“AMICIA, huwag ka naman magpadalus-dalos sa desisyon mo.”
From packing my things in my suitcase, I stopped for a moment and glanced at Taby, who was sitting on the edge of my bed watching what I was doing.
“Taby, you don’t understand how I feel right now,” I said. “Papa wants that woman to live here with us. What do you want me to do? I will stay here and force myself to treat that woman well?” I asked her in disbelief. “You know I can’t do that, Taby.”
“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon, Amicia,” sabi nito. “Ang akin lang... You need to think first about what your decision will be. Kapag umalis ka rito sa bahay ninyo, sino na ang magbubuhay reyna dito? ’Yong Natalie na ’yon? Gusto mo bang angkinin na niya itong bahay ng mama at papa mo? Kapag umalis ka, ibig sabihin lang n’on mahina ka at madali ka lang maaapi nang Natalie na ’yon.”
Natahimik at napaisip naman ako bigla sa mga sinabi ni Taby sa akin. Later, I heaved a deep breath and slumped my shoulders as I sat up on my bed.
“Naiinis lang kasi ako kay papa, Taby,” sabi ko. “Why is he doing this to me? Siguro hindi niya na ako mahal kaya mas mahalaga sa kaniya ang negosyo niya, tapos ngayon nandiyan pa ang Natalie na ’yon. Leaving this mansion is the only choice I have right now. But you’re right.” Saglit akong huminto sa pagsasalita ko at sinulyapan ko ito. “If I leave here, it’s like I’ve given that woman her rights to rule the house. This is mama and papa’s house so, walang ibang puwedeng umangkin dito kun’di ako lang.”
“Tama ka. Kaya huwag kang umalis agad dahil lang gusto ng papa mo na patirahin dito sa bahay ninyo ang babaeng ’yon. Instead, do something para mapaalis mo siya at maghiwalay sila ng papa mo.”
Muli akong napaisip sa mga sinabi ni Taby. Mayamaya ay napangiti ako nang may maisip ako na idea.
“You’re right, again, Taby,” sabi ko. “I need to do something para umalis agad dito sa bahay ang Natalie na ’yon.” Muli akong tumayo sa puwesto ko at isa-isang ibinalik sa closet ko ang mga damit kong inilagay ko sa maleta ko.
“Sige na! Babalik na ako sa kusina. Sasamahan ko pa kasi si Inay mamaya at magpupunta kami sa talipapa para mamalengke.”
“Thanks, Taby,” nakangiting sabi ko rito.
“Sabihan mo lang ako kung may kailangan ka, okay?”
“Yeah. Thanks again.”
Tinapos ko muna ang pag-aayos sa mga damit ko saka ako lumabas sa kuwarto ko at bumaba sa sala. Walang tao roon. And when I got out the main door, I heard a noise from the swimming pool area. Naglakad ako papunta roon. And I saw Natalie. She was only wearing a red two-piece string bikini. Nakatayo ito sa gilid ng pool. Well, maganda rin naman ang katawan ng babaeng ’to! I mean, pati rin naman ang mukha nito. Mas bagay rito kapag walang makeup. But I still hate her.
Mayamaya ay nag-dive ito sa tubig.
Nang makarating ako sa gilid ng swimming pool, nakapamaywang na tumayo ako roon habang pinagmamasdan ko itong sumisisid pabalik.
“Enjoying the pool water?” Mapanuyang tanong ko rito nang umangat ito mula sa tubig.
Bigla naman itong ngumiti sa akin. “Nandiyan ka pala, darling.”
I rolled my eyes. “Oh, don’t call me darling. I’m not your daughter.”
Ngumiti pa itong lalo at pagkuwa’y lumangoy papunta sa may hagdan at umahon ito. Sinusundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makalapit ito sa isang lounge chair at dinampot doon ang towel.
“Alam kong ayaw mo sa akin, Amicia,” sabi nito.
“Good to hear that. At least now you know I don’t like you for Papa.”
“That’s not a problem for me, darling. This is not the first time I have encountered a spoiled brat daughter of my sugar daddy.”
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nito. Ako spoiled brat? “I’m not a spoiled brat, Natalie. I just don’t like you.”
Tumawa ito ng pagak. “Your papa told me so.”
Seriously? Si Papa mismo ang nagsabi n’on sa babaeng ito? I can’t believe it. I don’t ask my father for money and I don’t ask him to buy me expensive things. He himself gives me money to bribe me for the times and bonding that we should do together, but he prefers to go to his business meetings. Sinusuhulan niya lang ako para hindi ako magtampo nang husto sa kaniya.
I fixed a sharp gaze on her. Ipinag-cross ko rin sa tapat ng dibdib ko ang mga braso ko and raised an eyebrow at her.
“I don’t really like you, Natalie,” I said. “I know women like you are only after money from papa. Well, he’s a rich man. And strippers like you only depend on old rich men to make money.”
Biglang naging seryoso ang mukha nito matapos kong banggitin ang mga katagang iyon. Napangiti ako ng nang-uuyam.
“Did I hurt your feelings, Natalie?” tanong ko. “Well, the truth really hurts.”
“You don’t know me, Amicia.”
“And you don’t even know me, Natalie.” Sinuyod ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa. “You can’t stay in this house. This is my parent’s house, so I will do everything to get you out of here, Natalie.”
Muli itong ngumiti at tumawa ng pagak. “Papa mo ang nagsama sa akin dito, Amicia. Kaya siya lang ang magsasabi sa akin kung kailan ako aalis. Kahit ano ang gawin mo, hindi ako aalis dito.”
Napatiim-bagang ako at muli itong tinapunan ng matalim na titig. Magsasalita pa sana ako, pero narinig ko naman ang boses ni Papa mula sa likuran ko.
“Nag-uusap pala kayong dalawa.”
Nakasimangot na nilingon ko si papa.
Si Natalie naman ay naglakad palapit kay Papa at kaagad na yumakap sa baywang nito. “Um, yeah, honey! We’re just talking.” Ani nito at fake na ngumiti sa akin. “I mean, siguro this is the start para maging magkaibigan kami ng anak mo. Right, darling?”
Mas lalo akong napatiim-bagang.
“Really, princess?”
Pero sa halip na sagutin ang tanong ni Papa, mabilis akong tumalikod at naglakad palayo para iwanan sila.
Ugh! I really hate that woman. Humanda talaga ito sa mga gagawin ko para umalis ito sa bahay.
NAGISING AKO dahil sa malakas na tunog ng alarm clock ko. I’m still sleepy and I don’t want to get up, but I have no choice kun’di tumayo matapos kong patayin ang isturbo kong alarm clock. I immediately walked to the bathroom. It’s already seven in the morning, and my first class is at eight.
Kaagad akong naligo at nagbihis ng uniform ko. At pagkatapos, sukbit ang shoulder bag ko, lumabas ako sa kuwarto ko at bumaba sa sala. When I entered the kitchen, I found Papa and Natalie already having breakfast.
“Morning, princess!”
“Morning, Pa!” Walang buhay na bati ko saka sinulyapan si Natalie na nakaupo sa puwesto ko.
“Good morning, darling.”
Ugh! Umagang-umaga, naiinis na naman ako sa babaeng ito. Lalo na kapag tinatawag akong darling. We’re not okay kaya bakit ako nito tinatawag ng ganoon?
Inirapan ko lang ito.
“Excuse me. That’s my seat,” sabi ko.
“Come on, princess. Dito ka na umupo sa kabila.” Anang Papa.
“Papa, since I was little. This is my seat.” I pointed to Natalie sitting on the right side of the table.
“It’s just a chair, Amicia. Gagawin mo pa bang big deal? Nakaupo na si Natalie.”
“No, honey! It’s okay. Lilipat na lang ako sa kabila.”
“But—”
“Okay lang,” sabi nito. Ngumiti pa ito nang muli akong lingunin. “Come on, darling. You can have your seat. Sumabay ka na sa amin ng papa mo mag-almusal.”
Lihim akong napabuntong-hininga at muling napairap. Why does she have to act nice when Papa is in front of us?
Inilapag ko sa dulo ng mesa ang bag ko saka ako umupo. Tahimik akong naglagay ng pagkain sa pinggan ko. “Where’s my milk?” Tanong ko at sinulyapan si Natalie.
“Amicia, Natalie is not a maid—”
“But I want her to get me a glass of milk, Pa.”
Tiim-bagang na binitawan ni Papa ang kubyertos na hawak nito at seryosong tinitigan ako.
“Amicia Vittoria—”
“Honey, it’s okay.” Anang Natalie na hinawakan pa ang braso ni Papa.
“But, hon, this young lady—”
“No problem. Madali lang naman magtimpla ng gatas, honey. Huwag mo ng gawing big deal.” Ani nito saka tumayo sa puwesto nito.
Pinilit kong ngumiti kay Papa saka itinuloy ang pagkain ko.
“Ayosin mo ang behavior mo, Amicia.”
Hindi ko pinansin ang sinabi ni papa. Kumain lang ako ng tahimik. Pagkatapos, dinampot ko ang baso ng fresh juice ko at ininom iyon. Pagkalapag ni Natalie sa gatas na ipinatimpla ko rito, tumayo ako sa puwesto ko.
“Ang bagal mong kumilos. Tapos na akong kumain. Bye, Pa.”
“Amicia—”
Hindi ko na pinakinggan ang ibang sinabi ni Papa. Basta nang makuha ko ang bag ko, I hurried out of the kitchen and headed for the main door. Right after I got out of there, I almost bumped into the half-naked man. He was wearing only black jogging pants and his body was full of sweat.
“Oh, I’m sorry!”
My forehead suddenly furrowed when I recognized his voice. And when he raised his face, his eyebrows furrowed too when our eyes met.
“You?”
Sabay na saad namin sa isa’t isa.