Chocolate mountain ice

1358 Words
R E I L E Y's POV Ang tagal naman niya ? Kanina pa ako dito ah. Parang tanga naman kasi tong si Fleinx, tatanga tanga ! Mag lalakad na nga lang napaka lampa pa! Napasapo nalang ako sa noo. Imagine ? It was my first kiss tapos ..... Halos masuka suka ako pag naaalala ko ang pang yayaring yun. My Gosh !!! Pakiramdam ko nag init ang buo kong katawan. Sa inis. Makita ko lang talaga ulit yun si Fleinx, sisiguraduhin ko talagang bugbog ang aabutin niya sa akin. Umupo muna ako sa lilim ng malaking puno dito sa likod ng Gym. Pinikit ko muna ang mga mata ko, hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Pag dilat ko napansin kong medyo may pag ka orange na ang paligid. Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita ko ang isang babae na nakasandal sa puno at nakapikit. Tinitigan ko sya at napansin kong mahimbing ang tulog niya. Dahan dahan akong tumalikod at tatayo na din sana ng maalala ko na may kikitain nga pala ako ngayon. Lumingon ako sa babae at namukhaan ko sya. Siya yung babaeng kikitain ko sana! Bumalik ako sa pwesto ko. Ang panget naman kung iiwan ko sya dito matapos niya akong samahan sa pag idlip diba ? Maya maya pa ay nagising na din siya . Nagulat pa ako ng bigla itong tumayo at nag pupungas pungas. "Relax." Tumingin ito sa akin na animoy nakakita ng multo. Nataranta sya at di alam ang gagawin. "Bat hindi mo ako ginising ?" Tanong ko sa kanya. Maya maya ay kumalma naman sya ng mapansin niyang wala naman akong ginawa kundi nakahiga langa. Dahan dahan itong umupo at inayos ang kanyang buhok. Kinuha nito ang cellphone niya at binuksan ang camera. I know the purpose . Para tignan ang mukha niya. "Don't worry hindi ka naman nag laway eh." "So anong pag uusapan natin?" Tanong niya. Binalik niya nag phone sa loob ng bulsa niya at tumingin sa akin. "Yung tungkol sa nakita mo last time ." Seryoso kong sagot. Napakagat labi naman siya sa narinig. "Secret lang ba yun ? Sinabi ko na kasi sa mga friend ko. Sorry." Para akong nawala sa earth after kong marinig yun sa kanya. "Se-seryoso ka ? Bakit mo naman pinag kalat agad yun?!" Hindi ko na mapigilan ang mag taas ng boses. Napatayo nadin ako dahil sa tense na nararamdaman ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa totoo lang. Bwisit kasi tong si Fleinx ! Mabubugbog ko talaga sya eh! "Teka wag ka magalit. Agagalit ka agad eh ?" Anya habang nag bubunot ng d**o sa kinauupuan niya. "Hindi ako galit!!" "Eh bat ka nasigaw ?!" Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Huminga muna ako ng malalim at sinubukang mag focus. "Sorry. Ano nga ulit ang name mo?" Tanong ko sa kanya. "Cloudette Edelberg Maniquin. Cloud for short." Sagot niya. "I'm Reiley de'Grey. "Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at inabot niya naman ito. "Ehem. " I clear my throat first baka kasi pumiyok ako habang nag eexplain sa kanya. Umayos naman sya ng upo na nakaharap sa akin. By the way, naka upo lang kami sa damuhan sa ilalim ng malaking puno dito sa likod ng Gym. "Yung nakita mo last time ay isang malaking mis-understanding. " Pasimula ko. Nakatingin lang sya sa akin habang napahinto naman ako at nag iisip ng susunod kong sasabihin. "Tapos?" Anya. Bakit parang nakakakaba naman to? Parang pakiramdam ko sa mga tingin niya eh jina -judge niya ako. Naramdaman ko naman ang pag init ng buo kong muka. "It was Fleinx, Napatid sya habang nag lalakad papalapit sa akin. May ipapakita kasi sa akin sya that time kaso he stripped. And suddenly he landed on my lips." Nahihiya akong yumuko. I don't know kung maniniwala ba sya sa akin or what. Basta sinabi ko na sa kanya ang totoo. "Hindi ka naman mukang sinungaling eh." Inosente niyang tugon. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti ito sa akin. Medyo matagal tagal din ang sandaling titigan portion na yun. Ngayon ko lang napansin na bilugan pala ang mga pata niya. Maliit ang kanyang ilong at may pag ka mataba ang mga pisngi niya na mala kulay rosas na pumartner sa mahaba niyang buhok na kulay rosas din. Manipis lang din ang mga labi nito. Hindi sya mataba hindi rin sya payat. Katamtaman lang ang katawan niya. "So ? You mean to say naniniwala ka sa akin?" Pag ka clarify ko. "Uhmm." Tugon niya. Tumayo ito at nag pag pag ng paldang uniform. "Yun lang pala sasabihin mo kala ko naman kung ano. " Tumalikod na ito at akmang lalayo na sa akin kaso bigla syang napahinto. "Any problem ?" Tanong ko. Humarap sya sa akin at nag make face. "Nagugutom na ako ." Sagot niya. Napatawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. Hindi siya nahihiya sabihin kung anong nararamdaman niya kahit kakakilala palang namin. --------------- "wow naman ! Muka tong mamahalin ah ? Anong tawag dito ?" Mang hang mangha sya sa Chocoloate mountain ice na nasa harapan niya. Lalong bumilog ang mga mata nya at talagang nag lalaway sya, Nakakatuwa naman tong taong to. Ngayon lang kasi ako nakakita ng kagaya niyang hindi nahihiya sa harapan ko. Lahat kasi ng babaeng sinasamahan ko kumain nahihiya sa akin. Kahit sa pag subo ng kakainin nila nahihiya sila. Medyo nakakainis nga kasi pinipilit nilang maging cute sa harapan ko samantalang itong babaeng to walang arte arte. "Ang sarapppp !!!" Aniya habang napapikit pa nga na ninanamnam ang sinubo niyang ice cream. "Told yah' masarap dito ." "Mahal siguro to no ?" Tanong niya. "Hindi naman ." Sagot ko. "Pag naubos ko to... Pwede ba umorder ulit ?" aniya. Ramdam ko sa boses niya na nag aalinlangan syang sabihin yun. Siguro nahihiya sya. Napatawa naman ako. Kakaibang babae talaga. "Order as you want. " Nakangiti kong tugon sa kanya. "Waaaahhh !!!!Seryoso ? Sabi mo yan ahh. Walang bawian." "Ikaw naman mag babayad eh." Biro ko. Napansin ko ang biglang pag lungkot niya. Kaya nakonsensya naman ako. "Joke lang." Ani ko. And she dive to her chocolate mountain without hesitation With a joyful smile. Napansin kong nag karoon ng dumi ang gilid ng labi niya dahil sa naoaka careless niyang pag subo ng pag kain. Wala na nga siyang pakialam sa akin kahit alam niya namang nasa harap niya ako or hindi na niya naalala na nasa harap niya ako ? Akma ko sanang pupunasan ang gilid ng labi niya ng maisip kong baka may makakita at ma issue kami. Bumalik nalang ako sa ayos ng pag kakaupo habang pinapanuod syang matapos kumain. Nag order pa sya ng isa at inubos nya yun ng simot. Hinatid ko sya sa kanila at umuwi na din ako. ------- "Reiley !" Sigaw ni Fleinx. Kilalang kilala ko ang boses niya. Lumapit sya sa akin ng may isang napakagandang ngiti. Naalala ko ang nangyari at kahihiyang nakuha ko dahil sa kanya. Napakuyom ako sa kamao ko. Inaantay ko lang na makalapit sya sa akin ng husto. Isang malakas na sapok ang pinakawalan ko sa kanya pero nasalag yung ng body shield armor ni Fleinx. "What's up !" Energetic niyang bati sakin. "Ma what's up ! What's up kita dyan eh !" Gigil na wika ko. "Whatapen close open ?" Umupo ito sa sofa katabi ko. "You stole my first kiss !" Pabulong ngunit gigil kong wika sa kanya. Pagak naman syang tumawa. Kumamot sya sa ulo niya at inayus ang hawi ng kanyang buhok. "Me too Reiley. Me too." Sabay bunghalit ng tawa. "You two kissed ?!" Sigaw ni Doudegh. Sabay kaming napalingon sa likuran namin. "Hey bro ! Reiley and Fleinx kissed!" Tinawag ni Doudegh sina Blake and Jazzper Lumapit ang dalawa nang may nakakalokong mga ngiti. "Grabe naman kayo ? Hindi niyo man lang kami iniform na may chukchakan na palang nagaganap between you two." Pang aasar ni Doudegh, "Shatap ! You don't know the truth Dough." Sinuot ko nalang ang earphones ko at nakinig ng music. Na stress ako sa mga to baka hindi ako makapag timpi, gawin kong mga daga to eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD