Reed si Clown nilagay niya muna sa pet center. Ang kulit kasi eh. "Sorry talaga Cloud. Inaasar ng inaasar ka tuloy ni Clown. " Pag papaumanhin ni Reed. "It's ok. Sanay naman si Cloud sa mga ganyang bagay ha! ha!" Ani Jaimie. "You shatap ha!It hurt hurt me." Sabay subo ng paborito kong palabok. "Ehemm . Cloud si Ano. " Sabay turo ni Reed kay Reiley. Halos mabilaukan naman ako ng pag lingon ko ay nasa tabi ko na sya. "Can we talk ?" Anya sa mababa at sweet na tono. Hindi muna ako sumagot. Kumuha ako ng napkin at pinunasan muna ang aking bibig. "Please ? This is important to me, I want to make things clear to you, I know you saw us last time." Napahinto naman ako sa ginagawa ko. Totoo ba to ? Kinakausap niya ako gamit ang isip lang. Nakatingin lang ako sa kanya. "I know nakaka shock yung nakita mo pero hindi yun gaya ng inaakala mo. So please mag-usap tayo." Usap for what ? Napabuntong hininga nalang ako. Pinag titinginan nadin kami ng mga tao. Ayokong ma issue pa ako. "Sige mamaya sa likod. Basta alam mo na yun." "Thank you very much." Pinag patuloy ko na nag pag kain ko ng palabok. Si Reiley naman ay tumalikod at umalis na din. "Sooooo,,, Anong napag usapan niyo? Balita ko etong si Reiley ay may kakayahang makipag usap sa pamamagitan ng isip lang." Ani Jaimie. Alam ko naman na excited silang malaman kung anong napag usapan namin ni Reiley. Alam kasi ng mga animal na to na super crush ko si Reiley not until nung nakita ko nga yung bagay nayun . Grabeng turn-off ang nag yari sa akin grabe. "Gusto niya lang naman makipag usap eh." Seryoso kong sagot habang nililigpit ang pinggan na pinag kainan ko. "Usap? About saan ?" "Ah alam ko na akung about saan yan." Ani Reed. "Oo tama ka about nga yun dun." Pag agree ko. Napahampas ng malakas si Reed sa lamesa. "I knew it !" Ani pa ni Reed. "Mauna na ako mga yawa. May kakausapin pa ako eh lam niyo naman." Nauna na akong tumayo . "Hoy yung kifay ha ! Baka mabasa yan !" Sigaw ni Jaimie. Nag dirty finger lang naman ako bilang ganti sa kanya. Pumasok muna ako sa Powder room para ayusin ang sarili ko. Nakakahiya naman humarap sa kanya na amoy asim ako noh. Muka na ngang maasim tapos amoy asim pa !! Lumabas na ako pag tapos at nag tungo na sa meeting place namin ni Reiley. Ang aking ultimate crush ! Aguy ! nadimunyu ang animal !!! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD